Home PEx Business and Careers The Working Filipino

contract with bonds

i have a friend who signed a contract with bond. ang kwento niya sakin, meron daw silang training pero di daw sila nag-train. instead, pinawork siya ng pinawork. hindi ito call center. almost 4 months din siya nag-work don. ang nangyari, nag-awol siya. kasi hindi na talaga niya kaya yung pressure. so.. ngayon, sinulatan siya ng company at pinapapunta siya don para mag-explain. ang sabi niya sakin, gusto niya magreply don sa letter at magreason. or magresign na lang pero hindi niya babanggitin yung tungkol sa bond. sabi ko, wag na lang kasi they might use it as an evidence to her that she didnt follow the contract.

ano kaya pwede niyang gawin? disregard na lang yung letter? kasi natatakot siya na baka idemanda siya ng company. ang bata bata pa kasi niya. 21 years old pa lang and fresh graduate. ano kaya maganda niyang pwedeng gawin?

thanks sa mga magrereply.
«134567

Comments

  • please reply. need your opinion. thanks
  • ^ilang years yung bond nya? can you PM the company?
  • actually, 6 months lang ang bond niya. cash bond is 50k. almost 4 months na siya nagwork don pero di na talaga niya nakayanan. kaya umalis siya at nag-awol. pinadadalhan siya ng letter nung company. sobrang natatakot na nga siya kasi madami pa daw siyang pangarap. meron daw siyang kasama na nag-awol din. yon naman, 2 months lang ang tinagal at umalis na din. pinadadalhan din daw siya ng letter, actually, twice na pero disregard lang nung kasama niya. medyo bothered and disturbed na rin siya sa nangyari sa kanya. alam pa naman yung dalawang address niya. ang point kasi niya kaya siya umalis kasi hindi naman daw sila tumupad sa usapan. sabi may training pero halos hindi naman daw sila nagtraining and puro work daw pinagawa sa kanila. kaya siya umalis don..
  • makikita naman sa Time in Time out nya (me copy ba sya?) na pumasok sya eh so wala evidence yung company na nag pa training sila. teka internal training ba o external?
  • ang alam ko, internal training. sa loob lang ng company. hindi naman international yung training kasi nagtitipid din yung company.
  • manok00manok00 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ano klaseng training nila? natuloy ba ang training o parang tinuturuan lang kung ano ang trabaho at sa kanila training na yun.

    Standard sa mga company trainings ay may attendance o training completion, kung wala pwede mo rin sabihin na wala naman evidence na may training so di applicable ang bond kahit pumirma ka pa.
  • classroom type ang alam ko na sinasabi niya. pero 4 or 5 sessions lang daw yon, tapos hindi pa daw maayos ang training nila. wala naman ata silang attendance na ginagawa. ang pagkakwento niya lang sakin e imbis na managerial position ang ginagawa niya, pang clerk ang trabaho niya. ang point niya kasi, pinagagawa sila ng feasibility study pero yung ginagawa nila sa office e hindi naman applicable sa FS nila. nagshed na rin siya ng problems niya sa hr and sa boss niya, sabi gagawan daw ng paraan pero hindi naman gumawa ng action. sabi niya, nagsawa na daw siya. basta pagkagising niya, ayaw na niya magtrabaho at nagdecide na hindi na pumasok sa office.

    ano kaya pwede niyang gawin kasi nagpadala na ng letter yung company at pinagrereport siya. ang sabi ko sa kanya, disregard na niya since wala naman na sila magagawa kasi umalis na siya.
  • up for this thread. i have the same problem and i dont know what to do as well.. thanks
  • HulkHulk PEx Veteran ⭐⭐
    Let me take the employer's view:

    I can't understand why someone would go AWOL. Why not simply finish the contract? Two months is not too long to endure, unless there is mental stress brought upon by personality conflicts. Pero kung mahirap lang talaga yung work, young people should learn to honor their commitments and stop giving up when the going gets tough.
  • well, ang sabi niya kasi sakin, parang nakakatrauma yung ginawa nila sa kanya. papagawin siya ng mga bagay na hindi naman tinuro sa kanya. ang sa kanya naman kasi, siya sumunod siya sa usapan na magwowork siya, pero sila, hindi naman daw. dahil sabi, may training. pero hindi naman sila nagtraining or what. for me, kahit sino naman magsasawa. hindi naman magkakaganyan ang empleyado kung walang mali. i know her. mahaba ang pasensya niya. pero hindi na talaga niya nakayanan. pati sa pagtulog niya, napapanaginipan niya pa rin yung trabaho niya. which is not good anymore. madami na din empleyado na umalis sa company na yon kasi panget nga ang pamamalakad nila. nasa kanya din ang mali dahil nag-awol siya. pero hindi ko naman siya masisisi dahil mukha naman talagang nahihirapan na siya. at saka nangyari na. nandyan na yan. kaya nagtatanong sana ako kung ano ang pwede niyang gawin.

    thanks.
  • dogidogi PEx Veteran ⭐⭐
    Ang pwedeng gawin nya ay mag resign ng maayos pag report nya. Hindi solusyon ang pag AWOL.
  • @ sassychiq`:

    nakalagay ba sa contract kung ilang days/weeks sila ite-train ng company ng friend mo? saang department ba sya nagwork dyan sa company nya (IT, accounting, engineering...?) kasi kung minsan, IT companies shall only train their new employees for just about a week.

    kung sinabi sa contract that the training should be intensive and it should last for more that just a week (or maybe a month or so), wala ngang isang salita ang company na yun and your friend has a valid reason to become upset about it.

    kailangan balik-tanawan nya yung contract nya at tignan nya kung may nilabag din yung company tungkol sa contract na yun.

    in my opinion, kung yung training nya is maikli at hindi sang-ayon sa job contract nya, at very toxic yung working environment nila dahil sa mga "mahihinang" managers and bosses nya na walang ginawa kundi magpagawa lang ng kung-anu-anong FS sa kanya imbes na gumawa ng paraan to make her stay as a happy employee there, hind basta basta makakapaghabol yung company na yun nang dahil sa bond kasi meron din naman silang nilabag sa contract:
    "ART. 31. Bonds. - All applicants for license or authority shall post such cash and surety bonds as determined by the Secretary of Labor to guarantee compliance with prescribed recruitment procedures, rules and regulations, and terms and conditions of employment as may be appropriate."
    - Labor Code of the Philippines PRESIDENTIAL DECREE NO. 442, AS AMENDED.
    -> http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/PinoyGlobal/laborcode03.htm

    kung sa contract nya is may training bond, at saklaw parin sya ng training bond na yun, both of you should see this:

    in other words, hindi pwede magsampa ng penalty ang isang company sa isang trainee kung hanggang sa ngayon is trainee palang sya dahil there's no such thing as " training bonds" mentioned in that webpage.

    some people who i came to talk to long ago just went awol after getting bored in their respective jobs and just ignored the "love letters" their company sent to their respective mailboxes. so far, no cops and no prosecution attorneys coming to their homes, whatsoever.

    this is a true story: yung isang kakilala ko, 4 yrs na umalis sa company nila (take note: may bond rin sa company nya) pero hanggang ngayon di parin hinahabol ng company na yun para lang sa bond? :rotflmao:

    minsan, panakot lang nila yung bond. kasi bakit pa sila maghahabol ng nag awol kung meron naman silang pwede ipalit na mas qualified kaysa sa kanya? magsasayang lang ang company na yun for police and attorney's fees and court fees as well kasi malabo pa ang mga "bond-bond" na yan sa mata ng labor code. magsasayang lang din sila ng oras kasi hindi lang sa office nila merong company bond. maraming companies din, especially call centers and under-managed companies, who lose employees in a span of 2-5 months, na naghahabol din sa kanilang nag awol na employee for penalties based on bonds. pero syempre, dadaan muna sa court hearing yun para makakuha ng subpoena at warrant of something for those who are concerned.

    to the eyes of some employees, bonds are "artificial things" used to motivate them to stay in their line of work.

    warning: hindi po ako isang attorney and what i'm telling you guys is just based on research and purely personal experience. this post should be used only as a reference and not to be used for legal measures. it is still better if you and you friend consult your attorney.
  • pagiepagie PEx Veteran ⭐⭐
    wala ngang batas tungkol sa bond, mismong abogado ng DOLE nagsabi skin niyan. Ang sabi pa, kapag kinasuhan ka wag mo bayaran para ang isyu na yan ay mapansin at magawan ng batas.
    At sa dami ng kakilala ko na umalis sa company, wala namang hinabol, hanggang legal letters lang.

    Galing ako sa bonded contract, tinapos ko yung sa akin. It's not just to honor that contract, I also need that two years experience.
  • hanggang ngayon, trainee pa din siya. alam ko, yung cash bond na yon, para yon sa gagastusin para sa kanila if ever hindi nila natapos yung contract. ang masaklap pa don, nung nagpipirmahan ng contract, hindi inexplain sa kanila ng mabuti. instead, parang shot gun ang ginawa sa kanila. nung una, ang kwento niya sakin, hesitant siyang pumirma sa contract kasi gusto niya muna pag-aralan. tinanong niya ang hr kung pwede niya muna pag-isipan bago siya pumirma. ang sabi sa kanya, mag-isip na daw siya ngayon. sinuggest din niya na kung pwede, babalik na lang daw siya kinabukasan kasi gusto niya muna mag-isip. sabi ng hr, hindi daw pwede yung ganon. gullible kasi itong friend ko, kaya madalas, naloloko siya. 1 month na rin siyang awol. ang plano niya ngayon e wag na lang magreply at disregard na lang yung mga letters. nasa purchasing department siya nung nandon pa siya sa company.

    ang alam ko, sa contract niya (hindi ko rin kasi nakita yung contract niya dahil matagal na siyang humihingi pero ayaw siyang bigyan or ayaw asikasuhin.), nakalagay don na 6 months ang training niya, may mga araw na nasa office siya, at may mga araw na nasa training siya. pero most of the time, nasa office siya dahil maraming pinapatapos ang boss niya at wala silang ginawa kundi tambakan siya ng work. at yung sa training na yon, office or classroom training, hindi applicable yung pinapagawa nilang FS sa kanya. pero ang sabi sa contract nila, magtuturo sila ng work sa office and classroom training na applicable sa FS nila.

    syempre, feeling niya ngayon, naloko siya. kahit sino naman, kung hindi tumupad sa usapan, maiinis. ang lumalabas kasi dito, at madalas niyang sinasabi, "sabi may training, pero wala naman. puro trabaho na pang-clerk, e hindi naman eto yung sinabi sa akin." on her part, i understand all her whining. syempre, fresh graduate. gullible pa. madaling maloko. sabihan mo lang ng konting maganda about the company, maniniwala na siya. sinabi na rin niya sa hr yung mga reklamo niya. pero hindi naman siya pinansin.

    actually, meron din siyang isang kasama na pa-resign na. pero ang reason naman non, may sakit siya. ayaw pa din siya paalisin dahil nga kailangan daw niyang bayaran yung bond. valid reason na yon, pero ayaw pa rin.

    for me, if ever man na idemanda siya, sa tingin ko, may laban siya and she has the right to complain, since hindi naman din nila tinupad yung training. ah, i forgot to mention, yung trainer nila, mas mataas lang ng isang position sa kanya. so, ang sa kanya, hindi siya matuto sa ganon at wala daw sinabi sa training kundi "self explanatory naman yan, maiintindihan niyo na yan." yan ba ang training?

    so ngayon, disregard niya na lang yung mga letters na pinapadala sa kanya. kasi nga naiinis na din siya at ayaw na din niya bumalik sa company. at sa tingin ko din, gusto lang sila perahan ng company.

    thanks sa mga nagreply.
  • me and your friend, we're in the same boat. actually, awol din ako. my reason, ayoko ng niloloko ako. sana sinabi na lang nila kung ano talaga gagawin ko, hindi yung ang dami pa nilang promises na hindi naman tinupad. for me, ang isang empleyado, kung wala naman siyang nakitang mali, hindi siya aalis. unless na siya ang may problema. actually, ako din. hindi ko rin alam kung hahabulin ba ako, pero nakareceive na rin ako ng letter from the company. but didnt bother to go there or reply to them. and for me, madaming nag-awol dyan. hindi lang naman siya.
  • mas magastos ba kung magdedemanda pa ang company?
  • hindi ko masasabi kung mas magastos ba talaga, kasi it's up to the court at sa mga attorney na ko-contactin nila regarding those matters kung magkano ba talaga dapat ang gagastusin ng company. however, it can cost up to tens-of-thousands of pesos just like any typical case. tapos, it may end up being rejected before anything weird happens kasi hindi pa sang-ayon sa labor code ang mga employment at training bonds.

    the good news is that the labor code of the philippines is not yet revised since 1974:
    http://www.abs-cbnnews.com/images/news/microsites/PinoyGlobal/laborcode24.htm:
    Done in the City of Manila, this 1st day of May in the year of our Lord, nineteen hundred and seventy four.

    (Sgd.) FERDINAND E. MARCOS

    President, Republic of the Philippines

    sabi nga pala ni pagie, hanggang sa sending of legal letters nalang magagawa ng mga company na ganun ang issue against affected employees. i agree with that.
  • up for this thread. yung friend ko naman, sinulatan din siya at nagdedemand yung company na pagbayarin siya ng bond. situation is same as sassychiq`'s friend. nakailang letters na rin. pano kaya yun, magrereply pa ba siya? or ignore na lang din the letter?
  • c0Rinthianc0Rinthian PEx Veteran ⭐⭐
    simple lang ang sagot, dapat i-honor ng both parties ang nakasaad sa contract

    kung may isang party ang nag-breach ng kanyang contractual obligation, ay pwedeng hindi i disregard ang contract clauses

    ex: company X promises to give ABC training to candidate Pedro- in exchange for 2 year bond with the company.

    If company X did not provide ABC training, Pedro is not obligated to honor the contract and the bond- since di naman na honor ni company X ang kanyang contractual obligation.

    so, the lesson here is: busisihin ang lahat ng kontrata bago pirmahan, pag napirmahan mo nayan, kahit anung unfair yan sa iyo ay obligado kang i-honor ito

    be sure to ask all questions, and remove all doubts- and be sure to read the "fine print"

    dapat lahat ng pangako- naka document sa contract

    hope this helps.
  • so, may possibility ba na magdemanda yung company? kahit hindi sila sumunod sa usapan?
Sign In or Register to comment.