Home PEx Family and Society Family, Friends and Society

3rd priority lang ako sa husband ko

Bakit ganun feeling ko priority pa rin ng husband ko ang biyenan at hipag ko. Parang inoobliga pa rin nila ang asawa ko pagsilbihan sila. Naawa na ko sa hubby ko kasi parang ang dami niya iniintindi, minsan ayoko na dumagdag pa sa mga isipin niya, di na nga niya naiisip ang sarili niya. Nagpapaubaya na ko wag lang maipit ang asawa ko sa sitwasyon na kelangan niya mamili.

May sakit kasi nanay niya kaya halos siya na ang nag aalaga (wala na nga siyang career dahil dun) pero ok lang sa kin yun kasi nanay niya yun eh. Pero yung ate niyang malakas pa sa kalabaw na kelangan pa ihatid sundo sa office, samantalang ako nag cocommute.

Gusto ko sana maging ok relationship sa mga in laws ko pero kasi sobra na eh. Ano tingin nyo Mukha ba akong kontrabida? Nag seselos lang kaya ako?
«1

Comments

  • baklitabaklita PEx Veteran ⭐⭐


    siguro binibigyan ng kabiyak mo ng special attention ang iyong
    biyenan dahil may sakit. syempre kung sa iyo rin ito mangyari
    tiyak ganyan din ang iyong gagawin.

    try to show your concern to your in-laws. alam ko sa ganitong
    pangyayari ay usually magiging close ka sa kanila. ipakita mo rin
    na parte sila sa iyong buhay. then, they will realize that you are
    also a part of their life. mag-iyakan din kayo, noh!

    aihihihi!!! :)

    baklita


  • doble karadoble kara PEx Veteran ⭐⭐
    Close naman ako sa kanila pero habang tumatagal alam ko na kung saan ako lulugar sa buhay ng asawa ko. Naawa ako sa asawa ko kasi parang hawak siya sa leeg ng biyenan at hipag ko, pati biyenan ko gusto ako manduhan kung ano dapat gawin, ayoko ng ganun di ako katulad ng anak niya na walang sariling bait.

    Halos lahat ng ipon ko nasa kanila na, pambili ng gamot ng MIL ko. Tapos pag may pera sila grabe makagastos, halos bigyan ng pera ang lahat ng makasalubong na kakilala nila, di nila itabi pambili ng gamot niya. Lahat pa ng bawal kinakain kaya ang daming gamot na kelangan bilihin.

    Tinitiis ko lang lahat para sa anak ko.
  • mahirap talaga yung magkakasama kayo sa isang lugar. kahit close kayo, eventually you get on each other's nerves. hindi ba kayo pwede bumukod? pwede naman pa rin naman mag-bigay ng tulong yung husband mo sa nanay niya. pag nakahiwalay kayo, you are independent and sana ma-realize nung sister niya and nung nanay niya na inaabuso na nila kayo.
  • doble karadoble kara PEx Veteran ⭐⭐
    ^^ Kung ako lang gustong gusto ko na bumukod kami kaso di niya kaya mahiwalay sa mother niya at baka lumabas pa akong kontrabida pag sinuggest ko yun.
  • baklitabaklita PEx Veteran ⭐⭐


    hay naku nene... magsarili na kyong dalwa. sa ganitong paraan ay
    less ang friction mo sa kanyang buong pamilya. isa ring tandaan mo
    ay may limitasyon ang pagtulong sa pamilya. kaya mo yan.

    sige kung magpagupit ka... punta ka saking byuti parlor... bigyan kita
    ng discount. pero lakihan mo ang tip, noh! lol

    aihihihi!!! :)

    baklita

  • rendakurendaku PEx Veteran ⭐⭐
    You deserve to enjoy the hatid-sundo. Ano sabi (or feeling) ng hubby mo about your senorita sis in law? Kanino ba yung car? Sino nagpapa-gas? Sino nagpapa-maintain? kagaguhan ng hubby mo na yung ate niya pinagsisilbihan niya. Kung may utang siya sa ate niya, wag naman ipambayad yung kapabayaan niya sa iyo. Your life is like crap, alam mo ba yon? If your hubby does not have the balls to fix it and cling with his own family, better challenge him.
  • doble karadoble kara PEx Veteran ⭐⭐
    Sa totoo lang lahat ng ipon ko ipinang down ko sa sasakyan, and ako naghuhulog ng monthly nun, ni kusing wala silang nilabas..i hate to say all this things kasi ayoko isumbat yun. Wala siyang utang sa ate niya sila ang may malaking pagkakautang sa kin kung tutuusin, pero wala silang naririnig sa kin at hindi ko rin sila sinisingil sa lahat and yet this is my reward.

    In regards to them mabait naman sila sa kin, ang sa akin lang marunong sana sila mag-adjust, isipin din nila na may pamilya na yung anak niya.
  • ah ganon???

    sa bagay yan na uso ngayon eh...


    http://www.optimusciss.com
    UGI7777777-OPT-00-09065816411
  • ganyan ang tatay ko lahat ng pera niya binibigay sa nanay at mga kapatid niya sa baryo. mga kapatid at pamangkin niya naman "malakas pa sa kalabaw" at ang-daming bisyo... bakit kaya may mga taong abusado at saksakan ng kapal ang mukha? kahit kapamilya mo, dapat mahiya naman sila sa yo.
  • nasa sa iyo na ang diprensiya.... kasi walang aabuso sa ayaw magpa-abuso.... bakit di ka magsalita sa asawa mo para alam niya ang saloobin mo... mag-aral kang mag-drive para magamit mo ang kotseng pinaghihirapan mo... masyado kang nag-se-self-pity... i-assert mo ang right ninyong mag-ina... pilitin mo ang asawa mo na bumukod na.. tutal kaya ninyo naman yata... para na rin ang asawa mo magkaroon ng sariling identity... mahirap sa simula pero kelangan iyan...
  • doble karadoble kara PEx Veteran ⭐⭐
    Siguro nga nagseself pity lang ako. Pano ko kaya mapapapayag asawa ko na bumukod kami?
  • doble karadoble kara PEx Veteran ⭐⭐
    Hindi ako kinikibo ng asawa ko, super cold siya kahapon. Naiiyak ako sa sitwasyon ko parang ang layo layo na niya sa akin. Sinabi ko lang naman na magchip in chip in kami sa pagpapaayos ng sasakyan kasi wala ako pera pampaayos niyan. May sama ba sa sinabi ko? Mauubos ang ipon ko pag lahat yun shinoulder ko. Ayoko kasi mawalan ng pera lalo na at may anak na ako.
  • hello doble kara..nope, hindi ka nagse-self pity..napapagod ka na sa sitwasyon nyong mag-asawa..ke pumayag sya o hindi dapat bumukod na kayo..at ikaw ang asawa tapos ikaw ang nagko-commute..hindi po pwede sa akin yan, ako ang asawa mo ako ang pagsilbihan mo..and i'll do the same.
  • rendakurendaku PEx Veteran ⭐⭐
    Nakaka-burden yang suggestion na bumukod lalo na't kontra at hindi agree si lalake. Kung babae, pwede hilahin; pero kung si lalake ang walang balls tumayo para sa sariling pamilya, parang helpless si babae. Bakit daw ayaw niya bumukod? By the way, is hubby working?
  • doble karadoble kara PEx Veteran ⭐⭐
    Hi think pink, nag aadjust na hubby ko ngayon hatid niya ko sa office tapos uwi ulit siya sa bahay para ihatid ang sister niya sa work.

    to Rendaku..Well kasi nga may sakit ermat niya kaya mahirap tlga iconvince siya na bumukod kami. Part time lang work niya kasi nga wala mag aalaga sa mother niya.

    Anyway tinitiis ko lang lahat para sa anak ko, kasi baka sabihin ng anak ko di ko ginawa lahat para maisave family namin. Sana lang wag ako mapagod.
  • baklitabaklita PEx Veteran ⭐⭐


    goodluck sanyong dalwa. pwede akong ninang sanyong anak, noh!

    aihihihi!!! :lol:

    baklita


  • sa ganyang pagkakataon, your hubby needs to find a job and a house for just the two of you.

    magpadala na lang kayo ng pera at dumalaw lagi.

    yung hipag mo, bahala na sya sa sarili nya. ang concern dapat ng mister mo yung nanay nya kasi may sakit.

    bottomline: you deserve better than this.
  • uptowngirluptowngirl PEx Veteran ⭐⭐
    doble kara, I think the guys have said a lot on the topic. Kausapin mo hubby mo and remind him of the vows you exchanged. When you got married, his obligation is to you. You are the priority. His parents would have to understand that. They know that because they took the same vows.

    Maybe you would like to join our community of hubbies/wives in [email protected]. We talk a lot about marriage, family life, kids, or anything under the sun. The group is great with giving advice and support. Hope you can join us. :)
  • rendakurendaku PEx Veteran ⭐⭐
    doble kara wrote: »
    Hi think pink, nag aadjust na hubby ko ngayon hatid niya ko sa office tapos uwi ulit siya sa bahay para ihatid ang sister niya sa work.

    to Rendaku..Well kasi nga may sakit ermat niya kaya mahirap tlga iconvince siya na bumukod kami. Part time lang work niya kasi nga wala mag aalaga sa mother niya.

    Anyway tinitiis ko lang lahat para sa anak ko, kasi baka sabihin ng anak ko di ko ginawa lahat para maisave family namin. Sana lang wag ako mapagod.

    That's good start of what could be a good transformation. We can't complain. I know how you feel: you'd rather be patient and keep the peace than insist on what you think you deserve but create conflict in the family. How can we be pessimistic about the situation. After all, kindness begets kindness; peace begets peace.
    Bless you!
  • sa ganyang pagkakataon, your hubby needs to find a job and a house for just the two of you.

    magpadala na lang kayo ng pera at dumalaw lagi.

    yung hipag mo, bahala na sya sa sarili nya. ang concern dapat ng mister mo yung nanay nya kasi may sakit.

    bottomline: you deserve better than this.


    i agree

    since he married you ang family nyo ang top priority nya you should talk to him seriously if he wants to save your family kasi hindi pwedeng ikaw lang ang mag exert ng effort

    bumukod kau, ask ur husband to find a job, and pay a nanny to take care of their mum with the expenses split between your husband and your in-law

    before i forget, tell ur husband to stop being a baby sitter to your in-law and start paying attention to your family needs
Sign In or Register to comment.