Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences

Tanong lang po..

Anong gagawin mo pag dumalaw ang ex- gf ng husband mo sa bahay nyo?

Comments

  • baklitabaklita PEx Veteran ⭐⭐


    eh, di harapin, kausapin ng matino.
    bakit bubuhayin na naman ang nakaraan?

    isabay mo rin sa pagbisita ng iyong ex-bf, noh!

    aihihihi!!! :)

    baklita

  • nakipag usap naman ako ng maayos sa kanya.. sabi nya gusto lang nya dalawin ang "friend" nya ksi daw tagal na nila di nagkita at tuloy makilala ako.. pero after that iba na nabalitaan ko, kung ano ano na di magandang kwento tungkol sakin pinagsasabi nya, sabi ng asawa ko hayan ko nalang daw, wag ko daw patulan kasi wala naman kwenta.
  • Tama ba na wag nalang ako kumibo?
  • baklitabaklita PEx Veteran ⭐⭐


    antonia... tama ka. huwag ka na lang pumapel o sumali sa ginawang eksena ng ex-gf ng husband mo. kasi pag pumatol ka... tiyak maging malala ang sitwasyon. kung baga ay iwasan ang gulo. at saka dahil sa ugali ng ex niya... isang meeting o pagkakilala lang sa ex-gf niya ay tama na. iwasan din ang pagkikita ng iyong mister sa ex o ikaw sa ex.

    alam mo na... no contact no story created... at walang tsismis, de vaah?

    aihihihi!!! :)

    baklita


  • Ask your husband kung dinefend ka niya against the ex.
  • tiara_18tiara_18 PEx Veteran ⭐⭐
    wag mo na nga lang patulan kasi ikaw ang magmumukhang cheap hindi naman pwedeng kausapin mo lahat ng tao at sabihin mo na hindi totoo ang sinasabi ng babaeng yun, pero kung may mabalitaan ka na lumalabas ang asawa mo with his ex eh iba ng usapan yun...gawin mo ang obligation mo bilang isang mabuti at maasikasong asawa sigurado mamamatay din ang isyu na yan sa ex nya
  • muahalmuahal PEx Veteran ⭐⭐
    Bigla ka tuloy naisip what if dumalaw ung ex ng hubby ko sa bahay or mameet ko siya, cyempre kelangan maganda ako at di ako magmukhang losyang sa harap niya. Sobrang minahal pa naman yun ng asawa ko.

    Siguro kung ako nasa kalagayan mo magtataray ako, pero alam ko naman pagtatanggol ako ng asawa ko if ever.
  • purpleheadd07purpleheadd07 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    maglinis ka ng bahay, magpalit ka ng kurtina, punasan mo mga alikabok, magluto ka ng masarap, magbihis ka ng maayos, pati mga anak mo bihisan mo ng maayos, tratuhin mo siyang bisita talaga at dapat labing-labing kayo ni hubby and kids habang inaasikaso sya para feel niya na masaya naman kayo ng asawa mo at siya na mahiya just in case may masama siyang balak *okay*
  • that's alright with me

    problema na kung magkikita sila sa labas e ayaw ka isama o di kaya hindi sinabi sayo ng hubs mo

    rumble ito
  • baklitabaklita PEx Veteran ⭐⭐

    ibigay mo nga sakin ang ngalan at address ng ex ng iyong
    hubby. kasi bebentahan ko sya ng avon at fishballs, noh!

    aihihihi!!! :lol:

    baklita



  • Antonia7 wrote: »
    Anong gagawin mo pag dumalaw ang ex- gf ng husband mo sa bahay nyo?

    yayain mo mag FFM orgy kayo :bounce2: :naughty2:
  • ^^you're so bad, Fatness


    horny ka today, noh? :naughty:
  • neneodinneneodin PEx Veteran ⭐⭐
    Antonia7 wrote: »
    Anong gagawin mo pag dumalaw ang ex- gf ng husband mo sa bahay nyo?


    Yung una kong hubby eh tambak ang naging gf bago ako pinakasalan kaya nun palaging may dumada law sa amin,maganda ang tanggap ko sa kanila at tanong ko sa girl kung sya ba yong si ano(name nung gf)dahil sa dami ninyo di ko na kayo matandaan....walang angal si mister nun kapag lumabas ng kamalditahan ko ,alam nyang giyera patani kapag nakaalis si ex nya at si exbiyenan ko ay kampi sa akin...pero lumala na ang pagiging babaero kaya pinakawalan ko na rin...

    Buti na lang ang hubby ko ngayon ay ako ang nakauna at ako pa rin ang panghuli;)
Sign In or Register to comment.