Home PEx Family and Society Family, Friends and Society
Are you a pageant expert? Join the PEx Miss Universe Quiz Night on May 16!

Hidden talents ng mga NANAY

dahil malapit na mother's day, gusto ko lang magshare sana tayo ng mga hidden talents ng nanay nyo.

sakin, magaling ang nanay ko mamalengke. alam nya kung tama o mali ang kilo ng binibili nya. alam nya ang bigat ng isang kilo, kalahati, etc. sa groceries naman, kaya na rin nyang kompyutin ang mga pinamili sa tingin pa lang.o di ba, ewan ko ba, ang galing nya talaga.

isip pa ako!
«1

Comments

  • there is only one thing.... mapagtiisan niya tatay ko and i really commend her for that.... maybe that's the reason why she left this world at an early age.... :bop:
  • -gelay--gelay- PEx Influencer ⭐⭐⭐
    taz0020 wrote: »
    there is only one thing.... mapagtiisan niya tatay ko and i really commend her for that.... maybe that's the reason why she left this world at an early age.... :bop:

    aww sorry to hear that, na-touch ako sa ni-share mo about your mom. :)
  • -gelay--gelay- PEx Influencer ⭐⭐⭐
    my mommy, anu ba special talent niya? ahihiii! :D

    i can't cite one specific, but i guess she's has a very good sense of humor. she's also into music....a good cook. very patient and understanding. hehe i love her so much *okay*
  • My mom is good at playing stupid when she knows what's really happening more than anyone else and uses false stupidity to get what she wants. Madiskarte! Lol.

    At oo nga pala. She can easily tell kung nakainom ako o hindi, kahit isang baso lang. That's what I hate about her. Haha.
  • i think my mom has an eye at the back of her head. Ang hirap-hirap magtago ng sekreto sa kanya.
    At laging tumpak pag binitawan na nya ang mga katagang:
    "Papunta ka pa lang, pabalik na ako!"
    i love my mom!
  • ermonskiermonski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    malabo na mata ng ermat ko pero alam niya kung kulang yung sukli na binibigay ko sa kanya or hindi hehe
  • sunset7sunset7 PEx Veteran ⭐⭐
    aside from being a great singer hehehe
    i'm a fan of my mom
    well like what taz0020 said
    napag tiisan niya dad ko hehehe
    it's a hidden talent alright ^_^
  • sunset7 wrote: »
    aside from being a great singer hehehe
    i'm a fan of my mom
    well like what taz0020 said
    napag tiisan niya dad ko hehehe
    it's a hidden talent alright ^_^

    i agree!*okay*

    aside from my previous post, sobrang galing nya magluto. as in. siya lang ang kilala kong nagluluto ng organic foods. like for example, ung spag namin, kelangan cya din ang gumawa ng tomato sauce and all. kaya hirap na hirap kaming 2 pag may party sa amin dahil kami ang nagluluto pati mga pang-ingredients sa mga pagkain.

    kaya din nyang magbake ng kahit anong cake.:D
  • carpentry siya gumawa ng bahy bahayan namin

    http://www.xanga.com/soulcappuccino
  • tiara_18tiara_18 PEx Veteran ⭐⭐
    nanay ko singbilis ng bala ng armalite ang bibig nun kapag nagsesermon ang galing diba :lol:

    magaling sa negosyo ang aking inay, magaling din magluto, para din siyang x-men kayang basahin ang nasa isip naming magkakapatid hahahaha lalo na kapag may pinaplano kaming kalokohan or pingtatakpan namin ang isa't isa alam na alam niya, lagi kaming buking :lol:
  • tiara_18 wrote: »
    nanay ko singbilis ng bala ng armalite ang bibig nun kapag nagsesermon ang galing diba :lol:

    :

    *okay* :rotflmao: :rotflmao: oo nga!
  • My mom has this out-of-this-world humor. She really is a genuine artist. An eloquent speaker. And most of all WEIRD.
  • funzenfunzen PEx Veteran ⭐⭐
    Grabe makipagtawaran sa palengke mama ko. Nakakaloka. Minsan nung namalengke kam, nag-oo ako sa turing nun tindera.. aba! kinaladkad ako palayo ni mama at pinagalitan. Huwag daw akong makiaalam. E naman kse, P400 un sabi ng tindera, si mama hirit ng, P150!

    Masarap ding magluto si mama tsaka gaya ng previous posts, napapagtiisan din nya tatay ko. Kung ako yung nasa posisyon nya, matagal ko nang ibinalik sa lola ko tatay ko kahit na ayaw tanggapin ni lola.. hahahaha.

    I love you mama!
  • funzen wrote: »
    Grabe makipagtawaran sa palengke mama ko. Nakakaloka. Minsan nung namalengke kam, nag-oo ako sa turing nun tindera.. aba! kinaladkad ako palayo ni mama at pinagalitan. Huwag daw akong makiaalam. E naman kse, P400 un sabi ng tindera, si mama hirit ng, P150!

    Masarap ding magluto si mama tsaka gaya ng previous posts, napapagtiisan din nya tatay ko. Kung ako yung nasa posisyon nya, matagal ko nang ibinalik sa lola ko tatay ko kahit na ayaw tanggapin ni lola.. hahahaha.

    I love you mama!

    ay oo! 100% agree ako sa tawaran powers din ng nanay ko. ewan ko ba, kahit na 4pesos na bungkos ng gulay tatawad pa ng 2. kamusta naman un? pero surprisingly, nakukuha nya minsan. kaya pag nagpaparty kami sa bahay, 2500 lang ang budget namin may spag, 2 malaking bilao ng palabok, 2 malaking cake at maja mais na kami. good for 40 people.
  • My mom is a very good cook. Sa kaniya ko lang ipinagkakatiwala ang spaghetti at adobo. Walang makakatapat sa lasa ng luto niya. ;)

    Magaling din sa costing mom ko. From a limited budget kaya niyang pasarapin/paramihin ang food na ihahain. :lol:
  • ermonskiermonski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    wala yan sa nanay ko!! (hala! eto na!)

    nanay ko naturuan akong magtipid sa pagkain, pero nabubusog ako, ewan ko kung bakit... halimbawa, 1 kilo of chicken, should last for a week or more... pero pag sweldo niya siyempre todo na yan...

    the things I learned from her about saving money and being practical eh naaapply ko na ngayon dahil mahilig akong mag-ipon ng baon ko sa school...

    magaling din sa tawaran si mama, maski KFC hindi nakaligtas sa kanya!! hehe!
  • neneodinneneodin PEx Veteran ⭐⭐
    nanay ko eh 76 na at ganon pa rin,di nawawala ang humor nya,sa kanya ko namana ang pagiging bungisngisera.Mahilig din kumanta si nanay..
  • baklitabaklita PEx Veteran ⭐⭐

    nanay ko nag-iigib ng tubig, nagsisibak ng kahoy, nagbubuhat
    ng mga sakong bigas sa bodega, nag-aararo pa siya. talaga ang
    mother dear ko... feminine na feminine, noh!

    aihihihi!!! :lol:

    baklita



  • tiara_18tiara_18 PEx Veteran ⭐⭐
    ^ibang klase nanay nitong si baklita may lahing amazona hehehehe

    lapit na mothers' day :D
  • tiara_18 wrote: »
    ^ibang klase nanay nitong si baklita may lahing amazona hehehehe

    lapit na mothers' day :D

    natatawa talaga ako sa mga posts dito.

    talagang yabangan to the max! :rotflmao:

    at may humihirit pa ng wala kayo sa nanay ko!!!:rotflmao:
Sign In or Register to comment.