Home PEx Lifestyle Home and Garden

Household pests

Sabi sa isang dokumentaryong napanood ko, katumbas ng isang ipis na nakikita mo kahit saan ang 35,000 pang ibang ipis. Kaya patayin mo man siya, medyo impossible dream na ang mapuksa ang angkan niya nang tuluyan dahil sobrang dami nila at parami pa nang parami.

Ganun din ang mga daga, anay, atbp.

Marami bang peste sa bahay o tinutuluyan niyo? Ano ang ginagawa niyo pag nakakasalubong niyo sila? At paano ba sila mawawala sa mundo? Hahaha. Pagkatapos kasi magpa-pest control, nagsisibalikan din sila.

Comments

  • valdeauniavaldeaunia PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Onga e. Sa tindahan namin, natakpan na namin lahat ng posibleng butas na pwedeng daanan, pero may mga nakakapasok pa ring mga daga. :(
  • happosaihapposai PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Dito nga sa office maraming peste, ang lalaki pa ng sahod. Ay wrong topic.. hehehe.. every month may pest control dito pumupunta kaya maliliit lang na ipis makikita mo. Sa bahay sing lalaki ng mga pusa yung mga daga. Naka ilang mouse at keyboard na ako, kasi nginangatngat nila yung mga cables.
  • piratekingpirateking PEx Veteran ⭐⭐
    magpasabog ng nuclear missile sa bahay para mamatay lahat ng peste (including us, mga peste sa nature)
  • true_stepperstrue_steppers PEx Veteran ⭐⭐
    wala pa ngayon, pero pagdating ng summer, maglalabasan na ang mga pesteng ipis na yan!
  • Kanina lang, hinabol ako ng ipis..yung lumilipad..alam ko ako puntirya niya eh nung akmang bumubwelo na siya sinabayan ko na ng takbo pero grabe! naabutan pa rin niya ako...first time kong sumigaw ng ubod lakas sa buong buhay ko..so sobrang pagka-taranta napatakbo sa kin yung mga tito ko akala daw nila kung napanao na ako..ayun walang -awa nilang hingupit ng walang-humpay yung ipis :crazytongue:
  • baludoybaludoy Nag me-meron PEx Expert 🎖️
    may naka-try na nung electronic pest control na galing sa ace hardware dito? ganno ba ka-effective iyon?
  • JUST_JTJUST_JT PEx Influencer ⭐⭐⭐
    baludoy wrote: »
    may naka-try na nung electronic pest control na galing sa ace hardware dito? ganno ba ka-effective iyon?

    Bing is your friend:

    http://blog.ecosmart.com/index.php/2008/08/28/electronic-pest-control-reviews-and-ratings/

    -Just_JT
    Insects.have.no.sense.of.hearing.
  • baludoybaludoy Nag me-meron PEx Expert 🎖️
    ^mice. that's my concern. it would be nice to hear from people who were either satisfied or dissatisfied w/ the ace hardware product

    and btw, no feline recommendations pls. they'll be my last recourse
  • creechcreech PEx Influencer ⭐⭐⭐
    sa min mga mice ang bilis dumami kahit nilalason ko sila nung gawa nung bayer na kulay blue powder thou effective than any rat poison i've used.

    pag nahuhuli ko sila ng buhay its either binibigay ko sa pusang kalye o i flush them sa toilet hehe!

    meron din sa min mga spider na malalaki pero hinahayaan ko lang kasi nanghuhuli sila ng ipis tsaka hindi naman kami kinakagat.
  • I got to buy the Baygon black box where there's poisonous food inside. Effective naman siya.
  • JUST_JTJUST_JT PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Pests are a sign of poor housekeeping and dirty surroundings. Pesticide is a REMEDY and not a LONG-TERM SOLUTION.

    The long-term solution:
    • FUMIGATE the entire household; and then,
    • Keep the household clean at all times.
    -Just_JT
    Keep.food.in."pest-proof".plastic.containers.
  • NeoDynNeoDyn PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Sa bahay nina nanay ko dati napakaraming daga na galing naman sa kapitbahay nya.Buti na lang may mga bantay si nanay sa kanyang bakuran,yung kanyang aso at mga puskal (pusangkalye) na alaga ang unang naeencounter ng mga daga,kaya walang balak silang makituloy habang buhay nila.
  • Max_BuwayaMax_Buwaya PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Peste? Naku meron akong narinig na ganyan dito sa PEx, kasi palamunin daw sa bahay. :D

    On-topic. Buti na lang walang gaanong peste dito sa bahay. I can say it is because the populace here in our subd is a-ok when it comes to cleanliness and disposal of garbage. Well, meron pa ding ipis minsan pero it is under control naman. Paisa-isa tapos iniisprayan ko ng baygon bago apakan. Ewww. By the way, kaya din siguro bihira ang daga dito is because may mga natitira pa ring mga ahas sa mga medyo liblib at madamong bahagi nitong area. Isang araw nga may nakita akong ga-sawa (patay na) na nasa creek. Pero kalinisan pa din ang numero unong dahilan diyan, I suppose.
  • amiloproamilopro PEx Veteran ⭐⭐
    pag house and lot kayo ang hirap talaga maiwasan ang mga pests na yan kasi from all directions sila pumapasok at katabi niyo lang ang kalsada.

    Pag sa condo kayo nakatira mas ok kasi nakakapasok lang usually ang mga daga at ipis sa drainage at pipes, provided of course na maayos pa condo niyo.
  • theinhumantheinhuman PEx Rookie ⭐
    dito sa bahay namin hindi ganun kadami ipis, tapos yung mga daga maliliit lang kaya madali ding natatrap nung yellow na may rugby,hindi na namin kailangan ng rat poison. ang pinakaproblema sa amin eh lamok, yun kasing patubig na malapit sa amin eh stagnant na kaya napapamugaran ng lamok
  • amilopro wrote: »
    Pag sa condo kayo nakatira mas ok kasi nakakapasok lang usually ang mga daga at ipis sa drainage at pipes, provided of course na maayos pa condo niyo.

    Pwede rin galing sa bintana. :lol: May nakapasok na ipis sa amin dati, eh. Naubos yata namin kalahati ng baygon bago namatay. Buti pa sa Cavite konting spray lang sa ipis mangingisay na. :rotflmao:
  • Controllable pa naman ang mga ipis dito sa bahay... Lumalabas lang sila pag may bagyo, paisa isa lang and madaling patayin...
    Ang pinaka nakakairita yung mga daga.. nag pa extend kasi yung kapit bahay namin. Wala naman kaming daga before, so we suspect that those stupid rats came from their house... Usually, sticky papers lang ang katapat ng mga yan, but there are those big rats that can break free from those traps..
    Ang kakapal pa ng mukha ng mga dagang yan... ang hilig hilig tumawid sa floor, nakakahiya talaga pag may bisita kami..
    To my surprise, my dad gave us a shitzu dog.... Ang dami na nyang napatay na daga.. hahaha nakakatuwa, para syang pusa, she doesn't eat it, she just chase them and when she got one, she plays it until it's dead.. Great dog..
  • bambi7bambi7 PEx Veteran ⭐⭐
    Wala namang mga daga at ipis dito sa unit namin. Sa bahay ng nanay ko sa province, 2 ang pusa namin. Effective sya especially sa mga daga at ahas. I really hate snakes, I can't sleep for weeks whenever I see one. Good thing our cats can smell a snake a few feet away.
  • pirateking wrote: »
    magpasabog ng nuclear missile sa bahay para mamatay lahat ng peste (including us, mga peste sa nature)

    Sadly, rats and roaches survived many of those US nuclear tests done in small pacific atolls in the 1940s and 1950s.
  • impulse101impulse101 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    flying cockroach! waaaaaaaaaaaaaaa
Sign In or Register to comment.