FEATURE ADJUSTMENT: The Flag button is temporarily unavailable for members. We are doing certain system adjustments as of the moment to prevent some users from abusing this feature. For reports, please message the moderators or email us at [email protected]
PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

Bossing Vic Sotto's M-Zet - Enteng Kabisote 4

'Enteng Kabisote' ni Vic mabenta sa Malaysia

By: Raymund Vargas
People's Taliba

MAY nakapagkuwento sa amin na isang kaibigan na kagagaling lang sa Malaysia kung saan nagtrabaho ito bilang musikero na grabe sa lakas ang benta roon ng mga video ng Enteng Kabisote series na pinagbibidahan ni Vic Sotto.

Ang kuwento pa, may subtitle na Malay ang mga naturang video at alam ng mga tagaroon na may ginagawa na namang sequel ang nasabing pelikula at kasali nga ngayon sa Metro Manila Film Festival, kaya inaabangan na nila ang video nito.

Naitanong nga namin kay Vic kung alam nila na malakas ang benta ng video ng kanyang pelikula sa Malaysia.

Ayon kay Bossing Vic, nabalitaan na niya ito at kasalukuyang inaalam nila kung sino ang nagbenta ng video rights ng Enteng at nakarating na ito sa nasabing bansa.

Samantala, malapit nang matapos ang MMFF entry ng Octoarts & MZet na Enteng Kabisote IV at may malaking sorpresa sila sa nasabing pelikula bukod sa magagandang special effects.

Ang balita namin bukod kina Kristine Hermosa, Aiza Seguerra, Oyo Boy Sotto, Ruby Rodriguez at Jose Manalo, kasama rin dito sina Carlos Agassi, Jomari Yllana at marami pang guest artist.
«134

Comments

  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭
    Vic Sotto talks about "EK4", Kristine's accident, and movie with Dolphy

    Nitz Miralles

    Friday, October 12, 2007
    06:09 PM

    Rating





    Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ace comedian na si Vic Sotto sa shooting ng pelikulang Enteng Kabisote 4 (The Beginning of the Legend) sa studio ng M-Zet Films sa Central Business Center sa Manggahan, Pasig City kagabi, October 11. Entry sa 2007 Metro Manila Film Festival ang naturang pelikula at gaya sa mga naunang Enteng Kabisote movies, ginastusan ng malaki ng actor-producer ito.



    Ayon kay Vic, mas malaki ang budget ng EK4 kesa sa EK3 na umabot diumano sa P40 million ang kanilang nagasta ng co-producer niyang si Orly Ilacad ng OctoArts Films. Sa special effects pa lang, kasama ang visual effects na gagawin sa Hong Kong, P15 million na raw ang kanilang ilalabas.



    "Parang prequel ang EK4 para malaman ng hindi nakaabot kung paano nag-start ang Okey Ka, Fairy Ko. May flashback ito and towards the end, babalik ako sa nakaraan. Maganda ang eksena. This is also the biggest in terms of casting and productions for better entertainment," excited na sabi ni Vic.



    Out na sa cast ng EK4 si Bing Loyzaga bilang Satana. Panahon na raw na mawala ito sa istorya dahil three times na itong namatay. Papalit kay Bing sina Direk Peque Gallaga, Jomari Yllana, Ian de Leon, Ian Veneracion, Francine Prieto, at Michael de Mesa.



    Pero kasama pa rin ang mga gumaganap na anak ni Vic sa pelikula ang tunay niyang anak na si Oyo Sotto na isa nang pulis, at si Aiza Seguerra na nag-Japayuki. Gaya ng dati, surprise ang role ni Joey de Leon.




    KRISTINE'S ACCIDENT. Si Kristine Hermosa pa rin ang leading lady ni Vic sa pelikula, pero wala ang young actress nang pumunta ang PEP sa shooting. Gusto pa sana namin siyang tanungin tungkol sa pagkakabangga ng kanyang sasakyan sa isang motorsiklo na ikinamatay ng dirver nito.



    Nasulat sa mga unang lumabas na balita na si Joey ang tumulong kay Kristine at sa driver nito, pero sabi ni Vic ay hindi alam ng kanyang matalik na kaibigan ang nangyari.



    "Nasa harap ang car ni Joey at six cars ang nakapagitan sa kanila ni Kristine. Hindi alam ni Joey ang nangyari. Galing sila sa shooting ng EK4 sa Ternate, Cavite.



    "Tumawag si Kristine at pinapuntahan ko sa staff dahil pinagkaguluhan na siya. She was traumatized sa nangyari, paano pa siya makakakaway at makipagngitian sa tao? Hindi masisisi ang both parties, it was an accident. Kinulong ang driver niya kaya pinahatid ko [si Kristine]," kuwento ni Vic.



    Sinabihan din daw ni Vic si Kristine na huwag munang mag-report sa shooting para makapagpahinga. Ire-reschedule na lang daw nila ang shooting nito kahit big scene, pero bumalik daw ang young actress sa location na namumugto ang mga mata sa kaiiyak.



    MOVIE WITH DOLPHY. Kinumusta rin ng PEP kay Vic ang pelikulang pagsasamahan nila ni Dolphy. Maganda ang balita nitong matutuloy na sa wakas ang project. Si Tony Reyes din daw ang direktor nito at aprubado ito ng Comedy King.



    "As far as I'm concerned, tuloy na siya," masayang balita ni Vic. "We've been talking and we're excited to do it. Nag-usap na rin kami ni Tony Tuviera [co-producer niya] at gagawin namin yun after EK4. We're finalizing the script, fine tuning na lang at puwede na.



    Dagdag pa niya, "We're scheduled to shoot by the end of the year or January next year. May title na, pero hindi puwedeng sabihin at baka maunahan kami. Simula pa lang, pangarap ko nang makatrabaho si Dolphy at bihira ang nabibigyan ng chance na gumawa ng movie kasama ang hinahangaan mo. Ang daming beses kaming nag-usap at lately na lang na-finalize. One year din naming ni-nurture ang project."



    Hindi pa man nasisimulan ang shooting, may playdate na ang still untitled movie nina Dolphy at Vic. Kung hindi raw May ay June next year maipalalabas ang pelikula at kung masisimulan agad, gusto ni Vic na maipalabas ito sa May na magandang playdate daw.



    Any comment sa sinasabing siya ang heir apparent ni Dolphy sa trono nitong Comedy King?



    "Hindi ako papayag, iisa lang ang Comedy King," sagot ni Vic. "I can be good in comedy or a good entertainer, huwag lang Comedy King, dahil walang puwedeng pumalit sa kanya. Maraming lumalabas na bago at magagaling na comedians, pero nag-iisa lang si Dolphy."



    Ikinumpara ni Vic si Dolphy kay Charlie Chaplin na up to now ay wala pa ring puwedeng pumalit. Hindi rin siya naniniwala sa heir-heir, dahil para sa kanya, nag-iisa lang si Dolphy na Comedy King ng bansa.


    > para pala tong etheria..
  • bossingvicbossingvic Member PExer
    Vic, nilinis ang tsismis kina Joey at Kristine!

    (REY PUMALOY)
    Abante

    PINATUNAYAN ni Vic Sotto na hindi magkasama sina Joey de Leon at Kristine Hermosa nang maganap ang bungguan kamakailan sa Cavite, at ikinasawi ng isang binatilyo.

    Nilinaw rin ni Vic na hindi si Joey ang sumaklolo kay Kristine nu’ng mga oras na ‘yon, kundi ang kanyang staff at ang provincial commander ng Cavite.

    Naglabasan kasi sa iba’t ibang dyaryo na diumano ay magkasama sina Joey at Kristine nang maganap ang bungguan.

    Sabi ni Vic, magkasabay na umalis sa syuting ng Enteng Kabisote sina Joey at Kristine nu’ng araw na ‘yon, pero magkahiwalay ang kanilang mga sasakyan.

    Mas nauna rin daw ang sasakyan ni Joey pagdating sa highway na dinaanan nila. Kuwento pa ni Vic, anim na sasakyan ang nakapagitan sa sasakyan nina Joey at Kristine.

    Katunayan, hindi raw nalaman ni Joey ang bungguan dahil nauna nga ang sasakyan niya sa sinasakyan ni Kristine.

    At nalaman lang ni Joey ang aksidente nu’ng itawag sa kanya ng staff ang nangyari kay Kristine.

    Say pa ni Vic, siya mismo ay hindi agad nabalitaan ang aksidente, at ang kanyang staff lang ang nagkuwento nito sa kanya. Tumawag daw kasi si Kristine sa staff nila para humingi ng saklolo.

    Kung tutuusin, si Vic talaga ang sumaklolo kay Kristine, at hindi si Joey, dahil agad siyang nagpadala ng kanyang staff sa pinangyarihan ng aksidente para tulungan si Kristine.

    Si Vic din ang nagpatawag sa provincial commander para magpunta sa naturang lugar.

    Sa kuwento pa ni Vic, awang-awa siya kay Kristine dahil noong naganap ang aksidente ay tulog na tulog ito kaya medyo natulala nu’ng mga oras na ‘yon.

    Katunayan, naalimpungatan lang daw si Kristine, at wala siyang kamalay-malay na maraming tao na sa paligid nila.

    May mga naglabas pa ng kuwento na pati sa lugar na pinangyarihan ng aksidente ay nagsuplada si Kristine dahil ni hindi man lang nambati ng mga tao sa paligid.

    Depensa ni Vic, paano raw mambabati si Kristine ng mga tao sa paligid, samantalang tulala nga ito nu’ng mga oras na ‘yon. Eh, nakaka-trauma naman talaga ‘yung makakita ka ng isang lalakeng nakahandusay sa kalsada na duguan.

    Kitang-kita raw ni Kristine ang walang tigil na pag-agos ng dugo mula sa katawan ng lalake. At ‘yun na nga, namatay din agad ang lalake dahil naubusan ng dugo.

    Kuwento pa ni Vic, ginawa ng kampo ni Kristine, pati na ng staff niya ang lahat para maisalba ang buhay ng lalake. Tumawag sila sa mga malalapit na ospital para masalinan agad ng dugo ang lalake, pero nu’ng mga oras na ‘yon ay wala raw available na dugo na katipo ng dugo ng lalake.
  • bossingvicbossingvic Member PExer
    Kristine, bumalik sa set ng ‘Enteng’
    kahit namumugto ang mga mata


    Allan Diones
    Abante Tonite

    Tuloy na tuloy na ang pelikulang pagsasamahan ng dalawang hari ng komedya na sina Dolphy at Vic Sotto.

    Ito ang kinumpirma sa amin ni Vic nang makausap namin siya sa set ng Enteng Kabisote 4: Okay Ka, Fairy Ko (The Beginning of the Legend), kamakalawa nang gabi sa TAPE studio sa Central Business Park, Manggahan, Pasig.

    "As far as I’m concerned, tuloy ‘yon and I know he’s excited to do it as mush as I am excited to do it," nakangiting bulalas ni Bossing (tawag kay Vic).

    "Nag-usap na kami ni Mr. Tuviera, isa sa producers, and I committed to him na after Enteng 4, wala akong ibang gagawin kundi ‘yun na.

    "So again, ipa-finalize na lang ‘yung script. Mga fine tuning, na lang. Kung puwedeng masimulan na by the end of 2007, mas okey. Kung hindi December, the latest will be January 2008," pahayag ni Bossing.

    Ang APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera, M-Zet Productions ni Vic at RVQ Productions ni Mang Dolphy ang magpoprodyus ng first ever Dolphy-Vic movie.

    May working title na sila, pero ayaw sabihin ni Bossing, dahil baka raw may gumamit. Mag-iisang taon na nilang pinagpaplanuhan ang naturang project.

    Maraming beses na silang nagkausap ni Mang Dolphy hinggil dito, kaya alam ni Bossing na excited na ring simulan ng Comedy King ang naturang proyekto na maituturing na isang movie event.

    "Ako naman, sa simula pa lang, pangarap ko na ‘yon at bihira ang mabigyan ng pagkakataon to be in a movie with the king of comedy na hinahangaan nating lahat," ani Bossing.

    May bali-balita na ang makakatambal nila sa pelikula ay ang kani-kanyang real-life lady love: si Dolphy ay si Zsa Zsa Padilla at si Vic ay si Pia Guanio.

    "May gano’ng mga casting, pero wala pang final, so hindi ko pa ma-confirm. Woww!! Ha! Ha! Ha!" tawa ng komedyante.

    Malamang ay ang blockbuster director ng Enteng series na si Tony Y. Reyes ang magdirek nito. Ang target playdate nila ay Mayo o Hunyo 2008.

    Abut-abot ang respeto ni Vic sa tinaguriang Hari ng Komedya. Aniya, para kay Dolphy lang at wala nang iba pa ang titulong Comedy King.

    "Tawagin n’yo na akong Comedy Prince o kahit na ano, huwag lang Comedy King, dahil si Dolphy lang ‘yon. Walang ibang puwedeng pumalit sa kanya sa puwestong ‘yon.

    "Parang si Charlie Chaplin ‘yan, eh! May ibang mga komedyanteng dumating, pero siya pa rin ang King of Comedy. Walang pumalit sa kanya," sambit ni Bossing.

    Maraming natuwa na matutuloy na ang nasabing pelikula. Sakto raw ang timing nito para sa Comedy King, dahil may balitang malapit nang mamaalam sa ere ang sitcom ni Mang Dolphy sa Dos na John En Shirley.

    ***

    Bumilib si Vic Sotto sa pagiging professional ng leading lady niya sa Enteng Kabisote 4 na si Kristine Hermosa.

    Kuwento ni Bossing, galing sa shooting nila ng EK4 sa Cavite si Kristine nu’ng Oktubre 7 nang aksidenteng mabangga ng sinasakyan nitong Hyundai SUV ang isang motorsiklo sa Maragondon, Cavite.

    Maaga raw nagsimula ang shooting nila nu’ng araw na ‘yon at nagpaalam si Kristine nu’ng tanghali para pumunta sa promo ng Prinsesa ng Banyera sa TriNoma sa QC. Kasabay nitong umalis ng set si Joey de Leon na kinunan nu’ng araw na ‘yon ang special cameo appearance sa EK4.

    Tama ‘yung napabalita na sabay umalis ng set sina Kristine at Joey pero hindi na nagawang saklolohan ni Joey ang aktres nang maganap ang aksidente, dahil nauna ang komedyante at mga six cars away ito kina Kristine kaya wala itong alam sa nangyari.

    Natutulog si Kristine nang mabangga ng sasakyan niya ang motorsiklo at nagulat na lang siya paggising niya na nagkakagulo na ang mga tao.

    Iniwasan umano ng driver ni Kristine na makasagasa ng maraming tao, kaya sumalpok ito sa nasabing motor.

    Tumawag si Kristine sa set nila para humingi ng tulong at agad pinadala ni Bossing sa lugar ng aksidente ang marine commander na nagbabantay sa kanila sa shooting.

    Shocked ang aktres, dahil nakita niya ang binatilyong driver ng motorsiklo na nakahandusay sa kalye at halos naliligo sa sariling dugo.

    Ayon sa marine commander na sumaklolo kay Kristine ay wakwak ang magkabilang singit ng 16-anyos na bagets kaya bumulwak ang dugo nito matapos humampas at mabali ang manibela ng motor sa harapan nito.

    Nadala pa raw ito sa Naic hospital pero hindi rin nagtagal. Ang angkas nitong babae ay nasaktan din pero hindi gaanong napuruhan.

    Ang nakalolokah, tulala na nga at umiiyak si Kristine, dahil sa aksidente ay may mga ususero pa raw na nagagalit dahil hindi sila pinapansin ng aktres.

    Awang-awa si Bossing kay Tintin, kaya pinayuhan niya itong umuwi na lang ng bahay at magpahinga.

    Bandang 10:00 PM ay bumalik pa ito sa set para tapusin ang kanyang mga eksena kahit namumugto ang mga mata nito sa kaiiyak.

    May mga night effect pa kasi silang kukunan at tinapos ni Kristine ang shooting hanggang 5:00 AM.

    Sabi ni Bossing, kung sa kanya nangyari ‘yon ay uuwi na muna siya at saka na ulit magre-report sa shooting.

    Wala si Kristine nang dumalaw kami sa EK4 set sa Pasig, pero may mga apat na shooting days pa raw ito na puro big scenes.

    Si Kristine ay gumaganap bilang si Faye, ang engkantadang misis ni Enteng sa pelikula. Kasama rin sa EK4 sina Oyo Sotto, Aiza Seguerra, Ruby Rodriguez, Jose Manalo at G. Toengi. May special guest roles sina Joey de Leon, Jomari Yllana, Ian de Leon, Ian Veneracion, Peque Gallaga, Candy Pangilinan at Francine Prieto.
  • bossingvicbossingvic Member PExer
    ‘Enteng 4’ waxes nostalgic

    Manila Bulletin

    Like the rest of them—"Electric Youth," leg warmers and silly dances—"Okay Ka Fairy Ko" made it to the list of our childhood recollections. In 1987, we were introduced to the simple comic household of the Kabisotes opposed to the mystical world of fairies Engkantasya when simpleton Enteng Kabisote married the fairy Chloroteyam (aka Faye).

    What followed were the journey years of "Bewitched" meets "John en Marsha" in the comedy that endeared TV fans during the good ole days when the boob tube has been safely tucked from network wars and reality shows. "Bewitched" because even the early effects reflected stars on our young eyes; while the "John en Marshaish" brand of comedy is due to the constant bickering between Vic Sotto’s Enteng and Ina Magenta, the TV character the late Charito Solis so credibly and splendidly interpreted. Back then, TV shows were pronounced as they were titled and "Okay Ka Fairy Ko" wasn’t awkwardly referred to as "OKFK" like most shows of today.

    "Okay Ka Fairy Ko," Vic Sotto recalled, was his first crack at producing. "Wala pa akong alam masyado noon sa pagpoproduce noong ginawa namin ang ‘Okay Ka Fairy Ko.’ In fact, wala pa kong pera noon at pinipilit kong paswelduhin ang lahat ng tao maliban sa akin," he told the Manila Bulletin on the set of "Enteng Kabisote 4: Okay Ka Fairy Ko (The Beginning of a Legend) Is Here Once Again" in Pasig City late last week. "Nangyari pa nga na tinalbugan ako ng cheke nung mga panahong ‘yon!" he added.

    With the Metro Manila Film Festival-Philippines (MMFFP) winning streak (that the chain of "Okay Ka" movies generated for the producer–comedian), Vic has definitely gone long miles from where "Okay Ka" started. The first movie spin–off, "Okay Ka Fairy Ko: The Movie" was released in 1991. It was followed by "Okay Ka, Fairy Ko II" (1992), "Enteng Kabisote: Okay Ka, Fairy Ko... The Legend" (2004), "Enteng Kabisote 2: Okay Ka, Fairy Ko... The Legend Continues" (2005), and "Enteng Kabisote 3: Okey Ka, Fairy Ko... The Legend Goes On and On and On" (2006). Last year’s installment was awarded Metro Manila Film Festival’s Best Picture, the only award garnered for the movie.

    All films were killers at the box–office.

    THROUGH THE YEARS

    The "Okay Ka" franchise also churned out some of the late ‘80s and ‘90s most successful celebrities. For a major deal, it helped Alice Dixon (Faye) get the exposure she needed until she broke into mainstream while Aiza Seguerra as Enteng’s adopted daughter won hearts of viewers on a weekly basis. "Ang dami na ngang pinagdaanan ng franchise hanggang magbinata na si Aiza," Vic joked.

    To remind viewers and acquaint this generation with how "Okay Ka…" really started, "Enteng 4" will include flashbacks of the first few episodes, director Tony Reyes revealed. "Makikita ng mga tao yung simula ng lahat para sa mga manunuod mgayon na hindi na naabutan yung TV series. It is very interesting," the filmmaker said.

    For Vic, it will be some sort of tribute to the incomparable talents of Charito Solis and Bayani Casimiro, who played Enteng’s beloved father in the series. "Oo, parang tribute na ito sa kanila," he said.

    Vic even disclosed he got emotional watching the early episodes of "Okay Ka…" "Hindi ko nga maiwasang maluha ng konte nung napanood ko yung first episode. Mabuti na lang at naitabi at nagawan ng paraan para i-upgrade ang texture noon para sa mga flashback scenes ng ‘Enteng 4.’"

    But the fourth installment in the magic-laced "Indiana Jones" comedyadventure film franchise also contains new characters. One of whom is Francine Prieto’s Dragon Lady. The "Bubble Gang" star is proud to be in her first movie to be classified General Patronage. "First GP ko ito! Sobrang excited ako na maging part ng ‘Enteng’ na noong nalaman ko na may offer, I said yes right away kahit hindi ko pa alam kung ano ang role ko ditto," she said to the Bulletin.

    Francine plays Beng in "Enteng 4," an escort girl ‘ na kapag walang customer at mahina ang kita, nagnanakaw na lang kaya excited ako maging kontrabida at nang makita ko sina **** Ysrael at Dindo Arroyo na pinapanood ko lang dati sa TV, nainspire ako lalo maging kontrabida."

    Taking over the evildoer Satana (played by Bing Loyzaga in past movies), Francine will also be joined by another ruthless villain to be portrayed by Ian Veneracion.

    As producer and lead actor, Vic said he is not at all concerned about how the movie will do compared with other MMFFP entries, "but I want this fourth installment to do better than the previous ones kasi yun ang pupose namin, to give the viewers their money’s worth."

    In "Enteng 4," Enteng and his daughter Ada traveled back in time through an enchanted mirror only to learn from Ina Magenta that doing such puts the earth at risk because it also opens the portal for evil to penetrate the planet. And Magenta was right. Now, Enteng and other ‘Tagalupas’ seek help of the enchanted ones from Engkantasya to fight evil forces.

    Also in the cast of "Enteng 4" are Kristine Hermosa (as Faye) Michael de Mesa, Aiza Seguerra, Jose Manalo, Ruby Rodriguez, and G Tongi (as Ina Magenta). Special parts will be played by Joey de Leon, Jomari Yllana, Ian de Leon, MIkhaela Ramirez, Eunice Lagusad, Elisa Pineda, Art Solinap, Peque Gallaga and Candy Pangilinan.

    Co-produced by Octo Arts and M-Zet Productions and directed by Tony Y. Reyes, "Enteng Kabisote 4: Okay Ka Fairy Ko (The Beginning of a Legend) Is Here Once Again" will hit theaters come filmfest season in December.
  • kinkykurtkinkykurt Member PExer
    promote lang po! thanks!

    SEE THE FULL TRAILER OF HIDE & SEEK!

    visit:

    http://tiborxia.blogspot.com

    hsfanart.jpg
  • bossingvicbossingvic Member PExer
    Aster Amoyo
    People's Tonight

    Parehong super-busy sa kanilang respective schedules ang magkasin*tahang Vic Sotto at Pia Guanio pero sa kabila nito ay may oras pa rin sila para sa isa’t isa.

    Ayon kay Vic, malaking bagay na magkasama umano sila sa Eat Bulaga at sa taping ng Ful Haus dahil doon pa lamang ay nagkikita at magkasama na sila. Pagkatapos naman ng 24-Oras ni Pia ay may chance umano silang mag-dinner o di kaya manood ng sine. Alam din naman nila pareho kung paano mag-adjust sa kanilang schedule. May time pa nga silang mag-out of the country kapag ginusto nila.

    Sa nakikita namin kina Vic at Pia, mukhang sa altar na ang kanilang tuloy at malamang na ito’y mangyari sa isang taon.

    Nang minsang pasyalan namin si Vic sa shooting ng Enteng Kabisote 4: Okay Ka, Fairy Ko (The Beginning of a Legend) na pinagbibi*dahan mismo ni Vic mula sa direksiyon ni Tony Y. Reyes at official entry ng OctoArts Films at M-Zet TV Productions sa 2007 Metro Manila Film Festival, inamin nito na si Pia na ang gusto niyang makasama habambuhay.

    Iba talaga ang hitsura ng taong in love. Although malayo ang agwat ng edad nina Vic at Pia, hindi ito halata dahil lalong nagmumukhang bata ngayon ang next comedy king na si Vic.

    Samantala, kinumpirma sa amin ni Vic na tuloy na tuloy na umano ang pagsasama nila ng comedy king Dolphy sa isang pelikula. Tatapusin lamang ni Vic ang Enteng Kabisote 4 bago nila ito simulan.
  • harvyi2345678harvyi2345678 Banned by Admin PExer
    Hymmng


    Entenggggggggggggggggggggggggggg

    Kabisote


    :lol: :lol:
  • bossingvicbossingvic Member PExer
    Novel stellar tandems tickle viewers’ fancy

    By Nestor Torre
    Inquirer
    Last updated 01:54am (Mla time) 10/27/2007


    MANILA, Philippines—For years now, we’ve been asked by readers to name the likeliest “successor” to Comedy King Dolphy’s “crown.” We’ve cited the really funny likes of Michael V., Ogie Alcasid and Willie Nepumuceno, but we’ve noted that, in terms of “bankable” track record, Dolphy’s comedic heir most likely is Vic Sotto.

    How interesting to hear, therefore, that Dolphy has finally decided to revive his film career with a big project in which he could costar with—Vic.


    Project

    It’s been many years since Dolphy has made a movie with a star comic as costar, so the project is one of Film Year 2008’s most promising productions.

    Since both Vic and Dolphy have done many solo starrers, it’ll be an interesting challenge for their project’s writer and director to figure out how to give each bankable comedy lead his due.

    It isn’t likely that Vic will settle for a “sidekick” role, like Dolphy’s favorite TV-movie partner, Panchito, decades ago.

    A likelier format could be the time-tested one that local film people have utilized for other big projects starring two important male leads, like Fernando Poe Jr. and Joseph Estrada in the ’60s and ’70s:

    Dolphy and Vic could be initially made to play adversaries or rivals, the better for them to trade comic barbs and engage in comedic oneupmanship. Then, later in the film, circumstances would prompt them to settle their differences and combine forces to foil a common foe.

    A third option would be for the Dolphy-Vic costarrer to ride the currently popular “fantasy” wave. Or, what about a musical-comedy format, since both stars sing and dance? Anything and everything is possible, as long as Dolphy and Vic are given enough room to deliver solid and memorably funny performances.


    Promise

    Of course, the best aspect of a Vic-Dolphy starrer is its promise of even more riotous scenes, as the two experienced comedians “bounce” off each other’s well-honed talent. The comedic results, we fully trust, will be much more than the sum of its parts!

    Even as we mull over these deliciously funny prospects, we also trust that our movie producers think up other novel projects that will make it possible for other interesting stellar tandems to costar on the big screen, to tickle viewers’ fancy:
  • bossingvicbossingvic Member PExer
    Vic, mas maraming kaaway ngayon!

    Alfie Lorenzo
    Abante

    IPINAGMAMALAKI ni Vic Sotto na ang Enteng Kabisote 4: Okay Ka Fairy Ko (The Beginning of a Legend), ang pinakamagastos na pelikula niya.

    "Malaking challenge sa grupo namin na lalong pagandahin ang bawat sequel ng Enteng… Lumalabas ang creativity namin na lalong pagandahin ang pelikula.

    "Ang mahalaga ay ang masiyahan ang lahat, at hindi na namin napapansin ang laki ng budget."

    "Sa Enteng 4, siksik ng special effects na magugustuhan ng mga bata. Sa Hong Kong pa ito ipu-process. Magastos, pero okey lang," sabi ni Vic.

    "Mas pinaganda rin namin ang story dahil babalikan namin ang nakaraan ni Faye. Ipakikita namin kung paano napaibig ni Enteng si Faye (Clorotean). At higit sa lahat, mas marami akong kalaban o kaaway dito tulad nina Ian Veneracion (Taong Paniki), Francine Prieto (Babaeng Dragon), Carlos Agassi (Nardong Yakitiyak), at Tita Swarding (Aswang).

    "Kasama rin namin ngayon sina Michael de Mesa (Prinsipe Inok), Jomari Yllana (Jose Rizal), Peque Gallaga (Time Lord), at si Joey de Leon, na suki namin.

    "Siyempre, hindi pa rin mawawala sina Kristine Hermosa, Oyo Sotto, Aiza Seguerra, Ruby Rodriguez, Jose Manalo, Caridad Sanchez, Ian de Leon, Cristine Reyes, Candy Pangilinan, Eunice Lagusad, Elisa Pineda, Art Solinap at Mickhaela Ramirez," say pa rin ni Vic.
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭
    Budget ng ‘Enteng,’ mahigit P40M
    By: Nitz Miralles

    Ang Enteng Kabisote 4: Okay Ka Fairy Ko (The Beginning of a Legend) na ang pinakamalaking series ng pelikula pagdating sa budget, cast, special effects at story.

    Mas malaki sa P40 million budget ng EK 3 ang nagasta ng mga producer.

    Masusubok muli ang galing ng tambalan nina Vic Sotto at Direk Tony Reyes, na laging top grosser ang mga pelikula.

    Ang maganda sa kanila’y hindi nagpapa-pressure na mag-number one ang movie at manalo ng award, ang importante’y magustuhan ito ng mga bata.

    Ipinagmamalaki ni Vic ang istorya ng EK 4 dahil babalikan nila ang nakaraan ni Faye (Kristine Hermosa), at matutuklasan sa movie na siya’y si Clorotean na prinsesa ng Engkantasya at kung paano siya umibig kay Enteng (Vic).

    May mga bagong character sa movie, gaya ni Prinsipe Inok (Michael de Mesa), Jose Rizal (Jomari Yllana), Time Lord (Peque Gallaga) at Karimarimarima (Joey de Leon).

    Bagong makakalaban ni Enteng ang Taong Paniki (Ian Veneracion), Babaeng Dragon (Francine Prieto), Nardong Yakitiyak (Carlos Agassi) at Aswang (Tita Swarding).

    Curious lang kami kung ano ang reaction ni Vic na ang leading lady niyang si Kristine ay sa anak niyang si Oyo nali-link?

    Nakakaloka nga dahil mag-ina ang role ng dalawa sa EK 4.

    * * *


    > astig they will show scenes from the okay ka fairy ko series...
  • martina2006martina2006 Member PExer
    hello!!!

    Enteng Kabisote IV Shoot
    14 hours ago
    Location: Binangonan, Rizal Casts: Vic Sotto, Oyo Boy Sotto, Kristine Hermosa.
    ....? - http://ranepapio.multiply.com/
  • martina2006martina2006 Member PExer
    hello!!!

    Enteng Kabisote IV Shoot
    14 hours ago
    Location: Binangonan, Rizal Casts: Vic Sotto, Oyo Boy Sotto, Kristine Hermosa.
    ....? - http://ranepapio.multiply.com/

    di ninyo makita???....pakiclick lang sa "arrow View All 55 Albums"
  • bossingvicbossingvic Member PExer
    LOLO VIC, LOLA DINA

    People's Journal

    VIC Sotto and Dina Bonnevie have a special present this Christmas. Their daughter Danica, who’s married to Pure Foods player Mark Pingris, is now preggy, so they will soon be a lolo and lola with the coming of their very first apo. Vic and Dina’s current partners, Pia Guanio and a Lebanese guy named Habib, are both younger than them. Wonder how they feel now that Vic and Dina are grandpa and grandma?

    Danica will deliver in July yet. Mark is happy as his wife is not like other preggy women who have strange cravings. “Hindi siya mahirap maglihi,” he says. “Taho lang ang gusto niyang lagi. Sana, maging lalaki ang panganay namin and also tall para makapaglaro rin ng basketball paglaki niya.”

    Will Vic show his “Enteng Kabisote” series to his apo? “Of course,” he says. “I’ll be very proud to, lalo na itong latest edition na ‘Enteng Kabisote 4: Okay Ka Fairy Ko, The Beginning of a Legend’ which is the most expensive movie in the series so far.”

    “EK 4” is an entry in the Metro Filmfest. “Each year, we want to come up with a new film that tops the previous one kaya mas pinagagana namin ang aming creativity. The budget also goes higher with each new film, pero okay lang. The important thing is for the viewers to be satisfied. In ‘Enteng 4’, we made sure puno ito ng special effects na magugustuhan ng kids, to be processed in Hong Kong for better quality. The story will also be better as this is a prequel. We go back to the past of Faye (Kristine Hermosa) and how she and Enteng fell in love. Also, I have more opponents here, like Ian Veneracion as Taong Paniki or Bat Man, Francine Prieto as Dragon Lady, Carlos Agassi as Nardong Yakitiyak, and Tita Swarding as the aswang.”

    This new “EK” movie also goes historical and features Jomari Yllana as Jose Rizal, with Peque Gallaga as Time Lord, Michael de Mesa as Prinsipe Inok, and Joey de Leon in another special participation. Also in the cast are G Toengi Oyo Sotto, Cristine Reyes, Aiza Seguerra, Rudy Rodriguez, Jose Manalo, Caridad Sanchez, Ian de Leon, Candy Pangilinan, Eunice Lagusad, Elisa Pineda, and more, directed by Tony Reyes.
  • jpmarkcarlojpmarkcarlo Coach Chualay Lugay PExer
    ngak?!.... Carlos Agassi kasama sa EK4?! hmmm!!!


    JDL "Karimarimar" comming up!!!!!
  • kyupaybkyupayb Objective Threadstarter ✭✭✭
    HighSpeed
    Name changers
    Ronald Constantino

    TAKE 4: ‘ENTENG KABISOTE’ – Seems that the Metro Manila Film Festival is incomplete without the Vic Sotto starrer "Enteng Kabisote." Yes, there’s Part 4 in the 2007 Metro filmfest, subtitled "The Beginning of a Legend."

    But perhaps it is more accurate to say that without Vic Sotto the filmfest is incomplete. It’s true that in 2004, 2005, and 2006 filmfests there were "Enteng Kabisote" entries. But then in 2002 there was "Lastikman" and in 2003 "Fantastic Man." And before that there were the "Okey Ka Fairy Ko" series. All those Vic Sotto starrers were filmfest blockbusters, meant for the whole family during the Christmas and New Year season.


    •


    STAR STUDDED – Vic promises to top all his previous starrers in "Enteng Kabisote 4," with the beautiful Kristine Hermosa as leading lady, reprising the role of Faye, the fairy. Back in their old roles are Oyo Sotto (Benok), Aiza Seguerra (Aiza), Jose Manalo (Jose), Ruby Rodriguez (Amy), and G Toengi (Ina Magenta, originated by the late Charito Solis).

    Also in the cast are Francine Prieto, Carlos Agassi, Ian Veneracion, Michael de Mesa, Jomari Yllana, Caridad Sanchez, Ian de Leon, Cristine Reyes, Eunice "Charming" Lagusad, Elisa Pineda, Michaela Ramirez, Art Solinap, Candy Pangilinan, and Tita Swarding as, not a bugaw this time, but an aswang. Guest stars are Joey de Leon as Karimarimarima and revered director Peque Gallaga as Time Lord.

    As always, Vic’s M-Zet and Orly Ilacad’s OctoArts produce "Enteng Kabisote 4," directed by Tony Y. Reyes.
  • bossingvicbossingvic Member PExer
    Dolphy/Vic movie sisimulan na!
    RATED A Ni Aster Amoyo
    Pilipino Star Ngayon
    Wednesday, November 28, 2007

    Napag-alaman namin na matutuloy na ang unang tambalan ng comedy king na si Dolphy at ang ‘the other-comedy king’ na si Vic Sotto na pagbi*bi*dahan at iku-co-produce nilang dalawa sa ilalim ng magkahiwalay nilang produksiyon, ang RVQ Films at M-Zet TV Productions ganundin ng APT Entertainment ni Tony Tuviera.

    Sa presscon ng Bahay Kubo, isa sa mga film entries ng Regal Films sa darating na Metro Manila Film Festival ay personal na ibinalita sa amin ni EriC Quizon na nag-meeting na umano ang kanyang dad (Dolphy), Vic, Tony at maging ang director na si Tony Y. Reyes.

    Tapos nang gawin ni Vic ang Enteng Kabisote 4: Okay Ka, Fairy Ko (The Beginning of a Legend na siya namang MMFF entry ng OctoArts Films at M-Zet Films na dinirek ni Tony Reyes kaya may panahon na siyang harapin ang kanyang next project na malamang simulan nila agad.

    Posible rin na ang respective partners nina Dolphy at Vic na sina Zsa Zsa Padilla at Pia Guanio ang maging kapareha ng dalawang bida. If ever, casting coup itong maituturing dahil parehong major stars sina Dolphy at Vic. Kumbaga sa action movies noon, pinagsanib ang tambalang Erap at FPJ.

    Samantala, excited si Vic sa kanyang pang-apat na version ng Enteng Kabisote na muli nilang pinagtatambalan ni Kristine Hermosa.
  • bossingvicbossingvic Member PExer
    Vic, ayaw patawag na 'Papi'!

    "Parang aso! ha! ha! ha!

    Jun Nardo
    Abante

    Magiging lolo na nga si Vic Sotto. Heto nga at buntis na ang anak nila ni Dina Bonnevie na si Danica Sotto.

    "Good! Pinapanalangin ko na safe ‘yung baby. Medyo delikado ‘yung kalagayan ni Danica. She was ordered bed rest for two weeks but she’s okey.

    "Yes, nag-stay siya for a while because Marc (Pingris) is out of town dahil sa PBA games. Si Oyo ang nag-aalaga sa kanya," bungad na kuwento ni Vic.

    Teka, ready na ba siyang matawag na lolo?

    "Matagal ko nang iniisip na magiging lolo ako simula nang mag-asawa siya. Ready na ko.

    "Alam ko gusto na nila, kaya gusto ko na rin.

    "Itatawag sa akin? Siguro tatay kasi ‘yun na ang nakasanayan nila sa akin. Huwag na ‘yung lolo at lola," sey niya.

    Ayaw niya ng Papi?

    "Hindi maganda ang tunog, eh! Parang aso. Ha! Ha! Ha!" tugon niya.

    Ikinuwento rin ni Vic na tuloy na ang project nila ni Dolphy. Nagmiting na raw sila, at naka-set na sa January ang shooting.

    "He’s very healthy. Masaya siya at tulad ko, very excited sa start ng shooting.

    "Ang casting, hindi na final. Wala pa kaming leading ladies. Inaayos namin ‘yung final details ng story. Hopefully, sa second week of January, we will break the ice.

    "Halos buo na ang istorya. Konting touches, fine tuning na lang at buong-buo na.

    "Oo, okey rin kami sa leading ladies namin na sina Zsa Zsa (Padilla) at Pia (Guanio), why not? Kung kinakailangan, bakit hindi?

    "Pero ‘yung story, nakasentro sa amin ni Dolphy," sabi niya.

    Ano ba ang balak nila ni Pia ngayong Christmas?

    "Spend with her family gaya ng ginawa namin last year. Then, after bakasyon siguro kami. Nakabakasyon kami usually sa trabaho pag Christmas."

    Ikakasal na ba sila ni Pia sa 2008?

    "Hintayin natin ang 2008. Puwede ring 2009. Everything is possible!" pahayag ni Vic.

    Siyanga pala, ang Enteng Kabisote 4 ang maituturing na pinakamagastos sa lahat ng pelikulang nagawa niya.

    Ayon kay Vic, historical ang dating nito dahil malalaman ng tao kung bakit siya nakapag-asawa ng fairy at ang pinagmulan ng kanyang karakter.

    Sabi ni Vic, habang tumatagal ay mas dumarami ang naiisip niyang puwedeng gawin para sa Enteng.

    "I’m open to anything tulad ng Enteng 5 or 6. Tulad ng sinabi ko last year, if they can come up with better story, better production, tuluy-tuloy ito maski hangang 10," say lang ni Vic.

    Siyempre, masaya si Vic na si Kristine Hermosa pa rin ang misis niya sa Enteng.

    "Naka-identify na si Tintin bilang Faye. So mahirap galawin ‘yon at this point."

    Dahil sa Enteng, na-develop daw sina Kristine at Oyo Sotto?

    "Matagal na silang magkaibigan. Isang dabarkads kami. Kung anuman ‘yung pagkakaibigan nila ngayon, nabuo na lang ‘yon through the years," sagot ni Vic.

    Inalam ba niya kay Oyo kung ano talaga ang status ng relasyon nito kay Kristine?

    "Hindi, eh. Hindi namin napag-uusapan. I’m sure, there’s nothing serious. If it’s something serious, I’m sure, Oyo is old enough.

    "Walang problema. kung sila nga. Sa aming mag-ama, walang problema," nakangiting say na lang ni Vic.
  • bossingvicbossingvic Member PExer
    Vic, ayaw patawag na 'Papi'!

    "Parang aso! ha! ha! ha!

    Jun Nardo
    Abante

    Magiging lolo na nga si Vic Sotto. Heto nga at buntis na ang anak nila ni Dina Bonnevie na si Danica Sotto.

    "Good! Pinapanalangin ko na safe ‘yung baby. Medyo delikado ‘yung kalagayan ni Danica. She was ordered bed rest for two weeks but she’s okey.

    "Yes, nag-stay siya for a while because Marc (Pingris) is out of town dahil sa PBA games. Si Oyo ang nag-aalaga sa kanya," bungad na kuwento ni Vic.

    Teka, ready na ba siyang matawag na lolo?

    "Matagal ko nang iniisip na magiging lolo ako simula nang mag-asawa siya. Ready na ko.

    "Alam ko gusto na nila, kaya gusto ko na rin.

    "Itatawag sa akin? Siguro tatay kasi ‘yun na ang nakasanayan nila sa akin. Huwag na ‘yung lolo at lola," sey niya.

    Ayaw niya ng Papi?

    "Hindi maganda ang tunog, eh! Parang aso. Ha! Ha! Ha!" tugon niya.

    Ikinuwento rin ni Vic na tuloy na ang project nila ni Dolphy. Nagmiting na raw sila, at naka-set na sa January ang shooting.

    "He’s very healthy. Masaya siya at tulad ko, very excited sa start ng shooting.

    "Ang casting, hindi na final. Wala pa kaming leading ladies. Inaayos namin ‘yung final details ng story. Hopefully, sa second week of January, we will break the ice.

    "Halos buo na ang istorya. Konting touches, fine tuning na lang at buong-buo na.

    "Oo, okey rin kami sa leading ladies namin na sina Zsa Zsa (Padilla) at Pia (Guanio), why not? Kung kinakailangan, bakit hindi?

    "Pero ‘yung story, nakasentro sa amin ni Dolphy," sabi niya.

    Ano ba ang balak nila ni Pia ngayong Christmas?

    "Spend with her family gaya ng ginawa namin last year. Then, after bakasyon siguro kami. Nakabakasyon kami usually sa trabaho pag Christmas."

    Ikakasal na ba sila ni Pia sa 2008?

    "Hintayin natin ang 2008. Puwede ring 2009. Everything is possible!" pahayag ni Vic.

    Siyanga pala, ang Enteng Kabisote 4 ang maituturing na pinakamagastos sa lahat ng pelikulang nagawa niya.

    Ayon kay Vic, historical ang dating nito dahil malalaman ng tao kung bakit siya nakapag-asawa ng fairy at ang pinagmulan ng kanyang karakter.

    Sabi ni Vic, habang tumatagal ay mas dumarami ang naiisip niyang puwedeng gawin para sa Enteng.

    "I’m open to anything tulad ng Enteng 5 or 6. Tulad ng sinabi ko last year, if they can come up with better story, better production, tuluy-tuloy ito maski hangang 10," say lang ni Vic.

    Siyempre, masaya si Vic na si Kristine Hermosa pa rin ang misis niya sa Enteng.

    "Naka-identify na si Tintin bilang Faye. So mahirap galawin ‘yon at this point."

    Dahil sa Enteng, na-develop daw sina Kristine at Oyo Sotto?

    "Matagal na silang magkaibigan. Isang dabarkads kami. Kung anuman ‘yung pagkakaibigan nila ngayon, nabuo na lang ‘yon through the years," sagot ni Vic.

    Inalam ba niya kay Oyo kung ano talaga ang status ng relasyon nito kay Kristine?

    "Hindi, eh. Hindi namin napag-uusapan. I’m sure, there’s nothing serious. If it’s something serious, I’m sure, Oyo is old enough.

    "Walang problema. kung sila nga. Sa aming mag-ama, walang problema," nakangiting say na lang ni Vic.
  • bossingvicbossingvic Member PExer
    Vic, ayaw patawag na 'Papi'!

    "Parang aso! ha! ha! ha!

    Jun Nardo
    Abante

    Magiging lolo na nga si Vic Sotto. Heto nga at buntis na ang anak nila ni Dina Bonnevie na si Danica Sotto.

    "Good! Pinapanalangin ko na safe ‘yung baby. Medyo delikado ‘yung kalagayan ni Danica. She was ordered bed rest for two weeks but she’s okey.

    "Yes, nag-stay siya for a while because Marc (Pingris) is out of town dahil sa PBA games. Si Oyo ang nag-aalaga sa kanya," bungad na kuwento ni Vic.

    Teka, ready na ba siyang matawag na lolo?

    "Matagal ko nang iniisip na magiging lolo ako simula nang mag-asawa siya. Ready na ko.

    "Alam ko gusto na nila, kaya gusto ko na rin.

    "Itatawag sa akin? Siguro tatay kasi ‘yun na ang nakasanayan nila sa akin. Huwag na ‘yung lolo at lola," sey niya.

    Ayaw niya ng Papi?

    "Hindi maganda ang tunog, eh! Parang aso. Ha! Ha! Ha!" tugon niya.

    Ikinuwento rin ni Vic na tuloy na ang project nila ni Dolphy. Nagmiting na raw sila, at naka-set na sa January ang shooting.

    "He’s very healthy. Masaya siya at tulad ko, very excited sa start ng shooting.

    "Ang casting, hindi na final. Wala pa kaming leading ladies. Inaayos namin ‘yung final details ng story. Hopefully, sa second week of January, we will break the ice.

    "Halos buo na ang istorya. Konting touches, fine tuning na lang at buong-buo na.

    "Oo, okey rin kami sa leading ladies namin na sina Zsa Zsa (Padilla) at Pia (Guanio), why not? Kung kinakailangan, bakit hindi?

    "Pero ‘yung story, nakasentro sa amin ni Dolphy," sabi niya.

    Ano ba ang balak nila ni Pia ngayong Christmas?

    "Spend with her family gaya ng ginawa namin last year. Then, after bakasyon siguro kami. Nakabakasyon kami usually sa trabaho pag Christmas."

    Ikakasal na ba sila ni Pia sa 2008?

    "Hintayin natin ang 2008. Puwede ring 2009. Everything is possible!" pahayag ni Vic.

    Siyanga pala, ang Enteng Kabisote 4 ang maituturing na pinakamagastos sa lahat ng pelikulang nagawa niya.

    Ayon kay Vic, historical ang dating nito dahil malalaman ng tao kung bakit siya nakapag-asawa ng fairy at ang pinagmulan ng kanyang karakter.

    Sabi ni Vic, habang tumatagal ay mas dumarami ang naiisip niyang puwedeng gawin para sa Enteng.

    "I’m open to anything tulad ng Enteng 5 or 6. Tulad ng sinabi ko last year, if they can come up with better story, better production, tuluy-tuloy ito maski hangang 10," say lang ni Vic.

    Siyempre, masaya si Vic na si Kristine Hermosa pa rin ang misis niya sa Enteng.

    "Naka-identify na si Tintin bilang Faye. So mahirap galawin ‘yon at this point."

    Dahil sa Enteng, na-develop daw sina Kristine at Oyo Sotto?

    "Matagal na silang magkaibigan. Isang dabarkads kami. Kung anuman ‘yung pagkakaibigan nila ngayon, nabuo na lang ‘yon through the years," sagot ni Vic.

    Inalam ba niya kay Oyo kung ano talaga ang status ng relasyon nito kay Kristine?

    "Hindi, eh. Hindi namin napag-uusapan. I’m sure, there’s nothing serious. If it’s something serious, I’m sure, Oyo is old enough.

    "Walang problema. kung sila nga. Sa aming mag-ama, walang problema," nakangiting say na lang ni Vic.
  • bossingvicbossingvic Member PExer
    Vic Sotto clarifies rumored 2008 wedding

    Kaye Villagomez
    Manila Bulletin

    The much-anticipated Vic Sotto–Pia Guanio wedding remains a plan, the "Enteng Kabisote" lead actor and co-producer disclosed to the Manila Bulletin recently.

    "Hindi pa kami sure sa mga detalye at dates if it’s going to be next year or what. But we’ll surely let you know pag ready na ang lahat."

    What Vic is most ready for is being a first-time grandparent to daughter Danica Sotto’s coming baby. "Handanghanda na akong maging lolo," he said contrary to earlier reports that he did not want to be a granddad right away.

    At the press conference of official 2007 entry to the Metro Manila Film Festival-Philippines (MMFFP) "Enteng Kabisote 4," Vic also announced that he is about to start filming a big movie with Comedy King Dolphy in January. "I’m very excited about that project. Right now it’s at its early stages. Hindi pa namin sure if Zsa Zsa (Padilla, Dolphy’s wife) and Pia will co-star with us as our leading ladies."

    In a previous interview with the Bulletin, Vic said he regretted not having pushed for a movie team-up with Fernando Poe, Jr., when Da King was still alive. Vic has long been thinking of dream projects not only with FPJ and Dolphy but also a reunion movie with Tito Sotto and Joey de Leon and even one with Sen. Bong Revilla Jr.

    Enteng prequel made Vic cry

    While in the process of choosing which scenes from the first episodes of "Okay Ka Fairy Ko" to use, incorporate and interplay with the "Enteng" prequel, Vic admitted he could not help but succumb to his emotions. "Hindi ko naiwasang maluha lalo na nung nakita ko yung mga dating kasama ko gaya nina Charito Solis, Bayani Casimiro, at bata pa si Aiza (Seguerra) noon. Di pa siya nagbibinata!"

    Vic went on waxing nostalgia saying, "In fact it was because of Aiza that Bibeth Orteza came up with the idea na Kabisote ang gawing family name namin sa series. I told Bibeth kasi before we started ‘Okay Ka Fairy Ko’ na magaling yung batang yun, si Aiza nga, sobrang kabisote ng [script]."

    "Enteng 4" is touted as local movie’s "Harry Potter" series in terms of number of sequels and blockbuster success. Vic said that in reality, the Octo Arts and M-Zet produced "Enteng" 2007 is now loaded with the kind of special effects found in big-budget Hollywood major motion pictures.

    When the media asked him to comment on representatives from other MMFF entries saying that their movies don’t need to bank on the effects to gain film fest success, Vic said, "Kung hindi lang ba kailangang maglagay ng effects, mas gusto natin ‘yun kasi mas tipid pero kailangan eh. At para naman sa mga bata at lahat ng manunuod ‘yun. We won’t use all those effects and maximize our resources for the sake of special effects. Hindi ganun ‘yun."

    In the "Enteng" prequel, Vic introduces this generation to how it all started. "Nandito lahat yung umpisa gaya ng kung paano nagkita sina Enteng at Faye pati na rin yung dating boyfriend ni Faye bago si Enteng."

    This generation of course, knows Faye to be Kristine Hermosa, the fairy who fell for the "tagalupa" Enteng, who in turn was dragged to many adventures, some of which are earth-threatening, involving witches and warlocks.

    The lead villain role now belongs to Ian Veneracion and Francine Prieto. Bing Loyzaga’s Satana has finally ceased to resurrect in this Christmas’ "Enteng." "Ilang beses na rin naming pinatay si Satana so dapat lang naman mamatay na siya," Vic explained.

    Also starring in this prequel adventure are G Tongi, Ruby Rodriguez, Ian de Leon, Arthur Solinap, Oyo Sotto and Jose Manalo among many other surprise guest star
«134

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file