Home PEx Campus University of Santo Tomas
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

Lihim na epidemya ng UST: Ang tunay na baho ng espanya

zacharaiolsenzacharaiolsen PEx Influencer ⭐⭐⭐
Sana bago dumating ang 2011, malunasan lahat ng sakit sa Unibersidad. Mahal na mahal ko ang UST, at sa twing naririnig ko ang ibat ibang uri anomalya sa ibat ibang kolehiyo, mas matinding lungkot ang nadarama ko kaysa sa kahihiyan.

Ang korupsyon sa admin ng CFAD? ang nawawalang scholarship ng UST orchestra members? Kailangan pa bang iba iba ang kulay ng PE uniform para umabot sa mahigit 700 kada pares? Ang mga prayle at duktor na tila minana ang pagka gahaman sa salapi mula sa mga buwakaw na Dominikano nung panahon ni rizal.. Maging ang Science, Engg, atbpng mga kolehiyo ay hindi ligtas! Ang ospital, gym, quadri park.. isang araw makikita na lang natin ang mga flaws nito dahil sa milyun milyong ninakaw. magkano na ba ang tuition mo ngayon, misc and other fees? :mecry:

ang hirap sa ating mga Tomasino, kung hindi mayaman at walang pakialam, marami tayong mas importanteng bagay na iniintindi kesa sumali sa mga unyon, mas iisipin ang sariling kapakanan kesa sumali sa rally. bulag ba tayo o nagbubulag-bulagan? mautak manlinlang ang mga kapwa natin tomasino! kada taon, lumalala. wag natin hayaan na pati ang ika labing apat na taong selebrasyon ng uste ay gamitin nila sa kanilang kalakalan.

Sana magkaroon ng isang malawakan at mabilisang rebolusyon - isahan na lang para sa lahat ng administrators na hindi man lang maisagawa ang turo ni Santo Tomas. Ito ay magiging kauna unahan sa kasaysayan ng Pinas, at sana ay maging huli na rin. :(

Comments

  • coloradocolorado PEx Influencer ⭐⭐⭐
    kung meron man sana matigil na, well obvious naman 'yun iba anomalya.:)
  • hmm? ika labing apat na taong selebrasyon? (14?) anyways..

    kaunti lang naman sa mga estudyante ay may alam tungkol dito, pero ako alam ko ang ibang tinutukoy.. although medyo natamaan na din kami ng ilang anomalya na sinasabi na hindi pa ganun alam ng lahat.

    gaya nga ng sabi ni colorado, sana ay matigil nalang ang mga ito..

    peace. *okay*
  • coloradocolorado PEx Influencer ⭐⭐⭐
    student_cpa: baka meron nagbabasa na Admin dito. magugulat ka na lang wala ka na pala sa UST. :lol:


    Joke lang :rotflmao:
  • colorado! nako! ikaw di ba nagturo sakin?? :lol:

    hahatakin kita palabas ng USTe kasama ko.. hahaha!



    wala naman akong ginagawang masama, isa lamang akong normal na mag-aaral ng ating unibersidad.
  • clawed_outclawed_out PEx Influencer ⭐⭐⭐
    OMG!

    lols.

    ngayon niyo lang nalaman ang mga anomalyang yan?

    natanggal man ang ilan. andyan pa rin ang karamihan.

    what you've told us is just a dust from the storm. There's just an overcast that's covering them.

    that overcast is the money, status and power of religion in our contry.
  • zacharaiolsenzacharaiolsen PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ika labing apat na raan pala hehehe..

    oo tama, sobrang galing nilang magtago kaya yung iba satin walang kamalay malay ninanakawan na pala sila. kahit pa tag pipiso lang tayo, isipin nyo kung ilang libo tayo sa UST??

    hahayaan na lang ba natin lahat to? na kusang mawala ang iba habang karamihan ay lumalala? Tsk. :grrr:
  • hindi na mawawala sa sistema natin ang korapsyon.. ang pwede lang natin gawin ay bawasan o isumbong sa mga nakakataas ang nakikita natin na katiwalian...ipagdasal na lang natin na hindi madadala sa suhol ang ating pagsusumbungan...
  • clawed_outclawed_out PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ eh paano kung mismong mga dean and regents ang may kinalaman sa mga kabulastugan?

    Paano kung ang pinagsumbungan mo ay kasangkot din sa anomalyang yan?
  • wow... expose!
  • @zacharaiolsen mali parin, apat na raan(400) lang hindi labing apat na raan(1400)
    heehee
  • Galvantic@STS[email protected] PEx Veteran ⭐⭐
    akala ko may Hepa outbreak na naman dyan sa ust. :lol:
  • clawed_outclawed_out PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ o at nainggit ka na naman.

    kinati na naman ang ngala-ngala mo ng malaman mong may napipintong skandalo sa USTe.

    haaay... masang pedestrian nga naman.
Sign In or Register to comment.