Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Will he be imprisoned?

Joey Marquez? for the anomaly of buying broomsticks? I don't know about other details. Please enlighten me. Thanks.

Comments

  • oo nga. ano balita dito.

    kawawa naman si joey marquez. mabait na sya ngayon tapos ngayon pa nangyari ito. nagbago na sya. katunayan okay na sila ni kris.

    sana si joey de leon na lang ang makulong or better yet maputulan ng dila para tumigil na sa panlalait at pagpaparinig sa kung sino sino.
  • oo nga. ano balita dito.

    kawawa naman si joey marquez. mabait na sya ngayon tapos ngayon pa nangyari ito. nagbago na sya. katunayan okay na sila ni kris.

    sana si joey de leon na lang ang makulong or better yet maputulan ng dila para tumigil na sa panlalait at pagpaparinig sa kung sino sino.


    :rotflmao: :rotflmao: Akala ko ng nong marinig ko ang pangalang Joey akala ko nga siya, SAYANG sana nga siya na lang :lol:
  • Broomsticks? As in walis? Anong meron?
  • ikalaboso na iyan! di ba iyan ang nanglait noon kay phillip salvador na bum daw, eh siya nga naman ay makwarta, ikaw ba naman ang maging corrupt noh! magiging milyonaryo ka nga :D
  • ambertookmeambertookme 🦅 Eagle Squad🏅
    anong meron sa walis at bakit siya makukulong?
  • ang nabasa ko noon, namili ng mga walis iyan at over pricing daw, malaking tubo :D
  • Tsong 50 yrs. kulong
    Friday, August 31, 2007
    Pilipino Star Ngayon

    Pinatawan ng 30-50 taong pagkabilanggo ng Sandiganbayan Fourth Division ang komedyante at dating Para?aque Mayor Joselito ?Joey? ?Tsong? Marquez kaugnay ng 5 bilang ng kasong graft dahil sa maanomalyang pagbili ng walis tingting na umaabot sa P2.9 million noong alkalde pa ito ng naturang lunsod.

    Sa 30 pahinang desisyon, napatunayang guilty beyond reasonable doubt si Marquez at tatlo pang opisyales ng lunsod na sina city treasurer Silvestre de Leon, city accountant Marilou Tanael at Ofelia Caunan.

    Inutusan sina Marquez na magbayad ng P462,000.

    ?We respect the decision of the Sandiganbayan, but this is a process that we have to take. We have to look on the decision and some of the findings, and probably include some of the findings that might not have been included,? pahayag ni Marquez na napaiyak matapos ang hatol.

    Sa record, nag-overpriced ng halagang P462,708 sa pagbili ng 142,612 walis tingting ang lokal na pamahalaan ng Para?aque noong 1996-1998 kung saan si Marquez ang kasalukuyang alkalde. Sinasabing nabili ang naturang mga walis tingting ng wala man lamang naisagawang public bidding.

    Agad ding nagpiyansa si Marquez ng halagang P150,000 para sa pansamantala niyang kalayaan. Alinsunod sa batas, ang sinuman ay pinapayagan na magpiyansa para pansamantalang makalaya habang nakaapela ang kaso. Takdang iapela ng abogadong si Atty. Noel Malaya sa Supreme Court ang naging hatol.

    Anim hanggang 10 taon ang sentensiya sa bawat isang paglabag sa anti-graft and corrupt practices Act.

    Si Marquez, 46, ay nagsilbing Alkalde ng Para?aque mula 1995 hanggang 2004, City Vice Mayor naman mula 1992-1995.

    Bago pumasok sa pulitika, naging isang professional basketball player ng team na Great Taste at Gilbey?s Gin na ngayon ay Ginebra Gin Kings. Sa kasalukuyan, host siya ng Kung Ako Ikaw ng GMA 7.

    http://www.philstar.com/index.php?Bansa&p=50&type=2&sec=54&aid=20070830152
  • 10 taong kulong kay Joey Marquez
    Nonnie Ferriol/JB Salarzon/Armida Rico/Eralyn Prado
    FRIDAY 08/31/07
    Abante

    Pinatawan ng guilty verdict ng Sandiganbayan si dating Para?aque City Mayor Joselito "Joey" Marquez at tatlong iba pang opisyal ng lungsod dahil sa kasong paglabag sa Sec 3-G RA 3019 o paglabag sa anti-graft and corrupt practices act na isinampa sa kanila noong Enero 5, 2004.

    Bukod kay Marquez, kasama ring hinatulan sina Silvestry De Leon, City treasurer, Marilou Tanael, City accountant at Ofelia Caunan ang officer-in-charge ng general services office ng Para?aque City Hall.

    Sa desisyong ipinalabas ni Sandiganbayan 4th division Associate Justice Gregory Ong, napatunayan ng hukuman na nagkaroon ng overpricing ang grupo ng dating alkalde sa pagbili ng 5,998 pirasong walis tingting na nagkakahalaga ng P83,975 noong 2004.

    Kaugnay nito ay pinawalang-sala naman ng Korte sina Flocercida Babida, ang City budget office ng lokal na pamahalaan, Aileen Romeya, head staff at Antonio Razo ang private individual na may-ari ng Razo Trading dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya na magdidiin sa kanila.

    Ang mga convicted local officials ay makukulong ng mula sa minimum na anim na taon at isang buwan at maximuim na 10 taon bukod pa rito ang pagka-disqualify sa government position.

    Samantala, pinayagan na rin ng hukuman na makapagpiyansa ng P150,000 si Marquez.

    http://www.abante.com.ph/issue/aug3107/main.htm
  • yuck! Makukulong ng dahil sa walis? :lol:
  • kawawa naman. bakit naman 50 years sobra naman yan ng dahil lang sa walis. e yung ibang officials nga na mas corrupt pa di nakakalaboso e.
  • ^ kahit gano kalaki ninakaw nila, pare pareho lang yan. i'm pretty sure hindi lang yan ang ninakaw ni "tsong"
  • Smalll fry justice. If Marquez is to be jailed for half a century, then Arroyo and her aides should be imprisoned for millennia.
  • iRebirthiRebirth PEx Influencer ⭐⭐⭐
    don't think of it as "dahil lang sa walis."

    ang isang walis tingting na may presyong P11 (noong mga panahong iyon) ay binili ng dating alkalde Joey Marquez sa halagang P15-P20.

    Kulang-kulang mga 140,000 na walis ang binili ng city government.

    you do the math.

    ikulong ang mga tiwaling opisyal!! :bop:
  • we get what we deserve...

    we should pay for our wrong doings...

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file