Is it mandatory for couples to ask permission regarding their itineraries? — PinoyExchange

Is it mandatory for couples to ask permission regarding their itineraries?

I find it really weird....

Dapat ba talaga pagcommitted ang isang tao, let's say bf/gf eh kelangan pagmay pupuntahan ka need niyo pa dapat magpaalam sa isa't-isa?

Let's say, may friend ako, may bf siya.. I asked her kung pede kami magmeet somewhere kung wala siyang lakad.. then, she'll reply back "wala naman, wait paalam muna ako kay bf"..

oh tapos pag hindi siya pinayagan, hindi siya makikipagmeet?
minsan kasi kahit walang rason, kesyo gusto lang ni bf or gf na wag ka makipagkita or umalis diretso ka na uwi eh susunod ka na lang...

parang hindi ata maganda yun.. okay lang sana kung may valid reason talaga pero kung choice lang ni partner na wag makipagkita eh OA naman ata.. :hmm:

As for me, if for example I am committed, let's say wala naman kami lakad ni bi-ep eh he could go wherever he want to, same with me... ang sa'ken lang hindi niya na need magpaalam pa basta lang ba inform niya lang ako kung nasan siya para hindi ako magworry.. (tipong magparamdam lang ba)

pero yung parang nanay or tatay na kelangan magpaalam pa kung pede ka ba pumunta dito o doon knowing na hindi naman sa mga restricted place (you know what im talking about) eh hindi na dapat pa..

la lang para kasing hawak ka sa leeg pag ganito... anyway, just my POV...

now what's yours?
«1

Comments

  • Siguro kung bf/gf pa lang kayo hindi naman dapat lahat ng lakad nyo eh pinapaalam nyo sa isa't isa pwera na lang yung mga importantent lakad na matagal kang mawawala like out of town. Pero pag tinanong ka kung nasaan ka or san ka nagpunta dapat sabihin mo yung totoo. Kase kung lahat ng lakad ipaaalam mo na lang para masyado namang possessive yung partner mo nun parang yung ex bf ko kelangan dapat ipagpapaalam tapos pag hindi ka nagpaalam magagalit, parang ang babaw naman di ba. Pero kung magasawa na kayo dapat lahat ng lakad nyo ipapaalam nyo sa asawa nyo kase syempre bka mamuti na yung mata ng asawa mo ng kahihintay sa bahay tapos nagpunta ka pa pala somewhere.
  • chevy_camaro23
    chevy_camaro23 favete linguis
    ^^ siguro kung mag-asawa na kayo eh case to case basis..

    for example, si wifey nagpaalam kay hubby na dadalaw kay kumare..
    pag hindi pumayag si hubby eh hindi na dapat pumunta pa si wifey..
    kung wala din namang gagawin na sa bahay, ganun ba dapat yun?

    pangit din siguro diba?:hmm:
  • right chevy. pangit nga yun. sa example na yan, dapat magpaliwanag si hubby kung bakit ayaw. at dapat valid yung reason ni hubby. hindi pwede yung "eh ayaw ko eh. gusto ko dito ka lang."
  • bf/gf pa lang kayo may paalam paalam na kayong nalalaman hahaha jumping the gun? Kung mga mag fiance nga na nasa late 20s na nila di nagpapaalam sa isa't isa. Itext lang cguro kung saan pupunta tapos wala nang magagawa yung bf/gf. Tsaka nyo na gawin yan pag magasawa na kayo haha wala pa kayong karapatan pigilan ang isa't isa sa gusto nila.
  • purpleheadd07
    purpleheadd07 Babae po ako
    kahit sa nanay ko di ako nagpapaalam pero marunong naman ako magpa-alam.

    ok na sa akin yung konting paramdam kung nasaan sya, mas naaappreciate pag unsolicited di ba. :)
  • RetroManila
    RetroManila Pushing Daisies
    Not paalam... Out of respect and as not to make ther other person worried, you may just inform him/her where you are.
  • for me, not really ask for permission. but to inform them. well, if it's going to be something that he wouldn't approve of in the first place, i wouldn't go there anyway.*okay*
  • ndi naman yan mandatory but opkors u do it out of courtesy.
    basta ako gus2 ko malaman lalo na't kasali ako sa pinaplano nya.
  • silvermug
    silvermug it's a boredom thing
    'di naman mandatory. nung kami pa ni ex i'd usually text him kung meron akong lakad na medyo off sa routine. halimbawa, nagyaya si barkada na uminom kasi depressed sa work. it is more of an FYI (if he'd say no, i would still go anyway).
  • chevy_camaro23
    chevy_camaro23 favete linguis
    ^^ ayun nga eh, okay lang kung for their info lang.. kaso yung iba, parang nagiging mandatory na.. na pag-ayaw pumayag ng isa at sinuway mo, tiyak away na yun... so parang to avoid that eh susundin na lang nila kahit labag sa kalooban nila.. tipong ganun...
  • baklita
    baklita taas kilay


    sige na nga, mula ngayon magpapaalam na
    ako upang mapasama ako sa kwento rito.

    aihihihi!!! :lol:

    baklita


  • ~gIrLnXtDoOr~
    ~gIrLnXtDoOr~ Washing Ironing F***ing Etc
    ^^ ayun nga eh, okay lang kung for their info lang.. kaso yung iba, parang nagiging mandatory na.. na pag-ayaw pumayag ng isa at sinuway mo, tiyak away na yun... so parang to avoid that eh susundin na lang nila kahit labag sa kalooban nila.. tipong ganun...

    dati nung mag-bf pa lang kme ni hubby, ganyan sya. kaya hindi ako nakakasama sa mga gimik or night out w/ my officemates. may pagka-seloso kase. he states his reasons naman (for example, kse kasama ung isang guy na dumidiskarte saken kahit alam ng may bf ako, kaya ayaw nya). so pag d sya pumayag, d ako sumasama.
    but i can still go out pag all-girls. pero depende pa yun ha kung saan at kung hanggang anong oras. minsan dapat kasama pa sya para akong may bodyguard at driver. hehe

    i just look at the positive side at iniisip ko na lang that's just his way of showing how much he cares for me.
  • ^ hay, ingat ka diyan. his way of showing how much he cares for you daw? if that kind of arrangement works for you, sige. allergic lang ako sa mga ganyang setup. okay, he states his reasons. sana lang, mag-ingat ka at wag siyang payagang maging too controlling sa iyo.
  • tokeneng
    tokeneng La canci?n en el coraz?n",2,"904eef8a5f3d260cc187ce307cf70b3c,mC
    Mandatory, I think not but IMO it's better not to hide anything to your partner para maiwasan ang insecurities. People, male or female, have the slightest chance to feel insecure once they feel that their partners are not telling everything. Sa friendship na nga lang, ganyan na what more kaya for couples.
  • ~gIrLnXtDoOr~
    ~gIrLnXtDoOr~ Washing Ironing F***ing Etc
    ubermensch wrote: »
    ^ hay, ingat ka diyan. his way of showing how much he cares for you daw? if that kind of arrangement works for you, sige. allergic lang ako sa mga ganyang setup. okay, he states his reasons. sana lang, mag-ingat ka at wag siyang payagang maging too controlling sa iyo.

    yup. actually isa rin yan sa naging issues namen before. sabi ko, pano pa kaya pag naging mag-asawa na tayo baka mas maging grabe pagiging seloso at controlling mo. ang sagot naman nya eh pag mag-asawa na daw kme, hindi na sya magiging seloso (tipong kahit may guy friend o kausap na ibang lalake! o pagbabawalan pmunta kasama iba) kase mag-asawa na kme, at wala ng way na mapunta ako sa iba. :bop::D but anyway, he was true to his word naman. now we're married, d na sya ganun. he was just being protective lang. nanigurado daw ba. :lol:

    so i think ung mga guys na ganyan, may time din na magla-lie-low din ung pagiging controlling.

    anyway, what worked for me may not work for others, so kung ginagawa ng bf nyo un sa inyo, aba, gawin nyo rin un sa kanya! pagbawalan nyo rin lumabas kasama ang barkada.. heheh
  • Is it mandatory for couples to ask permission regarding their itineraries?

    it's not mandatory to ask permission. I prefer that my husband informed me of his itineraries & I do the same too.
  • ako si..
    ako si.. Headband Girl
    ha..ha..korek

    magkaiba kasi yun
    1. you're asking permission
    2. letting the person know where you are and whom are you with

    nde talaga okei na dependent ka sa decision ng isa. chaka why would there be restrictions right? unless na lang pasaway ka at committed ka na nanlalandi ka pa ng iba.

    it's really best to just let the person know where you are going to and who are you with para naman no worries at just in case something happened they know who to contact and where to locate you.
  • NO! But I bet your SO will feel a whole world better if you do.

    "A happy partner means...a happy you" *peace*
  • kuting_kitten
    kuting_kitten Beach, please.
    with my recent ex, we inform each other where we are going and with whom. it was not really asking permission, but providing information. :)

    i'm the more outgoing one and he never had a problem with that---except in instances na may weather disturbances na or injury ako but still go out with friends.

    ang mandatory lang noon is i HAVE to text or call him when i am home na so that he'd know i'm safe. :kitty:

    ayaw nya kasi na may nasasakal, so i was trained well. i have no questions when he's out with friends, too. pero narealize ko after those years na hindi rin pala ok na sobrang lax.
  • i can see how this would work for a girl...

    dapat lagi sya magpaalam sa guy.

    pero pag si guy aalis, di na kailangang magpaalam kay girl.

    baket pa? ano ba sya, nanay ko?
Sign In or Register to comment.