Home PEx Relationships Love - Dilemmas
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

bakit hindi pako pakasalan ng bf ko?

magpa five years na kaming magbf next month pero bakit hanggang plano pa rin ang kasal namin? paurong ng paurong ang date ng kasal namin. nagumpisa nung 2006, 2007, 2008, at ngayon 2009 ang plano. alam ko isang factor ang pera. pero nag-increase na ang sahod nya few months ago, kso nagincrease din ang mga bagay na gusto nyang bilhin gaya ng shoes, damit, celfone etc. alam ko nagiipon din naman sya sa banko para sa kasal pero bakit hindi nya magawang magipon ng totohanan?wala akong nakikitang effort up to now.mind you, kababae kong tao pati ako naghuhulog sa joint account namin para sa kasal. mahal ba nya talaga ako?nakikita ba nya na ikasal kami? o nagaantay lang ako sa wala? naiinip na ako :(
«1345

Comments

  • gurl, you need to talk to your bf about it..
    you need to ask him if he's ready or not..
    mahirap ng magkamali..
    you really need to think twice..
  • mahal naman ako ng bf ko. cguro naman ano 5 years na kami! lahat na ginawa ko para hindi kami magsplit at magaya sa ibang long engagement na nauuwi sa wala. ang mga lalaki ba talagang mahirap pumasok sa kasal kahit na 28 y/o na sila?
  • muahalmuahal PEx Veteran ⭐⭐
    Nakikita mo na nga ugali ng BF mo, gusto mo pa rin magpakasal. Wag ka muna magpadalos dalos di mo alam ang gusto mo pasukin, once na kasal ka na there's no turning back iha. Hayaan mo muna bf mo mag enjoy, enjoy mo rin kung ano meron kayo ngayon. Wag mo siya ippressure, the more na kinukulit mo siya the more na tatagal yan. Buti nga kahit pano may savings kayo, eh kami nagpakasal kami ako lang may savings kaya eto kami ngayon hirap sa buhay.

    Kala mo madali lang ang buhay may-asawa, ako na nagsasabi makikita mo ang lahat ng pangit na ugali ng bf mo pag kasal na kayo. Kung pwede lang isoli na asawa ko sa biyenan ko ginawa ko na, kaso andito na to eh...eh di magdusa ako :mecry:

    Antayin mo na lang kung kelan siya magiging ready ok*okay*
  • kelan naman yun ate? nakakainip na kaya. isnt 5 years not enough for him to decide?
  • I'll guess if you both feel na ok na un "stability" nyo, ill guess its ok to married na.. kailangan kc mutual un feeling...

    both of you are well prepared, emotionally, physically, spiritually and financially.

    As you've said, "nagiipon din naman sya" talk to him sincerely, I'm sure he has the reason why there's a changes sa mga plans nyo, why it moves? then try to work it out, if there's something need to be prioritize first, help each other to reach it out!

    marriage is something sacred for me, as a saying goes " ang pag-aasawa ay di kanin na pag isinubo mo, at napaso ka iluluwa mo" its not exactly the phrase but this is what i remembered. cguro he wants na prepared na prepared na sya when he get married.
    I don't see anything wrong sa pag share mo sa kanya sa JOINT ACCOUNT nyo. after all para din naman yan sa future nyo.
    Mas maganda nyan mag-usap kayo ng masinsinan, pra mawala un mga doubts mo.. :)
  • rickymrickym PEx Veteran ⭐⭐
    yoursung wrote: »
    mahal naman ako ng bf ko. cguro naman ano 5 years na kami! lahat na ginawa ko para hindi kami magsplit at magaya sa ibang long engagement na nauuwi sa wala. ang mga lalaki ba talagang mahirap pumasok sa kasal kahit na 28 y/o na sila?

    if they're 28 or 40 it doesn't matter, he's still eligible. men don't panic. they can have children at any age. look at dolphy. he may panic though if he wants to see his kids grow up. if he doesn't he won't panic as much.
  • Mahirap sabihin eto pero sa palagay ko naghahanap pa siya na more "worthy" woman to get married to...sorry.
  • kelan ba kayo nagplano at ano ang plano? yung tipong, mag-ipon tayo hanggang ganitong halaga then pakasal na tayo? do you have enough money to get married? ikaw, magwowork ka ba kung sakaling makasal nga kayo?
  • purpleheadd07purpleheadd07 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ang mahal na ng gas at bigas saka ka magmamadali about kasal? antay antay ka lang, kung di mo na kaya tanungin mo na pointblank kse wala din naman sa amin ang sagot. just be ready for whatever answers he may have. good luck! :)
  • kelan ba kayo nagplano at ano ang plano? yung tipong, mag-ipon tayo hanggang ganitong halaga then pakasal na tayo? do you have enough money to get married? ikaw, magwowork ka ba kung sakaling makasal nga kayo?

    2006 pa lang ate nagpplano na kami. church wedding balak namin. 200-300k nilalaan naming budget pero tingin ko dapat taasan pa budget dahil mataas na bilihin ngayon. kaso since 2006 pa yung account namin hanggang ngayon wala pang 100k kumusta naman yun ate?
  • ang mahal na ng gas at bigas saka ka magmamadali about kasal? antay antay ka lang, kung di mo na kaya tanungin mo na pointblank kse wala din naman sa amin ang sagot. just be ready for whatever answers he may have. good luck! :)

    lagi ko syang tinatanong, mahal naman daw nya ako at magpapakasal kami yun nga lang tingin ko kelangan ko na magpost dito sa dilemma :(
  • Don't Pressure, Force Him To Something That He Is Not Ready For...
  • ^ kulang na nga lang ate ishotgun wedding ko na. pati nga titirhan namin pagkatapos ng kasal wala pang plano. ayoko sana umupa dahil in the long run lalong mas magastos yun. kaso lang kung yun ngang wedding budget hindi maabot abot pano pa kaya yung pambili ng bahay at lupa?
  • purpleheadd07purpleheadd07 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    yoursung wrote: »
    2006 pa lang ate nagpplano na kami. church wedding balak namin. 200-300k nilalaan naming budget. kaso since 2006 pa yung account namin hanggang ngayon wala pang 100k kumusta naman yun ate?

    sa 100k na yan magkano na ambag mo?

    what's his work ba? is he earning well enough for him to be able to save a substantial amount? we're thinking about 200k more worth of savings aside from your day to day expenses. you need to be realistic about this. kung sa tingin mo doable sa kanya mag save sana ng amount na yun since 2006 till now eh magtaka ka na nga kung saan napunta pera niya. but then again it's still his money.

    and i'll have to ask you again, ano na naging contribution mo aside sa pagtatanong, pag aantay sa kanya? :)
  • purpleheadd07purpleheadd07 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    yoursung wrote: »
    lagi ko syang tinatanong, mahal naman daw nya ako at magpapakasal kami yun nga lang tingin ko kelangan ko na magpost dito sa dilemma :(

    matuwa ka na, yung bee-ip mo ata eh di naniniwala sa kasabihang " bahala na kung puro saging lang kinakain, basta labing-labing" :glee:
  • sa totoo mas malaki ambag ko sa ipon. mas malaki ang sahod ko compare sa kanya though hindi naman malaki ang difference. malaking bahagi ng sahod nya napupunta sa luho nya like celfone, shoes, damit etc. hindi naman business man ang bf ko pero dalawa ang celfone nya at both are latest models pa. ayoko sana pumayag kaso pera nya yun
  • regular ba ang paghuhulog nyo sa joint account? kasi, mamaya pakasal nga kayo e di naman makakabuhay yung kinikita nyo pag nag-asawa na kayo...lalo pa't ayaw mong magrent. yep...in the long run ay feeling mo napupunta sa wala yung pera dahil lang nagrerent ka, pero ang tanong e afford nyo ba na maghulog ng bahay buwan-buwan? e kung ipon nyo nga lang wala pang 100k since 2006.

    pero naintindihan ko yung dilemma mo. kung tutuusin bata pa naman yung bf mo. ikaw ba 28 din? baka di mo lang nakikitaan ng effort na mag-ipon sya since napupunta sa luho, then ikaw ay tipid na tipid. kung ganyan, pag-isipan mo kung balak mo maghintay o humanap ka ng ibang bf na ibibili ka ng bahay, papakasalan ka, at hindi maluho.
  • ^ 28 na din ako. yun ngang ipon hindi umusad usad pambili pa kaya ng bahay? pano kasi hindi monthly maghulog kung hindi ko pa ireremind ng ireremind wala atang balak maghulog puro na lang pasarap sa buhay ang inaatupag kapag pagsasabihan ko naman magagalit sakin. sya na ksi gusto ko pakasalan 5 years na kami nakakahiya naman na magsplit pa kami di ba?
  • purpleheadd07purpleheadd07 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^^may kilala ako almost 10 years, ikakasal na din dapat, then she found out may iba na pala yung guy.

    wala lang, just opening your mind up for possibilities lang. since di pa pala kaya kahit next year kayo ikasal due to financial aspect how much more yung emotional aspect nyo? think hard about it. after all lifetime commitment yan, wala ng bawian. at least na post mo yung dilemma mo kung kelan di pa kayo kasal. what if saka ka magka dilemma kung tied up na kayo di ba? :shrug:
  • ang mahal na ng gas at bigas saka ka magmamadali about kasal? antay antay ka lang, kung di mo na kaya tanungin mo na pointblank kse wala din naman sa amin ang sagot. just be ready for whatever answers he may have. good luck! :)

    yes korek ka jan sis! mahal ng bilihin sobra! mag live in nga lang kayo magastos what more kung kakasalin pa...civil nga lang medjo magastos na panu pa kaya pag church wedding lalo na pag may baby.;)

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file