Home PEx Local Entertainment Showbiz - TV
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

ABS-CBN: Celeb*rity Boxing Challenge

Mga artista, magbabasagan ng mukha sa bagong show ng Dos na ihu-host ni Cesar Montano

Tuesday, September 25, 2007

Balik ABS-CBN na si Cesar Montano dahil siya ang host ng Celeb*rity Boxing Challenge na mag-uumpisa na sa October 20, Sabado.

Ayon sa nakalap na*ming tsika ay si Cesar daw ang napisil ng ABS-CBN management na maging host dahil may alam ito sa nasabing sports.

Ang ilan sa nabanggit sa aming celebrity chal* lengers ay sina TJ Trini*dad at PBB1 Rico Bar*reira, “Talagang basagan ng mukha ito, hindi ito scripted, kaya ang mga puwedeng sumali ay talagang naglalaro ng boksing plus may training pa sila talaga from the Red Corner Association,” say sa amin ng product*ion manager ng show na si Raymond Dizon.

Balik tanaw namin na hindi kaya nagkaroon ng ideya ang Dos na si Bu* boy (palayaw ni Cesar) ang kuning host dahil sa nilikha niyang ingay nu’ng nagkaroon ng Celebrity Boxing Challenge na ginanap sa Aliw Theater last year?

Wish lang namin wa*lang ‘say’ si Cesar kung sino ang gusto niyang manalo dahil baka ma-MTRCB din siya. — REGGEE BONOAN

http://www.philstar.com/index.php?Showbiz&p=50&type=2&sec=58&aid=20070924149

Comments

  • Wow! So.. Baka Ito Ang Pumalit Sa u Can Dance Version 2..

    For Sure, Di Papatalo Ang Kabila Nyan. Ngaung Nasa Kanila Na Si Pakyaw, Malamang Magkarun Din Ng Ganito Ang Kabila.. U Know Nmn... Deba?
  • ilovehalilovehal Confidently Beautiful PEx Expert 🎖️
    oo nga pala, patapos na u can dance. iniisip ko kung ano ang papalitan nito sa saturday.akala ko pantapat sa celebrity duets... hehe
  • hi guys! i hope you can make it to erik's bday concert at the big dome! see you!!!

    SOLO480.jpg

    visit ESO Forum
  • September 25, 2007 03:23 PM Tuesday

    By: Gerry Ocampo

    Hot Shots

    BALIK-ABS-CBN na nga ang action star na si Cesar Montano at kung hindi magbabago ang mga plano, siya ang maghu-host ng Celebrity Boxing Challenge na magsisimula sa October 20.

    Si Cesar ang napiling host ng Dos dahil kahit paano’y may nalalaman ito sa nasabing sport.

    Ang dalawa sa mga mapapasabak sa celebrity boxing ay sina TJ Trinidad at Rico Barrera.

    Teka, bakit hindi na lang sumali sina Uma Khouny at Bruce Quebral para doon nila ilabas ang galit sa isa’t isa?

    Anyway, say ng source namin: “Talagang basagan ito ng mukha.

    “Hindi scripted, kaya ang mga puwede lang sumali ay ’yung mga naglalaro ng boxing. Kailangan din silang mag-training sa Red Corner.”

    Well, bagay nga kay Cesar ang CBC dahil kung matatandaan n’yo, naging malaking issue ang paghahamon nito ng boxing kay Andrew Wolff.

    Tinalo kasi ni Andrew ang utol ni Cesar na si Rommel sa umano’y hindi patas na laban, pero hindi tinanggap ni Andrew ang hamon ni Cesar.

    Who knows, baka sa CBC pa matupad ang sagupaang Cesar-Andrew, ’di ba?

    People's Tonight

    http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2007-09-25&sec=3&aid=32612
  • hanep! tapos nasa ring side yung kanya kanyang mga lawyers... :spinstar:
  • hahhaha... YES!!! this should be good.
  • etxeteraetxetera PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hmmmm Circus of the Stars na lng :p
  • Is this for real?

    Ano ito mga actor na gustong mag-boxing.

    Manny Pacquiao is being criticized na hindi siyan puwedeng maging artista. Eto naman ang mga artista gusto maging boksingero. :rolleyes:

    Wala na bang maisip na ibang palabas.

    And Cesar Montano will host this show? What a waste. :bop:
  • WTF is this BS? Ang papanget talaga magisip ng concepts ng taga-ABS.
Sign In or Register to comment.