COMMUNITY NOTICE: Please send your reports, concerns and other inquiries to admin "pexer99". This account will handle all community functions for PinoyExchange. You can also email us at [email protected] For category related concerns, you can also send a message to one of our moderators. Check the updated list of moderators here.
TOTOO BA? - maligno, white lady, kapre, dwende, etc? may experience ba kayo?
in Buhay Pinoy
ako meron! marami na. basta raw may third eye nilalapitan ng maligno.
0
Comments
Sabi nila pag maingay, hindi pinapakitaan. Makulit ako, maingay pa. But believe it or not i was able to see a witch in Cebu. Typical Bruha na mahaba ang buhok with a stick.
WE (my counsin, an aunt and lola) went for a stroll one cold night and we happened to pass a mango plantation. It was around 9pm. Medyo pa akyat kase bundok. When i turned to my right, i saw i figure of an old woman with super nakatayong buhok and a sungkod, but i wasn't sure of what i'was seeing so i called my counsin and ask her to look to her right. Sabay kaming tumingin, and without a word, sabay din kaming tumakbo. My tita and my lola was so mad, kase akala naglalaro kami and it was a bit dark. When we reached our house, still in shock, we confirmed what we both saw. It wasn't a still figure na nung nakita namin, gumalaw na ang ulo kaya kami nag takbuhan.
the next day, we ask the neighbors kung meron bang matandang babae with the same description na nakatira in the area, and wala nga daw!!
may white lady sa bahay namin. buti na lang hindi ko pa nakikita. pero nagpakita na sa tatlong ate ko. may brownout kasi dati and all my siblings and my aunt were eating candlelit dinner sa harap ng staircase. hindi ako kasama kc maliit pa'ko so don ako sa salas kumain. basta bigla nalang clang tumahimik tapos nagtinginan. pagkatapos kumain kinuento ng mga ate ko na may nakita clang lumulutang pataas ng hagdanan. white lady nga.
kuya ko naman, nanonood ng tv sa salas. tapos napatingin cya sa wall sa isa pang salas. may nakita ba namang tao na matangkad na nakaitim. tapos namumula daw ung mata. with matching sungay pero baka patawa lang nya..mwehehe:D!