MichAdiks ♥ MICHELLE MADRIGAL [Thread 20]

KoalaBooKoalaBoo Ang kulit-kulit mo! PExer
WELCOME TO THE OFFICIAL MICHELLE MADRIGAL THREAD PART 20

MICHADIKS-TS-20.jpg

[highlight]Official Michelle Madrigal Threads:[/highlight]

MichAdiks Central Part 1
MichAdiks Central Part 2
MichAdiks Central Part 3
[url=httphttp://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=203237]MichAdiks Central Part 4[/url]
MichAdiks Central Part 5
MichAdiks Central Part 6
MichAdiks Central Part 7
MichAdiks Central Part 8
MichAdiks Central Part 9
MichAdiks Central Part 10
MichAdiks Central Part 11
MichAdiks Central Part 12
MichAdiks Central Part 13
MichAdiks Central Part 14
MichAdiks Central Part 15
MichAdiks Central Part 16
MichAdiks Central Part 17
MichAdiks Central Part 18
MichAdiks Central Part 19



[highlight]Loveteams:[/highlight]

Joseph and Michelle Part 1
Joseph and Michelle Part 2
Joseph and Michelle Part 3
Joseph and Michelle Part 4
Joseph and Michelle Part 5
Joseph and Michelle Part 6
Joseph and Michelle Part 7
Hero and Michelle
Jawe and Michelle



[highlight]Lovetriangles:[/highlight]

Michelle, Joseph and Melissa Part 1
Michelle, Joseph and Melissa Part 2
Michelle, Joseph and Melissa Part 3
Tambayan Ng SEPHMEL and SEPHMICH Fans!



[highlight]Shows:[/highlight]

Vietnam Rose
Spirits
SCQ Reload



[highlight]Yahoo! Groups:[/highlight]

http://groups.yahoo.com/group/michellemadrigalrocks/
http://groups.yahoo.com/group/michelle_madrigal_group/
http://groups.yahoo.com/group/michelle_madrigal_lovers/
http://groups.yahoo.com/group/michelle_madrigal_scq/
http://groups.yahoo.com/group/michelle_madrigal/
http://groups.yahoo.com/group/michelle_madrigal_08/
http://groups.yahoo.com/group/mhockz_michelle/
http://groups.yahoo.com/group/michelle_is_really_cute/
http://groups.yahoo.com/group/Mitch_Madrigal/
http://groups.yahoo.com/group/mmadrigal01/
http://groups.yahoo.com/group/michellemadrigal_SCQ/
http://groups.yahoo.com/group/michellemadrigal/
http://groups.yahoo.com/group/joseph_michelle_scq/
«13456757

Comments

  • KoalaBooKoalaBoo Ang kulit-kulit mo! PExer
    Congratulations, MichAdiks, on a new thread! :cheers:

    Here's an article about Michelle and Ehra's interview/lie detector segment sa Showbiz Central.

    Michelle Madrigal says Janno Gibbs "courted" her sister Ehra
    Elyas Isabelo Salanga
    Sunday, April 20, 2008
    11:14 PM

    It was time for sister teamwork as Ehra and Michelle Madrigal both took the hot seat on Showbiz Central's "Don't Lie to Me" segment with resident interrogator John "Sweet" Lapus.

    SC thought up a novel way for the sexy Madrigal sisters to feel the pressure: Michelle was strapped to the lie-detector seat while Ehra, seated a couple of meters away, was also strapped. But the catch was, Ehra would bear the brunt of Michelle's answers, similar to what people saw in Eat Bulaga's "Bulagaan" segment.

    EHRA VS. KATRINA. First question was, "Since si Ehra na ngayon ang nag-e-endorse ng isang alcoholic drink, na dating ine-endorse ni Katrina Halili, tanong, sa iyong palagay, totoo ba na dahil dito, naging aloof sa isa't isa si Ehra at si Katrina [Halili]?"

    "No," Michelle flatly answered. Sure enough, the machine agreed and applause echoed from the crowd.

    SALAMAT PO, DOKTOR? Of course, John was just warming up as he prepared a juicier question for Michelle. The question was, "Lagi na lang na lahat ng sexy star, e, tinatanong ng ganito. Pero ngayon, sa iyo ko itatanong. Michelle. Sa iyong palagay, may pina-enhance ba si Ehra sa kanyang mukha o katawan?"

    Michelle automatically answered "No" and the machine, finding no changes in Michelle's pulse rate, signified it as the truth. When asked about the rumor, she said, "Kapatid ko ‘yan. Kilala ko naman kapatid ko."

    Ehra added, "Given naman talaga yun, lalo na ‘pag nagpapa-sexy ka. Similar questions are ‘Totoo ba, o hindi?' etc., so ngayon na close na, talagang natural lahat."

    LOVE TRIANGLE. The next question was related to Michelle as John asked, "Totoo ba na up to know, hindi pa rin kayo nagpapansinan ni Sunshine Dizon dahil na-link siya noon sa ex-boyfriend mo na si Victor Neri after ng breakup n'yo ni Victor?"

    "No," Michelle answered, shaking her head to prove her point.

    The lie-detector machine disagreed this time as it let out a big "Lie," signaling John and company to do a dance number, much to the delight of everyone—except Ehra, that is, as a bucketful of what looked like baby powder was dumped on her and covered her from head to foot.

    When asked by John about her answer, Michelle explained, "Nagpapansinan naman kami ‘pag nagkikita kami sa labas... Wala naman rason para mag-away kami o hindi magpansinan kasi kung ano yung nangyari sa amin ni Victor, e, tapos na yun. Kung ano man ang meron sila, e, wala na akong kinalaman doon. Wala dapat i-intriga diyan or whatever."

    John let out a laugh as Michelle quipped, "Sinungaling ‘yang lie detector na ‘yan!"

    MICHELLE VS. PAULEEN. The next question was once again related to Michelle, "Ikaw ba, willing makatrabaho si Pauleen Luna na nakasamaan mo diumano ng loob noon?"

    "Yes," Michelle said, as Ehra apprehensively looked up and both waited for the result. Thankfully, the machine agreed. John followed up his question, on whether Michelle and Pauleen met after the former transferred to GMA-7 from ABS-CBN.

    "Hindi pa," Michelle answered. "Sa akin naman, walang problema. So, okay lang naman kung magkita kami. Nasa kanya kung papansinin niya ako."

    JANNO COURTING EHRA? The final question was a tad more controversial than the rest as John asked, "Michelle, tinanong ng Central Jury si Ehra kung totoong niligawan siya ni Janno Gibbs habang sila ay nagte-taping ng Lupin. Panay daw ang text ng singer-actor sa iyong kapatid. Sabi ni Ehra, e, hindi naman daw. Ikaw, sa iyong palagay, noong mga panahon na iyon, niligawan ba ni Janno Gibbs ang kapatid mong si Ehra?"

    "Yes," Michelle immediately answered as Ehra looked at her sister in amazement. More surprisingly, the machine agreed with Michelle's answer!

    Michelle explained first, "Siguro sa akin kasi, ‘pag lagi kang tinatawagan ng lalake, paramdam yun, di ba? Hindi naman siguro yun magt-text o tatawag ‘pag walang interest. Baka para kay Ehra, e, wala lang yun. Kung sa akin ginagawa, e, iisipin ko talaga na nanliligaw siguro."

    Ehra followed, "Yun nga, kasi I don't assume naman if a guy would text or call me, pangliligaw na yun. So, puwedeng panliligaw or puwedeng pangungulit lang or puwedeng wala lang."

    John joked, "Kilala ko ‘yang si Janno Gibbs, napaka-sweet na tao! Alam mo nga feeling ko, nililigawan din ako. Panay text niya at tawag niya! Ngayon talaga ‘pag may tumatawag sa akin or mag text, kahit quotable quote, e, ligaw na!"
  • datKiLab<--datKiLab<-- a.k.a kELi PExer
    hi michadiks :wave:

    yay....good job! *okay* thanks princess booey :bounce:...

    congrats everyone :cheers:
  • datKiLab<--datKiLab<-- a.k.a kELi PExer
    piecesofmich.jpg
  • datKiLab<--datKiLab<-- a.k.a kELi PExer
    weloveyoumich1.jpg
  • datKiLab<--datKiLab<-- a.k.a kELi PExer
    michjustwannahavefun.jpg
  • datKiLab<--datKiLab<-- a.k.a kELi PExer
    WEARECERTIFIEDM.gif

    welovemmichadiks88.jpg
  • datKiLab<--datKiLab<-- a.k.a kELi PExer
    michmich.jpg

    alrite..gotta go...congratulations again to all of us :bounce2:

    Thread 20!!!! :rocker:
  • FreshWidItFreshWidIt Member PExer
    keep it goin Mich
  • akosilesterakosilester Slumdog Billionaire ✭✭
    :bounce2: yey! new home for Michadiks!!! :bounce2:


    :cheers:


    we made it... after a year & 4 months! :bungi:


    Michelle, this is for you :) :love:
  • kyley03kyley03 Mitchadiks PExer
    :wave:Michadiks!!!
  • kyley03kyley03 Mitchadiks PExer
    VOTE FOR MICHELLE IN FHM 100 SEXIEST

    You can vote as many times as you want through your mobile phones.
    Simply text FHM100 Michelle Madrigal to 2948 now!


    Mobile instructions:

    1. The FHM 100 Sexiest poll is open to all Smart, Globe, Sun, Talk N’ Text and Addict Mobile subscribers.
    2. To vote, the texter must text in FHM100 and send to 2948. Example: FHM100 Michelle Madrigal. Texting of votes costs P2.50 for Smart, Talk N’ Text, Globe and Addict Mobile while P2.00 for Sun.
    3. 1 text vote = 5 entries
    4. To get a complete list of all keywords, text FHM100 to 2948.
    5. Send all keywords to 2948 for Smart, Globe, Sun, Talk N’ Text and Addict Mobile subscribers.

    ONLINE VOTING

    you can only vote once per day

    www.fhm.com.ph
  • kyley03kyley03 Mitchadiks PExer
    :bounce:new house!!! yahOo!!
  • kyley03kyley03 Mitchadiks PExer
    :D im so happy may
    new house na ang
    michadiks family..
  • kyley03kyley03 Mitchadiks PExer
    :bop: up for Michadiks!!
  • kyley03kyley03 Mitchadiks PExer
    :bop: up up again!!
  • kyley03kyley03 Mitchadiks PExer
    dyesebel_cast_01a3.jpg
  • kyley03kyley03 Mitchadiks PExer
    :bop: up for dyesebel..
  • kyley03kyley03 Mitchadiks PExer
    PEP: Michelle Madrigal endures painful, sticky nipple tape for Dyesebel
    04/22/2008 | 08:14 PM

    Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Michelle Madrigal sa presscon ng Dyesebel ng GMA-7. Agad naming itinanong sa kanya kung ano na ba ang nangyari matapos ng pagbubuko niya sa "Don Lie To Me" portion ng Showbiz Central na nanligaw nga si Janno Gibbs sa kanyang ate na si Ehra Madrigal.

    "Wow! Can we talk about Dyesebel first?" magalang na pakiusap ni Michelle na tila nagulantang sa biglaan pagtatanong sa kanya ng aftermath ng pagbubuko niyang iyon sa naturang showbiz talk show.

    PLAYING MEANIE MERMAID. Pinaunlakan naman ng PEP ang kanyang pakiusap at tinanong na muna ang kahalagahan ng role niya sa TV adaptation ng Mars Ravelo classic na Dyesebel.

    "I play contravida to Marian [Rivera] sa tubig. Ako si Berbola, ang magpapahirap ng buhay niya sa tubig. Kasi ako ang prinsesa, ako ang anak ni Dyangga. Kasi magkakaroon kami ng conflict ni Dyesebel kasi pareho kaming magkakagusto kay Fredo. At gagawin ko ang lahat para makuha ko si Fredo.

    Example ng klase ng pagpapahirap niya kay Dyesebel?

    "Inaapi ko si Dyesebel, kasi prinsesa nga ako at ginagawa ko siyang utusan, tagasunod. Siya yung taga-kintab ng kaliskis ko. Naiinggit kasi ako sa kanya, kasi mas makintab ang kaliskis niya. So siya yung taga-kintab ng kaliskis ko," simulang kuwento ni Michelle about her role.

    Magkakaroon ba sila ng fight scene ni Dyesebel, like sabunutan sa ilalim ng dagat?

    "Hindi ko pa alam. Pero kung magkakaroon, siguro parang hampasan kami ng buntot. ‘Di ba, kasi mga sirena kami?"

    Ani Michelle, grabe raw ang ginawang preparation nila para sa Dyesebel. Kinailangan nilang um-attend ng swimming training suot ang mga buntot nilang gawa sa silicon. Ayon sa co-star ni Michelle na si Alfred Vargas, "dolphin kick" daw ang tipo ng paglangoy na itinuro sa kanila.

    "Apat..? Limang beses kaming nag-train para sa swimming and acting workshop. Sobrang pagod, sobrang hirap. Sa umpisa masakit sa katawan. Pero katagalan..." Sobrang sarap nga raw ang matulog after ng training nila.

    NIPPLE TAPE. Dahil sirena nga sila nina Marian at iba pang kasamang babae sa cast like Mylene Dizon and Lotlot de Leon, kailangan nilang mag-topless sa mga eksena.

    "Lahat talaga kami naka-topless. May nipple tape siyempre. Siyempre hindi naman kami pababayaan ng mga directors namin. E, halos lahat ng katrabaho namin doon, yung crew mga lalaki. Hindi kami pinababayaan ni Direk Joyce [Bernal]. May cover naman talaga at siyempre, mahaba ang hair extensions namin."

    Pero pasaway raw ang mga hair extensions sa sandaling lumalangoy na sila underwater.

    "Gumagalaw siyang talaga. Nakikita na. Pero may nipple tape naman. Medyo masakit ‘pag inaalis na. Kailangan pang gamitan ng oil, ganyan, pero ‘di bale nang masaktan. Safe naman."



    Gandang-ganda sa role niya si Michelle at panay nga ang sabing nagpapasalamat siya't nakasama siya sa project na ito ng GMA.

    "Ay, sobra-sobra. Sobra-sobra talaga ang pasasalamat ko. Kasi hindi birong project ito. Dyesebel ito. I am so honored na naging part ako ng ganitong kalaking project. I am so thankful sa GMA at sa manager kong si Annabelle Rama."

    PASAWAY FOREVER. Speaking of Annabelle Rama, naglatag ba ng kanyang ground rules ang matapang na ina ni Ruffa Gutierrez as conditions in handling Michelle who has been tagged as one "pasaway" star?

    "Wala naman. Pero palagay ko, hindi naman ako kukunin ni Annabelle Rama, isang Annabelle Rama kung wala siyang nakita sa akin. At saka, yung sinasabing pasaway ako, ano ba yun? Five years na ako sa showbiz, once or twice pa lang naman ako nale-late sa set, tinawag na ‘kong pasaway. At ‘pag tinawag kang pasaway, nakatatak na sa iyo yun, forever."

    Grateful daw talaga siya na sa kabila ng ganung image na naitatak na sa kanya, hindi siya pinapabayaan ni Annabelle bilang kanyang manager.

    "Ang daming raket. Like I have Kamandag and now, I have Dyesebel. I love na meron akong raket."

    But how about ang kanyang love life?

    "Sabi na nga, itatanong ‘yan, e. Alam nyo, mas okey pang ganito ako, as in zero balance ang love life ko. Kasi tingnan nyo nung may dyowa pa ako, wala akong project. So, buti na ‘tong ganito na walang dyowa, pero may projects naman. Saka dream ko talaga ‘tong role na ‘to, e. Actually, dalawang dreams ko ang natupad sa role ko sa Dyesebel.

    "Kasi, ‘di ba nung mga bata tayo, gusto nating maging mermaid, maging prinsesa. E, ako yun ang dream ko maging mermaid o prinsesa. ‘Eto na, natupad pareho, mermaid na ‘ko, prinsesa pa."

    MICHELLE'S OWN OPINION. Matapos na pag-usapan namin nang husto ang role niya sa Dyesebel, balik kami sa unang topic dapat namin: ang aftermath ng pambubuko niya sa panliligaw ni Janno Gibbs sa kanyang Ate Ehra. Meron nga bang aftermath?

    "Nothing. I mean, when they asked me dun sa ‘Don't Lie To Me' if I think Janno was courting my sister, I said yes, I thought he was courting my sister. He was calling my sister before, but this was before pa, long, long time ago. Lupin days pa. E kasama niya rin kasi dun. So, siguro nga naging close sila dun. E, ako minsan kasama ko si Ehra, ‘tapos tumatawag [si Janno]. So, ako opinion ko ‘yun. Sariling opinion ko.

    "But ipinaliwanag naman ni Ehra rin doon na she wasn't assuming na Janno was courting her, kasi nga, magkasama naman sila sa show. And for me, kung nanliligaw ang lalaki, dapat sa lalaki manggaling na he's courting her and not from the girl. So si Ehra was like that, she didn't want to assume. Actually, natawa pa nga ako sa explanation niya roon, pero, sinabi niya, hindi naman [nanliligaw]. So hindi."

    "At saka sabi nila ganoon lang daw si Janno. Malambing, palatawag sa mga kasama sa show, sa mga babae. So, sige. Ganun lang siya sabi nila."

    Hindi lang daw kasi gusto rin ni Michelle, kung sakaling nanliligaw nga si Janno sa kapatid niya.

    "Kasi si Ate Bing [Loyzaga, Janno's wife], friend namin yun, e. Tsaka si Alyssa barkada ko yung anak niya. It doesn't look nice na kaibigan ko yung anak mo, tapos friends kami with your wife, 'tapos liligawan mo ang kapatid ko...parang hindi maganda."

    GETTING "WORK" DONE. Another question na ni-raise ng PEP ay paano kaya kung kay Michelle itinanong kung may pinaretoke siya sa katawan, ano ang isasagot niya?

    "Wala. I wish I have. Nagbibiruan nga kami sa Dyesebel, mata-topless pala kami sana nakapagpa-enhance kami ng boobs, ha-ha-ha! No, but seriously, wala naman akong retoke. Kung meron man gusto ko sana itong tiyan ko. Ang laki kasi."

    Hindi ba makukuha ng workout?

    "I hardly workout at all. Noon, nagwo-workout ako, pero ngayon?" napailing na lang habang natatawa si Michelle. "Ang sarap kasing kumain."

    Tila kasi lagi na lang standard question sa mga may sexy image ang tanong kung may ipinaretoke sa katawan ang nagpapa-sexy. Kaya nga raw siya, kung makulit pa rin ang nagtatanong, gagawin na lang niya yung madalas sabihin ng ate niya.

    "Sige na nga, may ipinaretoke na ako. Kahit wala. Sige, kahit hawakan nyo pa," at natawa pa pagkatapos si Michelle.
  • kyley03kyley03 Mitchadiks PExer
    :bop: up for Michelle Madrigal!
  • kyley03kyley03 Mitchadiks PExer
    :wave:got to go..

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file