Home PEx Family and Society Buhay Pinoy
Discuss your bets and predictions on who will be the next Miss Universe. 👑

sa gabi lang ba pwede kumain ng balut?

kasi naisip ko, bakit sa gabi lang tinitinda ang balut? ibig ba sabihin sa gabi lang pwede kumain ng balut?
«1

Comments

  • oo nga noh???!!!!??? may point ka jan sista!!
  • baka nga naman walang bumibili ng balot sa umaga? taho yata ang gusto pag umaga e...? :|
  • Ang balut ay anytime-anywhere meal. Basta mainit.
  • sa amin may nagbebenta umaga, hapon, at gabi. all from the same balut vendor. so full time ang job niya.
  • :lol::lol::lol::lol: @ the topic

    mas sikat lang 'atang ibenta sa gabi ang balut e kasi may ibang work yung magbabalut pag umaga . . . tama si guitarman, taho kasi sa umaga :lol:
  • me nag titinda rin ng balut pag umaga noh! heheheh pero mas masarap lang tlaga kumain ng balut pag gabi kasi.. basta asa sikmura ata ng tao yun eh
  • Pwede naman anytime eh. Kaya lang mas-ok kumain sa gabi para hindi mo masyadong makita ang sisiw!:D
  • me point ka dun.. kadiri talaga itsura nung sisiw pag gabi madilim nga naman oo
  • kerbkerb PEx Veteran ⭐⭐
    tama :)
    gabi lang dapat ibenta kasi di kakayanin ng mga mahina ang sikmura :P imagine kakain ng ng fetus na lumalangoy sa sarili nyang dugo... o sabaw whatever..
  • SoliduS_AlphASoliduS_AlphA PEx Veteran ⭐⭐
    Originally posted by Cookie_Mobster
    me point ka dun.. kadiri talaga itsura nung sisiw pag gabi madilim nga naman oo

    :bleh:
  • ilang balut ang nakakain nyo sa isang araw? ako lima
  • SoliduS_AlphASoliduS_AlphA PEx Veteran ⭐⭐
    Originally posted by Cookie_Mobster
    ilang balut ang nakakain nyo sa isang araw? ako lima
    takaw mo!!! :lol:

    *ABA FREAKY*
  • takaw ka dyan kuya!!! baket ikaw ilan nakakain mo?! :angry:
  • SoliduS_AlphASoliduS_AlphA PEx Veteran ⭐⭐
    Originally posted by Cookie_Mobster
    takaw ka dyan kuya!!! baket ikaw ilan nakakain mo?! :angry:
    :lol:
    di ako mahilig sa balut....:lol:

    *ABA FREAKY*
  • kasi masarap kumain sa gabi. hindi nakakasuka kumain ng balut...medyo malamig kasi ang panahon...hindi ka magsasawa agad.
  • Originally posted by kerb
    imagine kakain ng ng fetus na lumalangoy sa sarili nyang dugo... o sabaw whatever..

    yuuuuck :bleh: ayaw ko i-imagine! tama bang i-compare sa fetus at lumalangoy pa sa dugo . . .
  • if im not mistaken... kaya sa gabi nagtitinda ng balut its because its being prepared during the morning :)

    IMHO if u were able to buy it during the daytime most probably those are just leftovers from the previous night...

    at saka tulog yung magbabalut ng umaga e... napuyat sa pagtitinda kagabi :lol:;) :bop:
  • Originally posted by chick-boy
    if im not mistaken... kaya sa gabi nagtitinda ng balut its because its being prepared during the morning :)

    IMHO if u were able to buy it during the daytime most probably those are just leftovers from the previous night...

    at saka tulog yung magbabalut ng umaga e... napuyat sa pagtitinda kagabi :lol:;) :bop:
    oo nga noh! tama ka dun.. kaya mas masarap ang balut pag gabi kasi mainit tapos ung mga tira tira matitigas na! :D
  • We used to own a balutan in the Philippines. Ang balut ay sa gabi lang kadalasan itinitinda kase nga eto ang schedule:
    -Sisilawin sa umaga para makuha ang balut na tama ang edad.
    -Bentahan mula 6 AM to 10 AM. Pag minalas ka baka maubusan ka pa.
    -Luto ng mga half an hour depende sa dami ng balut.
    -Distribute sa mga tindero at tindera.
    -About 3 PM start na ang bentahan.

    Tama ka do'n pare ko, pag me' balut sa umaga, leftover 'yon no'ng nakaraang gabi.
    Mahirap kumain ng balut sa umaga kase malansa. More often than not hindi kaya ng sikmura.
    Ingat kayo sa pagkain ng balut kase mataas ang kolesterol. Tsaka pag sumobra ang kain mo, nakakahilo.
  • ang kinakain ko lang sa balut yung yolk saka yung sabaw na mainit pa saka yung color white na medjo matigas na bato ang tawag nila. yummy!
Sign In or Register to comment.