Home PEx Local Entertainment Showbiz - Movies

JUDAY-RYAN movie under REGAL FILMS

kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles
Ang Pilipino STAR Ngayon 02/25/2007

Sa Regal Entertainment at hindi sa Star Cinema ang next movie nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Pumirma sila kahapon ng kontrata at tatapusin lang ng actress ang Ouija Board ng GMA Films at sisimulan na ang shooting ng kanilang second movie.

Tatlong project na remake ng hit movies ang unang pinagpipilian ng Regal na gagawin nina Judy Ann at Ryan, pero sa last minute, original material at new script na raw ang pag tatambalan ng dalawa. Sabagay, sa lakas ng kanilang tambalan, naniniwala kaming kahit anong klaseng pelikula ang gawin nila this time ay papatok sa takilya.

Parehong walang exclusive contract sa Star Cinema ang dalawa, kaya madaling naayos ang negotiation. Gagawin pa rin nila ang sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo, pero sa Metro Manila Film Festival pa ito, kaya libre silang gumawa ng pelikula sa iba. * * *

Comments

  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ang Pilipino STAR Ngayon 02/25/2007

    "Sa wakas, Regal Baby na ako, I’ve been a fan of Regal movies, kaya mom and dad, I am proud to say that I am now a part of Regal, yes…" ito ang masayang sabi ni Ryan Agoncillo sa ginanap na contract signing nila ni Judy Ann Santos na ginanap sa Imperial Suite kahapon, Sabado para sa isang pelikulang gagawin nila middle of this year 2007.

    Masayang-masaya ang actor dahil dalawang movie ang kontrata niya kay Mother Lily Monteverde at isa na nga ang pagsasamahan nila ni Maja Salvador na isang dramedy din at ang kasama nga ay si Budaday.

    At klinaro ni Ryan na hindi pa ngayong taon ang kasal nila ni Juday, pero buwan ng Mayo ang target niya para isahang handaan na lang kapag nag-celebrate sila ng papa at mama niya plus kuya.

    "May 6 po kasi ikina sal ang parents ko, May 5 naman ang kuya ko, so parang maganda rin kung May na rin kami, at nagkataon namang May din ang birthday ni Juday," esplika ng actor.

    Klinaro naman din ni Ryan na hindi sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo ang pelikulang gagawin nila ni Judy Ann sa Regal dahil pag-aari ng Star Cinema ang naunang pelikula.

    "Definitely, it would be totally a different movie sa KKK, pero for sure, dramedy din and about relationship pa rin," say ni Ryan. * * *

    wow.. kasama si maja salvador
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    U.S. premiere ng ‘KKK,’ naunsyami!
    By: Nitz Miralles
    GAGAWA ng pelikula sa Regal Entertainment sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo at kahapon ay pumirma na sila ng kontrata.

    Wala silang exclusive contract sa Star Cinema, kaya mabilis ang negosasyon, na nagsimula lang sa victory lunch ng GMA Films para sa The Promise nang magkita sina Mother Lily, Alfie Lorenzo at Noel Ferrer, manager ng actor.

    Gagawin ang pelikula ’pag natapos ni Judy Ann ang Ouija dahil ’di na matutuloy ang US premiere ng Kasal, Kasali, Kasalo, madali itong matatapos.

    Hindi na pumayag si Alfie na umalis pa ang actress kung two out of six cities sa original schedule ang pupuntahan and after three postponements.

    Ang unang plano’y remake ng past hit movies ang pagtatambalan nina Judy Ann at Ryan, pero bago sila pumirma ng kontrata, nagdesisyon si Mother Lily na original material na ang kanilang gagawin.

    Hindi pang-Metro Manila Film Festival ang movie dahil nakareserba ’yun sa Star Cinema at sa sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo.

    * * *
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Judy Ann and Ryan sign up with Regal Entertainment
    Their Regal movie is a follow-up to their blockbuster hit Kasal, Kasali, Kasalo.

    Dinno Erece | Sunday, February 25, 2007 CF
    Judy Ann Santos will do one movie while boyfriend Ryan Agoncillo will do two movies for Regal Entertainment.
    Photo: Noel Orsal



    Pumirma na ang reel- and real-life sweethearts na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ng kontrata sa Regal Entertainment.



    Saturday, February 24, lunch time sa Imperial Hotel, Juday and Ryan together with their respective managers, Alfie Lorenzo and Noel Ferrer, signed a contract with Regal as represented by Lily Monteverde, Roselle Monteverde-Teo, and supervising producer Manny Valera.



    One movie ang pinirmahan ni Juday at dalawa naman si Ryan.



    Follow-up ang Regal movie nina Juday and Ryan sa kanilang successful first pairing last 2006 Metro Manila Film Festival, ang Kasal, Kasali, Kasalo from Star Cinema na naging topgrosser of the said festival. Although may tatlong concepts nang pinag-aaralan sina Juday and Ryan, wala pang definite story, title, and even director ang pelikulang gagawin nila na may playdate na—around May or June this year.



    This will be their first movie together for 2007 at may dalawa pa, from different movie companies.



    Juday is also finishing GMA Films and Viva Films' Ouija together with Jolina Magdangal, Rhian Ramos, and Iza Calzado from the direction of Topel Lee. May cameo role dito si Ryan just like Bebong Muñoz, Jolina's boyfriend. Tuloy pa rin ang sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo from Joey Reyes sa Star Cinema at pang-festival din ito, just like the first one.



    Ryan's other movie for Regal has a tentative title and story line na, My Kuya's Wedding, kung saan makakasama niya si Maja Salvador.



    TV lang ang exclusivity nina Judai and Ryan for the ABS-CBN group of companies, although priority pa rin naman ng dalawa ang Star Cinema, the Kapamilya Network's film arm.

    > mgkaiba pala yung juday-ryan movie sa movie with maja and ryan.. parehong under regal
  • So just because they have box office actors/actresses, they think that they're going to have a hit movie? Let's just see how well the Judy/Ryan movie perform w/o SC...
  • sana naman people won't have this crab mentality thing...SC is not only the film outfit na may karapatan gumawa at magbigay ng trabaho sa tao...mas sisigla ang film industry kung marami pa ang magpoproduce ng local film, mas marami mas maganda, hindi rin naman kaya ng SC to produce more films eh di bigyan ng chance yung iba, atleast pabor sa moviegoers ang ganito and also judai and rye are admitted malaki ang utang na loob nila sa SC hindi naman sila nagyayabang,hindi rin naman sila masamang tao at hindi rin naman sila selfish...siguro pag ganitong klase na ang isang tao it's better na iwish na lang sila ng positive para maraming kumita,sumaya at makinabang...enough na muna siguro yung 3 or 4 times na kinita nila sa judai/rye movie...pagbigyan naman ang iba...
  • Judy Ann and Ryan gift each other a laptop on Valentine's day

    Juday and Ryan team-up once again in a Regal movie.

    Rommel Gonzales | Monday, February 26, 2007 CF


    Unknown to them, real-life couple Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo both had a laptop as a Valentine gift for one another.

    Sa Anilao, Batangas nag-celebrate ng Valentine's day sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Nandun ang magkasintahan with some friends from February 13 to 16.

    "Magda-dive talaga sana kami, kaya lang masyadong malamig ang tubig kaya nagtsikahan na lang kami!" tumatawang bungad na pahayag ni Judy Ann sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa contract signing nila ni Ryan for a new movie para sa Regal Entertainment last Saturday, February 24, sa Imperial Palace Suites.

    At may matching gifts pa sila para sa isa't-isa...

    "Oo, Valentine's! Yung gift ko? Sapat lang. Nakakahon, nakabalot e. Malaking kahon," paiwas na sagot ni Juday.

    Pero later on, napaamin din sila ni Ryan na laptop ang gift nila sa bawat isa. Sinadya ba nila na pareho ang gift nila sa isa't?

    "Hindi, nagkataon lang yun. Mas may thrill lang yung pagbigay niya sa akin ng gift kasi ginawa niyang parang Amazing Race [reality show sa United States]. So kinailangan kong tumakbo at hanapin yung gift ko in thirty minutes. So enjoy," nakangiting kuwento ni Juday.

    Pinahirapan din ba niya si Ryan bago nito nakuha ang laptop?

    "Hindi! Nag-prepare lang ako ng dinner. Siyempre, kailangan kong gamitin yung pinag-aralan ko, so nag-prepare ako ng dinner. Nag-set-up lang kami ng dinner for two du'n sa beach, so yun lang," sabi ng Culinary Arts graduate.

    Kuwento naman ni Ryan, "Ako, ginimikan niya ako. Isinet-up yung dinner, ang mga candles, hindi sa table, pinalibutan kami ng candles. Kung medyo manipis ang suot ko nu'n, baka nagliyab ako!

    "Tapos binigyan niya ako ng toy laptop. So ako naman, takang-taka ako kasi binigyan niya ako ng maliit na iPod, yung Nano, kasi matagal ko nang gustong bilhin yun.

    Dagdag niya, "Siya naman, pinipigilan niya ako, kasi marami na nga akong mga iPod. Sabi niya, ‘Hindi mo na kailangan ‘yan.' So when she gave it to me, sabi ko, ‘Okay, thank you.' Akala ko, yun na yun.

    "Tapos binigyan niya ako ng plastic laptop. Sabi ko, ‘Anong gimik ito?' So nung umakyat ako sa kuwarto ko, pagtingin ko, nandun na ‘ung laptop ko, nakabukas!" masayang kuwento pa ni Ryan.

    Samantala, tinanong namin si Juday kung ano ang nararamdaman niya sa pag-a-adjust ng schedule niya sa pagbubuntis ni Claudine Barretto. Hanggang ngayon kasi, hinihintay pa ang panganganak ni Claudine bago ituloy ang pelikulang pagsasamahan nila sa Star Cinema.

    "Ang sa akin lang naman, kailangan ko lang magtrabaho," paliwanag niya. "I really have nothing against Claudine because si Claudine naman, kaibigan ko talaga. Ayoko rin namang ma-pressure si Claudine na, ‘Kailangang manganak na ako dahil may pelikula akong gagawin!' Hindi, di ba?


    "Siyempre, first time niyang magbubuntis, kailangang namnamin niya yun. Ang sa akin lang naman, kailangan kong planuhin din ang sarili kong schedule, di ba? May mga binabayaran ako, may kaso akong inaasikaso [sa Bureau of Internal Revenue], hindi ako puwedeng tumengga.

    "Kailangan kong kumayod kasi hindi ako papayag na isang araw, gigising ako na wala nang kakainin ang pamilya ko kasi naghihintay ako ng project. So, kailangan kong maghanap ng trabaho," pahayag pa niya.

    Ito ang dahilan kung kaya't tinanggap ni Judy Ann ang offer ng GMA Films para sa horror movie nila ni Jolina Magdangal, ang Ouija. Pumirma na rin ng kontrata sina Juday at Ryan, at ang respective managers nilang sina Alfie Lorenzo at Noel Ferrer, para sa isang bagong pelikula sa Regal Entertainment, Inc. ni Mother Lily Monteverde
    .
  • So just because they have box office actors/actresses, they think that they're going to have a hit movie? Let's just see how well the Judy/Ryan movie perform w/o SC...

    pexer din pala si malou santos??? :rolleyes:

    mother lily, ano, galingan mo naman ha ... huwag mo sayangin ang juday-ryan tandem at bigyan ng kung ano-anong storya na lang. :bop:

    pwede na rin siguro sa kanila ang "yours, mine and ours" storyline na type ko rin for juday and aga. :wink:

    basta good luck sa inyong dalawa! i wish for you an excellent script and a great director. *okay*
  • So just because they have box office actors/actresses, they think that they're going to have a hit movie? Let's just see how well the Judy/Ryan movie perform w/o SC...
    :confused::confused::confused:
  • wala naman masama kung gumawa sila ng movie sa regal..hindi lang naman ang star cinema ang nagproproduce ng movie..and other abs-cbn stars are also doing it so wala naman masama kung gumawa sina judai at ryan..and also regal might offer something different for this two actors..we all know that sc made a lot of hits pero it will be nice to have different movie producers to make their own movies..kung tratuhin nyo ang sc eh parang diyos...
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    FUNFARE By Ricardo F. Lo
    The Philippine Star 02/28/2007


    Juday and Ryan in a Regal movie
    After their successful first movie starrer Kasal, Kasali, Kasalo (the true top grosser in the 2006 Metro Manila Film Festival), you would think that Judy Ann Santos and boyfriend Ryan Agoncillo would do a follow-up also for the same company, Star Cinema.

    But how come Regal Films beat Star Cinema to the draw by signing up the sweethearts for a follow-up movie, untitled just yet, which might be shown ahead of a planned Star Cinema movie also to be shown in this year’s Metro Filmfest? (Juday is now shooting Ouija with Jolina Magdangal for GMA FIlms, to be released ahead of the Regal movie.)

    Ask Regal Matriarch Mother Lily and she only smiles. Well, you really have to give it to Mother Lily to pull such a surprise move. Mother Lily plans to hire Lino Cayetano (rumored to be KC Concepcion’s new date) to direct the Juday-Ryan movie. It will be Lino’s first movie directorial job, if ever.

    "Juday is really a Regal Baby," said Mother Lily.

    She’s right. It was Regal Films which "gambled" on casting Juday with Wowie de Guzman in a movie (Sana Naman) in the early ’90s, with Boots Plata as director, and that movie turned out to be a surprise giant hit, making Juday an overnight star. It was also Regal which gave Juday her first off-beat role in Sabel (as a ***** victim who enters the nunnery), the same movie that won Juday her first Best Actress award (from Golden Screen Awards of the Philippine Movie Press Club).

    "Juday has a soft spot for Regal," said Mother Lily.

    No wonder.

    Incidentally, according to Juday’s manager Alfie Lorenzo, the series of Kasal, Kasali, Kasalo showings in several US cities has been canceled, much to the disappointment of Juday-Ryan fans out there. Well, better luck next time.
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Movie nina Juday/Ryan, Angel/Richard, iko-coproduce ng Regal at Star Cinema?
    SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
    Ang Pilipino STAR Ngayon 02/28/2007

    Maraming mga fans ang matutuwa kapag natuloy ang pagsasanib ng pwersa ng Regal Entertainment at Star Cinema para iprodyus ang isang pelikula na pagsasamahan ng dalawang pareha nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ùat Angel Locsin at Richard Gutierrez.

    Walang nakikitang problema sa nasabing proyekto dahil sina Angel at Richard ay kapwa mga Regal Babies at hindi naka-kontrata exclusively for GMA7.

    Wala rin namang magiging problema kina Juday at Ryan dahil ngayon pa lamang ay pinapayagan na silang gumawa sa labas ng ùStar Cinema kaya lamang nagpapaalam muna sila bilang respeto sa itinuturing nilang home studio. * * *
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Juday at Ryan, kabado sa ‘KKK’ follow-up
    By: Gerry Ocampo
    Hot Shots

    Contract-signing pa lang ng gagawing movie nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Regal Films ay bonggang pagsalubong na ang inihanda ni Mother Lily.

    Masaya si Alfie Lorenzo, manager ni Juday, dahil masusundan na rin ang blockbuster movie ng alaga na Kasal, Kasali, Kasalo ng Star Cinema

    ’Yun nga lamang, hindi Star Cinema ang magpu-produce ng follow-up ng blockbuster movie nina Juday at Ryan sa nakaraang Metro Manila Film Festival dahil Regal Films na nga ang nakakuha ng rights dito.

    Pero, may pahabol si Mother Lily na kailangang iba ito sa KKK.

    Nanawagan din ang big boss ng Regal sa lahat na may talino sa paggawa ng istorya na gumawa ng script na babagay kina Juday at Ryan, at the same time, lalabas na parang karugtong ng Kasal, Kasali, Kasalo.

    Ipadala lang daw ang inyong script sa Regal.

    Sabi ni Juday, wala raw magiging problema sa Star Cinema dahil wala naman siyang ginagawang proyekto sa film arm ng ABS-CBN.

    Nangangamba lang ang magdyowa sa magiging follow-up ng KKK dahil sa mataas ang magiging expectation ng mga tao rito.

    Dapat daw talagang maging maganda at tama ang istorya para maka-relate ang manonood.

    * * *
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Juday at Ryan, kabado sa ‘KKK’ follow-up
    By: Gerry Ocampo
    Hot Shots

    Contract-signing pa lang ng gagawing movie nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Regal Films ay bonggang pagsalubong na ang inihanda ni Mother Lily.

    Masaya si Alfie Lorenzo, manager ni Juday, dahil masusundan na rin ang blockbuster movie ng alaga na Kasal, Kasali, Kasalo ng Star Cinema

    ’Yun nga lamang, hindi Star Cinema ang magpu-produce ng follow-up ng blockbuster movie nina Juday at Ryan sa nakaraang Metro Manila Film Festival dahil Regal Films na nga ang nakakuha ng rights dito.

    Pero, may pahabol si Mother Lily na kailangang iba ito sa KKK.

    Nanawagan din ang big boss ng Regal sa lahat na may talino sa paggawa ng istorya na gumawa ng script na babagay kina Juday at Ryan, at the same time, lalabas na parang karugtong ng Kasal, Kasali, Kasalo.

    Ipadala lang daw ang inyong script sa Regal.

    Sabi ni Juday, wala raw magiging problema sa Star Cinema dahil wala naman siyang ginagawang proyekto sa film arm ng ABS-CBN.

    Nangangamba lang ang magdyowa sa magiging follow-up ng KKK dahil sa mataas ang magiging expectation ng mga tao rito.

    Dapat daw talagang maging maganda at tama ang istorya para maka-relate ang manonood.

    * * *
  • So just because they have box office actors/actresses, they think that they're going to have a hit movie? Let's just see how well the Judy/Ryan movie perform w/o SC...


    eh ano ngyon s iyo??? yun nga ang gusto ng star cinema d ba??!!

    magkakasakit k nyan sa puso..by the way si lino cayetano pala ang direktor ng regal movie nila..in case gusto mong mlaman..
  • sana more kilig scenes :naughty: carry ba ni lino yun? :glee:
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    THROUGH THE YEARS daw ang title..
  • Anong story nung bagong movie nila (through the years)???
Sign In or Register to comment.