Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Bakit 'di pinaninindigan ng mga Kapuso ang name nila?

akala ko ba KAPUSO? how come the Kapuso's arent showing much heart when it comes to issues concerning ABS? but are rather using these issues as the butt of their jokes. and also quick to make attempts to destroy careers of ABS stars.

- ULTRA Tragedy
- Wilyonaryo
- and even Angel Locsin transferring

did they forget that the word HEART is in the name that they have created for themselves? or does nobody, not even Kapusos, really know what a KAPUSO is?

whereas KAPAMILYA's mostly exercise being a KAPAMILYA. everyone, every filipino, even if a Kapuso, is considered a Kapamilya.

Comments

  • bitter lang sila kasi sikat mga abs stars kesa sa GMA stars

    kaya ginagawa nila ang lahat para mapabagsak ito
    kahit ano nalang ang ginagawa nila...

    nambabayad ng reporters at iba pa...

    yun na

    a che che

    baklita

    -swoosh-

  • Si Joey Lang Pala!
    Ian Farinas


    KUNG hindi kami nagkakamali, may isang linggo nang pinagpipiyestahan sa mga umpukan at maging sa Internet ang isyu tungkol sa diumano’y dayaan sa bagong segment ng Wowowee na Wilyonaryo.

    Nakunan kasi ng ilang viewers ang episode kung saan dalawang numero, isang 0 at isang 2, ang “nagsiksikan” sa iisang gulong na may kulay violet matapos ang jackpot round, at pinost ito sa You Tube for everyone to see.

    Doon na nagsimulang magduda ang mga tagasubaybay na may scam o pandarayang nagaganap sa game portions ng nasabing noontime show.

    Hindi lang namin ito miminsang narinig sa mga tsikahan o nabasa sa ilang entertainment sites sa Net.

    Karamihan pa naman sa bloggers ay nagki-claim na regular viewers ng ABS at nanghihingi ng paliwanag tungkol sa isyu.

    May isang executive nga ng Dos na nag-react, hindi naman nagpabanggit ang pangalan. Ayon sa executive, honest mistake raw ang lahat at mag-i-issue lang sila ng statement kung kinakailangan.

    Sinabi pa nitong parte lamang ang kontrobersya ng isang smear campaign laban kay Willie Revillame.

    Smear campaign saan? At kanino?

    Malinaw siguro ang nakita ng mga manonood: Dalawa ang numerong laman ng iisang gulong.

    Kaya sila nagtataka, nagtatanong. Nasa’n ang smear campaign doon?

    Tapos, imbes na tumbukin ang katanungan ng bayan, ayun, at nag-iiyak si Willie sa WWW kahapon dahil sa umano’y mga patutsada ni Joey de Leon sa Eat Bulaga.

    Sus, patutsada lang pala ni Joey, na kilalang-kilala naman sa pagiging palabiro at sobrang pilyo (although witty ang mga atake, ha, aminin!) ang kailangan para basagin ng WWW host ang katahimikan sa kasalukuyang kontrobersya.

    Pero, hindi pa rin ganu’n ka-satisfactory ang naging paliwanag. Bukod kasi sa pagsasabing hindi siya nandaraya, ni wala man lang binanggit o sinabi kung paano nangyaring dalawa nga ang numero sa loob ng iisang gulong?

    He could have very well taken the chance na “burahin” ang anumang bahid ng pagdududa ng viewers sa palaro nila.

    Pero, self-serving ang mga naging pahayag niya.

    Ang sabi ni Willie, addressing the audience, “Hindi po ako nandaraya. Kung naniniwala kayo na nandaraya ako, iwanan n’yo po ako, iwanan n’yo kami rito.”

    Tapos, patuloy niya, “Kahit may sakit ako, kahit kung anu-ano nararamdaman ko, eh, pinipilit kong tumayo para sa inyo.

    “Sa mga taong may sakit, kayo lang ang iniisip ko, off-cam, kahit walang camera, ano’ng ginagawa namin dito? Tumutulong pa rin kami!”

    Ano kaya ang kinalaman ng mga ito sa usapin ng sinasabing “pandaraya”?

    Kay Joey, ito naman ang kanyang tinuran na parang batang pikon na pikon, “Ikaw na ang bida, ikaw na ang number one, sa iyo na ang ratings, ikaw na! Sige, Eat Bulaga! na ang number one! at nakuha pang magbanta na, “Mr. Joey de Leon, nirerespeto pa rin kita. Huwag mong hintayin na mawala ang respeto ko.”

    Komento tuloy ng isang nirerespeto at beteranang entertainment columnist, “Hindi talaga naituturo ang pagiging disente. It’s really something inherent in a person,” patungkol sa naging litanya ni Willie kahapon.

    Samantala, sinikap sana ng Tonight na kunin ang panig ni Joey, pero napag-alaman naming lahat ng hosts ng Eat Bulaga ay nasa Hong Kong. Sa totoo lang, hindi kami sure kung gugustuhing patulan ni Joey ang naging eksena ni Willie.

    Pero kung nabasa n’yo ang regular column ng komedyante sa isang major broadsheet kahapon, puwede nang komento ito galing sa komedyante.

    Of course, iba ang pinaka-topic ng kolum ni Joey na De Leon’s Den, pero ang linya nito sa bandang dulo ay nakatatawag-pansin, lalo na pagkatapos ng ginawang pag-iyak ni Willie kahapon.

    And it read: “Alam n’yo, may art din ’yung pagsundot at patama. But naturally, all these are ‘tuksuhan lang.’ Tayong lahat ay may mga pinagsamahan. Magkikita at maaring magkasama rin tayo balang araw. Kaya, walang pikunan. Paliwanagan lang. Biruan lang. Teasing is not bad. Cheating is ... on TV!”
  • eh ganun talaga... wala tayo magagawa diyan, hanggang SALITA lang ang word na KAPUSO... ( wala naman talagang word na ganun to begin with)
    :D ask natin si jennylyn kung naisasapuso ng mga KAPUSO niya ang term nila sa isat isa. :D
  • marami kasing pwedeng pagpilian, KANGUSO, KABITUKA, KAAPDO, KAPWET, KANGALA-NGALA, KAMATA, KATENGA, KADILA, KABAGA, KAKILI-KILI, KABATOK, KATADYANG, KATUHOD, KATIYAN, KALEEG, KABINTI, KAPAA, KAKAMAY, KABRASO etc...
  • bakit nga ba??? i agree na lahat ng controversy halos sa WWW eh nakikisawsaw ang mga kapuso,,, hmmm,,, eh bakit kapuso???
  • Hayaan nyo nalang sila
  • lol..that's the thing about choosing the term "kapuso" eh...there will be tiems they will not be true to their feelings...nagiging unapplicable tuloy ang names nila...at least kahit sumama ang kapamilya..kapamilya pa rin...kapag di mo kadugo at gusto mong tawagiong kapamilya..pwede kang mamili..kapag pumatay ang isang kapamilya ng kapamilya niya (ultra? ) kapamilya pa rin...applicable pa rin...pero kapag nanira ang kapuso? may puso pa ba? Oo naman meron...maitim nga lang
  • Kapat may tragedy, may namatay, stamped, scam at may nandugas.

    Spirit of Fairness and Just ang pinaiiral. Hindi puso. Bobo! Kautak ni Willie ang may prinsipyong awa ang pairalin.
  • so DAPAT..walang iiyak? Walang maaawa sa mga namatayan? Walang feeling? DAPAT manhid lang at dapat MAG-ISIP ng MABUTI? LOL..TAO KA BA? ARe u HUMAN my dear?
  • i just don't get as to why some of them consider joey's action as biruan??? like i don't get it...diba dapat pagnagbibiruan, both joey and willie should be throwing these so-called jokes at each other?? i mean, nakikipagbiruan ba si willie?? so far, joey's the only one whose in the offense while willie is always on the receiving ends...

    it sort of reminds me of sex...like they say it takes 2 to tango...if the guy is making some advances towards the girl but it wasn't welcomed by the girl...it's called harrasment...i mean, JDL should know that considering the fact that he had that history with pepsi paloma...har har

    somebody please enlighten me....
  • JarethJareth PEx Veteran ⭐⭐
    well... ABS-CBN isn't that different, they still have a standing ban on airing commercials and promotions by their ex-talents who transferred to other networks (most notably mel tiangco and jolina magdangal).
  • Jareth wrote: »
    well... ABS-CBN isn't that different, they still have a standing ban on airing commercials and promotions by their ex-talents who transferred to other networks (most notably mel tiangco and jolina magdangal).

    oh ano mali jan? may karapatan silang magban ng mga personalities na ayaw nila makita sa network nila, sana ganyan na lang ang ginawa ng GMA kay angel locsin and toni gonzaga hindi ung pailalim ang paninira gamit ang mga tabloid reporters.

    hindi yung kung ano anong kasinungalingan ang ilalabas masira lang ang artista...

    asan ang puso? :hmm:
  • JarethJareth PEx Veteran ⭐⭐
    well... its still a matter of conjecture kung GMA nga ang gumawa ng demolition job kay Angel....

    unlike yung outright ban niula sa mga ex-talents and yung alleged cheating sa WWW, may documented proof doon
  • Jareth wrote: »
    well... its still a matter of conjecture kung GMA nga ang gumawa ng demolition job kay Angel....

    unlike yung outright ban niula sa mga ex-talents and yung alleged cheating sa WWW, may documented proof doon

    oh cmon, amsure naman napanood mo ang ginawa ng STARTALK, ask mo pa si kapusong HARVY. naging FAIR ba sila sa mga pinalabas nila?

    ano ba ang masama sa pagbaban ng commercial ni MEL TIANGCO? ah ayaw nga nila dun kay MEL TIANGCO. edi sa GMA ipalabas ang commercial. Choice and karapatan ng ABS tumanggi sa mga commercials na ipapalabas nila, kasi sila naman ang babayaran dun, so parang tumatanggi sila, nasa advertiser na un kung ibang commercial ang ipapalabas or si MEL pa rin.

    ang tanong karapatan ba ng GMA na siraan si ANGEL LOCSIN?:hmm:

    kay JOLINA naman, magkacommercial muna siya, wala naman yatang commercial si JOLINA eh. :D
  • dyokla2dyokla2 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Bat di nila gayahin ang kapamilya na pinaninindigan ang pagiging kapamilya kaya itinakwil si Jolina. Banned for life kahit promotion lang, ayaw syang payagan. Pinatay pa ang career ni Assunta, Pops, Arnel Ignacio pero kahit ganoon pamilya pa rin turing sa kanila. Pagkatapos pagkakitaan, wala ng project sina Patrick, Marvin, Paolo, Camille pero kapamilya pa rin naman turing sa kanila. Iba magmahal ang kapamilya. :lol:
  • rusty2die4 wrote: »
    oh cmon, amsure naman napanood mo ang ginawa ng STARTALK, ask mo pa si kapusong HARVY. naging FAIR ba sila sa mga pinalabas nila?
    Talk about Startalk grabe sila pinalabas nila na tinarayan daw yung reporter nila ni Angel. :lol: Ni hindi nga pinagtaasan ni Angel ng boses yung reporter. :rotflmao:

    Again.. NASAAN ANG MGA PUSO NILA? :rotflmao:
  • oo at mandaraya at mandurugas ang kapamilya. ABS is kapamilya dysfunctional nga lang. MAy pagaka balahura. iresponsable at mandaraya. WOWOWEE.
  • Jareth wrote: »
    well... ABS-CBN isn't that different, they still have a standing ban on airing commercials and promotions by their ex-talents who transferred to other networks (most notably mel tiangco and jolina magdangal).

    wait..may commercial ba si jolens? :rotflmao:
  • Filipinos prefer form over substance.
This discussion has been closed.