Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences

Para po sa mga Paranormal experiences sa na mag log in kayo d2

para sa mga skeptical, sa mga gifted, sa mga curse, at para sa mga phychic na paranormal lovers para po ito sa inyo

Comments

  • mothra_hatermothra_hater PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ako na maguumpisa,,,,,,, this is my story
  • mothra_hatermothra_hater PEx Influencer ⭐⭐⭐
    mayroon po kaming activity doon na night camping para po sa mga boys at girls scouts. isa itong training para sa totoong camping sa Mt banahaw. kaya mag-oovernight kami roon. 6:00 pm dumating at nakita ko na ang mga friends ko. kya lumibot at naghintay pa kami ng iba pa naming classmate after 1 hour at exactly 7:00 nagstart ang camping nagsindi kami ng bonfire at gumawa ng mga activities at naglaro. nag dinner kami noong 8:00 pagkatapos ay gumawa pa kami ng iba't iba pang mga activity. sabi ng master namin which is yung PE teacher namin na matulog muna dahil magistart yung next activity mamaya pang 1:00 am ng madaling araw!!. Siyempre at gusto ko yung oras na yun kasi di ko pa nakikita ang school namin ng ganong oras, I set my cellphone at 12:40 para magising ako at mag-ready na sa activity.
    Kaya nagising ako tulog pa ang lahat. Natutulog kami sa gymnasium na at nakasara ang mga ilaw ang tanging ilaw lang na bukas ay yung nasa labas dahil may lamppost kami doon pumunta muna ako sa labas at nagpahangin, naalala ko bigla ang mga rumors sa school namin na may nagpapakita daw sa 5th floor ng school namin. After a while ay nagising na rin ang mga scout masters namin at niring nila ang bell na sign na dapat ng gumising ang mga scouts. at nag ready kami para sa susunod na activity. Ang activity na yun ay may kukunin kaming mga flag na nakaset around sa lahat na campus, neither sa room or sa nakatago sa mga sulok ng mga hallway so I challenged my groupmates na pumunta kami sa itaas, sa 5th floor.

    Nang kami'y na sa hagdan na ang lamig ng hanging sumalubong sa amin at pati na rin ang kamay ko ay nilalamig, ako ang nasa harapan kasi ako ang leader nila, pumunta kami sa Elementary building sa may room namin nakakita kami ng isang flag syempre tuwang-tuwa kami and then.sinubukan namin ang lahat ng rooms sa 2nd floor pero wala na, Subukan kaya natin sa taas" sabi ng aking ka grupo. pero nakakatakot na dun" sa iba ng isa. kahit nakakatakot ay sinubukan pa rin namin, at hindi kami sa 3rd floor pumunta kundi sa 5th floor!!!!!!! kahit takot ay pumunta at pumasok kaming lahat doon at suwerte kami 5 flags ang nandoon na kailangan namin para manalo.
    Tuwang-tuwa kami dahil malaking points sa Extra curicular pag nanalo sa activity na ito. Sandali lang na iihi ako samahan nyo muna ako pls" sabi ng kasama namin kaya sinamahan namin siya. Lhat ng floor sa school namin may CR pero sa 5th floor ang may kakaiba sa kanila lang ang luma pero lahat mula 4th hanggang 1st floor ay binago na. habang nasa cr ang isa naming ka grupo at the rest nasa labas, may nararamdaman akong may na katingin sa malayo,pero di ko pinapansin. Nang lumabas na siya ay bumaba na kami upang sabihin na nakuha nanamin ang mga flags. nga pababa na kami ay pinigilan ako ng mga kagrupo ko kasi may tao doon sa papunta sa hagdan. Sandali mukhang may tao?, sabi ng friend ko hindi ko masyado makita kasi madilim, babae siya na magulo ang buhok medyo magkasing laki kami, inakala ko na girls scout siya at sabi ko, nakuha nanamin ang flag kaya sorry ka na lang, di siya kumikibo ng tinapatan siya ng ilaw mula sa cellphone ng mga kasama ko. Naka uiniform yung babae na pang highschool at nagulat kami at napasigaw dahil wala siyang mukha!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!. After ng ilang segundo ay nawala siya na parang bula, parang na froze ang mga kasama ko, dahil ako lang ang nasa tamang pagiisip ng mga panahong iyon ay hinila ko silang lahat patakbo sa stairway at tumakbo nga sila masmabilis pa sa akin kahit na madilim ay tumakbo pa rin kami kahit na napapadapa na kami ay tumakbo pa rin kami basta makalayo lang sa 5th floor na yun nang nasa ground na kami ay pinigil ko sila at sinabi sa kanila ng mahinahon " Walng magsasabi sa nakita natin kahit kailan ay huwag ninyo sasabihin kahit kanino, kahit kailan. at nangako sila sa akin, nangnatapos ang camp ay hindi pa rin makapagsalita ang mga kasama ko.

    Grade school ako nangmayari ito Gr 5 noong Feb 17 2005

    ngayon ay 2nd yr na ako at hindi pa rin namin sinasabi ang nangyari sa amin ng panahon na iyon
  • mayroon po kaming activity doon na night camping para po sa mga boys at girls scouts. isa itong training para sa totoong camping sa Mt banahaw. kaya mag-oovernight kami roon. 6:00 pm dumating at nakita ko na ang mga friends ko. kya lumibot at naghintay pa kami ng iba pa naming classmate after 1 hour at exactly 7:00 nagstart ang camping nagsindi kami ng bonfire at gumawa ng mga activities at naglaro. nag dinner kami noong 8:00 pagkatapos ay gumawa pa kami ng iba't iba pang mga activity. sabi ng master namin which is yung PE teacher namin na matulog muna dahil magistart yung next activity mamaya pang 1:00 am ng madaling araw!!. Siyempre at gusto ko yung oras na yun kasi di ko pa nakikita ang school namin ng ganong oras, I set my cellphone at 12:40 para magising ako at mag-ready na sa activity.
    Kaya nagising ako tulog pa ang lahat. Natutulog kami sa gymnasium na at nakasara ang mga ilaw ang tanging ilaw lang na bukas ay yung nasa labas dahil may lamppost kami doon pumunta muna ako sa labas at nagpahangin, naalala ko bigla ang mga rumors sa school namin na may nagpapakita daw sa 5th floor ng school namin. After a while ay nagising na rin ang mga scout masters namin at niring nila ang bell na sign na dapat ng gumising ang mga scouts. at nag ready kami para sa susunod na activity. Ang activity na yun ay may kukunin kaming mga flag na nakaset around sa lahat na campus, neither sa room or sa nakatago sa mga sulok ng mga hallway so I challenged my groupmates na pumunta kami sa itaas, sa 5th floor.

    Nang kami'y na sa hagdan na ang lamig ng hanging sumalubong sa amin at pati na rin ang kamay ko ay nilalamig, ako ang nasa harapan kasi ako ang leader nila, pumunta kami sa Elementary building sa may room namin nakakita kami ng isang flag syempre tuwang-tuwa kami and then.sinubukan namin ang lahat ng rooms sa 2nd floor pero wala na, Subukan kaya natin sa taas" sabi ng aking ka grupo. pero nakakatakot na dun" sa iba ng isa. kahit nakakatakot ay sinubukan pa rin namin, at hindi kami sa 3rd floor pumunta kundi sa 5th floor!!!!!!! kahit takot ay pumunta at pumasok kaming lahat doon at suwerte kami 5 flags ang nandoon na kailangan namin para manalo.
    Tuwang-tuwa kami dahil malaking points sa Extra curicular pag nanalo sa activity na ito. Sandali lang na iihi ako samahan nyo muna ako pls" sabi ng kasama namin kaya sinamahan namin siya. Lhat ng floor sa school namin may CR pero sa 5th floor ang may kakaiba sa kanila lang ang luma pero lahat mula 4th hanggang 1st floor ay binago na. habang nasa cr ang isa naming ka grupo at the rest nasa labas, may nararamdaman akong may na katingin sa malayo,pero di ko pinapansin. Nang lumabas na siya ay bumaba na kami upang sabihin na nakuha nanamin ang mga flags. nga pababa na kami ay pinigilan ako ng mga kagrupo ko kasi may tao doon sa papunta sa hagdan. Sandali mukhang may tao?, sabi ng friend ko hindi ko masyado makita kasi madilim, babae siya na magulo ang buhok medyo magkasing laki kami, inakala ko na girls scout siya at sabi ko, nakuha nanamin ang flag kaya sorry ka na lang, di siya kumikibo ng tinapatan siya ng ilaw mula sa cellphone ng mga kasama ko. Naka uiniform yung babae na pang highschool at nagulat kami at napasigaw dahil wala siyang mukha!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!. After ng ilang segundo ay nawala siya na parang bula, parang na froze ang mga kasama ko, dahil ako lang ang nasa tamang pagiisip ng mga panahong iyon ay hinila ko silang lahat patakbo sa stairway at tumakbo nga sila masmabilis pa sa akin kahit na madilim ay tumakbo pa rin kami kahit na napapadapa na kami ay tumakbo pa rin kami basta makalayo lang sa 5th floor na yun nang nasa ground na kami ay pinigil ko sila at sinabi sa kanila ng mahinahon " Walng magsasabi sa nakita natin kahit kailan ay huwag ninyo sasabihin kahit kanino, kahit kailan. at nangako sila sa akin, nangnatapos ang camp ay hindi pa rin makapagsalita ang mga kasama ko.

    Grade school ako nangmayari ito Gr 5 noong Feb 17 2005

    ngayon ay 2nd yr na ako at hindi pa rin namin sinasabi ang nangyari sa amin ng panahon na iyon

    OMG!!.. wat a frightening experience!!..

    curious lng bkt ndi nyu knwen2 ang nangyari 2 other pipol??

    ..Y not share it 2 others pra mka gather kau ng idea kng cno ung girl na ngppkta...;)
  • mothra_hatermothra_hater PEx Influencer ⭐⭐⭐
    meron pa po akong story............

    Nangyari po ito last year.......................................................................

    Nang nasa van kami ng magpipinsan, huminto muna ang sasakyan kasi gustong umihi ng kuya ko. Eh siya pa naman yung driver nang sasakyan kaya huminto muna kami. Di kalayuan may nakita akong isang babae na nakaputi nakatingin sa amin di ko pinansin kasi akala ko naghihintay lang ng masasakyang tricycle kasi nasa probinsya kami ng mga panahong iyun. pero napansin kong nakatingin parin sa amin nagtataka ako sa ate ko na nasa harapan kasi parang hindi niya napapansin yung babae, then bumalik na yung kuya ko at umalis na kami, ng tumingin ako pabalik sa babaeng na ka puti, bigla akong nagulat!!!!!!!! kasi yung mga paa niya hindi nakalapat sa lupa kundi nakalutang!!! Tinitignan ko siya ng mabuti kung talagang nakalutang siya pero talagang nakalutang siya hindi ako makakilos tinitignan ko siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko hindi ko sinasabi sa mga pinsan ko ang nangyari at nakita ko!!

    After ng incident ay nakalimutan ko na iyon pumunta kami sa bahay ng tito ko at doon muna akmi nag-stay, at ngayon lang na realize ng kuya ko na na iwan niya yung keychain na bigay sa kanya ng mommy ko noong pasko kaya saka na lang namin kukunin pag umuwi na kami .after a while pumunta ang mga pinsan ko at kuya at ate ko sa isang resort sa bulacan at nag paiwan na lang ako sa bahay ng tito ko, dahil may computer naman at naka DSL pa!!. Kaya naman nakababad ako sa computer after a while nagring yun phone sinagot ko pero wala. kaya binaba ko, pagkatapos nagring ulit pero wala nanaman. kaya nabuwiset na ako at hinang ko ang telepono. Pagkatapos ng mga sandaling iyun ay masyado lumamig ang kuwarto hindi ko pinanansin yun at isinuot ko na lang yung jacket ko dahil makabukas kasi yung Aircon ng tito ko, medyo high-tech yung aircon kasi malalaman mo kung kailan binuksan at kailan isinara at may timer pa ang aircon na iyun para magsara ng kusa pag madaling araw. ngayon after 1 hr ay ibinaba ko na yung telepono dahil nakakairita na nag iinternet ako nanakaharang yung telephone line. Pagkatapos kong ibaba yung telephone line ay nagring nanaman yung telepono at sinagot ko ito ng may inis."hello!!" sabi ko at ngayon ay may sumagot na. Hello ikaw ba yung may ari ng keychain na nahulog dito?" hindi ako nakapagsalita ng sabihin iyon ng babae wala namang babaeng nandoon pera lang sa babaeng nakalutang!!! at mas lalo akong kinabahan sa narinig ko mula sa babae, Siya nga pala pinatay ko na yung aircon mo kasi sayang sa kuryente!!!!!!!! at ngayon ko lang na laman parang hindi iyon naggagaling sa telepono parang sa likuran ko lang at noong tumalikod ako, para akong na froze dahil nakita ko ang babaeng kanina sa kalasada nanakalutang at hawak niya ang keychain at iniwan na niya yung keychain sa kama, ng dumating yun mga pinsan ko ay inilagay ko na lang sa bag ng kuya ko yung keychain para hindi na lang siya magtaka at hindi ko na lang din sinabi sa kanila ang na experience ko
  • mothra_hatermothra_hater PEx Influencer ⭐⭐⭐
    story ng friend ko

    Nangyari ito noong gabi ng December 31, 2005 (New year's eve) nag decide kami nina Eva, Bessie, Avien, Kim (hindi tunay na pangalan) at ako na mag new year's party sa chapel ng aming subdivision sa batangas since na sa amin ang susi. Binuksan namin an ilaw at inayos and lamesa, kanya kanya kami ng dalang pagkain na kinupit pa namin sa aming mga ref pra i share sa isa't isa. Masaya kami nun at masigla, nagsimula ang aming kasiyahan sa isang kwentuhan tungkol sa mga crush at kung anu ano pang usapin na madalas pagusapan ng mga babae hanggang sa nagsalita si Bessie,
    "ano kaya kung biglang may kamay na umultaw sa bintana?"
    "wag ka naman manakot " agad kong sinabi.
    "oo nga Bessie, alam mo naman na katabi natin and kawayanan at yung alam mo na", dagdag ni Eva
    nang biglang may isang kay ng lalaki ang umultaw sa bintana at naghagis ng piccolo sa loob ng chapel (si patrick lang pala yung barkada namin) at nang pumutok ito bigla na lang kaming nagsisigaw nang biglang nagpatay sindi ang ilaw, pumasok si patrick upang tignan kung sa switch ang problema at nang maayos ito ilang sandali pa at muling namatay ang ilaw at ng biglang ang usok mula sa piccolo na inakala naming wala na ay biglang nag take form ng isang babae hanggang sa tuluyang magpakita sa amin ang multo ng isang babaeng naka puti, sa takot namin hindi kami maka lapit sa lamesa para kuhanin ang aming gamit pero naglakas loob si Patrick na kuhanin ang aming mga bag at basket at dali-dali kaming hinila palabas ng chapel ngunit naunahan kami ng multo sa pinto, hinarangan nito ang aming tanging daanan palabas. Napaatras kami hanggang lumapat na kami sa pader kung saan nakaukit ang emahe ni Hesus.

    Nasa unahan ng grupo si Patrick, kahit na alam namin na takot siya ay naglakas pa rin sya ng loob na pumunta sa unahan namin dahil alam nya na kasalanan nya kung bakit nagpakita ang babae (ang totoo kasalanan di namin) at nang halos magkalapat na ng mukha si patrick at ang multo ay bigla itong naglaho. Maaaring dahil ito ng imahe ng Panginoong Hesus na naka ukit sa pader?, hindi rin natin alam kung bakit basta ang isang bagay ang natutunan naming magkakaibigan na ang chapel, simbahan o ano mang lugar ng sambahan ay hindi lugar ng kasiyahan at katarantaduhan kundi lugar ng pananampalataya.

    Kahit papano naman ay nakalabas kami ng mapayapa, umuwi kami sa aming mga bahay upang ipag ipag diwangang bagong taon kasama ng aming pamilya at tanging kami lang ang nakakaalam sa isang kakilakilabot na pangyayari na naganap sa isang lugar na hindi namin aakalaing magiging lugar ng takot. Pero syempre tuwing panahon ng Flores De Mayo ay matatagpuan mo kaming nakikisalo sa pagdiriwang dahil alam namin na di kami nagiisa.
    _________________
    don't be deceived by what the eyes can see

    believe in the power of God

    and the light will show what is true and what is not
  • ako so far wala akong mga ganyang karanasan pero ito lang ang kakaiba sa akin.. nangyayari ang mga panaginip ko.. nung una akala ko dejavu lang lahat pero napansin ko lagi nalang nafeeling ko naulit na yung mga pangyayari.. ang weird pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun.. basta related sa akin or something na nakita ko or makikita ko.. tulad kanina nung nasa facial center kami bigla nalang yung saktong scene na nasa panaginip ko ang nangyari.. ang weird.. at yung lindol na nangyari sa japan dati.. napanaginipan ko na nakaupo ako sa salas at pinapanuod yun sa tv namin the very next day ganung ganun ang nangyari.. creepy at weird..
  • mothra_hatermothra_hater PEx Influencer ⭐⭐⭐
    gitee wrote: »
    ako so far wala akong mga ganyang karanasan pero ito lang ang kakaiba sa akin.. nangyayari ang mga panaginip ko.. nung una akala ko dejavu lang lahat pero napansin ko lagi nalang nafeeling ko naulit na yung mga pangyayari.. ang weird pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun.. basta related sa akin or something na nakita ko or makikita ko.. tulad kanina nung nasa facial center kami bigla nalang yung saktong scene na nasa panaginip ko ang nangyari.. ang weird.. at yung lindol na nangyari sa japan dati.. napanaginipan ko na nakaupo ako sa salas at pinapanuod yun sa tv namin the very next day ganung ganun ang nangyari.. creepy at weird..
    alam mo kc hindi lhat ng mga tao ay ganito hindi lhat ng mga ganyang pangyayari ay normal alam mo.......hindi kita tinatakot pero bukas ang 3rd eye mo..........hindi ka nga nakakakita ng multo pero nasa ibang level ang activation ng 3rd eye mo ang tawag sa level na yan ay....... Precognition its an ability to see the future or the past kaya sna aqy pag-aralan mong controlin yan para magamit mo sa tamang paraan .....................
  • lemental spirits. yan ang pinakahuling experience ko and pinaka- freaky to date. it happened during college sa house ng bf ng aking bi friend. sa multinational pque. his house stands on what used to be a vacant lot and a ginormous tree used to be rooted where his cabinet is now affixated. imagine the disturbance it made to the spirits. madalas kame mag- sleep over sa kanila despite the knowledge of what happens there kahit hindi gabi magugulat ka nalang kapag maghuhugas ka sana sa sink at kusa na lamang bubukas ang gripo. as in makikita mong iikot ang nozzle para mabukas para syo. hehe twice nagyari un sakin. another incident was when we were about to eat and papalapit kme sa table nang biglang umusod ung takip ng ulam and walang hangin. another was when we wee using the computer in the living room tapos sa corner ng mata ko may napapansin akong dumadaan ng dahan- dahan, yung freind ko na katabi ko nakaharap bale sya sa spirit na dumadaan kaya napatunayan kong hindi ako namamalik- mata nun. kitang- kita niya! tapos pagdating sa kabilang side ng room nawala na sa may curtains. another was when i slept on the floor sa mattress and i looked under the bed accidentally, i saw two red dots parang light sya ng chrager or something. there's this little voice inside me who said na matulog nako wag ko na tingnan yun. good thing i followed my instincts and fell asleep right away. the next morning i asked my friend kung may plug, chrger or whatever sa ilalim ng bed niya whe we checked wala ni isang gamit under his bed. a week after they gathered there for a spirit quest and they found out that what i saw was one of the little elemental entities. whew! after they told e naluha ako sa goosebumps! hehe
  • PinoySaKSAPinoySaKSA PEx Veteran ⭐⭐
    I am just wondering... bakit di mo sinasabi sa kakilala mo ang nangyayari?
  • alam mo kc hindi lhat ng mga tao ay ganito hindi lhat ng mga ganyang pangyayari ay normal alam mo.......hindi kita tinatakot pero bukas ang 3rd eye mo..........hindi ka nga nakakakita ng multo pero nasa ibang level ang activation ng 3rd eye mo ang tawag sa level na yan ay....... Precognition its an ability to see the future or the past kaya sna aqy pag-aralan mong controlin yan para magamit mo sa tamang paraan .....................

    mothra_hater just wanna ask something.. paano kung nakakakita ako ng multo and may ability ako na makita ang future tapos nangyayari? paano mo i-eexplain un? tulad nga nung sabi ni gitee. nangyayari yung mga napapaginipan niya. ako nangyayari rin sa akin yon. pero malala dahil nung una ok pa kasi masasaya yung nakikita ko. tapos nung tumagal tagal. iba na ang nakikita ko. palagi ko nakikita na nasa burol ako. ang masama pa don. napanaginipan ko yung friend ko na meron ako gusto na nakaburol. natatakot tuloy ako na baka mangyari yun. pls help. reply agad pls.:mecry:
  • ubermenschubermensch PEx Influencer ⭐⭐⭐
    I. Grade 5 ako nun, and November 1. Inutusan ako ng Mama ko na bumili sa tindahan. On the way ang isang public school (Pasig Elementary School). Pauwi na ako nang mapatingin ako sa gate ng school: may lalaking naka-barong at pumasok siya sa gate. Tapos bigla siyang nawala. Di ko ine-expect na makakapasok siya kasi walang pasok nun so sarado ang gate. True enough, pagdaan ko sa gate, naka-padlock nga ito.

    II. Second year high school. Panahon ng lamay ng lola ko (paborito niya akong apo). One night, habang natutulog ako, bigla akong naging aware na ang lola ko ay nasa paanan ng kama ko. Alam ko nakapikit ang mata ko, pero nakikita ko siya. Tapos di ako makagalaw, kahit pinipilit ko. Pero di naman ako natakot kasi lola ko nga. Nagdasal ako, tapos nawala na siya, then nakagalaw na ako. Ikinuwento ko sa parents ko. Posible of course na panaginip ko lang talaga ito.

    III. Nagtatrabaho na ako nun. Pag papasok ka sa bahay namin, may mirror sa left side na kung saan makikita mo ang reflection ng sofa na nasa right side ng living room pagpasok mo. So one Saturday morning, pagpasok ko, nakita ko sa reflection ang isang lalaki na nakaupo sa sofa. Pero pagtingin ko sa sofa, wala naman siya. I just dismissed it. Then that night, kausap ko ang kuya ko at younger brother ko. It turned out that that morning, they also saw the same thing in the mirror.

    IV. Saturday ng madaling araw. Ako lang mag-isa sa bahay. Yung kapatid ko di pa umuuwi. Naka-kandado naman yung pinto pero kumakalampag nang malakas - producing the sound it makes when you open it, then you slam it shut. I went out of my bedroom to check: nakakandado nga.
  • TS mabenta yung experiences mo habang binabas ako eh parang kinakaahan ako sa sa susunod kong mabaabsa.
  • mothra_hatermothra_hater PEx Influencer ⭐⭐⭐
    sorry kung di ko na ito nabubuksan ahhh hehehehe
  • Ice BurnIce Burn PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Na dokling ako, pinost ko pa naman yung ghost sightings ko, not paranormal lover experience. Wala pa ako nun at wag naman sana. Oh well, moving the original posting to the pinoy ghost stories thread.
Sign In or Register to comment.