Home PEx Local Entertainment Showbiz - Movies

Regal Films: ANG NANAY KONG ASWANG

kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
Sina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang gusto ng Regal na bida sa Ang Nanay Kong Aswang.

Paano kaya ito’t galit pa ang actress sa ex-boyfriend dahil sa diumano’y pang-aaway nito sa kanya?

Pero, may exclusive contract sila kay Mother Lily Monteverde at no choice sila kundi gawin ang movie na Mother’s Day presentation ng kumpanya.

Si Joel Lamangan ang director nito from the script of Dinno Erece, na siya ring sumulat ng Manay Po at Zsa Zsa Zaturnnah.

Kasama rin sa cast sina Sandara Park at Joseph Bitangcol, na nasa galit-bati mode rin ang relasyon.

Hindi mahihirapan sina Jennylyn at Mark sa kanilang schedule dahil sa Super Twins lang busy ang una at ang huli’y sa Princess Charming.

* * *
By: Nitz Miralles
«1

Comments

  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles
    Ang Pilipino STAR Ngayon 02/18/2007


    Kuwela ito kung makukuha ng Regal si Aiai delas Alas para gumanap na inang aswang sa pelikulang Ang Nanay Kong Aswang. Mother’s Day presentation ito at nag-i-schedule na ng shooting para ‘di magahol si direk Joel Lamangan.

    Walang regular TV show si Aiai sa ABS-CBN ngayon at kundi pa tapos ang shooting ng Cute Ng Ina Mo ng Star Cinema at Viva Films ay malapit na silang matapos. Hindi pa sinisimulan ang movie nila ni Rufa Mae Quinto sa OctoArts Films, kaya may time siyang gawin ang Ang Nanay Kong Aswang, her first aswang role. Ikinukuwento pa lang ni Dinno Erece, sumulat ng script ang mga eksena’y natawa na kami.

    Hindi lang kami sure kung sino kina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang gaganap na anak ni Aiai rito. Kung ang young actor, ikatutuwa niya dahil gusto niya itong alagaan. Kasama rin sa cast sina Sandara Park at Joseph Bitangcol at marami pang young stars. * * *
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Mark, tumangging makatrabaho sina Jennylyn at Patrick



    Pinakiusapan na si Mark Herras ng Regal Films, ng GMA Artist Center at ni Manay Lolit Solis na tanggapin ang pelikulang pagsasamahan sana nila nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, pero tumanggi siya.

    Okay lang daw kay Mark na makasama si Jennylyn o kaya’y si Patrick pero kung silang tatlo ang magkakasama at palalabasing love triangle, ayaw niya.

    Matagal nang napabalitang gagawin ni Jennylyn itong Tiyanak na makakasama si Patrick, pero hindi nababanggit na kasama rito si Mark.

    Naramdaman siguro ni Mark na magagamit lang siya sa pelikulang ito, kaya nagdesisyon siyang huwag tanggapin ito.

    ***
  • wow naman!
    ang nice naman na pagsamahin ang Loveteams na mark-jen and joseph-sandy..
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Comedienne Rubi-Rubi finally makes her mark in showbiz

    Dinno Erece

    Tuesday, November 6, 2007
    04:31 PM

    Rating





    Something remarkable happened in the life of comedienne Rubi-Rubi every ten years for the past three decades.



    Born Ruby Esmaquel on January 3, 1966, Ruby got her screen name Rubi-Rubi from the Visayan traditional song "Lubi-Lubi." She is married to Marco Llonor, nine years her junior and they have no children yet.



    In 1987, she graduated from Far Eastern University with a course in Journalism because she really wanted to be a writer. Ten years later, in 1997, she was able to penetrate showbiz, not as a writer, but a stand-up comedienne for the pioneering comedy bar in the country, Music Box.



    "Wala pang mga Library or 22nd Street Comedy Bar, Punchline, Laffline, Klownz or Zirkoh, may Music Box na. Kasabayan ko noon sina Gladys Guevarra at Kaye Brosas. Si Ai-Ai [delas Alas] naman, ka-batchmate ko at nagsisimula na rin that time," kuwento ni Rubi-Rubi sa PEP (Philippine Entertainment Portal) yesterday, November 5, in a restaurant on Timog Ave., Quezon City.



    She was given a solo presscon by DMV Entertainment after signing up for a five-year managerial contract.



    Rubi-Rubi has made the rounds of other comedy bars like Library, 22nd Street Bar (where she is now an exclusive performer four nights a week), and Basilica.



    Though Rubi-Rubi made her mark with the recent Regal movie Hide and Seek as the scene-stealing maid of Jean Garcia, Eric Quizon, and Jennica Garcia, it is not her first movie.



    "Noon pa po, nakagawa na rin ako ng lima pang pelikula. Ang first ko yung Sabado ng Gabi, Linggo ng Umaga ni Mickey [Ferriols] and last year, nasa Bikini Open din po ako ng Seiko. Pero parang dito lang ako sa Hide and Seek tumatak," sabi ng comedienne.



    Year 2007 is a lucky year in showbiz for this reluctant comedienne. Aside from signing up with DMV, she is now cast in the upcoming comedy-horror movie of Regal Entertainment, Ang Nanay Kong Aswang, starring Eugene Domingo and to be directed by Joel Lamangan. Principal photography starts January of next year.



    She is expected to be more visible now both in the movies and in television. Rubi-Rubi was last seen on television in the GMA-7 soap Impostora.



    When asked if she is now ready to compete with the top comediennes in the business—like Ai-Ai, Pokwang, Eugene, and Gladys—Rubi-Rubi only laughed at the suggestion.



    Asked what will she say to these comediennes about her entrance, she replied: "Makikiraan lang po."



    If asked who she is, Rubi-Rubi will answer: "Teka po, kunin ko lang ID ko. ‘Pag may pangalan na ako, baka magka-ID na rin ako."
  • ito ba ang launching movie ni eugene domingo?
    OH HOW LONG I WAITED FOR THIS ONE!!!!!!! GO EUGENE!!!!



    sana wag naman si joel lamangan ang director...please...he should stay in the heavy drama section, he's great at that!
  • Wow...totoo na ba yan? tagal ko ding hinintay na magkaroon ng solo or talagang si Eugene ang bida..... whew... thanks sa nagtiwala... I'll definitely support this one... *okay*
  • mukkhang okay ito ah. si Eugene at Rubi Rubi pinagsama. riot ito. :lol:
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Regal Entertainment targets 24 films for 2008

    Dinno Erece

    Friday, March 7, 2008
    10:32 AM

    Rating





    Can Regal Entertainment attain its plan to do 24 movies for 2008?



    Last year, walo lang ang nagawang pelikula ng Regal nina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo; isa ay co-production with GMA Films (The Promise) at tatlo ang naging entries sa 2007 Metro Manila Film (Shake Rattle & Roll 9, Bahay Kubo, and Desperadas). The other four movies were Happy Hearts, Hide and Seek, Tiyanaks, and My Kuya's Wedding.



    This year, the oldest existing film production in the company plans to do two-dozen movies.



    Naka-isa na ang Regal for 2008, ang co-production with GMA Films na yearly tradition na tuwing Valentine's—My Best Friend's Girlfriend starring Richard Gutierrez and Marian Rivera. Lumampas na ng one hundred million pesos ang box-office gross nito as of its second week.



    April 16 naman ang bagong playdate ng Manay Po 2: Overload directed by Joel Lamangan starring Cherry Pie Picache, John Prats, Polo Ravales, Jiro Manio, and Rufa Mae Quinto.



    Nag-resume na ang shooting ng Kulam ni director Jun Lana starring Judy Ann Santos and Dennis Trillo together with Mart Escudero and Kris Bernal.



    Nag-first shooting day last Thursday ang Love Is All That Matters, a May-December affair directed by Don Cuaresma. It stars Jean Garcia, Polo Ravales, Yasmien Kurdi, JC de Vera, John Prats, Ehra Madrigal, Aljur Abrenica, and Kris Bernal.



    Sisimulan na rin ni Direk Joel Lamangan ang second movie niya for the year, the horror comedy Ang Nanay Kong Aswang. Wala pang final casting ang movie, but the role intended for Jennylyn Mercado and Mark Herras will now be given to Jennica Garcia and Mart Escudero bilang follow-up sa Hide and Seek nila last year.


    A trilogy is also in pre-production, ang Ultraelectromagnetic Love based on the songs of Eraserheads.



    Na-announce na rin ang magiging launching movie ng isa sa mga bagong Regal Babies na si Nina Jose, ang Sweet Papa written by RJ Nuevas and will co-star Rufa Mae Quinto and Katrina Halili.



    For December, balak na isumite ng Regal sa MMFF ang tenth edition ng Shake, Rattle & Roll, the sequel to last year's sleeper hit Desperadas, and a horror-comedy titled Atang Family.



    Kung ano pa ang mahigit isang dosenang pelikulang ilalatag ng Regal are still under study. But for sure, it will break the company's output of last year.
  • I LOVE THE JENNiCA-MART LOVETEAM:)

    UP!!!
  • micamyxmicamyx PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Buti naman hindi na horror ang kina Jennica at Mart ngayon.

    Sana si Eugene pa rin ang bida *okay*
  • ***
    Nakalinyang gagawin ni Direk Joel Lamangan ang pelikulang Nanay Kong Aswang.
    Hindi ito sequel ng My Monster Mom na pagbibidahan ng mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez.
    “Sa laki ng mga diyamante ni Tita Annabelle, hindi siya pwedeng aswang!” bulalas ni Direk Joel.
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    JENNYLYN MERCADO
    EUGENE DOMINGO
    POKWANG

    yan ang cast acc to tv patrol. comeback movie yata to ni jennylyn.
  • bagay si pokwang dito!!!
  • kung ako si mother lily, kukunin niya si tandang jowee de leon, guest appearance. siya ang unang bibiktimahin ng aswang na si pokwang. kung hindi ito kumita ng husto, ewan ko na lang lol!

    but if i were mother lily, hindi ko kukunin si jennylyn mercado, kumuha siya ng kapamilya stars.. either maja or shaina na lang.. tapos isama pa niya si geoff eigenmann... kahit papano may hatak. o kahit si maja salvador tapos kasama si jayr siaboc at jon avila.

    mother mag esep esep ka nga. mahal pa naman kita, kaya gusto kitang tulungan kung paano kumita ang movie mo hehe.
  • If ever kunin nila si Pokwang, ABS should make sure di isasabotahe si Pokwang dito ng kampo ni tandang joey...alam naman natin maglaro ang mga yan....
  • I watched it on TV Patrol also, they mentioned na me gagawin ngang movie si Pokwang kasama si Jennylyn.. yung nga yung Ang Nanay Kong Aswang.. pero papalitan yata nang mangkukulam.. instead na Aswang.. hehehe
  • ambertookmeambertookme 🦅 Eagle Squad🏅
    oo,dapat may cameo dito si Joey DeLeon.
  • Sus, eh may ganito pala naman si Pokwang. Pinalaki pa 'yung issue niya kay Joey.
  • ^biglang offer yan ni mother lily kay pokwang. alam mo naman si mother, nakikisakay sa ingay lol!

    pero mas maganda kung puro abs cbn stars dito lol!
  • haha double-edged sword to. if she takes it, it shows na plastic siya and OA. paiyak iyak pa siya, ASWANG din pala ang role na kukunin niya. if she doesnt, pangit din tingnan -- pun not intended. parang ang kapal naman niya, ginagawan na nga siya ng project ayaw pa niya. who does she think she is, Ni si Ai-Ai di niya kalevel eh!
Sign In or Register to comment.