Home PEx Campus Mapua Institute of Technology

message ni i_love_malayan para sa ating mapuans

nakita ko ito sa mapuaownage.com---

the letter says--
_________________________________________________________


I love Malayan


Magandang hapon po sa inyong lahat!

Hindi na po ako magpapaligoyligoy pa. Ako po ay isang fan ng Malayan.

Para po sa inyong lahat, gusto ko pong sabihin na mali po ang iniisip ninyo tungkol sa pamamalakad ni Yucheko sa ating eskwelahan. Hindi niyo lang po kasi naiisip ang mga sakripisyo na ibinigay niya para sa eskwelahan.

Kung iniisip niyo po na wala syang pakielam sa eskwelahan, mali po kayo doon. Hindi po niya kagustuhan na ibagsak ang quality ng Mapua. Kaya lang po nangyayari iyon ay dahil sa kailangan niyang patatagin muna ang pananalapi ng school at pagkatpos po nun ay ibabalik niya ulit ang quality nito.

Hindi niyo po ba alam na nalugi ang Malayan insurance ni Yucheko dahil lamang sa binili niya ang Mapua?

Iyan po ang isa sa mga dahilan kung bakit niya inuuna ang pananalapi ng school. Kung hindi po niya gagawin iyon, tuluyan pong babagsak ang Mapua. Siguro naman po ay naniniwala tayong lahat na kailangan ng pera para patakbuhin ang kahit na anong organisasyon.

Sa madali pong salita, kung hindi inuna ni Yucheko na patatagin ang pananalapi ng Mapua, matagal na siguro itong bumagsak!

Gusto niyo po bang mangyari iyon?

Wala po syang ibang choices kundi ang isakripisyo muna "temporarily" ang quality at saka nito ibabalik ulit.

At iyon po ang naging dahilan kung bakit naging Quarter System tayo nung una. Ginawa niya po iyon dahil unti-unti siyang nalulugi dahil sa pagkakabili niya dito sa Mapua. Kung nalugi siya, sa tingin niyo po ba ay hindi madadamay ang Mapua doon?

Natural lang po na madadamay din ang Mapua.

Minsan po kasi ay kailangan nating magsakripisyo para lamang magkaroon ng pagasa.

Si Yucheko po ay isang beteranong negosyante. Ang ibig pong sabihin nito na alam niya ang ginagawa niya para sa negosyo. Alam niya po na ang pera ay hindi ang pinakaimportanteng parte ng negosyo. Alam niya na ang mga customers ang pinakamahalagang bagay sa negosyo.

At kapag sinabi po nating customers, sino po ba ang mga iyon? Iyon po ay kayo mismong mga estudyante nito.

Alam niya po na kapag hindi niya inalagaan ng mabuti ang mga customers niya, ay siya rin po ang malulugi. Alam niya na kapag hindi niya pinaunlad ang quality ng serbisyo na ibinibigay niya para sa customers niya, mawawalan siya ng mga customers.

Hindi naman po siguro siya stupid para pabagsakin mismo ang sarili niyang negosyo or eskwelahan?

Hindi naman po siguro siya magiging successful businessman kung hindi siya marunong magpalakad ng negosyo.

Ang isang magaling na businessman po ay alam ang kanyang ginagawa.

Malaki po ang hangarin niya para mabigyan kayo ng magandag edukasyon. Ngunit sa pagkakataon pong ito ay kinakailangan muna niyang paunlarin ang pananalapi para lamang umandar o maging stable na ang operasyon ng Mapua para sa hinaharap.

Huwag po tayo masyadong narrow-minded sa mga pinaggagawa ng administrasyon. Para rin po iyon sa ating kinabukasan.

Kung napapansin niyo po ngayon, unti-unti na pong ibinabalik ang mataas na quality ng Mapua. Five years na po ulit ang engineering courses.

Alam ninyo naman po na pangit ang facilities ng Mapua dati. Pero ngayon po ay gumagandana po ito at dahil po iyon kay Yucheko.

Alam niyo po ba na ang Chemistry lab dati ay parang katayan ng baboy?

Ngunit tignan niyo ngayon, umasenso na ito.

Gusto niyo po ba ang facilities ng Mapua dati? Sa tingin ko naman ay hindi.




Tungkol naman po sa pagpapalit ng name, from Mapua to Malayan, huwag naman po sana nating maliitin ang ganyang klaseng desisyon.

Isa pong napakaimportanteng bagay po ang mapalitan ang pangalan from Mapua to Malayan.

Kung gusto po nating maglagay ng masmaraming kurso such as Nursing, Accountancy, etc., dapat po ay palitan natin ang pangalan. Iyon po ay dahil sa ang pangalan ng Mapua ay sobrang nakatali para sa mga technical courses.

Siguro po ay nagtatanong kayo, "Ano naman ngayon kung sobrang nakatali ito sa mga technical courses"?

Kung ganyan po ang itatanong niyo sa akin, ito naman po ang isasagot ko sa inyo:

Iyon po ay para sa interest ng mga non-technical courses students.

Kung kayo po ay mga Nursing, Accounting, or Psychology students, sa tingin niyo po ba ay comfortable mag-aral sa isang eskwelahan na ang pangalan ay sobrang nakadikit sa technical courses?

Hindi niyo po ba mararamdaman na parang saling-pusa lang kyao para sa eskwelahan na iyon?

Kung hindi niyo po naiintindihan, baliktarin po natin ang sitwasyon. Halimbawa po ay may isang eskwelahan na ang pangalan ay Mapua Institute of Medicine. Ang eskwelahan na iyan ay kilala sa pagkakaroon ng napakataas na kalidad para sa mga Medicine courses. Ngunit ang tanong, kung kayo po ay magaaral ng Engineering sa Mapua Institute of Medicine, sa tingin niyo po ba ay hindi niyo mararamdaman na parang singit lang kayo sa eskwelahang iyon?

Nangyayari po ang ganyan! Katulad nga po ng mga Nursing students natin. Marami sa kanila ay nagiisip na para bang saling-pusa lang sila dito sa Mapua. Nakakawala po ng gana ang ganoon, tama po ba?

At iyan din po ang dahilan kung bakit hiniwalay ang Nursing sa mga Engineering courses. Alam kasi ng administrasyon na mararamdaman ng mga Nursing students ang mga iba't-bang PANLALAIT mula sa Engineerig students!

Naiintindihan niyo ba ang nararamdaman nila?

Naiintindihan niyo na po ba ang kahalagahan ng pagpapalit ng pangalan?




Kung nangangamba naman po kayo na baka ang pangalang Malayan ay hindi kilalanin bilang dating Mapua, nais ko lang pong malaman niyo na huwag po kayo mag-alala dahil hindi po pababayaan ng administrasyon na hindi kilalanin ang Malayan bilang ang dating Mapua.

Gagawa po iyan ng malawakang advertisements para sabihin na ang Mapua ay napalitan na ng pangalang Malayan.

Mga negosyante po iyan, at alam po nila kung paano pasikatin ang kanilang pangalan.



Sa lahat po ng mga sinabi ko, isa lang po ang ibig sabihin nun:

"Hindi po hahayaan ni Yucheko na malugi ang ganyang negosyo dahil alam niyang ikababagsak niya rin iyon."

"Temporary lang po ang nararamdaman ninyong pagkababa ng kalidad, at ityo ay aakyat din pong muli."







_________________________________________________________

Comments

  • Stupid Thoughts from a stupid guy
    > i_love_malayan
  • Si yuchengco yata yang si i_love_malayan eh?

    baka lang naman. . .
  • Hindi ko na tinuloy ang pagbabaasa pagkatapos kong mabasa ang linyang ito:

    Hindi niyo po ba alam na nalugi ang Malayan insurance ni Yucheko dahil lamang sa binili niya ang Mapua?

    For the following reasons:

    1. Even if Mapua is a YGC Member, it does not belong to the Malayan Insurance Group. Mapua is under the House of Investments Inc., not Malayan Insurance group. And the YGC, as a whole, cannot just grab money from one of its groups to aid another. If they can, then Pacific Plans Inc. should have asked for help from MIT, RCBC, EEI -- big time companies of the Group. But it didn't.

    2. Kung meron mang maluluging kompanya ni Yuchengco, mahuhuli na siguro ang Malayan Insurance -- for obvious reason -- MALAYAN INSURANCE is the No. 1 non-life insurance company in the Philippines.

    Bago magsasasatsat ng kung ano-ano, mag-isip naman.
    The 'attack' is so so so... [HIGHLIGHT]lame[/HIGHLIGHT]. :yuck:

    Next please...
  • SmokingBangus, it's worse than stupidity... total NO-BRAINER! :rotflmao:
    Goodang wrote: »
    Si yuchengco yata yang si i_love_malayan eh?

    baka lang naman. . .

    Nope. It's not in the nature of a big-time businessman to destroy himself. Not even to post on internet forums (can't imagine the likes of Vivian, Helen... even Alfonso to do that :rotflmao: ) :rotflmao:

    Galing 'yan sa isang COMPETITOR. Baka galing sa isang eskwelahan diyan sa U-Belt na sa sobrang inggit, kung ano anong bagay na ang sinasabi. Isa siyang kahihiyan ng kanyang paaralan. :glee: Pity!


    :p
  • ang haba naman
  • ^ Yeah. Pagtyatyagaan ko sanang basahin, but after I read the line I previously quoted, I decided not to continue reading. An absolute NO BRAINER. :lol:
  • ^^mas maganda pang basahin yun mismong letter ni Yuchengco para sa mga alumni kesa sa message ni "I love malayan"
  • ^ And what could be its contents?
  • ^^^kuya tophe_17 eto na

    The following is the speech of the NAMA President delivered during the 2006 NAMA-Guam homecoming-ed.


    Distinguished Guests, Fellow Alumni and Friends,

    Good Evening. I speak in behalf of my companions, Engr. Bayani Fernando, Chariman of Metro Manila Development Authority, Mr. Hernando P. Limsin, NAMA Immediate Past President and his wife, Rosita who are all pillars of our national alumni association when I say that we are very pleased to be here tonight on your alumni chapter gathering. We are thankful that you invited us to be with you tonight. And we are overwhelmed with the very warm reception you have accorded us. This only goes to show that despite your absence from the Philippines you are really one with us. And indeed, as far
    as we are concerned we consider you an important part of us, which is why we are here.

    As a matter of policy and practice, we always jump at every opportunity to toutch base with all alumni everywehre in the world. We have met with alumni in Canada and USA. And we will continue to meet other alumni groups whenever we are invited, to keep them posted on what is going on in the Philippines that affects the lives of every alumnus, wherever they may be. In this way, we are able to link with those who are in far away shores and establish solidarity among all Mapua Alumni. So thank you again for giving us this occasion to report to you many of the happenings and activities that concern all of us alumni.

    The most dramatic event of course that will affect our lives as alumni is the impending change in the name of our Alma Matter, which I am sure, you are already aware of. As NAMA president, let me report to you that, we in the Board already have, in behalf of all alumni, submitted to school management a position paper regarding our opposition to this move. In the letter we offered a win-win solution which is to retain the name, even as the school operates as a university. We suggested that the other colleges and institute that are non-technological can operate under the umbrella of Mapua Institute of Technology. The school can name the IT institute as the Mal**yan Institute of Information Technology. We received a reply from Ambassador ********* reiterating the firm stand of management regarding their decision to change the name. This was the reply of Yuch**co:

    AMBASSADOR ALFONSO T. YUCH**CO
    48th FLOOR, YUCH**CO TOWER
    RCBC PLAZA, 6819 AYALA AVENUE
    MAKATI CITY, PHILIPPINES

    25 Januray 2006

    MRS. DOLORES LEGASPI-LIM
    President
    National Association of Mapua Alumni


    Dear Mrs. Lim:

    Thank you for your letter of December 5, 2005 in which you expressed your concern over what you stated as the "reported change in name of the Mapua Institute of Technology to Mal**an College" and expressed your desire for a win-win solution to the issue.

    Allow me to say at the outset that we, too, have always wanted a win-win solution. This is the reason why we do not want the name Mapua Institute of Technology to disappear and have thus decided to retain it as the name of the college of engineering, architecture and IT of Mal**an University. In this manner both names would coexist.

    The fact that both names will coexist is the reason why calling this issue one of "name change" needlessly gives rise to misunderstanding. The name Mapua Institute of Technology shall not be lost. It shall be the name of the flagship college of the 'Mal**an University'.

    Let me reiterate that it is our intention and our commitment to let the name Mapua Institute of Technology live on and gain greater prominence over the years. We believe that the names "Mapua" and "Mal**an" cannot just coexist but can in fact mutually reinforce each other. Thus, a win-win situation. In this regard, the experiences of the Wharton School of the University of Pennsylvania and the London School of Economics of the University of London are our models.

    I believe that there is no disagreement over the objective of attaining university status. Therefore, the main concern is how to position the name "Mapua". Will it be the name of the university or will it be the name of the college that binds together the technology programs? I firmly believe that it is better for the public to continue to directly associate Mapua with engineering. In this manner there is no dilution of the brand name.

    When we took over in 1999 it was our intention to have a school that not just the owners, but more importantly its graduates, can be proud of. It still is. We are very proud of the results of our investments towards Mapua's resurgence, in name and substance, in the recent past. Allow me to say we have every intention of continuing to improve the quality of Mapua education.

    We are also very proud and protective of the name "Mal**an". We believe that in time it could be a brand name in quality secondary and tertiary education.

    We hope that we have made our basic intentions and commitment clear to you. If you have any further comments, please feel free to say so.


    Very truly yours,


    (Signed) ALFONSO T. YUCH**CO
    Chairman
    Board of Trustees


    We are preparing our response to this letter from Ambassador Yuch**co regarding the implication of their decision on NAMA. For instance, what will be the relation of NAMA vis-a-vis the graduates of Mal**an University? Will the school still recognize NAMA as the umbrella organization of all alumni? We shall be happy to hear your inputs regarding this which we shall incorporate in our reply.

    Presently as alumni, we are aslo concerned with the gradual deterioration of the quality of instruction in the school which is manifested by the poor performance of Mapua graduates in board exam results in the last five years. One major reason for the decline is the introduction of the quarterly system in the school calendar, which means that students have to enroll four times during the year. The time allotted for the completion of a course is 12 weeks, compared to 16 weeks for semestral courses which we all experienced as students. We feel that for engineering courses, 12 weeks is too short a time to really master the discipline, which could be the reason why the graduates do poorly in board examinations. We shall express our concern to the school management regarding this; becuase if the trend continues, the tradition of excellence for which the Mapua Institute of Technology is well known for, will be nothing but a myth - a thing of the past. Let us ask ourselves: "As an alumni association, will we be willing to be associated with mediocore education?"


    For a summary, this is what a win-win solution is all about: (Read below)


    A Win-Win Proposal: In view of what have transpired and the negative repercussions regarding the change of name, NAMA respectfully reiterates and submits the following proposal based on the premise that school management is still open to review and rethink its position for the general welfare of the school.

    1.) Retain the name of Mapua Institute of Technology even after it has acquired university status.

    2.) Create the Yuch**co Institute of Business and the San Lorenzo Ruiz Institute of Health Sciences as planned.

    3.) Create an additional institute, the Mal**an Institute of Communication and Information Technology. In this manner the name Mal**an will be henceforth associated with something progressive (the wave of the future) and the school can avoid the stigma of a negative image.

    4.) Allow the different schools to operate as independent professional schools under the umbrella of the Mapua Institute of Technology similar to the De La Salle University Multi-Campus System Model. The different schools can be considered as part of the school system under the leadership of a single president for the system.

    5.) The school can operate the school under the stewardship of a Mal**an Educational Management Team if it so desires.


    NAMA hopes that management would see the wisdom of this win-win solution to the problem.
  • So I guess my initial impression was right.

    The current "Mapua" will retain its name, but as the college of engineering under the Malayan University.

    MCL, along with Malayan Science will fall under the Malayan U umbrella, just like Mapua.

    We may still pertain to our alma mater is Mapua.. and others as our sister schools.. or collectively as Malayan University as the mother or operating name.

    Tama ba?
  • ^^parang ganun na nga siguro
  • In this regard, the experiences of the Wharton School of the University of Pennsylvania and the London School of Economics of the University of London are our models.

    Are these schools' situation before was same as with that of Mapua and Malayan? I mean, Malayan has just sprouted all of a sudden, compared to Mapua being a prominent engineering school since then.
  • sabe nga nila sa taas!^^^ amp! walang enta!
  • www.malayancolleges.com <3

    dan dan dan dan dadadadadan dan dan dadadadadadadadadadadadada ooooooooh~
  • Emperior7Emperior7 PEx Veteran ⭐⭐
    Iyon po ay para sa interest ng mga non-technical courses students.

    Kung kayo po ay mga Nursing, Accounting, or Psychology students, sa tingin niyo po ba ay comfortable mag-aral sa isang eskwelahan na ang pangalan ay sobrang nakadikit sa technical courses?

    Hindi niyo po ba mararamdaman na parang saling-pusa lang kyao para sa eskwelahan na iyon?

    Kung hindi niyo po naiintindihan, baliktarin po natin ang sitwasyon. Halimbawa po ay may isang eskwelahan na ang pangalan ay Mapua Institute of Medicine. Ang eskwelahan na iyan ay kilala sa pagkakaroon ng napakataas na kalidad para sa mga Medicine courses. Ngunit ang tanong, kung kayo po ay magaaral ng Engineering sa Mapua Institute of Medicine, sa tingin niyo po ba ay hindi niyo mararamdaman na parang singit lang kayo sa eskwelahang iyon?

    Nangyayari po ang ganyan! Katulad nga po ng mga Nursing students natin. Marami sa kanila ay nagiisip na para bang saling-pusa lang sila dito sa Mapua. Nakakawala po ng gana ang ganoon, tama po ba?

    At iyan din po ang dahilan kung bakit hiniwalay ang Nursing sa mga Engineering courses. Alam kasi ng administrasyon na mararamdaman ng mga Nursing students ang mga iba't-bang PANLALAIT mula sa Engineerig students!

    Naiintindihan niyo ba ang nararamdaman nila?

    Naiintindihan niyo na po ba ang kahalagahan ng pagpapalit ng pangalan?

    somehow, tama ang sinabi nya. lets just be fair. piz.
  • ^^ah basta labo labo na talaga
Sign In or Register to comment.