Home PEx Family and Society Family, Friends and Society

when parents grow old....

hi guys, share ko lang tong write up sanyo.. post your comments later...



Let's honor our fathers and mothers. God is pleased when we do that..



Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at
pagpasensyahan. Kapag dala ng
kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o
nakatapon ng sabaw sa
hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang
matanda. Nagse-self-pity ako a tuwing sisigawan mo
ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko
maintindihan ang sinasabi
mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!"
paki-ulit nalang ang
sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak.
Matanda na talaga
ako.

Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana
akong tulungang
tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong
nag-aaral ka pa lamang
lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at
paulit ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan
mo nalang ako. Huwag
mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak
noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit-ulit
mo 'yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha
ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy.
Amoy matanda, amoy
lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na
ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana
akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinatyagaan kitang
habulin sa ilalim ng
kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y
masungit, dala na
marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan
mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentohan
naman tayo, kahit
sandali lang. inip na ako sa bahay, maghapong
nag-iisa. Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong
malaman mo na sabik na
sabik na akong makakwentohan ka, kahit alam kong
hindi ka interesado sa
mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka
pa? Pinagtyagaan kong
pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento
tungkol sa iyong
teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y
magkakasakit at maratay sa
banig ng karamdaman, huwga mo sana akong pagsawaan
alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o
madumi sa higaan,
pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling
sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw,
hawakan mo sana ang
aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na
harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na
ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana ...
dahil naging mapagmahal
ka sa iyong ama't ina...


-Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan

naisip ko tuloy yung mga anak na nilalagay sa home for the aged ang kanilang magulang.. walang utang na loob... la lang.. just a thought :bop:


ang lungkot ng poem na to sobra... hehe..

Comments

Sign In or Register to comment.