Michael V. on being the cover of "Reader's Digest" (Asian Edition)

Michael V. on being the cover of "Reader's Digest": "Parang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala."

www.pep.ph

541484474michaelvoncovest0.jpg


Nakausap ng Showbiz Central through a taped interview ang magaling na komedyante na si Michael V. tungkol sa pagiging cover niya ng September 2008 issue ng Reader's Digest (Asian Edition). Reader's Digest is a widely read general interest family magazine, which started in the United States and has international editions, including Asia.



Sa naturang cover ay naka-makeup si Michael V. na mukhang matanda at naka-Barong Tagalog. Sa bottom ng cover ay nakalagay ang mga salitang "Yari Ka!"—tagline ng show ni Bitoy sa GMA-7, ang Bitoy's Funniest Videos.



Ayon kay Michael V., "Parang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala. Kasi noong may nagdapala ng sulat regarding the cover, parang pangalawa pa lang daw Pinoy na maku-cover, so parang may pressure. The first one was President Cory Aquino. Hindi ko alam na gagawin pala talaga. Kasi ang alam ko lang, may feature. Hindi ko alam na magko-cover pala, so big deal talaga sa akin."



Hindi na raw kataka-taka na maging cover si Michael at makasama sa list ng ilang Asian comedians—Singapore's Mark Lee and Malaysia's Harith Iskander—dahil kinikilala naman talaga ang kanyang galing sa buong Asya.



"Ang pinagbasehan siguro nila sa Asian TV Awards because nanalo na ako ng tatlong beses sa Asian TV Awards for Best Comedy Actor [for Bubble Gang]. So, palagay ko doon talaga nila pinagbasehan at malalagay talaga sa cover."



Pero ang feature article daw ni Michael V sa Reader's Digest ay hindi lang ang pagpapatawa niya dahil seryosong binalikan ang kanyang pagiging komedyante.



"Inano nila yung history ko. As a person lang na hindi talaga komedyante, as a person lang. Kumbaga, inaalam nila kung bakit nagkaroon ng ganoong klaseng humor ang isang Michael V. So, ikinuwento ko sa kanila ang pinagmulan ko. Ang buhay ko sa Tenement dati. Yung growing up sa Tenement, sa elementary at high school, at sa PLM [Pamantasan ng Lungsod ng Maynila]."



Dahil daw sa pangyayaring ito, hindi na maiiwasang maikumpara si Bitoy sa mga batikan nang komedyante sa bansa.



"Nahihiya pa rin ako," sabi ni Bitoy. "Feeling ko, hindi ko pa nagagawa yung mga nagawa nila and at the same time, may mga ganyan nang honor. So, I'm really flattered."



Natawa naman si Michael V when asked kung sa achievement niyang ito, handa na kaya siyang ipakita ang pagpapatawa sa international scene.
«1

Comments

  • stingray1059stingray1059 15 year pexer, break that! PEx Influencer ⭐⭐⭐
    3 time asian best comedy actor
    2nd filipino to be in the cover of readers digest/
    longest running gag show in phil history
    multiplatinum recording artist

    IDOL!!!!!
  • Drahow ein EnteDrahow ein Ente twitter.com/htdee PExer
    rigged at manipulated daw yan. hahahah
  • forgforg Administrator PEx Moderator
    I don't think this is the appropriate forum but congratulations, well deserved *okay*
  • marcfersmarcfers Member PExer
    :cheers: to Bitoy,isa sa deserving at karapat-dapat na maging role model.
  • stickstick **** PExer
    something to be proud of *okay*

    from a kapamilya :D
  • haberdasherhaberdasher Banned by Admin PExer
    rigged at manipulated daw yan. hahahah

    as with everything else? ..tsk tsk ....
  • starczamorastarczamora Sissie DaToic PEx Moderator
    I really don't agree with his comedy style, especially when he pokes fun on minorities, but congrats.
  • Congrats Toybits!! - isang kapuso at isang dabarkad na talagang kahanga-hanga ang talent! cant say the same to some comedian kuno sa kabila. but CONGRATS BITOY!
  • krissie111krissie111 ...nagmamasid... PExer
    he's really funny at very good. sana you age gracefully, wag magresort sa paninira para lang makapagpatawa. galing, congrats! *okay*
  • kuning_modekuning_mode Banned by Admin PExer
    marcfers wrote: »
    :cheers: to Bitoy,isa sa deserving at karapat-dapat na maging role model.



    karespe-respeto si Michael V at talagang role model.

    si Jeoy de Leon hindi, kasi si joey puro inggit ang lumalabas sa bibig.

    congrats Michael V!
  • shimmer23shimmer23 Member PExer
    galing galing ni michael v! *okay*

    congrats! :D
  • MilliardoMilliardo Team Valor PEx Influencer ⭐⭐⭐
    I like Michael V--great that he has achieved this. Hopefully more achievements will come his way.
  • TVBoiTVBoi Banned by Admin PExer
    congrats sayo BITOY...
    pero bakit hanggang ngayon supporting ka pa rin? wala ka man lang movie na ikaw ang bida sayang naman ang talent mo... nabuburo.

    alam ko rapper ka din diba?!
  • D-GENERATION-XD-GENERATION-X Member PEx Veteran ⭐⭐
    TVBoi wrote: »
    congrats sayo BITOY...
    pero bakit hanggang ngayon supporting ka pa rin? wala ka man lang movie na ikaw ang bida sayang naman ang talent mo... nabuburo.

    alam ko rapper ka din diba?!

    research muna bago magsalita :bop:

    marami na siyang ginawang movies
  • ang start talaga ni toybits nang nanalo siya ng rap contest sa eat bulaga!
  • dhaezzdhaezz Member PExer
    may bitter pa rin :D

    congrats bitoy.

    hindi na niya kailangan mag-bida pa sa movies.
  • haberdasherhaberdasher Banned by Admin PExer
    TVBoi wrote: »
    congrats sayo BITOY...
    pero bakit hanggang ngayon supporting ka pa rin? wala ka man lang movie na ikaw ang bida sayang naman ang talent mo... nabuburo.

    alam ko rapper ka din diba?!


    tsk tsk .. umandar ang pagiging ignorante ... kawawa naman ..makahirit lang ...
  • alex7081alex7081 Banned by Admin PExer
    sana may mai-contribute ito sa career nya...
  • betamaxqueenVbetamaxqueenV Banned by Admin PExer
    congrats bitoy... a very loyal kapuso...

    matagal din ang panahon na pilt siyang pina-pirate ng EBS.

    and noe he's on the cover of Reader's Digest. meron ba ang EBS nyan?
  • Iba-iba po ang cover ng Reader digest sa iba't-ibang bansa sa Asia. Ang theme lang ang pareho. Mga Comedian ang nasa Cover.


    Cover lang siya sa Philippine Edition. ;)

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file