Home PEx Family and Society Family, Friends and Society

Is it reasonable to leave home?

Tama bang lumayas dahil sobrang strict parents ko?
Kasi naman, yung papa ko-- na ngayon ko lang nakasama-- ay sobrang strict. Parati na lang akong nag-aaral. Wala ibang ginagawa sa buhay. Hindi ako sanay ng ganito. Mainitin din ulo ng papa ko. Araw-araw din silang nag-aaway ni Mama. Ginagawa kaming alila lahat. Kung may utos siya, dapit gawin naman kaagad. Sinasaktan din niya mama ko.

Dahil siya nga nagbabayad ng tuition, i mean lahat naman siya nagbabayad. Kailangan ko talagang maging obedient. Pero di ko na talaga kaya. Araw-araw niya rin akong sinasaktan- verbally.

Gusto ko na talagang lumayas, at tumira na lang sa ate ko. Kaya lang meron na rin siyang pamilya. Wala nga lang anak. Pero sabi niya, welcome daw ako sa tahanan niya. Pero kung sa kanya naman ako titira, kailangan kung maging working-student.

So, tama po bang lumayas na ako?
Hindi ngayon. Pero pagkatapos pa po ng pasko. Nag-iipon po ako ng pera.
«1

Comments

  • clawed_outclawed_out PEx Influencer ⭐⭐⭐
    uhmm.. lambingin mo.
  • ErebosErebos PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Hindi tamang lumayas. Kung talagang naniniwala kang pang-aabuso na ang ginagawa sa iyo at sa nanay mo ng iyong ama, isuplong mo siya sa kinauukulan. Maraming NGOs na handang tumulong sa mga nakakaranas ng pang-aapi.
  • ano naman ang gagawin mo kung lumayas ka? mahirap ata yan
  • orangepinkorangepink PEx Veteran ⭐⭐
    kakaawa ka naman...kung lalayas ka, sino na magbabayad ng tuition mo? maybe u can ask your dad bakit siya ganyan? matagal na ba yan o ngayon lang?
  • bbbbbbbbbbbb PEx Veteran ⭐⭐
    pakiusapan mo na lang papa mo na bumalik na lang siya kung saan man siya nanggaling..

    pero sabihin mo din dapat siya pa din magbayad ng tuition mo..
    pati na din mga bills diyan sa bahay ninyo. kasama na pati internet kamo... :D
  • orangepink wrote: »
    kakaawa ka naman...kung lalayas ka, sino na magbabayad ng tuition mo? maybe u can ask your dad bakit siya ganyan? matagal na ba yan o ngayon lang?

    Well, magtatrabaho nga ako. May restaurant business yung ate at asawa niya, kaya pwede akong maging waitress doon. By december, siguro may naipon na rin akong pera para sa tuition. I'm sure libre naman ang stay ko sa bahay ng ate ko. Wala pa nga silang anak, so I'm sure she won't mind. Di naman ako pabigat eh.

    Well, ten years ko ng hindi nakasama papa ko. OFW kasi siya. Pero kahit noon, ganun na talaga ugali ng papa ko. Hindi talaga siya nagmature o nagchange man lang.

    Hindi naman ako worried sa sarili ko, sa mama ko lang at mga kapatid kung maliliit pa.Ginagawa silang robot ng papa ko. At medyo nahihiya din ako sa asawa ng ate ko. pero bahala na! Alam ko naman kasing hindi na talaga magbabago ang papa ko...
  • ErebosErebos PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ganyan talaga ang rants ng mga teenager. lilipas din yan. gawin mo kung ano ang sa tingin mo'y tama. magsisisi ka rin naman sa huli eh.;)
  • funzenfunzen PEx Veteran ⭐⭐
    Wala kang magagawa dyan ineng kasi nakatira ka sa inyo. Pede kang lumayas at tumira sa ate mo pero kun ako sa yo, tiisin mo na muna yan at alagaan mo ang nanay at kapatid mo mula sa tatay mo.

    Ibibigay ko sa yo ang payo ng mama ko nun bata pa ko at inis na inis ako sa wala kong kwentang tatay... "mag-aral kang mabuti at magtapos. kumuha ng trabaho na maayos at bumukod. magagawa mo lahat ng gusto mo at ndi mo na kelangang sundin kun anuman sabihin sa yo ng ibang tao"... tapos kunin mo mama at kapatid mo. Hayaan mong tumandang mag-isa tatay mong abnoy.

    sabi nga, "revenge is best served cold"... mwahahahaha :evil:
  • :rotflmao:

    this reminds me so much of what happened to me!

    we have almost the same situation. but i don't get along with my mom and grew up with my dad. it's my mom who was so strict and hurtful...

    and i did run away from home. i didn't contact them for around 6 months. and i also stopped studying then. (for a year actually) long sob story... i don't really want to go into details.

    but here's the thing.

    when i did that (i was the first to run away from home), my mom realized how strict she was. (she wanted me home 10 mins after class ends... and this was in college!) we've never gotten along well before i lived with her... and it was hell when i was actually living in her house!

    eventually, she became more lenient. we still get in each other's nerves and we still don't get along... but i've earned her respect. ang swerte yung younger brother ko! :lol:
  • So, sinasabi niyo po bang mas makakabuti sa akin na magtiis na lang, at unawain ang Papa ko? Siguro nga mahihirapan akong mag-aral, dahil kailangan ko pang magtrabaho. At siguro homesickness din, pero ngayon parang mas appealing yun, kaysa tumira sa papa ko. Parang ang tagal ko pang mag-graduate. Sobrang depress na ako. Mas ok siguro buhay ko sa ate ko.

    Alam kung mas magagalit papa ko sa akin kung lalayas ako dahil sa nakakahiya sa mga kapit-bahay namin, at mga kamag-anak. Hindi dahil sa mahal niya ako. Ok na man siyang financial provider, pero talagang abusive siya.

    Pero may iba din akong option, lalayas ako pero isang semester lang. Gusto ko lang malayo sa kanya. Ang hirap lang, kung paano tatakas, at baka di niya na ako tanggapin pagbalik. O baka mag-away sila ni mama. At sabihin na naman na kulang ako sa disiplina, kaya ako lumayas. Lahat kasi ng mga mali naming magkakapatid, parang sa mama ko na sinisisi.
  • ang iyong paaralan ba ay malapit sa bahay ng ate mo? baka pwede mo naman gawing palusot kung sakali na mas magandang dun ka muna tumira sa ate mo dahil mas malapit. sa ganung paraan, ang tatay mo parin ang magbabayad sa tuition fee mo.
  • tiisin mo nalang, baka pagtanda mo e maintindihan mo rin kung bakit ganyan tatay mo, kaysa magsisi ka

    tiisin mo na lang tapos gumanti ka next time
  • Tapusin mo muna ang pagaaral mo bago kang lumayas. Take advantage of free food, tuition, and shelter. Mas mabilis mag graduate kung tuloy tuloy ang pagaaral kesa maging working student. Konting tiis ngayon will give you a more stable future.

    Sa ngayon, gumawa ka ng excuse to stay home as less as possible. Magaral ka sa library o mag join ka ng study group. Actually, kung marami kang free time kumuha ka ng trabaho ngayon at umpisahin mo na ang ipon mo. If you're home just 10 hours a day, 8 of those hours asleep, then how bad can that be?
  • Ramon, yan din isa sa problem ko. Gusto ng papa kung umuwi kaagad pagkatapos ng klase. Alam niya schedule ko. At yung cellphone ko, walang load. Siya lang tumatawag. Sobrang weird talaga! Ganyan din yata siyang pinalaki. Sobrang protective siya sa akin, naintindihan ko naman eh. Takot siguro siya na may mangyari sa akin. Pero, matanda na nga ako, at ang lungkot naman ng buhay na walang ginagawa, o kaya puno ng takot.

    Pero di ko binabalewala mga sinasabi niyo. May point din po kayo. Tatlong taong pagtitiis is probably not bad compared to what I might experience if I try to be independent. Matutulog na lang ako pagdating ng bahay, at iisipin kung multo siya.
  • Hindi ba papayag ang ama mo na magtrabaho ka? Sabihin mo sa kanya kailangan mo ng work experience para pag graduate mo mas mabilis makakuha ng trabaho. 3 years of work experience (any kind of work) on your resume will be better than your colleagues who have none.

    Kung ayaw pa rin, mag join ka ng volunteer work sa school. Bolahin mo ng konti ang ama mo, sabihin mo sa kanya pinipilit ka ng professor mo mag join kasi feborit ka nya or for better grades.

    You could also try to know your cousins and relatives so you can hang around there. Tutor your little cousins for free.

    You just have to get out of the house more often. 3 years na maagang matulog is not going to work. Maloloka ka lang. Magsimba ka na lang araw araw. Magvolunteer ka na din sa church.

    Kung walang wala talaga, kumulong ka sa kwarto mo at maglaro ka ng computer games.
  • sweetwahmsweetwahm PEx Veteran ⭐⭐
    Di maso-solve problem mo kung lumayas ka. Paano naman mama mo at mga kapatid mong maliliit? Sinasaktan ka ba physically? Kund hindi naman, tiisin mo nalang muna. Masakit naman talaga ang verbal abuse eh, pero just be strong. Malapit ka na bang matapos sa pag-aaral mo? Pagbutihin mo para matulungan mo mga kapatid mo at ang mama mo.
  • ErebosErebos PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ramon, yan din isa sa problem ko. Gusto ng papa kung umuwi kaagad pagkatapos ng klase. Alam niya schedule ko. At yung cellphone ko, walang load. Siya lang tumatawag. Sobrang weird talaga! Ganyan din yata siyang pinalaki. Sobrang protective siya sa akin, naintindihan ko naman eh. Takot siguro siya na may mangyari sa akin. Pero, matanda na nga ako, at ang lungkot naman ng buhay na walang ginagawa, o kaya puno ng takot.

    Pero di ko binabalewala mga sinasabi niyo. May point din po kayo. Tatlong taong pagtitiis is probably not bad compared to what I might experience if I try to be independent. Matutulog na lang ako pagdating ng bahay, at iisipin kung multo siya.

    you mean, wala kang pambili ng load? and you said that your father is a good provider?:rolleyes: hmmmm... masyado ka lang nagdadrama. mas malala ang problema ng mundo ineng, 'yan ang isipin mo. at kung sobrang abusive talaga, bakit hindi mo isumbong sa bantay bata or sa pulis or sa dswd o sa gabriela?! hindi yung nag-iisip ka ng isang planong alam mo namang walang kahahantungang maganda.

    ang mga bata nga naman...:bop:
  • Erebos wrote: »
    you mean, wala kang pambili ng load? and you said that your father is a good provider?:rolleyes: hmmmm... masyado ka lang nagdadrama. mas malala ang problema ng mundo ineng, 'yan ang isipin mo. at kung sobrang abusive talaga, bakit hindi mo isumbong sa bantay bata or sa pulis or sa dswd o sa gabriela?! hindi yung nag-iisip ka ng isang planong alam mo namang walang kahahantungang maganda.

    ang mga bata nga naman...:bop:


    well, sa neighborhood namin, parang normal na rin na magkaroon ng tatay na "abusive". Besides, takot ako baka makulong siya kasi it would mean more trouble dahil siya lang naman may pera at trabaho. Isa pa, kagaya mo, they would probably think na madrama lang ako because there is no physical abuse that happened. I know, hindi sufficient ang reason na binagay ko para lumayas. Pero ayaw ko lang talagang i-detalye. Actually wala akong pakialam sa cellphone ko, di ko naman ginagamit eh.

    I just want to try being independent, at tingnan kung makakayanan ko. Kasi talagang sobrang strict niya, at dominating. My concern is more about my mental health.. .Kasi sobrang depress na ako.
  • Well it seems na hindi ka na namin mapipigil sa gagawin mo. It's as if you've already decided what you're gonna do. So what's the purpose of this thread?

    Well well..cge itry mo kaya tumira sa ate mo, but gumawa ka na lang ng magandang excuse why you have to stay with her. Ako rin, nagworking student nung nagaaral me. Guess what? Nagkabagsak me at di nakapagconcentrate sa studies (engineering pa man din kinuha ko). Un lang, plus, tlgang kukulangin ka nyan, kc ikaw pa magbabayad ng tuition mo. Pwera na nga lang kung sa state university ka pala nag-aaral. Baka kayanin mo..basta

    Na sa iyo pa rin naman ang decision eh. And it seems like you have one. Go for it. Goodluck. :)
  • Cut her some slack Erebos. We can't pass judgement on her. Kung totoo ang sinasabi niya, then how bad would that make you feel? It pains her enough to think of running away. Calling the authorities on dad is not as easy as it sounds.

    There are some insane parents out there. Pagtapos ng class, duon agad ang driver, drive agad sa bahay. They're not allowed to socialize or go anywhere. Imagine mo naman nakakulong lagi sa bahay at laging mainit ang ulo ng dad mo. Ginupulpi ang nanay mo. Panay sigawan sa bahay araw araw. If it were me, I can't live like that. I'll end up a hateful and cynical person. Kung na pickup mo ang habit ng dad mo, you'll end up creating the same environment to your own family. I bet ganun ang ugali ng grandfather niya.

    Tiisin mo lang ang 3 years. In the meantime, spend less time in the house.
Sign In or Register to comment.