Home PEx Local Entertainment Showbiz - TV

FOR THE FIRST TIME PREMIERE NIGHT - GABBY CONCEPCION Nag WALK OUT?

ashley26ph2004ashley26ph2004 PEx Veteran ⭐⭐
:spinstar:

Gabby nag-walkout!
SHOWBIZ MISMO Ni Cristy Fermin

Maraming nakapansin na hindi tinapos ni Gabby Concepcion ang For The First Time, hindi pa raw halos nangangalahati ang palabas ay umalis na ang aktor, kaya ang tanong ng marami ay nainis daw kaya si Gabby dahil parang itinapon lang siya sa Cinema 9 kung saan kakaunting artista lang ang nandun?

Mas gusto naming maniwala na wala naman talagang plano si Gabby na kumpletuhin ang panonood ng pelikula ng kanyang anak at ni Richard, gusto naming maniwala na suporta lang kay KC ang ipinunta niya dun, sapat nang naibigay niya ang para sa kanyang dalaga.

Maganda ang ipinakitang yun ni Gabby, hindi niya inalintana ang sinasabi ng ibang tao na dapat ay huwag na siyang magpunta dun para sa ikatatahimik ng sitwasyon, ibinigay niya pa rin ang suporta para kay KC.

Pinaghiwalay sila ng sinehan ni Sharon Cuneta, na dapat lang naman dahil hindi pa ito ang tamang pagkakataon para magkaharap sila, walang naging problema dahil nakisama naman si Gabby sa gustong mangyari ng mga namamahala sa premiere night.

Sabi nga ni Gabby, “Wala sa akin yung sasabihin ng ibang tao, ang importante sa akin, naibigay ko ang moral support na kailangan ng anak ko sa first big break niya sa paggawa ng pelikula.

“Talagang pinaghandaan ko ang premiere night, hindi ako tumanggap ng kahit anong kompromiso dahil para sa anak ko ang gabing yun,” sabi ng aktor.

Maraming humanga kay Gabby sa kanyang ginawa, ipinakita lang ng aktor na anuman ang mangyari at sabihin ng ibang tao ay ang kapakanan pa rin ni KC ang kanyang prayoridad.


Posted also at
http://tv.groups.yahoo.com/group/ABS-CBNKapamilyaPEXers2/


:spinstar:
Sign In or Register to comment.