Home PEx Relationships Love - Principles, Practices & Preferences

Help: Inlove with my friend

Anyway, may gusto lang sana akong i share at makakuha ng opinyon at payo sa kasalukuyan kong sitwasyon:

Ito ang storya:

kaklse ko sya mula 1st yr college na mgnda tlga! chinese - mestisa! kaya naman suntok sa buwan na lang kung manliligaw ako sa knya dhil d naman ako kagwapuhan... Kaya di sumanggi sa isip ko dati na magiging seryoso ako dahil sapat na sa kin ang maging crush lang sya... Pero 1 pagkakataon kasi ang nangyari ng tinulungan ko sya sa isang project ng knyang kaibigan at sinabi ko na wag na lang ipa alam kahit kanino ang ginawa kong pagtulong sa kanya, dahil #1 ganun tlaga ako, silent worker ako at tapat na kaibigan, at ayoko maging bida, gusto ko low-profile lang lagi ako... at naging malaking puntos ata un sa akin kasi simula non sobrang naging close kami!

1 taon kami d nagkita at nagusap pag ka graduate, pero nun nakaraang buwan lang, kinamusta nya ko at namiss nya daw ako... niyaya nya akong sumamang gumimik kasama ng 3 pa naming kaklase, masaya nun nagkita kita ulit kami, pero parang iba kasi madalas na syang lumapit sa kin at kung totoo ang body language like pag bunguan nyo ng braso sa paglalakad, pag hawak nya sa braso ko o minsan padampi sa kamay, mukhang may Go signal na nga ako para man ligaw! At kung totoong Jokes are half meant, totoo nga kaya ang mga jokes nyang gusto nya ko...? Pero nakakapag taka dn naman dahil mailap syang mag text sa akin... Pero niyaya nya akong lumipat ng Sun isang beses... At nakapagtataka din dahil parang imposibleng magka gusto ang ganung kagandang babae sa isang tulad kong d naman ganun ka gwapuhan... hmm...

Ngaion, ang tanong, papa ano nga ba mag pa ramdam ang mga babae sa guy na gusto nila ng non-verbal? At pag nag joke ba ang mga babae sa isang guy na sumesentro sa pagiging attracted nya sa iyo, gano kalaki ang porsyentong totoo nga ito...? Salamat...

Comments

  • baklitabaklita PEx Veteran ⭐⭐


    ga-go... gagawin kaya kitang bakla, noh!

    i-assume natin na ikaw ang manok... siya ang palay.
    ayan... tutukain mo na lang... pakeme ka pa. sus!

    go! goo!! goooo!!!

    aihihihi!!! :lol:

    baklita


  • 1. tanungin mo muna kung may boyfriend na
    2. pag wala yayain mong lumabas kung sasama
    3. pag sumama ok may pagkakataon ka
    4. pag sumama ulit meron pa
    5. pag naghalikan kayo sigurado yun meron

    hindi ko kasi ugali magbase sa kilos ng babae kung gusto ako, yung iba kasi likas na mabait lang talaga. Pero kung madalas napapansin mo na mas gusto ka niyang kasama mukhang interesado din siya sa iyo, lalo na kung palagi pa ang text niya. yun lang ang sa aking palagay pero malalaman mo naman yung kung type ka niya e. Yun tipong pag tinawagan mo parang ayaw ibaba agad ang telepono. kung di siya nakapagreply nagsosory siya di tulad ng ibang mga nililigawan mo na walang paki kung magreply sila sa iyo o hindi sa teks. o kaya pag kasama mo feeling mo ang gwapo mo, at bukang bibig ka niya sa kanyang mga kaibigan, madami e hindi ko pwedeng isa-isahin sa iyo ang bawat iniisip ng kababaihan. iba-iba rin ang mga pamamaraan ng bawat babae. mas mainam siguro kung may babaeng pexer ang magbibigay ng kuro-kuro hingil sa iyong tanong. :) kung paano sila magparamdam na gusto nila ang isang lalaki.
  • @2424:
    Sa totoo lang, wala sya ngaiong BF... pahikan ang babaeng ito... At niyaya ko na syang mag kape nung biernes.. sumama naman sya at nag so sorry din pag d agad nakapag reply... Me kasama nga lang na 1 pa naming babaeng kaibigan dahil siguro sinusinundo sya ng kanyang tatay pag uuwi na sya... (ansama nga ng tingin nang makitang me pink rose sya na dala) nag text din sya ng "thank you at your so nice..." yayayain kong lumabas ulit at sana magkaroon ng pagkakataon na kaming dalawa lang.. salamt sa iyong payo! :)

    @baklita: ahahah natawa ako dun!! Salamat! Pag natuka ko na ipapaalam ko agad sa iyo :D
Sign In or Register to comment.