Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Dennis Trillo is the father of Carlene Aguilar's baby

"Dennis Trillo is the father of Carlene Aguilar's baby"—PEP source
Erwin Santiago

Thursday, September 27, 2007
07:56 PM

295b91918gy4.jpg

Lumabas early this week ang balita na nanganak na ang model-beauty queen na si Carlene Aguilar noong September 22 sa Los Angeles, California.

Si Carlene ang rumored girlfriend ng matinee idol na si Dennis Trillo. Magmula nang mapabalita ang relasyon ng dalawa hanggang sa pumutok ang balita na buntis si Carlene, walang pag-amin na narinig mula sa Bb. Pilipinas-World 2006 at maging kay Dennis.

Mid-February this year lumabas ang balita na buntis si Carlene. Nang mag-host siya ng Mr. World Philippines sa Broadway Centrum last February 17 ay tinanong siya ng ilang entertainment press kung totoo ang balitang buntis siya. Namataan kasing namimili ng maternity dress sa isang mall ang beauty queen. Pero tumangging magbigay ng pahayag ni Carlene dahil hindi raw siya artista.

Sa unang pagkakataon na kinunan ng pahayag si Dennis ay mariin nitong pinabulaanan ang napabalitang pagbubuntis ni Carlene. Pero tila nagbago siya ng pahayag sa launching ng kanyang debut album noong March 12. Aniya, "Hindi ko alam. Hindi ko sure. Hindi ko alam, ayoko lang magsalita."

Sa hindi inaasahang pagkakataon noong katapusan ng Mayo ay aksidenteng nakita ng GMA entertainment reporter na si Lhar Santiago si Carlene sa Los Angeles, California. At dito na nga nakumpirma na totoo ngang buntis ang model-beauty queen.

That time ay magsi-six months na ang dinadala ni Carlene. Nang tanungin kung sino ang ama ng kanyang ipinagbuntis, sinabi ni Carlene na hindi si Dennis ang ama nito kundi "isang Chinese businessman."

Nang hingan naman ulit ng komento si Dennis tungkol sa kumpirmadong pagbubuntis ni Carlene ay mariin nitong itinanggi na siya ang ama.

"If it's true that Carlene is pregnant, the baby is not mine," ang eksaktong sagot daw ni Dennis sa source ng PEP na malapit sa kanya.

Pero noong Lunes, sa column ni Ogie Diaz sa People's Tonight ay sinabi nitong kumalat na sa Internet ang balitang nanganak ng isang malusog na baby boy si Carlene noong September 22 sa isang hospital sa Los Angeles.

Ayon pa kay Ogie, ang nakalagay raw na pangalan sa wrist tag ng sanggol ay "Baby Ho." Ang tunay na pangalan ni Dennis ay Abelardo Dennis Florencio Ho. Half-Filipino, half-Chinese ang matinee idol.
Dahil dito, lalong lumakas ang ugong na si Dennis nga ang ama ng isinilang na sanggol ni Carlene.

Ilang araw ang lumipas pagkatapos lumabas ang balitang panganganak ni Carlene, pero wala pa ring narinig na pahayag mula kay Dennis. Pero kanina, September 27, ay nakapanayam ni Nelson Canlas ng GMA News si Dennis.

"No comment," ang isinagot ni Dennis kay Nelson. Pero sinabi rin ng matinee idol na magsasalita siya tungkol sa panganaganak ni Carlene this week.

Pero ayon sa isang magpagkakatiwalaang source na malapit kay Dennis, na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), magsasalita ang aktor sa isang showbiz talk show ng GMA-7. Dito na rin daw tatapusin ng aktor ang malaking katanungan sa likod ng panganganak ni Carlene.

Ayon sa PEP source, aamin na raw si Dennis na siya nga ang ama ng sanggol na isinilang ni Carlene.

Source: pep.ph

Comments

  • :confused4: :shutup:
  • Bakit ba sila nagde-deny. It's not like their in their teens. Nasa mid-20s na sila. Ikaw Lee, alam mo ba kung bakit nagde-deny and dalawa?
  • kaloka kung totoo man to ha! HABA NG HAIR NG LOLA CARLENE MO! wish lang ng ate piola nyo na maging ina rin ng magiging anak ni papa dennis! oh so guwapo naman kasi! feeling ko tuloy, mapapaanak na ang ate piola nyo!!!! :silly:
  • Bakit ba sila nagde-deny. It's not like their in their teens. Nasa mid-20s na sila. Ikaw Lee, alam mo ba kung bakit nagde-deny and dalawa?

    Career's sake? During that time, kapapanalo pa lang yata ni Carlene sa Bb Pilipinas so baka ma-dethrone. On Dennis' case, syempre nasa peak ng career tapos biglaan pa. Madali naman sigurong intindihin iyon. :hmm:

    Tingin ko, pinag-usapan nila na huwag munang magsalita tungkol sa isyu.
  • I think Carlene won as Bb. Pilipinas World in 2005 pa. Maybe you're referring to her title as Miss Internet World 2006. Pero she got pregnant late December of 2006.

    Anyway, they look good together naman.

    LEE23 wrote: »
    Career's sake? During that time, kapapanalo pa lang yata ni Carlene sa Bb Pilipinas so baka ma-dethrone. On Dennis' case, syempre nasa peak ng career tapos biglaan pa. Madali naman sigurong intindihin iyon. :hmm:

    Tingin ko, pinag-usapan nila na huwag munang magsalita tungkol sa isyu.
  • Okay lang naman na aminin na nila na may anak na sila.
  • tapos si piolo ang sinasabing bading...?
    eh eto,, walang ba**g para akuin ang responsibility nya... dahil sa career? (nassan?)
  • janray:)janray:) PEx Influencer ⭐⭐⭐
    mukhang totoo ata ito.. bakit kaya no comment at hindi raw siya magsasalita ngayon. kung hindi naman totoo, he could have given NO as his answer.

    dami pa naman humahanga kay dennis, but let's wait and see. nung una kasi talagang dineny niya.Mukhang totoo yung write up ni ricky lo. Si ricky lo pa, eh siya rin yung nagbunyag nung relasyon ni ogie at regine, so malaki nga ang possibility na totoo nga yung issue.
  • beachyonebeachyone PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hindi naman surprising yan. Matatanda na sila. Saka uso naman sa showbiz ang mag-deny whether mag-deny ka na bading ka or may anak ka na.

    I'll be surprised for example if Kim Chiu gets pregnant. Yan ang shocking. Sana huwag naman mangyari!
  • beachyone wrote: »
    Hindi naman surprising yan. Matatanda na sila. Saka uso naman sa showbiz ang mag-deny whether mag-deny ka na bading ka or may anak ka na.

    I'll be surprised for example if Kim Chiu gets pregnant. Yan ang shocking. Sana huwag naman mangyari!

    totoo iyan, pero kung gaya ni rhian ramos ang mate-tesbun masu-surprise pa ba tayo? :D
  • Bading si Dennis Trillo di ba?

    Bakit palagi na lang pag merong nati-tsismis na bading, biglang me lalabas na chismis na kesyo meron na tong anak o siya ang tatay ng pinagbubuntis ni kung sino sino.

    Hay naku! Itigil na ang mga kalokohang yan Zaida!
  • deegee81deegee81 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ang mali kay dennis,puro sya deny,pati yung relasyon nila di niya maamin,eh yung nabuntis pa kaya niya si carelene ang maamin niya agad.

    no choice na siya ngayon kundi umamin.
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    totoo to.. tingin ko..
  • deegee81 wrote: »
    ang mali kay dennis,puro sya deny,pati yung relasyon nila di niya maamin,eh yung nabuntis pa kaya niya si carelene ang maamin niya agad.

    no choice na siya ngayon kundi umamin.

    In fairness, si Carlene ang unang nag-deny. Ang masama, kung sinabi ni Carlene na si Dennis ang ama tapos dineny ni Dennis katulad ng ginawa ni Vhong Navarro. lol!
  • gosh in fairness naman kay papa dennis no kung anak man nya yon at gosh wala akong ma comment :lol:

    ito na lang at least hindi katulad ng iba dyan na wala naman nagtatanong biglang sinabing nagkaanak pero wala namang ina ang anak. at gosh hello tinatanong ba kung naging sila ni pops ? hello gosh
    :lol:
  • Gosh present ang La BOBA Blanca Gosh:rotflmao::bop::bleh:

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file