Home PEx Local Entertainment Showbiz - Male Celebrities
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

CARLO AQUiNO .thread 3.

1164165167169170173

Comments

  • ppsstt13ppsstt13 Member PExer
    f5e2845a898a11e28ea222000a9f1946_7.jpg
    :bashful:
  • ppsstt13ppsstt13 Member PExer
    Gretchen Barretto ‏@GretchenBarreto 1 Dec

    Carlo Aquino is really one of the best actors of the country. I hope he'll be given another break on his acting career. #MMK

    images?q=tbn:ANd9GcSoo3E3mCDmAL17iG9HlVnvoYLTXDIwcJVOxo6hNqiFhJZhK-vz
  • ppsstt13ppsstt13 Member PExer
    @ Skypark Infinity Pool
    90a7baf8993c11e2813a22000a1fb833_7.jpg
  • ppsstt13ppsstt13 Member PExer
    Movie Supporting Actor of the Year @carloaquino11 crisnavarro10 #29thStarAwardsforMovies
    0115fad489a211e29f2e22000a1fb37d_7.jpg
  • ppsstt13ppsstt13 Member PExer
    SylviaSanchez Atayde ‏@sylviasanchez_
    Ang galing mo carloaquino!!


    Marissa Sanchez ‏@TrulyMarissa 51m
    I MUST BE RYT: Sinala ang cast ng DUGONG BUHAY.gagaling lht umarte.so far,GANDA NG PILOT EP NILA!galing ni Carlo Aquino!kaloka,hawig ni IAN.

    DominicCrisologoRea ‏@Dominic_Rea 17h
    Ang galing ni Carlo Aquino sa @DugongBuhay right guys? Winner!!!👏👏👏


    SALAMAT sa lahat ng mga nanood ng #DugongBuhay pilot episode kanina..ü And thank you for your tweets! :) Congrats papa @carloaquino11!!! ;)

    Yssa Asistio ‏@TheSexyYssa 17h
    Galing galing talaga ni @carloaquino11 :)

    Nadia Montenegro ‏@OfficialNadiaM 18h
    @carloaquino11 Iba ka!!!! #dugongbuhay


    Alyana Asistio ‏@AlyanaAsistio 18h
    Umiiyak uli kahit napanood ko na;( galing moooo @carloaquino11 swear #dugongbuhay

    Nikki Valdez ‏@nikkivaldez_ 18h
    @carloaquino11 biiiiii! Ang galing mo! Congrats!!!! 👍#DugongBuhay
  • ppsstt13ppsstt13 Member PExer
    Carlo Aquino and Valerie Concepcion shine in the TV series 'Dugong Buhay'

    The "Family Network" aired its newest afternoon TV series "Live Blood" (or Dugong Buhay in Filipino translation) just Monday, April 8, 2013, based on the fans reaction to the 30 minutes episode of the TV series, Carlo Aquino and Valerie Concepcion have successfully portrayed their characters in "Live Blood."

    The fans expressed their excitement to watch the next episode of "Live Blood" in the micro-blogging site Twitter, they are also congratulating the casts including Carlo and Valerie for their remarkable performances, according to them, they played their roles maturely.

    Meanwhile, a lot of viewers are saying that Carlo Aquino is still on his prime after he left his favorite TV station many years ago and transferred to other TV network, and now that he came back, they wish him to stay in the backyard of ABS-CBN.

    No doubt about it, Carlo has delivered his best performance in "Live Blood" (or Dugong Buhay in Filipino translation), but based on the report, he has a very short appearance in the Toto Natividad directed TV series that is why his supporters in print and social media are now appealing to the management to give him another break to prove his worth as an actor.
  • ppsstt13ppsstt13 Member PExer
    A new Carlo Aquino at ABS-CBN
    POSTED ON APRIL 8, 2013 AT 12:03 AM 0 COMMENT
    Nagbabalik sa ABS-CBN at Star Magic ang award-winning actor na si Carlo Aquino.
    Ang unang proyekto ni Carlo sa kanyang pagbabalik sa Kapamilya network ay ang guest role niya sa teleseryeng Dugong Buhay.
    One week lang siyang mapapanood sa seryeng ito ngunit, base sa teaser na ipinakita sa press, markado ang ginagampanan niyang papel bilang batang Simon (Noni Buencamino).
    Maaliwalas ang aura ni Carlo nang makausap namin siya.
    Noong isang araw ang grand launch ng Dugong Buhay ngunit na-late ng dating ang 27-year-old actor dahil galing pa siya sa team-building ng cast ng Anna Liza sa Tagaytay.
    Ang remake ng Anna Liza ang susunod na proyekto ni Carlo sa ABS-CBN.
    Tinanong si Carlo kung ano ang ginawa niya nang nag-lie low siya sa showbiz.
    Sabi ng dating child actor, “Nag-business ng tarpaulin printing. Ngayon, may food truck na ako at saka yung farm.
    “Kaya lang, eto talaga yung hanap, e… maligaya ako pag umaarte.
    “Kaya lang, noon kasi… napi-pressure ako sa gusto ng tao.
    “Masyado kong iniisip kung ano’ng sasabihin ko ba. Ayaw ko kasi magkamali, e.
    “Natatakot ako, pag nag-fail, kung anu-ano ang sasabihin ng mga tao. Yun ang ayaw ko.
    “Nakalimutan ko ang mag-enjoy. Masyado akong, ‘Eto dapat.’
    “Sobrang gusto kong ipakita kung ano ang kaya ko.
    “Sa kakaisip ko, hindi ko nagagawa.”
    Okey na ba siya ngayon sa kanyang pagbabalik?
    “Oo. Mas nai-enjoy ko na,” sagot ni Carlo.
    Hindi ba siya bumalik sa school nang hindi siya masyadong active sa showbiz?
    Sagot niya, “Hindi… hindi.
    “Pero baka ngayon pumasok ako sa McKinley. Pero hindi pa sure.
    “Kasi nga kababalik ko lang sa ABS, e. Excited pa ako. May taping nga ako sa Friday.
    Ano ang reaksiyon niya na marami ang natuwa nang makita siya sa teaser ng Dugong Buhay at nagpapamalas na naman ng galing at lalim sa pag-arte?
    Sabi ni Carlo, “Masaya ako na nandito ulit, lalo na sa pagtanggap ni Mr. M [Johnny Manahan, Star Magic head] sa akin ulit.
    “Yung ni-request ako ni Ms. Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president] sa MMK. Binigyan ako ng ABS ng ikabubuhay.
    “Ngayon, may Anna Liza… sobrang ang daming nangyari.
    “Heto, ini-interview niyo ako ulit.”
    Bakit umalis siya sa Viva Artists Agency?
    Ayon kay Carlo, “One year nang wala.
    “Kinausap kasi ako ni Mr. M. Nag-anniversary sa ASAP. Pinag-guest yung mga dating nasa show. Pinatawag niya.
    “Sabi niya, ‘O, ano? Are we good enough for you now?’
    “’Hindi naman po ganoon, Mr. M.’
    “’Hindi, joke lang. Babalik ka na ba?’
    “Sagot ko, ‘Kung puwede lang po sana. Gusto ko pong magtrabaho ulit.’
    “Sabi niya, kausapin mo si Nanay Cris [Navarro, handler niya sa Star Magic] mo. Ipahanda mo ang kontrata.’
    “Para tanggapin ka ng ganoon, sobrang happy ko talaga at pasalamat.”
    Nagsimula si Carlo bilang child actor sa mga palabas ng ABS-CBN at mga pelikula ng Star Cinema.
    Ibig bang sabihin ay hindi siya kuntento sa Viva?
    “Hindi ganoon. Tapos na yung kontrata,” paglilinaw ni Carlo.
    May regrets ba siya na umalis siya sa ABS-CBN?
    Sagot ni Carlo, “Wala naman kasi nabigyan naman ako ng Viva ng Bituing Walang Ningning.
    “At saka kasi yung pagsisisi siguro, para dun sa mga ayaw nang lumaban… ayaw nang mabuhay… wala nang fire, wala nang inspirasyon.
    “And ako, iniisip ko na kailangang manggaling sa sarili na, ‘Tumayo ka, matagal ka nang gumagapang.’”
    Paano naibalik yung confidence niya?
    “Para kausapin ka nga ni Mr. M, iba yun, kasi hindi naman nagsasalita yun.”
    Ano naman ang reaksyon ni Carlo na nabuhay ulit ang breakup nila noon ni Angelica Panganiban?
    Sa latest interview kasi ng aktres para sa Star Studio magazine ay inungkat ang lovelife niya. Sa artikulo, ang sinasabing dahilan ng breakup nina Angelica at Carlo ay niligawan ng aktor si Camille Prats habang ka-on niya si Angelica.
    “Hindi ko alam, e. Ano’ng sabi niya?” reaksiyon ni Carlo.
    “Ang tagal-tagal na yun. Ang tanda-tanda ko na.
    “Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya.
    “Opinyon naman niya yun, e. Wala naman ako sa lugar para magsalita.
    “E, totoo lang naman na tao yun, e, kung ano ang sasabihin niya…”
    So, inaamin niya ang mga sinabi ni Angelica?
    “Oo,” mabilis niyang sagot.
    Pero dagdag ni Carlo, “Bata pa naman ako noon, e.”
    Sabi rin ni Angelica, hindi nag-grow ang relationship ni Carlo.
    “Kasi bata pa po kasi kami,” diin ng 27-year-old actor nang hingan ng reaksiyon dito.
    Kumusta na sila ni Angelica kapag nagkikita ngayon?
    “Okey naman. Hindi ko na maalala kung gaano na kami katagal hindi nagkita.
    “Last year pa. Birthday ni John [Prats] sa Banana Split. Yun ang pinakahuli kong naalala.
    “Okey naman kami. Wala namang problema.
    “Pumupunta pa ako noon sa bahay nila ni Derek [Ramsay]. Tumatambay kami sa may Posadas, sa may Sucat.”
    Kung si Angelica ay masaya na sa piling ng bagong boyfriend nito na si John Lloyd Cruz, si Carlo ay masaya rin sa kanyang girlfriend na si Kristine Nieto.
    Si Kristine ay dating miyembro ng all-girl group na Eurasia.
    Ilang years na sila?
    “Magti-three,” sagot ni Carlo.
    Hindi pa sila magpapakasal?
    “Ipon muna… hirap ng buhay.”
    Hindi pa rin daw nila napag-uusapan ang kasal.
    “Yung mga parents namin, napag-uusapan nila. Okey naman, ini-entertain ko lang.”
    Sigurado na ba siya sa girlfriend niya ngayon?
    “Ano bang sigurado? Oo, mahal ko siya, pero ano ba…?”
    Si Kristine na ba ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay?
    “Oo, puwede. Hindi ko lang alam when kasi baka may mangyari sa pagitan ng plano,” sabi ni Carlo.
    Hindi ba siya naiinggit sa ibang ka-batch niya na may sarili nang pamilya?
    “Ang mainggit ay masama. Mag-iipon muna ako,” sagot niya.
  • ppsstt13ppsstt13 Member PExer
    Carlo, tiniyak na magmamarka ang role sa Dugong Buhay (Maliit man ang naging partisipasyon)

    HINDI big deal kay Carlo Aquino
    kung pang-pilot week lang ang
    kanyang ginagampanang papel sa teleseryengDugong Buhayna pinagbibidahan nina Arjo Atayde at Ejay Falcon na mapapanood na simula ngayong Abril 8 sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN!
    Naging deretsahan ang sikat na aktor sa pagsasabingtinanggap niyang bukal sa loob ang kanyang role, maliit man ito o malaki!
    “Hindi naman ako ‘yung tipo ng artistang conscious pagdating sa ganyang bagay. Basta ako, tinanggap ko ang role ko rito sa serye dahil unang-una ay alam kong magma-marka ito sa tao at napaka-lalim niyong character ko, sobra…Noong nabasa ko ang script, na-excite kaagad ako!
    “Walang problema sa akin kung sinasabi nilang extra lang ako o kung anuman na gusto nilang sabihin, basta’t ginawa ko ang lahat para magampanan kong mabuti ‘yung role ko bilang si Simon sa serye.Ayaw na ayaw ko kasing may nasasabi sa akin ang ibang tao pagdating sa trabaho ko,” bulalas pa nitong depensa sa aming panayam.
    Malaking bagay para kay Carlo ang maikling rolesa serye sa kanyang muling pagbabalik telebisyon sa bakuran ng Kapamilya Networklalo na’t nagbabalik Star Magic naman ito at pumirma pansamantala ng one year exclusive contract!
    “Wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi ‘yung magtuloy-tuloy ang trabaho ko, ‘yung blessings, sana, sunod-sunod na! Salamat nga pala sa tiwalang ibinigay sa akin ng ABS! Sinasabi ko naman palagi na hindi kayo mapapahiya sa akin at alam niyo naman siguro kung gaano ko kamahal ang trabaho ko,” aniya.
    May kahilingan naman si Carlo sa puntong ito. Ito ay ang pangarap niyang magkatrabaho silang muli nina John Prats at Angelica Panganiban sa isang proyekto!
    “Actually, matagal ko na talagang gusto ‘yan! ‘Yung magkakasama kaming tatlo sa isang project. Wala pa namang dumarating na offer kaya sana lang, sana lang matupad ko ‘yun,” aniya.
    Naging maboka ang aktor sa pagsasabing inspirasyon nito ang kanyang pamilyakung bakit ganoon na lamang siya kapursige ngayong magtrabaho.May pangarap pala si Carlo para sa kanyang ama.
    “Matagal ko na talagang gustong dalhin ang Papa ko out of the country. Kasi si Mama, nadala ko na sa States noon, gusto ko naman ngayon, si Papa, gusto kong iparamdam sa kanila na kahit ngayon lang ay magawa ko ‘yung bagay na ‘yun para sa magulang ko,” pagtatapos na ni Carlo sa aming panayam.

    Dominic Rea
  • ppsstt13ppsstt13 Member PExer
    Carlo Aquino explains why he turned down roles in the past: "Takot lang talaga ako."

    Medyo matagal nawala sa showbiz scene si Carlo Aquino pero natutuwa ang award-winning actor at nabigyan siya nang pagkakataon na magtrabahong muli sa ABS-CBN.

    May special participation siya sa bagong Kapamilya drama series na Dugong Buhay, a TV remake ng komiks novel ni Carlo J. Caparas na naisapelikula noong 1983. Tampok noon ang father-and-son tandem of Ramon Revilla and the then-young Bong Revilla.

    Hindi nakaabot sa presscon ng Dugong Buhay si Carlo noong April 3. Ngunit pagkatapos ng presscon sa 14th floor ng ABS-CBN, nakita ng PEP.ph si Carlo sa Grams Restaurant sa ABS-CBN kaya sinamantala na namin ang pagkakataon na kausapin siya. Nanggaling pa kasi siya ng Tagaytay para sa script reading for his other show on ABS-CBN, ang remake ng Anna Liza.

    Nagpaunlak naman ang dating child actor na kinilala ang husay noon para sa pelikulang Bata, Bata Paano Ka Ginawa?


    FEAR OF FAILURE. “Medyo nawala ako sa eksena kasi parang natatakot ako noon kasi sobrang taas ng expectations ng mga tao,” wika ni Carlo. “E, mas nauna sa akin ang takot kaysa sabihin sa sarili ko na tanggapin ko ang project at pagbutihan ko. Natakot kasi ako na baka hindi ako makapag-deliver.”

    Parang mahirap paniwalaan ang sinasabi ni Carlo na he was afraid na he can’t deliver. Maraming beses na niyang pinahanga ang publiko sa kanyang husay sa pagganap in movies tulad ng Bagong Buwan at sa indie film na Sa Aking Pagkagising mula sa Kamulatan kung saan nanalo siya ng Best Performance by an Actor sa 6th Golden Screen Awards.

    Pinaliwanag naman ni Carlo ang rason kung bakit siya tumatanggi noon sa mga proyekto na binibigay sa kanya dati.

    “Never kasi pumasok sa isip ko na mahusay ako. Kahit na mga tao na ang nagsasabi na I was good in this or that movie, hindi ko matanggap sa sarili ko na I am good. Natutuwa ako na sinasabi ng mga tao na mahusay ako pero hindi ko ipinasok sa isip ko iyon. Kaya yung sinasabi ng mga tao na lumaki na ang ulo ko kasi marami akong tinatanggihan na projects, hindi sa dinedepensahan ko ang sarili ko. Takot lang talaga ako,” pahayag ng actor.

    Saan nanggagaling ang takot na iyon?

    “Siguro sa sarili ko na baka hindi ko kayanin pero ngayon na nandito na ako uli, ini-enjoy ko na lahat. Hindi na masyadong nagpapa-pressure. Kasi pag masyado akong nag-iisip, ‘yun ang nangyayari, natatakot ako.”

    Inamin din ni Carlo na natakot siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ni ABS-CBN President at Maalaala Mo Kaya host na si Ms. Charo Santos-Concio.

    “Oo, e, kasi nga dati nire-request ako ni Ma’am Charo na lumabas sa MMK. Nakadagdag pa iyon ng takot at pressure kasi nire-request ka ng boss mo. E, ngayon, gina-grab ko na ang opportunity. It doesn’t happen everyday na nire-request ka ng boss mo. E, ngayon may ginagawa akong episode ng MMK kung saan kasama ko si Lester Llansang. Twins ang role namin,” pahayag ni Carlo.



    DUGONG BUHAY. Ano ang naging reaction mo nang alukin ka ng role ni Simon sa Dugong Buhay?

    “Siyempre natuwa ako dahil matagal din akong walang show sa Channel 2. I am not sure kung tama ako pero ang last show ko sa Channel 2 was Bituing Walang Ningning. After noon ay gumawa ako ng shows sa GMA-7 and then ginawa ko ang Ang Utol Kong Hoodlum sa TV5.

    “Dito sa Dugong Buhay, I play the role of the young Noni Buencamino. Sa akin nagsimula ang galit. Kinidnap ko si Victor [Ejay Falcon] tapos pinalaki ko siyang galit sa mga De Lara. So habang lumalaki siya ay puro galit ang itinatanim ko sa kanya para maghiganti siya. Kasi pinatay ni Aaron Villena ang tatay ko [Pen Medina] tapos napatay din si Valerie Concepcion who plays my wife. Nagwelga kami sa mansion ng mga De Lara. Nabaril doon si Valerie kaya ako nagalit kasi pati ang anak namin namatay. Ninakaw ko ang batang Victor,” kwento ni Carlo about his role.

    Mga one week lang daw siya lalabas sa Dugong Buhay pero pwede sana raw ay may flashback na mga eksena para mapanood pa siya.

    Sabi mo napi-pressure ka dati so how do you handle the pressure now?

    “Ever since kasi may pressure kasi feeling ko maganda iyon para sa isang artista. Kahit na siguro kahit saang propesyon, may pressure kasi doon mage-excel,” sabi pa ni Carlo.


    Was there a time na nabagalan ka sa takbo ng career mo?

    “Oo, lalo nitong the past three years. Sabi ko, anong nangyari? Oo, may farm ako. May tarpaulin printing ako. Pero ang acting ay isang karera. Ito acting ang pinili kong career. Ito ang gusto ko. Ito ang mahal ko na hindi ko naalagaan. Inaamin ko naman na fault ko iyon. Wala naman akong ibang sisihin sa bagay na iyon. Pero natuto na ako roon,” sagot niya.

    Pero di ba under contract ka sa Viva Entertainment? Wala ba silang ginawa to push your career?

    “Mayroon naman pero ako ang may problema kasi lagi akong nagdadalawang-isip. Pag ipinadala sa akin ang script, ang naiisip ko agad ay baka hindi ko kaya ito. Nasa akin talaga ang problema. Ngayon mas handa na ako,” wika niya.

    Sa ngayon, si Carlo ay bahagi na ng Star Magic sa ilalim ni Mr. Johnny Manahan.

    (CLICK HERE to read related article)

    Ano ang nagbigay sa inyo ng inspirasyon para lumaban uli? Handa na ba si Carlo at harapin ang pressure ng showbiz?

    “Ang family ko at saka naisip ko na rin na I should take responsibility for my life. Buhay ko ito kaya dapat alagaan ko,” sagot niya.

    Biniro namin si Carlo, wala ka naman baby o anak na itinatago?

    “Wala,” natatawa pero mabilis niyang sagot. “Iyon ang advantage ko kasi wala pa akong kailangan pakainin o pag-aralin. Wala naman akong itinatagong baby o asawa. Balak ko nga noon na magkaanak at the age of 25. I am now 27,” sabi ni Carlo.

    Ano na ang gusto mong mangyari sa career mo ngayon? “Makaarte lang. Mapatunayan ko na kaya kong panindigan ang karerang ito.”


    PORTRAYING DIEGO SILANG. Ginagawa rin Carlo ang indie film na “Gabriela Silang” which stars Tin Patrimonio, ang anak ng basketball star na si Alvin Patrimonio. Carlo is playing the role of Diego Silang. Ito ang debut film ni Tin na sumali dati sa Pinoy Big Brother Unlimited.

    “Medyo naiilang pa siya pero kasama naman iyon sa process kasi baguhan pa siya sa acting,” ani Carlo sa kanyang co-star na si Tin.

    Bukod nga rito, kasama rin si Carlo sa remake of the popular soap Anna Liza. Makakasama niya rito sina Zanjoe Marudo, Kaye Abad, Denise Laurel at ang newbie actress na si Andrea Brillantes.

    Ayon kay Carlo, “Ako ang isa sa dinagdag na character. Ako ang kumidnap kay Anna Liza. Ginawa ko iyon kasi mahal ko si Kaye.”

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file