Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Boy Abunda on Ratings Trick?!?

Boy Abunda reformats morning show with Kris Aquino

Allan Diones

Friday, September 28, 2007
09:23 AM

Rating





Kinumpirma ni Boy Abunda sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na magkakaroon ng mga pagbabago sa daily morning show nila ni Kris Aquino sa ABS-CBN na Boy & Kris.



"Oo, hindi naman siya reformat. Well, for lack of a better word, we're trying to evolve. We're trying to find new things to do," umpisang paliwanag ni Tito Boy nang makapanayam siya ng PEP last Tuesday afternoon, September 25, during a short break sa taping ng Boy & Kris.



Ayon sa batikang TV host, hindi pa klaro sa kanya kung ano exactly ang mga magaganap na changes sa show, pero itinanggi niyang gagawing mala-The Buzz na isang showbiz-oriented talk show ang pang-umagang programa nila ni Kris.



May balita ring paghihiwalayin sila ni Kris at madalas daw na lalabas si Boy para mag-interview habang si Kris ay mananatili sa loob ng studio.



"Hindi naman. Meron pa rin kaming mga studio interviews," paglilinaw niya. "But you know, it's basically an effort to do something different. Pabagu-bago, may studio, may labas na interviews, para lumawak ang coverage.



"Basically nga, si Kris ang lalabas ng studio, e. Pero ako rin, lalabas. Wala pa akong masyadong detalye, but it will start sometime October.



"Hindi naman pagbabago ito. It's introducing new portions. For lack of a better word, it's called reformat. Ginagamit lang yung general term na ‘yon," sabi pa ng kilalang TV host/talent manager.



RATINGS GAME. Hindi maitatanggi na may kaugnayan ang ratings sa mangyayaring reformatting ng Boy & Kris dahil base sa survey results ay palagi itong nalalamangan sa ratings ng katapat na morning show ng GMA na SiS.



"Let's put it this way, we should be sensitive to other people's opinions. Hindi natin dapat ikaila ‘yon, lalo na if it makes sense.



"With humility, you should listen to the opinion of other people. Number two, you shouldn't just stop at where you are. You shouldn't just stop within your comfort zone.



"I think you should push the envelope, you should push yourself to the edge para hindi ka maluma, hindi ka ma-bore, para may bago. And you should always be excited to learn new tricks. Kaya bukas ako sa ganyan, e.



"Naalala n'yo ‘yung mga 'Ebidensiya' sa The Buzz? On the spot ‘yon. Eksperimento. Sometimes it's planned, sometimes it happens, di ba? Kasi, when you do what you do for a couple of years, you have to keep on reinventing. Instead of a reformat, it's bahagi ng reinvention. Kung kaya mo, gawin mo.



"Ako basically, mahalaga sa akin yung ganitong klase ng proseso dahil it excites me. Hindi yung ‘yon na lang nang ‘yon. But we can always go back to this. Kasi, hanggang ilan naman ang puwede mong ikutan? Ilan naman ang puwede mong subukan?



"When you do a morning talk show, you're limited to certain options lang. So, iikot at iikot ka lang. Lalabas kami; sa susunod, sa studio naman. Hindi pa rin mawawala yung studio.



"You know, it is always an effort to make it more exciting. Will it work? With all humility, I don't know. Pero it should not stop us from trying," tuluy-tuloy na pahayag ng tinaguriang local TV's King of Talk.



Anong reaksyon niya kapag sinasabi ng ibang tao na palagi na lang silang natatalo sa ratings ng katapat nilang show?



"Hindi ako defensive about it," mabilis na sagot ni Tito Boy. "Kasi, hindi lang ikaw ang anak ng Diyos. Pag natatalo ka sa ratings, you look forward to the next show para maipanalo mo. Pag nananalo ka naman, you work even harder para ma-maintain mo, di ba?



"Pero no one I think can claim na, ‘Panalo ako habambuhay!' Hindi. It makes you work harder. That's the ball game.



"Pero ako, I don't wanna deny na numbers are important. But I'm not consumed, I'm not obsessed by numbers. I am too secure in what I can do and what I cannot do to worry about numbers.



"I have been blessed too much to complain. At alam ko ang kaya kong gawin, alam ko ang hindi ko kayang gawin. Alam ko ang aking kahinaan, alam ko ang aking strengths, for me to worry about numbers. That's why I think I've stayed in this business for so long," bulalas pa ng premyadong TV host.



KRIS'S MAGIC. Anong comment niya sa opinyon ng iba na parang wala na raw "magic" si Kris Aquino at tila nawalan na ito ng excitement, hindi katulad noong nasa The Buzz pa ito?



"Hindi naman siguro. She will remain to be one of the most interesting personalities [in showbiz]," maagap na depensa niya sa kaibigan at co-host.



"Kris has the power and the capability to reinvent herself. Bihira yung mga ganyan. May effect ba yung pag-alis niya sa Buzz? Hindi naman siguro. She will always be exciting.



"Katulad ng lahat ng bagay, katulad ng symphonic movement, hindi lahat malakas...bumubuwelo, malakas, dahan-dahan...kanya-kanyang timing.



"But she remains to be one of the most interesting and one of the best. ‘Yan ang importante. Ang sa akin lang, kasi hindi ko idinedenay yung ratings, di ba? Pero hindi naman ‘yun lang ang nakikita...



"You know, I'm very glad when other shows win. There is enough room for SiS and Boy & Kris to walk around. We have a big industry for the two shows and it is good for our audiences because they have choices. Nakakapamili sila ng mapapanood.



[highlight]"Pero hindi kami masyadong tapat ng SiS, e. Our first ten minutes, we're up against cartoons [ng GMA] and malaking bagay ‘yon, ha?



"Parang Buzz at Showbiz Central ‘yan, e. Nagtatapos kami ng alas-sais kinse, nagtatapos sila ng alas-sais trenta. So, primetime na sila. May mga elemento na ganoon. Numbers are not just dictated by the viewership of the show. Merong elemento na magkatapat ba kayo? Parehong oras ba kayong pumasok [sa ere]?
[/highlight]

Comments

  • "Pero hindi kami masyadong tapat ng SiS, e. Our first ten minutes, we're up against cartoons [ng GMA] and malaking bagay ‘yon, ha?



    "Parang Buzz at Showbiz Central ‘yan, e. Nagtatapos kami ng alas-sais kinse, nagtatapos sila ng alas-sais trenta. So, primetime na sila. May mga elemento na ganoon. Numbers are not just dictated by the viewership of the show. Merong elemento na magkatapat ba kayo? Parehong oras ba kayong pumasok [sa ere]?

    So kung totoo ngang natatalo sila dahil sinosobrahan ng oras ang kabilang show, bakit hindi pa rin nanalo ang kasunod na show gaya ng Wowowee at Rated K?
  • pero mas mahaba pa rin ang tapatan niyo vs 15 minutes na sobra nila. :bop:
  • Ang lagi nilang sinasabi sa ABS-CBN ay numero lamang ito kapag natatalo sila sa ratings. Pero concerned din pala. :lol:

    Ano naman ang alam ni Boy Abunda sa pagko-conduct ng survey e public relations ang linya niya? Bakit hindi na lang siya magbasa ng kontrata ng mga alaga niya kung may babasahin.

    Siyempre hindi naman basta-basta ang mga nagse-survey. May mga Masters Degree at Doctorate ang taga AGB Nielsen o kung anumang kumpanya ang naglalabas nito kaya alam nila ang ginagawa nila.

    Kaya nga scientific no.
  • Kalurky ang scapegoat ni Abunda! :rotfl: Nabasa pa yata ang 'ratings trick' post ng threadstarter dati. :lol:
  • akala ko no.1 nationwide? bakit sa MEGA MANILA sila sensitive?

    ALL TOGETHER NOW.....

    KASI ONLY MEGA MANILA RATING COUNTS!!!!

    Bwahahahahaha!!!!
  • ganon naman pala e bat di rin sila mag-extend kung alam naman pala nila dahilan kung bat sila natatalo? hirap kasi puro palusot
  • bwahahahahahahahahahaha!!!!!!!!!!!!!!!!!!


    ang BAKLANG KALBO natuto na ring MAGPALUSOT!!!!!! APEKTADO na rin ang MASYHONDA sa epekto ng MEGA-MANILA RATINGS!!!!!!!!!! AMININNNNNNN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! :rotflmao: :lol::naughty:


    nyahahahahahahahahahaha!!!!!!!!!!!!!!!!!! :p:p:p:p
  • i may be the only one. but i agree with his statements. a show must and always change. yes, at times, it is for numbers. but at other times, it's just for the sake of the show. people make such a big deal about a show reinventing itself.

    in actuality, we should be relieved because change isn't a sign of weakness, it is a sign of realization and awareness. it is an adventure to the unknown (though some shows have the tendency to copy its rivals), a wild step into one's imagination, a complicated push for creativity.

    i'm happy that the staff of boy and kris have decided to reformat the show. i just hope they do it right. ;)
  • Kasi naman over-exposed na sina B&K. Sila ng sila na lang ang nakikita sa TV shows ng ABS-CBN.

    Hindi matanggap yata ng B&K na may mas magaling sa kanila at hindi pa over-exposed.

    Sa SIS iba ang katunggali nila. Sa Showbiz Central iba na naman set ng hosts.

    Pero ang manonood sila pa rin ang nakikita. Alam na ang estilo nila, alam na ang attitude nila, ang mga sasabihin na kung ano ano na wala namang kabuluhan.

    Walang tricks kundi pagka-laos na ang nangyayari sa B&K.
  • Jeopardy has been on since how many years?

    Wheel of Fortune?

    same hosts. same format. predictable. and yet, still on air. of course, they changed some things. wheel of fortune goes around the country. jeopardy has different divisons. and then there's the price is right.

    and what about regis? how many shows has he had? same attitude. same old thing, yet he's still around. and when he stopped hosting america's got talent, did anyone say....laos na sya?

    i have no idea why sis rates more. nothing special. their hosts are mediocre. the segments are.....the same. it's just one of those shows that just click with the audience for some odd reason. sis is not a great show, far from greatness actually.
  • stingray1059stingray1059 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    i remember nung episode ng the buzz .. sinabi ni ruffa kay raymond
    "hello raymond!, magpa lechon ka na 3 weeks ka na panalo"

    nagulat si boy abunda then sabi nya. " yan ay numero lang , ang importante ay nakapagbibigay tayo ng impormation at aliw sa mga nanonood".
  • Malamang isang linggong magre-replay ang Boy & Kris habang nagbe-brainstorming sila para sa reformatting na gagawin.

    Dapat ay mag-rate na ito ngayon dahil last chance na nila 'to. Kapag hindi pa nag-rate ay magiging pre-programming na lang ito ng Umagang Kay Ganda.
  • Boy Abunda should stop guesting Kim and Gerald. Nakakasuka na at wala ng novelty factor.

    The show is utter crap with its stupid topics that's why its losing in the ratings.
  • Bakit nakailang reformat din ba ang sis sa morning girls with kris and korina dati:glee:? I'm sure kaya yan, mga matatandang laos lang naman ang kalaban:lol:
  • wag ng mag explain pag talo talo talaga. dapat lagi nyong wine welcome si angel locsin para tumaas ratings. o di kaya araw araw nag fa finals ang PDA, PBB para mataas ratings. Araw arwain nyio kayang i welcome si angel
  • ang SIGNAL kasi eh.... :mecry: :mecry:


    teka, may binanggit ba si Boy tungkol sa signal? :shakehead:

    :mecry:
  • Ngayon na pala ang reformatted Boy & Kris.

    :hmm: Kapag natalo kaya ulit itong "new" B&K. Ano na naman kaya ang magiging dahilan ng dalawang ito.

    Abangan. :rotflmao:
  • ^^^ kapag natalo? another milestone for abs...:lol: sa iba nga lang nalilinya....hindi yong karaniwan na positive ang dating
  • rasHiko_dHeNzrasHiko_dHeNz PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Boy Abunda should stop guesting Kim and Gerald. Nakakasuka na at wala ng novelty factor.
    .

    I agree. Bawas bawasan yung exposure ng dalawa. Nakakasuka na! :lol::lol:
  • rexsolar wrote: »
    Bakit nakailang reformat din ba ang sis sa morning girls with kris and korina dati:glee:? I'm sure kaya yan, mga matatandang laos lang naman ang kalaban:lol:

    di baleng laos, magaganda naman at pinapanood. lol. at higit sa lahat, panalo sa ratings. hahahaha

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file