Home PEx Local Entertainment Showbiz - Movies
Join our PEx Olympics Quiz Night and win GCash prizes! 🏅

Angel Locsin: might do a remake of Vilma's "RELASYON"

Angel Locsin to reprise Vilma Santos's role in "Relasyon"
Aga Muhlach being eyed for Christopher de Leon's role.
Dinno Erece | Tuesday, February 20, 2007 CF


Si Angel Locsin ang gaganap sa role na ginampanan ng Star For All Seasons na si Vilma Santos sa remake ng classic movie na Relasyon (1982).

Vilma's role as a mistress won for her the first-ever grand slam acting award for an actress in a lead role. Directed by the late Ishmael Bernal and written by Ricky Lee, Relasyon also starred Christopher de Leon as Vilma's lover and the late Jimi Melendez (father of Aiko Melendez) as Vilma's suitor.

Isa ang Relasyon sa mga Regal movies na balak sanang bilhin ng ABS-CBN para gawing soap opera. But Regal Entertainment has decided to do a remake instead, with Angel reprising Vilma's award-winning role.

Regal is also eyeing Aga Muhlach to play Boyet's role. Dito sa remake ay balitang mas mahaba ang exposure ng role ng lalaki kaysa sa original movie.

Balitang mas hahabaan din ang papel ng magiging asawa ni Aga, if he do accept the project, sa pelikula. In the original movie, dalawang beses lang ipinakita ang asawa ni Boyet, once sa ospital and the other sa libing, dahil umiikot nga ang kuwento sa point of view ng kabit ng lalaki.

Raquel Villavicencio is doing the script with Joel Lamangan as the director.

Balita ring makikipag-tie up ang Regal Entertainment with Star Cinema to get the services of Aga, being an exclusive contract artist of the film arm of ABS-CBN. Puwede itong magawa without the cooperation of GMA Films this time dahil although exclusive si Angel sa GMA Network for TV assignments, she is under contract with Regal Films pagdating sa pelikula.

Kung saka-sakaling matuloy ang pagre-remake ng Relasyon, napakalaking pressure nito for Angel dahil masyadong identified ang role na ito kay Vilma. Idagdag pa rito ang katotohanang this was the role that made Vilma the first-ever grand slam best actress winner


************************************

gosh...pagpahingahin naman si Angel

:lol::lol: :bounce:


...................nyahoooooooooooooooo

Comments

  • c1de1d93e.jpg


    Angel, Aga, magtatambal!

    SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
    Ang Pilipino STAR Ngayon 02/21/2007

    Napakaswerte ni Angel Locsin dahil kahit na nasa GMA7 siya at maituturing na hottest property ng nasabing network ay magkakaro’n siya ng pagkakataon na makatambal ang ipinagmamalaking Kapamilya na si Aga Muhlach sa isang pelikula na ipo-prodyus ng Regal Films at Star Cinema.

    Maaaring itanong n’yo kung paanong mangyayari ito at kung papaano papayagan ng GMA7 na sumakabilang pader si Angel pero ang aktres ay hindi exclusive property ng Siete kundi ng Regal Films ni Mother Lily. Kaya hindi siya magkakaro’n ng problema not unless na ang sked niya sa paggawa ng movie ay makakasabay sa trabaho niya sa GMA7.
  • 1172054123_angel1_4.jpg

    PEOPLE'S TONIGHT
    Nitz Miralles

    Daragdagan namin ang nasulat ni Nel Alejandrino dito sa People’s Tonight na magsasama sa pelikula sina Aga Muhlach at Angel Locsin.

    Ayon sa nakalap naming balita, ang remake ng Relasyon nina Vilma Santos at Christopher de Leon ang gagawin ng dalawa at co-produced ito ng Regal MultiMedia at Star Cinema.

    Walang exclusive contract sa GMA Films si Angel at per project yata ang kontrata sa GMA-7. Sa Regal siya may exclusive contract, kaya walang problema kung tatanggapin niya ang offer.

    Naalala namin, maraming confrontation scenes sina Vilma at Boyet sa Relasyon at tiyak na meron din nito sa remake ng movie.

    May mga nag-iisip palang si Angel ang kapalit ni Judy Ann Santos, na kasama si Jolina Magdangal na gumagawa sa GMA Films ng Ouija.
  • wow! excited na akong mapanood ito. i wanna see how angel tackles the role that gave Vilma the first of her four Grandslams. for sure papatok din yan sa takilya like the original Relasyon.
  • jigdel wrote: »
    wow! excited na akong mapanood ito. i wanna see how angel tackles the role that gave Vilma the first of her four Grandslams. for sure papatok din yan sa takilya like the original Relasyon.


    sana nga matuloy, magkasundo ang regal & star cinema to the movie...sana magampanan ni gel ng mahusay yung role nya....
  • Ang Pilipino STAR Ngayon 02/22/2007

    Dadagdagan namin ang naisulat ni Vero Samio kahapon tungkol sa pagtatambal sa pelikula nina Aga Muhlach at Angel Locsin. Remake ng Relasyon nina Vilma Santos at Christopher de Leon ang gagawin ng Regal MultiMedia at co-produced ng Star Cinema.

    Sa presscon ng The Promise na showing pa rin hanggang ngayon, nabanggit ni Angel na wish niyang maka-pareha si Piolo Pascual. Bigger star ang ibibigay sa kanya ni Mother Lily at ito nga’y sa katauhan ni Aga. Naalala naming puno ng confrontation ang Relasyon nina Vilma at Boyet at challenge ito kay Angel.
  • wahh si Piolo pala ang gusto makapartner ni Angel

    cge ibigay ang hilig..medyo matanda narin si Aga eh :lol:
  • wahh si Piolo pala ang gusto makapartner ni Angel

    cge ibigay ang hilig..medyo matanda narin si Aga eh :lol:


    sana parehas na lang matuloy yung movie w/ aga & w/ piolo
  • wahh si Piolo pala ang gusto makapartner ni Angel

    cge ibigay ang hilig..medyo matanda narin si Aga eh :lol:

    harvyi234567, oo nga ang tanda na ni Aga no...
    Pero ang dami pa ring movie offers ;)


  • wahh si Piolo pala ang gusto makapartner ni Angel

    cge ibigay ang hilig..medyo matanda narin si Aga eh :lol:

    anong gusto mong palabasin? na yung movie na lang kasama si piolo ang gawin ni Angel? Aba, namili pa ng ipapartner sa Idol niyang Flop ang movies... at hindi lang basta Flop Princess, flop QUEEN pa :rotflmao:

    Para sabihin ko sayo gusto namin gawin ni Aga ang movie na ito dahil maganda yung idea na remake ng Relasyon! at magaling ang magiging direktor ng movie... sa tingin ko nga hindi bagay kay Angel ang movie nato... mas madami pang deserving kaysa sa kanya :rolleyes:

    Hindi naman kami atat na gumawa si Aga ng movie kasama si Angel no! Kung tutuusin maliban sa movie na ito ng Regal/Star cinema... meron pa namang ibang alok na movie para kay Aga... Hindi kawalan ang Aga-Angel movie no :p
  • bravehart
    February 21, 2007 at 22:22 PM
    yes! angel locsin acting with "The promise" movie already a sound start for the remake of ms. vilma santos "relasyon"! The time has come for Angel locsin to shine. Lets admit that Judy Ann & Claudine Barreto giving a chance for angel to be with their level! Fly high Angel! mabuhay ang GMA-7!

    Yumcha
    February 21, 2007 at 14:38 PM
    Naku! Kayang kaya gayahin ni Ate Gay ang akting ni nora. Kasi laging may DIIN sa dulo. WALANG HIMALA... Wala ka ng career nababalikan. (MAY DIIN SA DULO)

    Veronica
    February 21, 2007 at 14:27 PM
    Wala na bang scriptwriter sa Pilipinas? Ba't lahat na lang ng pelikula ire-remake? Ang layo naman ni Vilma kay Angel when it comes to acting! Pa-cute pa rin ang bagay kay Angel. Vilma Santos, Nora Aunor, Gina Alajar & Maricel Soriano lang talaga pagdating sa acting sa babae. Comment lang ito at baka me mag-react na namang fans diyan!

    choklah
    February 21, 2007 at 13:39 PM
    i-remake na nilang lahat, wag lang ang HIMALA. because nobody can ever deliver such a magnificent, haunting performance like what NORA did.

    gingskie
    February 21, 2007 at 13:15 PM
    yaha bagay namn kay angel ung role..kaya nya un

    komentopo
    February 21, 2007 at 12:59 PM
    sobrang like ko si angel simple nya kasi and talagang maganda, pero sa tingin ko di nga bagay sa kanya yung role syempre compare to vilma mag-eexpect talaga ang tao na mahigitan nya yun. kaya much better na wag nya na lang gawin.
    sosy
    February 21, 2007 at 12:20 PM
    buti pa c Angel iba-iba ung leading man sa pelikula at carry nmn nya unlyk Rchard na di kyang sumugal ng ibang leading lady!Pero mlabo ata yan kung ksma ang star cnema!

    jts
    February 21, 2007 at 11:18 AM
    big break for angel...i suggest a workshop in acting must b enhanced 2 giv justice 2 d remake of d muvi...gudlak :)

    b*tchyb*tch
    February 21, 2007 at 10:40 AM
    angel for ate vi's role? DUH! no talent just a beautiful face. beautiful face nga ba? eh mukha namang parrot yan

    Wildrose
    February 21, 2007 at 08:24 AM
    i watched that film tlga nmn pang famas award ang dting ni ate Vi. im no longer in pinas kya ndi ko nasusubay bayan itong c angel,but i can watched some of her videos here n the internet,and i would say,pra syang first timer,starlet bga. not really good in acting,pa cute lang ang bagay sa knya. c juday dami natong experience and pang drama talga dting nya,or di kya c Claudine yan.
    _nene_
    February 21, 2007 at 08:21 AM
    this is gonna be really gud for angel!

    Irenus
    February 21, 2007 at 08:08 AM
    please lang noh! sa pilipinas, basta may itsura sumisikat kahit hindi marunong umarte. napanood ko na po ang i will always love you, let the love begin, sigaw, at some episodes of her soap sa gma. at ang masasabi ko lang, hindi niya kakayanin ang role na to. mg god, magiging katawatawa lang ang movie na to. i think regal should really think about givng ehr this role. wala pa naman siyang previouse roles na puwedeng sabihing deserving siya sa role na to. siguro, a very long and rigorous acting program ang kailangan niya before sumabak siya dito.

    glayza
    February 21, 2007 at 07:57 AM
    Pls.lng di kayang gawin ni Angel ang ginawa ni Ms. Vi kc pangit mgdeliver ng dialogue si Angel ni malinaw ang mga words tabibgi kc syang mgsalita.She is not a good actress nabubulgan lng yong mga fans nya sa ganda nya pero sa pagarte i doubt.wala syang panama kay Ms. Vilma.

    Charly2207
    February 21, 2007 at 05:53 AM
    I love Angel,, but she's too young for this movie. Huwag nalang Angel.

    hesaysim2sexy
    February 21, 2007 at 03:21 AM
    age doesnt matter. if Angel is a versatile actress, she will and can take any role. and Aga Muhlach din yan noH!? And the big bucks too. So why not?!

    njpinay
    February 21, 2007 at 02:47 AM
    i think she's too young to do this movie.

    Maryann
    February 21, 2007 at 01:53 AM
    judy anne is more senior than angel. its safe to say that its still claudine vs juday. angel is in her own league....among the young stars of today nilampasan na ni angel the likes of anne curtis and heart evangelista. you deserve all the success angel! goodluck to you and more power!!!

    dingdong2663
    February 20, 2007 at 23:24 PM
    ayan na naman.... again & again, remake,remake...gaya, gaya!!susmaryosep naman talaga oh!!

    chorva
    February 20, 2007 at 20:16 PM
    nye. reina ng gma 7 kasi walang mabenta sa 7 maliban kay enjel locksin.

    kitty_litter
    February 20, 2007 at 19:35 PM
    I saw this movie in CinemaOne--galing galing! But I can't imagine anyone else except Vilma and Boyet in their roles. Is Angel mature enough to play something this heavy and multi-dimensional?
    bajds
    February 20, 2007 at 19:07 PM
    Does it mean na Angel Locsin is really on her way to superstardom? Is it safe to say na although mas senior si Juday ay pwedeng si Angel ang makatapat niya bilang young superstar. Sabi nga ni Robin, si Judy Ann ang reyna ng Dos at si Angel naman ang reyna ng Siete. She deserves it coz she's really one hardworking young actress.
  • hmmm...:rolleyes: :rolleyes:

    RICHARD AT ANGEL!!!*okay*
  • it's obvious na yung mga bad comments kang Angel ay produkto ng
    1. inggit dahil mas umangat si angel ngayon kesa mga paborito nilang mga artista
    2. network war dahil hindi nila matanggap na si Angel ang lumalaban palage sa ratings at isa sa naging dahilan bakit bumababa ang ratings ng kabila.
    3. both


    it's so sad na di na kaya ng tao maging objective dahil sa mga dahilan na yun. at hindi na nila maappreciate yung talent. kahit ginawa ni Angel ang lahat para maimprove sa craft nya ppl still trying to pull her down. ito ang tinatawag na crab mentality.

    as we all know nag improve na si Angel , if u watch Asian Treasure ibang angel makikita ninyo, yung mga lates movie nya maganda ang mga reviews sa mga acting nya. so i think may K na syang
  • wag naman sanang Relasyon ang ibigay kay Angel, ibigay na lang ito sa dalawang numero uno sa acting sa ngayon Judai and Claud...napakagaling ni Ms Vilma sa movie na ito, only a well experience actress can do justice for this role...mas babagay kay angel yung role ni ms vi na napapanuod ko ngayon sa cinema one yung partner nya si boyet...magpinsan sila, nag aaral pa si ate vi dito, si boyet kuya kuyahan nya na napatira sa kanila sa manila then nagkagustuhan sila at nabuntis si ate vi galit na galit ang father nya played by eddie garcia then gusto nitong ipalaglag yung bata, mas bagay ito kay angel at pwede ring si aga or piolo ang leading man nya dito.
  • yan ang problema sa atin eh, di natin binibigyan ng chance yung mga baguhan. syempre palaging nabibigyang award yung mga veterans dahil sa kanila palage napupunta ang magagandang movie at roles.

    paano mag-improve ang ibang talents kung di sila binibigyan ng magagandang projects. ganito na lang ba ang pelikulang pilipino binibigyan halaga palage yung mga veterans ang yung maraming fans. like wat happen kina nora at vilma, na sa tingin ng lahat sila lang ang pinakamagaling na artista. bakit sa hollywood di ganito? para sa akin lahat ay may chance at pantay pantay ang galing kung bibigyan lang ng pagkakataon. dahil bawat isa may iba't-ibang kahinaan at kakayahan.
  • ambertookmeambertookme 🦅 Eagle Squad🏅
    wahh si Piolo pala ang gusto makapartner ni Angel

    cge ibigay ang hilig..medyo matanda narin si Aga eh :lol:

    oo, para magkaroon naman ng hit na movie si Angel.
    hit ha...hindi anghit.
  • naku ang daming insecure talaga kay Angel.

    not only is she humble, polite, hard working, but a crowd drawer at the same time. at sya ang may pinakamaraming projects at endorsements in her generation kaya wag nang mag taka kung bakit marami ang naiinggit sa kanya.

    go ANGEL! do what u do best. and if u do this movie, im sure you will prove ur detractors wrong. :)
Sign In or Register to comment.