TJ TRINIDAD - PREFERS TO STAY AT ABS CBN 2 But NOT CLOSING DOORS TO GMA 7

ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
:spinstar:

Actor TJ Trinidad changes manager, but prefers to stay as a Kapamilya

Dinno Erece

Nagpatawag si Annabelle Rama through publicist Jun Lalin ng isang mini-presscon para sa bagong alaga ng ina nina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez—ang Kapamilya actor na si TJ Trinidad.

Pagdating sa venue sa isang bagong bukas na cake and coffee house sa Tomas Morato, ang unang katanungan palagi sa one-fourth Spanish, one-fourth Norwegian, and one-half Filipino brown-eyed looker, kung magiging Kapuso na ba siya. Very identified kasi ang bago niyang manager sa GMA-7.

"I don't know, pag-uusapan pa namin ito ni Ate [tawag ni TJ kay Annabelle]," sagot ni TJ but he hopes to stay a Kapamilya.

Raul "TJ" Trinidad Jr. (the TJ stands for Trinidad Jr.) led a charmed life even before he entered showbiz. The youngest son of a retired pilot, TJ finished high school at Colegio San Agustin and his B.S. in Commerce at De La Salle University.

He has been a commercial model since 1986, starting with San Miguel and Close-Up but it was only in 2003 that he entered showbiz as Judy Ann Santos's other leading man in the ABS-CBN soap opera Basta't Kasama Kita with Robin Padilla. Their team-up was successful enough to warrant a second soap (Krystala) and a movie (Aishite Imasu 1942) until Ryan Agoncillo entered the picture. And so, TJ was paired with Kristine Hermosa in Gulong ng Palad, with a reunion soap in Prinsesa ng Banyera.

Although low-key, TJ is fortunate enough to be paired with the biggest leading ladies of ABS-CBN from Juday and Kristine to Claudine Barretto (Walang Kapalit) and Heart Evangelista (Hiram Na Mukha).

For the past four years, he has been handled by former manager June Rufino.

Why did he change his manager?

"I feel I needed a change. We [he and June] parted well, wala namang naging problema," paniniguro ni TJ.

Kung may balita raw na hindi sila ayos ni June, he knows na sa kanilang dalawa, the parting was amicable.

Why Annabelle Rama?

"Long-time friend ko na sila, from Tito Eddie [Gutierrez, Annabelle's husband] pa. Si Richard ka-boxing ko sa The Fort. Me and June parted muna before I spoke with Ate, so walang problema sa kanilang dalawa."

Back to the original question, it was Annabelle who answered kung ililipat niya ba si TJ sa GMA.

"Pag-uusapan pa ang lahat," sagot ni Annabelle. "Pero sa tingin ko naman, kung hindi kailangan, huwag na. Ang gaganda ng projects na ibinibigay ng ABS kay TJ, ang lalaki ng mga naka-partner niya. May meeting pa kami next week sa ABS, doon ko pa lang malalaman kung ano ang balak nila kay TJ. Pero sa tingin ko, meron pa."

Dagdag naman ni TJ, "I feel I am a Kapamilya talaga. I started my career there. I'm not closing my doors to GMA though."

Annabelle and TJ's first project as manager-talent is the upcoming Star Cinema movie of Richard and KC Concepcion, For The First Time. Ang last project naman ni TJ for June is the pilot episode of Love Books sa TV5 na "Have Baby Will Date" with Valerie Concepcion.

PEP (Philippine Entertainment Portal) asked TJ two last questions. Halos nakapareha na niya ang biggest leading ladies of ABS-CBN, sino pa ang gusto niyang maka-partner sa Kapamilya? At kung sakaling malipat siya sa GMA-7, sino ang gusto niyang maka-partner?

"Si Bea [Alonzo]. Hindi pa kami nagkakatrabaho kahit guesting lang," sabi ni TJ. "Sa GMA, siguro si Marian [Rivera]. I've worked with her sa Desperadas and we were able to talk. Wala siyang ere, mabait, friendly pero prangka. Yun ang gusto ko sa isang tao, e, hindi plastic."


Posted also at
http://tv.groups.yahoo.com/group/ABS-CBNKapamilyaPEXers2/


:spinstar:
«13456718

Comments

  • luvlyfluvlyf Member PExer
    Let me share this email sent one of by the TJ International Friends and TJ Trinidad's supporters to ABS CBN regarding their unfair treatment to TJ TRINIDAD! (I took the liberty in adding a few more relevant points).

    To Kapamilya and Press People::

    Una nagpapasalamat kami dahil kahit papano napapanood namin si TJ TRINIDAD . Nais po naming iparating na sya lamang ang dahilan bakit namin sinusuporta ang ABS CBN, Channel 2, TFC, & TFC NOW sa buong mundo. Nagiing paborito naman sya mula nung itinambal sya kay Kristine Hermosa dahil napakaganda ng on screen chemistry nila.

    Gusto lamang namin ipaabot sa mga kinauukulan na kaming mga fans ni TJ TRINIDAD ay nakakahalata na sa hindi magandang trato sa kanya ng ABS CBN.


    Napapansin po namin na in spite of the success of TJ Trinindad & Kristine Hermosa's Tandem, halos hindi man mabigyan na meaty role si TJ Trinidad sa kahit na anumang shows na nilalagay sya. Kadalasan pa ay pinapatay ang character(s) nya - to mention a few, His roles in Ronin, Walang Kapalit, Hiram na Mukha, Pedro Penduko, sa dalawang YOUR Song episodes - the latest of which is this one with Angelica Panganiban.

    Bagama't nagpapasalamat kami kay Sir Deo Endrinal (he was in charge of the productions on those mentioned projects) sa pagtitiwala nya kay TJ Trinidad by giving him projects, we will appreciate if sana naman huwag laging pinapatay ang character ng roles nya lagi. Magaling at desenteng artista si Tj Trinidad, malaki ang aming tiwala na he will go places if given the right exposures and fair treatment.

    Hanggang ngayong hinihintay pa din namin ang pangako ng ABS CBN na bagong teleserye ni TJ TRINIDAD at KRISTINE HERMOSA.

    Salamat po,
  • luvlyfluvlyf Member PExer
    TJ articles :)


    Nasa pangangalaga na ni Annabelle Rama si TJ Trinidad.

    Pumirma ang aktor ng kontrata sa nasabing talent manager kaya ngayon ay kakuwadra na niya ang Gutierrez siblings (Ruffa, Richard, Raymond, Elvis and Ritchie Paul), JC de Vera, Ehra at Michelle Madrigal, Ramon Christopher Gutierrez, Arnell Ignacio at Beth Tamayo.

    Ayon kay TJ, naging maayos ang paghihiwalay nila ng dating manager na si June Torrejon-Rufino. Bagama’t wala raw silang kontrata ay nag-usap sila at nagpaalam nang maayos.

    “We spoke nicely, I spoke to her nicely, we had an open dialogue and it went well. We were very professional about it. I love Tita June, she was like my third mom, kasi I have my mom and I have my stepmom. But it was time to move on,” sabi ni TJ.

    Naging maganda rin daw ang pagtanggap sa kanya ng lahat ng talents ni Annabelle.

    “Before she (Annabelle) took me, kinausap muna niya sina Richard and sina Richard, excited na makasama ako and sabi raw, ‘sige, get him.’ So, they’re very happy about it,” pahayag pa ng aktor.

    Siya man daw ay masayang makakasama ang mga ito at wala siyang problema.

    “I’ve worked with JC before, I worked with Richard sa The Promise and now, kasama rin ako sa For the First Time. We’re all actors first and foremost.”

    Ang tanong ng bayan ay kung lilipat na ba siya sa GMA-7 since halos lahat ng talents ni Tita Anabelle ay Kapuso except for Ruffa.

    “Well, we’ll prioritize ABS-CBN. Because they gave me my break. Sa kanila ako nagsimula. So, we wanna exhaust muna all avenues. Sa ngayon, stick muna talaga ako sa ABS-CBN.”

    Wala naman daw siyang kontrata sa Kapamilya kaya kung magkakaroon man ng offer ang GMA-7, open siya, but as much as possible, kung may offer ang ABS-CBN, ito ang kanyang priority.

    Nilinaw din ni TJ ang tungkol sa kumalat na isyung nagrereklamo siya sa mga ibinibigay na role ng ABS-CBN dahil ang gusto niya’y lead lang.

    “Yeah, I’ve heard about that nga. No, no. If you noticed in all the projects that I had, I’m very happy with all of them. I was given not only lead roles like Gulong ng Palad, Krystala, Basta’t Kasama Kita, but I was also given character roles, ’yung Pedro Penduko, ’yung Hiram na Mukha, so, that’s not true na may ganu’n.

    “It’s not true that I’m demanding lead roles. You know, the more interesting the role, regardless if I was lead or not, the more I like.

    “You know, you don’t wanna stick naman to just one character all the time. As an actor, you wanna try new things all the time. So, that’s very untrue,” pahayag pa ni TJ.

    Sa pinakaaabangang pelikulang For the first Time na ipalalabas na sa Aug. 27, ginagampanan ni TJ ang papel na Hector, kuya ni KC Concepcion.

    from journal.com.ph
  • luvlyfluvlyf Member PExer
    ATTENTION: ANNABELLE RAMA - Please remind ABS CBN of their promise of another TJ-TIN soap.
    afinale.jpg
  • luvlyfluvlyf Member PExer
    TJ Trinidad Message Boards:

    TJ INTERNATIONAL FRIENDS (TJTIF MB)
    http://www.network54.com/Forum/510062/

    KRISTINE-TJ TRINIDAD MB (Talent Homebase MB)
    http://www.network54.com/Forum/269390/
  • luvlyfluvlyf Member PExer
    Another article about Gwaps TJ Trinidad
    August 18 2008 at 7:06 AM Talents Homebase

    Ipinakilala ni Annabelle Rama sa movie press si TJ Trinidad noong Sabado nang hapon bilang bagong alaga niya.

    Matagal nang wala sa poder ni June Rufino ang actor at dahil matagal na walang project ay nagpunta muna siya sa New York.


    Nang kunin si TJ para gumanap na kapatid ni KC sa pelikulang For The First Time ay agad itong pinauwi ni Annabelle.
    Paspasan ang shooting ng nasabing pelikula para umabot sa premiere at sa August 27 ang playdate nito.

    Minamadali man ay hindi hahayaan ni Direk Joyce Bernal na mapabayaan ang kalidad nito.


    Kasama sa cast ng For The First Time si TJ Trinidad. Siya ang guma*nap na kapatid ni KC sa pelikula.

    Si TJ ang bagong dagdag sa listahan ng mga alaga ni Annabelle.

    Bestfriend ni Eddie Gutierrez ang tatay ni TJ kaya hindi makatanggi si Anna*belle na i-manage ang showbiz career ng mo*del-turned-actor.

    Tiniyak muna ni Anna*belle na maayos ang pakikipaghiwalay ni TJ sa dating mana*ger nito bago siya nagdesisyon na tanggapin ang binata.

    This week, makiki*pag-meeting si Annabelle sa mga executive ng ABS-CBN para alamin ang mga plano para kay TJ.

    Kung si Annabelle ang tatanungin, mas gusto niya na manatili si TJ sa ABS-CBN dahil ito ang nagbigay noon ng malaking break sa baguhang aktor.

    Three years ang kon*trata na pinirmahan ni TJ kay Annabelle. Mahal na ni TJ ang pagiging artista kaya pangmatagalan daw ang pananatili niya sa showbiz.


    Real actors like TJ is a must in showbiz today. Here's hoping that within the three year duration of his contract with Ms. Rama, we get to see soon that ABS-CBN will fulfill that promise of a TJTin love story teleserye and hopefully a romantic love story movie.
  • drama_tistadrama_tista Member PExer
    sana nga tratuhin naman ng ABS CBN ng maayos si Mr. Tj Trinidad -
    hindi ung harap harapan sya kung apihin. Pinapatay lahat ng characters na ginagampanan nya, tapos para lang syang props doon sa Banyera. Sa promo pa nito, lahat na ng ex ni Ms. Hermosa nabanggit pero sya binalewala lang.

    Sana mas naman mas maalagaan sya ni Ms. Rama. Si Ms. June Rufino kasi ang daming hawak na talents - napabayaan tuloy siya.
  • verajongverajong Member PExer
    GO TJ!!!! i will support you all the way!!!!!!!!!

    TJTIN!!!!
  • KH4everKH4ever Member PExer
    sana nga tratuhin naman ng ABS CBN ng maayos si Mr. Tj Trinidad -
    hindi ung harap harapan sya kung apihin. Pinapatay lahat ng characters na ginagampanan nya, tapos para lang syang props doon sa Banyera. Sa promo pa nito, lahat na ng ex ni Ms. Hermosa nabanggit pero sya binalewala lang.

    Sana mas naman mas maalagaan sya ni Ms. Rama. Si Ms. June Rufino kasi ang daming hawak na talents - napabayaan tuloy siya.

    Hopefully, now that TJ is under Ms. Rama's wing, toe-stepping and outright sabotage by ABS-CBN's so called demigods will soon stop. God-willing
  • maevel2002maevel2002 Member PExer


    from ABANTE-TONITE (8/20/2008)

    TJ, nagpapasalamat kay Annabelle
    JUN LALIN

    MATUTUWA si Annabelle Rama kapag nalaman niyang nagre-rejoice ang fans ni TJ Trinidad nang malamang siya na ang manager ng binata.Ayon sa ilang emails na natanggap mula sa supporter ng TJ-Kristine Hermosa fans club, natutuwa sila na si Bisaya na ang manager ngayon ng binata dahil tiyak daw na hindi na made-deadma ang petition nila sa ABS-CBN na bigyan ng panibagong show ang nabanggit na tambalan.

    Hindi nila matanggap na hindi natuloy ang third season ng Prinsesa ng Banyera kaya naudlot daw ang tuluy-tuloy na sanang tambalang TJ-Kristine. “We hope na maiparating ni Ms. Annabelle Rama sa ABS-CBN management ang petition namin na pagtambalin uli sina TJ at Kristine. “Bagay talaga sina TJ at Kristine, kaya sana, sa pamamagitan ni Ms. Rama, pakinggan na kami ng mga taga-Channel 2!” sey ng isang email sender.

    Natutuwa rin ang fans ni TJ sa pahayag ni Bisaya na hindi niya basta tatanggalin sa Dos ang bagong alaga niya. Sabi ni Bisaya, bago niya i-offer sa iba si TJ, kailangan muna niyang alamin sa big bosses ng Dos kung may plano pa ang mga ito para sa binata. “Lumaki ang pangalan ni TJ sa Dos, kaya kailangan ko munang kausapin ang ABS-CBN executives kung ano na ang plano nila para kay TJ bago ako kumilos,” pahayag ni Bisaya.

    Samantala, very thankful si TJ na tinanggap siya ni Bisaya bilang alaga. Alam kasi ni TJ na hindi gaanong nagma-manage ng lalaki si Bisaya. “Mabuti na lang at best friends ang Dad ko at si Tito Eddie (Gutierrez), kaya pumayag si Tita Annabelle na i-manage ako.
    “Gusto ko na talagang mag-concentrate sa career ko,” pahayag ni TJ, na kasama sa For The First Time movie nina Richard Gutierrez at KC Concepcion. Kasama naman niya si Valerie Concepcion sa Have Baby, Will Date show ng TV5.


  • d3Xt3Rzd3Xt3Rz Tomorrow Becomes Yesterday PExer
    ito dapat binibigyan na maraming projects sa abs*okay*
    minsan kung sinu-sino na lang nilalagay ng abs sa mga shows nila:bop:
  • darkmasterdarkmaster Member PExer
    Baka pag nagbalik sigla ang career ni TJ TRINIDAD,, i-claim na naman ni TANDANG ALFIE LORENZO na si Juday ang dahilan kaya ito sumikat...


    Katulad ng pagyayabang nya na sina Piolo Pascual at John LLoyd Cruz daw ay sumikat lng nang dahil sa tulong ni Juday nya....


    TUMANDA NA AT LAHAT, PAURONG PA RIN ANG PAG-IISIP NI TANDANG BITTER OLD MAN TRYING TO BE JOURNALIST KATULAD NI TANDANG JOEY DE LEON, the BITTERNESS KING!
  • komentaristakomentarista Banned by Admin PExer
    Pahiya ang mga kapamilya sa thread na ito.
  • blue:)blue:) Member PExer
    Goodluck to TJ, he's one of the few who can really act.
  • verajongverajong Member PExer
    d3Xt3Rz wrote: »
    ito dapat binibigyan na maraming projects sa abs*okay*
    minsan kung sinu-sino na lang nilalagay ng abs sa mga shows nila:bop:

    ay i totally agree.. :bow:
  • kristinarkristinar i love TJTin! PExer
    d3Xt3Rz wrote: »
    ito dapat binibigyan na maraming projects sa abs*okay*
    minsan kung sinu-sino na lang nilalagay ng abs sa mga shows nila:bop:

    i agree 100% *okay* :cheers:
  • laginghandalaginghanda Member PExer
    :director:be fair and square dapat ang abs cbn sa mga taong may talent, gwapo tulad ni tj trinidad.
    malakas ang gulong at banyera dahil sa tandem nila ni ms hermosa!
    about time na sundan na ito!

    mabuhay si tj trinidad! :cheers:
    mabuhay ang abs pag nag stay sya dito! :cheers:
    at pag lumipat sya sa gma - simple lang eh
    di mabuhay ang gma 7 dahil may tj na sila :cheers:
    mabuhay ang tjtin ke sa abs cbn o sa gma 7! :cheers:
  • tjforevertjforever Member PExer
    where ever TJ go we will definitely support him!!! it will be nice if he stays put in ABS CBN so that he can be paired off with Kristine again.

    we love the TJTIN tandem since Gulong ng Palad days!!!
  • tjforevertjforever Member PExer
    some comments on this issue from TJIF!

    e: Confirmed - TJ changes manager August 16 2008, 9:45 PM


    I am glad that TJ made this move. Nothing against June Rufino but she seem negligent as far as choosing Tj's roles in the past. TJ's character(s) are being killed in every show that he was a part of and so we wonder if she (June) really care for him?
    We hope June realized why Tj needed to change his manager coz about time na talaga! Sana Anabelle will push for another TJTIN soap and the much awaited TJTIN movie.
    Sana Anabelle will treat him fairly the way he take care of her children's career.
    Unlike June na halatang may favoritism tulad ng abs cbn.


    Respond to this message

    ex tfc subscriber
    (no login) Re: Confirmed - TJ changes manager August 16 2008, 9:54 PM



    Buti nalang at sa mga shows na kasama si Kristine hindi pinapatay ang role nya. Siguro pinaglaban siya ni Kristine na wag namang gawin yun sa leading man nya. And for that thank you Kristine.

    Sana talaga ang first project ni TJ with Annabelle will be the promised tjtin soap ng abscbn. Kung matutuloy eto balik tfc na ulit ako.


    Respond to this message

    Anonymous
    (no login) Re: Confirmed - TJ changes manager August 18 2008, 6:47 AM


    anabelle rama accdg to tj is a family friend kaya cguro nya kinuha ito. in my opinion, i prefer her than boy abunda dahil nga maintriga ang showbiz baka machismis pa si tj na papa ni boy - lol! at least si anabel - nanay, ate o tita ang dating! no offense meant po pero di ba ganyan ang showbiz- laging naghahanap ng intriga? kaya ingat pusoy na lang si tj.





    kapamilyang may puso
    (no login) Re: Confirmed - TJ changes manager August 17 2008, 5:27 AM


    salamat naman - good bye june - hello anabelle! sa dami na namang talents ni june - parang hindi nya natutukan ng mabuti ang career ni tj. sana anabelle will fight for him as far as getting him meatier roles - hindi ung puro pampalubag loob lamang. whether GMA or ABS CBN basta another big show for TJ and TIN! sana si kristine lumipat na din kay anabelle rama. obvious naman na sa star magic ay neglected din sya.


    Respond to this message

    tjtin4life
    (no login) Re: Confirmed - TJ changes manager August 17 2008, 5:57 AM



    I agree sobrang neglected talaga sina tjtin as a loveteam. Paano nung umpisa palang sinabi na nila na they're not promoting them as a loveteam. Eh ano tawag mo dun partner ganun?

    Kristine doesn't necessarily have to change management coz as far as I know star magic is just handling whatever offers come her way. It's not Star magic who's neglecting her but ABSCBN/Star Cinema. She's not given the best offer so far. She's being used as a benchmark in remakes (gulong ng palad), afternoon soap (Banyera) and that star magic presents. Si Kristine lagi ang initial offering pero pag nag succeed wala man lang acknowledgment.

    Tinaob lahat ng katapat ng mga shows nila TJTIN pero parang wala lang sobrang unfair talaga. Di na rin siguro ako magtataka kung kahit anong loyalty meron si Kristine sa star magic maghanap na rin siya ng bagong manager. Siguro maiintindihan siya nila Mr. M at Mariole. Trabaho lang walang personalan.




    Respond to this message

    G2C3
    (no login) Re: Confirmed - TJ changes manager August 17 2008, 10:39 PM


    I believe this is a good move for TJ. One needs to sit back and appraise one's career. With all the hard work that TJ puts in, not to mention his excellent work ethics and dedication to his craft, he owes it to himself to explore other avenues to stay in his chosen profession where he should be able to better demonstrate his talent, and at the same time have fun. Combined with good norturing and strong support from the manager, it is attainable.

    Not following the Philippines show biz industry until I watched TJ in Gulong ng Palad, I have now come to realize and observed how some actors/actresses are consistently promoted by the studio while others are not given recognition inspite of solid performance, both in terms of acting and capturing audience. Recognition to me means an equally much bigger role in succeeding projects, a visible presence both in small and big screen, and a genuinely strong promotion. If others are/were given these offerings, why can't it be done for TJ and if i may be specific, for the TJ-Kristine tandem?

    Good luck to TJ and to Ms. Annabelle. Rest assure that we're here to support you.


    Respond to this message

    observer
    (no login) Re: Confirmed - TJ changes manager August 18 2008, 5:42 AM


    korekek ka jan ^ - napapnsin ko nga na kahit anong galing
    mong artista binabalewala ng mga amo amohan ng abs cbn dahil ang mga pinapaboran nila ay ang mga bata bata nila.

    buti na lang madaming supporters sina tj (at tin) who made themselves heard kaya kahit papano nagkakaroon ng pansin ang tjtin tandem. otherwise, they'll just be pushed on the side lagi.


    Respond to this message

    katz
    (no login)
  • tjforevertjforever Member PExer
    more comments:

    TJ's avid fan
    (no login) Re: Another article about Tj :) August 18 2008, 7:45 AM


    sana soon he will have his own movie - ung big budgetted and well promoted na love story feel good at puno ng pakilig with kristine hermosa. that's what we are waiting for and syempre pa, teleserye na de kalidad with kristine too. ang bagay kasi nila and his acting is more intense and realistic pag si kristine ang katambal nya. ganun din si kristine - she is very natural and effective with tj in any given role. :sweet:


    Respond to this message

    Anonymous
    (no login) Re: Another article about Tj :) August 18 2008, 7:48 AM


    best friend pala ng tatay ni tj si eddie. g na husband ni anabelle rama- that's good to know na may tyak na may malasakit ito kay tj.


    Respond to this message

    Teleserye fan
    (no login) Re: Another article about Tj :) August 18 2008, 10:11 AM


    i'm happy dahil madaming positive articles abt tj na naglalabasan. sana magka project pa sila ni kristine sa abs cbn - at wag na muna syang lumipat sa gma. bagama't ok din na amg GMA 7 sya basta isama nya lang si kristine ;)

    subscriber
    (no login) Re: Another article about Tj :) August 19 2008, 12:14 PM


    hopefully maganda ang magiging result ng meeting nina anabel at tj sa abs cbn. sna bigyan naman sya ng desenteng offer - specifically another leading man role with kristine as his leading lady in a quality teleserye.
    ang tagal nang dormant ang tfc ko - about time na magkashow ang tjtin so i can start watching again!
  • tjforevertjforever Member PExer
    TJ's post in TJIF Message Board :)

    August 14 2008 at 6:55 PM Anonymous (Login sandman111)


    hi all. thank you for being patient. well, right now, i'm still not at liberty to really comment on all the issues that have been surfacing. hopefully, by next week, you will get your answers. i would like to thank you for your continuous support. i do hope you get to watch "have baby, will date" which is on every tuesday for a month on TV5. i'm currently shooting "for the first time" with kc and richard. it'll show by august 27. do catch it if you have time. that's all for now though. thanks again.


    Tj is so thoughtful to update his friends/fans/supporters by posting this!! More power to you TJ! we love you!!!! :heart:

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file