Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Pera at Hindi si Willie ang Dinarayo sa "Wowowee" - Alfie Lorenzo

Pera at hindi si Willie ang dinadayo sa 'Wowowee'!

Alfie Lorenzo


MISTULANG Commander-In-Chief si Joey de Leon kahapon nu’ng parunggitan niya ang isang TV host (without naming names) to "explain before you complain"! kahit na hindi ako sundalo o nagkadyowa ng sundalo, eh alam ko ‘yung General Command to "obey before you complain!"

Swak na swak sa pinatutungkulan niya ang mensahe ni Joey. Magpaliwanag! Ganoon lang kasimple ‘yun.

Kung blind item man ang person concerned kay Joey, sa kabilang istasyon naman ay sagot si Willie nang "Wala akong dapat ipaliwanag dahil hindi kami nandadaya rito!"

Natural na kampo-kampo na ang kampihan kahit na nawala na ang tunay na katuwiran. Natural lang na may kakampi kay Joey, ganoon din kay Willie, sa ngalan ng alam-niyo-na na natatakpan ng kunwari, eh malasakit na sabi nga ni Cristy Fermin, eh "conditional" whatever that means.

Heto ang text sa akin, reaction sa lumabas na paliwanag ng corporate communications ng ABS-CBN compliments of our friend Bong Osorio.

From +639266712235 - "The article today in Abante under your byline does not sound like you at all becoz you are not the one who would tolerate the histrionics & "paawa" of Willie!"

Eversince naman hindi ko tinolerate ang maling sistema ng sinuman. Nakatutok ako 24/7 sa ABS-CBN, kusa na lang namamatay ang TV set ko, pero kapag sarado na ang Channel 2 ay inililipat ko naman sa Cable 26 DzMM teleradyo ng TV set ko. There are times na hindi ako nakakatutok sa "Eat Bulaga", but there are times na curious akong tingnan kung ano ang nangyayari sa kabila. Apat ang TV sets ko na tuned in sa iba’t ibang Channels, including CNN, BBC news, Discovery Channel, National Geographic, etc.

Naguluhan din ako sa ibinuga ni Willie Revillame na paiyak-iyak nga nang walang luha, magulo ang statement niya, hindi niya lubos na natumbok ‘yung parunggit sa kanya, sa halip ay kinalkal niya ‘yung mga pinaggagawa raw sa kanya ni Joey gayung hindi naman ‘yun ang isyu.

Kahapon ay may kayabangang sinagot ni Willie ang explanations ni Joey de Leon, as if gamit nila ang programa nila para gumawa ng isyu para pag-usapan sila. ‘Yun ang dating sa mga televiewers. On the other hand, okey sa akin ‘yun na diretsang sagutin anuman ang isyu, na hindi na magpapalawig pa ng araw at baka mabantilawan!

‘Yung asta ni Willie, eh tila naghahamon pa kay Joey gayung naisulat na namin dito ang obserbasyon ng ibang manonood ng "Wowowee", (at maging ako mismo) ‘yung tila pagmamadali sa mga pinakakawalang tanong sa mga contestants na kahit tama ang sagot ng sinumang nasa berde, pula o dilaw na puwesto ay nagiging none of the above ang tama raw na sagot para lang wala nang contestant na maglalaro sa jackpot, kasi wala nang oras, alas-tres na kasi.

Pero, pag gusto nila eh balewala maski may pagkakataon na inaabot pa sila ng 3:20 pm.

Napupuna rin ng iba na may favoritism kung minsan si Willie sa mga contestants. Kapag "magaan" ang dugo niya sa contestant ay "natutulungan" itong manalo -- ‘yun eh dahil siguro sa naaawa si Willie sa taong kailangang-kailangan ng pera. Eh, lahat naman ng sumasali sa contest, eh pera ang ipinupunta roon, hindi si Willie -- kaya kahit dalawang araw at gabi na silang nakapila sa tagiliran ng ABS-CBN building ay nagtitiyaga makasali lang sa pagbabakasakali.

Meron ding nag-tip sa amin na ‘yung grupo ng mga tila "hawi boys" (ni Randy Santiago noon sa Lunch Date) na kuyog kay Willie, na may isang isinasali eh sinisiguro ni Willie na mananalo ‘yun ng Ten Thousand Pesos, para may allowance na sila for the day at hindi na raw sa bulsa ni Willie manggagaling ang pakimkim!

Hindi ko na lang pinapansin ‘yun kasi bahagi na ‘yun ng agawan sa pera - maski na sa sugal na involve ang pera, eh hindi maiaalis ang may dayaan!

‘Yung asta ni Willie kahapon at hamon niya the other day na "Hindi ko na kaya ito!" doesn’t speak well of a person na inaakala na sikat na siya at indispensable na.

Sangkatutak ang puwedeng ipamalit kay Willie sa "Wowowee", maski na si Bentong lang ang mag-host diyan ganyan pa rin ang magiging reception dahil ang ipinupunta naman ng mga sumasali riyan ay hindi si Willie Revillame kundi ang salaping ipinamudmod araw-araw!

Eh di ba, ang daming nang-uuto kay Willie na "ang guwapo-guwapo mo puppy!" dahil ang sinumang bumigkas niyon ay may 500 pesos na later on ay naging 100 pesos na lang!

Kaya dapat eh mahalin na ni Willie ang trabaho niya ngayon dahil darating ang araw na may papalit din sa kanya -- gaya nang pag-aakala ng iba na babagsak na ang Game Ka Na Ba dahil hindi na si Kris Aquino ang host, but Edu Manzano proved he can a lot more than what Kris has already offered!

Well, mukhang pahahabain nina Joey at Willie ang kani-kanyang promotions dahil meron pa raw ngayong araw na ito at bukas, asahan n’yong may sagot pa rin sa "Startalk" si Joey de Leon! Abangan! Exciting, itis!
«1

Comments

  • Sorry po matanda na si ALFIE at malapit na siya kaya wala na naniniwala sa mga sinusulat niya..
  • ^ di ka naniwala kasi di pabor sa inyo
    lahat ng pinagsusulat nya taguz sa laman kaya tudo galit kayo sa kanya !!! nyahahahahha
    tama naman ah kahit si bentong pa ilagay dyan dudumugin pa rin yan ng tao !!! nyahahaha
  • Ano ba yang si alfie hindi nag iisip, obviously naman na sa lahat ng game shows sa kahit anong channel, even sa lotto, or sa mga promo kaya sumasali ang mga tao is to have a chance to win MONEY:bop:

    Eh ano tingin niya sa Eat Bulaga? hindi rin ba chance of winning of money kaya sumasali ang tao dito? Alangan naman thank you lang?
  • ~aeiou~ wrote: »
    ^ di ka naniwala kasi di pabor sa inyo
    lahat ng pinagsusulat nya taguz sa laman kaya tudo galit kayo sa kanya !!! nyahahahahha
    tama naman ah kahit si bentong pa ilagay dyan dudumugin pa rin yan ng tao !!! nyahahaha


    Talaga lang.. Bakit kaya ang daming mga game shows na nag flop at nawala sa ere may pera din namn na makukuha doon. Bakit ung MTB malaki din yung pera dun bakit hindi parin nag click sa masa..:rotflmao:
  • clausius wrote: »
    Ano ba yang si alfie hindi nag iisip, obviously naman na sa lahat ng game shows sa kahit anong channel, even sa lotto, or sa mga promo kaya sumasali ang mga tao is to have a chance to win MONEY:bop:

    Eh ano tingin niya sa Eat Bulaga? hindi rin ba chance of winning of money kaya sumasali ang tao dito? Alangan naman thank you lang?

    May point ka rin. Pero malaking bagay din namn yung show kung maganda o swabe sa panlasa ng mga pinoy kaya tinatangkilik rin nila. HIndi naman lahat ng audience ng WWW mga walang pera. Di ba?

    Para kasi sa akin pag sabi ni ALFIE hindi na ako naniniwala sa kanya hindi credible yung mga sinasulat niya kaya waste of time lang basahin yung column niya.
  • so dumadayo pa ang mga TFC SUBSCRIBERS para lang sa pera?



    MAGISIP NAMAN. :D
  • Talaga lang.. Bakit kaya ang daming mga game shows na nag flop at nawala sa ere may pera din namn na makukuha doon. Bakit ung MTB malaki din yung pera dun bakit hindi parin nag click sa masa..:rotflmao:

    Hindi ba nag-click sa masa ang MTB kaya pinalitan ng Wowowee? Ibig mong sabihin, hindi nagre-rate? Hindi rin siguro nag-click sa masa ang APO kaya pinalitan naman ng MTB? Hindi pala talaga sila matakaw sa rating kaya sinabi ni Willie, SA INYO NA ANG RATING. :lol:
  • rusty2die4 wrote: »
    so dumadayo pa ang mga TFC SUBSCRIBERS para lang sa pera?



    MAGISIP NAMAN. :D


    IKAW NAMAN ANG MAG-ISIP. WALA NAMANG SINABING GANYAN. DUMARAYO ANG MGA TFC SUBSCRIBERS PARA MAG-DONATE. NA GINAGAMIT NAMAN PARA SA MGA PERSONAL EXPENSES NI WILLIE AT NG KANYANG STAFF.
  • my dad enjoys the dance part, and bigatin that's why he watch the show. Not mentioning, criticizing Willie is also part of the package.
  • Diyan ka nagkamali, TFC subscriber just like me wanted to see Wowowee Live because of the enjoyment that we are getting from the show.
  • IKAW NAMAN ANG MAG-ISIP. WALA NAMANG SINABING GANYAN. DUMARAYO ANG MGA TFC SUBSCRIBERS PARA MAG-DONATE. NA GINAGAMIT NAMAN PARA SA MGA PERSONAL EXPENSES NI WILLIE AT NG KANYANG STAFF.

    SO UMUWI SILA PARA LANG MAGDONATE? AT SINAMA PA ANG MGA BUONG PAMILYA? GUMASTOS NG MALAKI PARA LANG MAGDONATE? :D O PARA MANOOD NG WOWOWEE? WAG MAGTANGA TANGAHAN.

    AMININ MAN O HINDI... THE SHOW IS FUN TO WATCH.
  • rusty2die4 wrote: »
    SO UMUWI SILA PARA LANG MAGDONATE? AT SINAMA PA ANG MGA BUONG PAMILYA? GUMASTOS NG MALAKI PARA LANG MAGDONATE? :D O PARA MANOOD NG WOWOWEE? WAG MAGTANGA TANGAHAN.

    AMININ MAN O HINDI... THE SHOW IS FUN TO WATCH.

    IKAW ANG NAGTATANGA-TANGAHAN. LAHAT BA NG BALIKBAYAN TAGA-QUEZON CITY? :D PAANO KUNG TAGA-PROBINSYA AT MAY TRANSAKSIYON SA QUEZON CITY O MAYNILA? SIYEMPRE DADAYO SILA DON PERO SABIHIN MONG I-PRIORITIZE ANG WOWOWEE, KATANGAHAN YAN. :lol:
  • Ayaw pa kasi aminin na sawa na ang pinoy sa EB.
  • IKAW ANG NAGTATANGA-TANGAHAN. LAHAT BA NG BALIKBAYAN TAGA-QUEZON CITY? :D PAANO KUNG TAGA-PROBINSYA AT MAY TRANSAKSIYON SA QUEZON CITY O MAYNILA? SIYEMPRE DADAYO SILA DON PERO SABIHIN MONG I-PRIORITIZE ANG WOWOWEE, KATANGAHAN YAN. :lol:

    basahin mo ang post mo baka magkasense kapag binasa mo ng paulit ulit :lol:
  • rusty2die4 wrote: »
    basahin mo ang post mo baka magkasense kapag binasa mo ng paulit ulit :lol:

    Basahin mo muna ang nauna mong post. Pagkatapos, tsaka mo basahin ang post ko. :D
  • iRebirthiRebirth PEx Influencer ⭐⭐⭐
    IKAW NAMAN ANG MAG-ISIP. WALA NAMANG SINABING GANYAN. DUMARAYO ANG MGA TFC SUBSCRIBERS PARA MAG-DONATE. NA GINAGAMIT NAMAN PARA SA MGA PERSONAL EXPENSES NI WILLIE AT NG KANYANG STAFF.

    may pruweba ka ba, manang tonta?
  • iRebirth wrote: »
    may pruweba ka ba, manang tonta?

    Ay, sorry. Staff member ka ng Wowowee. Hayaan mo kapag natuloy ang imbestigasyon, kakalkalin yan. Doon lang ako maglalabas ng pruweba. :D
  • iRebirth wrote: »
    may pruweba ka ba, manang tonta?

    Yung kay Pepsi Paloma, meron ka? :lol:
  • iRebirth wrote: »
    may pruweba ka ba, manang tonta?

    Yung dayaan sa Wilyonaryo, eto:

    http://youtube.com/watch?v=50p8GtTBjx4

    http://www.youtube.com/watch?v=Hiv0AodCwBo

    O, baka may tanong ka pa. :lol:
  • Yung dayaan sa Wilyonaryo, eto:

    http://youtube.com/watch?v=50p8GtTBjx4

    http://www.youtube.com/watch?v=Hiv0AodCwBo

    O, baka may tanong ka pa. :lol:

    bulag yata yan o nagbulagbulagan lang :rotflmao:
This discussion has been closed.