Home PEx Local Entertainment Showbiz - Movies

Bakekang The Movie

kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
February 07, 2007 05:17 PM Wednesday Article read 986 time(s)

'Bakekang' gagawin ulit pelikula

ANG multi-awarded couple, mega-director Carlo J. Caparas at mega-producer Donna Villa’s Bakekang -- teleserye na napapanood sa GMA -- ang nananatiling No. 1 sa lahat ng TV shows ayon sa latest surveys nationwide. At dahil dito, isasalin ng mag-asawa ang Bakekang sa pelikula. Pagbibidahan pa rin ito ni Sunshine Dizon sa direksyon ni Carlo J.

Nakagawa ng ‘Bakekang syndrome’ ang Bakekang championing the cause of women’s rights irrespective of their looks.

In fact, it has redefined a woman’s beauty coupled with her fighting spirit. “Ang mga pangit ay natutuwa na ngayon at ‘di na mga nahihiya,” wika ng isang TV fan.

Base sa pinakahuling TV surveys, ang Bakekang ng Kapuso network ay nakakuha ng total na 33.4 percent in viewership nationwide besting the Robin Padilla-Angel Locsin starrer Asian Treasures and Jumong, both of GMA-7, with 31.4 percent and 30.4 percent, respectively.

Ranked 4th is Atlantika (GMA-7) and Maging Sino Ka Man (ABS-CBN) with 27.1 percent and 25.3 percent, respectively. The rest in the next top 6 shows include Sana Maulit Muli (ABS-CBN), 23.9 percent; 24 Oras (GMA-7); Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN), 22.4 percent; TV Patrol (ABS-CBN), 22.2 percent; Deal or No Deal, (ABS-CBN), 22.1 percent; StarStruck 4 (GMA-7), 21.7 percent and Bubble Gang (GMA-7), 18.3 percent.

Inilalahad sa Bakekang ang kuwento ng pagiging underdog. As usual Pinoys love underdogs, just like Bakekang, who portrays an ugly duckling.

“May Bakekang sa bawat babae -- pangit man o maganda -- dahil sa gustong makaangat sa buhay, ma-recognize at manalo bilang isang respetadong nilikha,” ayon kay Carlo J.

Sinisimbulo ng Bakekang ang nadarama ng abused Filipino woman na gustong ipaglaban ang kanyang karapatan.
«1

Comments

  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Sunshine, bida sa ‘Bakekang’ movie
    By: Efren Montano

    1170753673_sunshine-dizon_9.jpg
    Sunshine Dizon
    Mega couple, director Carlo J. Caparas and producer Donna Villa’s Bakekang, aired over GMA-7, remains to be No. 1 among all other teleseryes based on the latest surveys nationwide.

    Because of this, they plan to soon do a remake of Bakekang on the silver screen with Sunshine Dizon in the title role anew.

    The TV series has practically created the so- called “Bakekang syndrome,” which champions women’s rights and causes.

    It has also redefined the nature of women’s beauty and fighting spirit.

    “Natutuwa ang mga pangit ngayon at ’di na nahihiya,” claimed a fan.

    Based on latest surveys, Bakekang scores a high 33.4 percent in viewership share, besting the Robin Padilla-Angel Locsion starrer Asian Treasures (31.4 percent) and Jumong (30.4 percent), both GMA-7 shows as well. Ranking 4th is Atlantika (GMA-7) and ABS-CBN’s Maging Sino Ka Man (27.1 and 25.3 percent, respectively).

    “May Bakekang sa bawat babae, pangit man o maganda, dahil sa kagustuhang makaangat sa buhay, ma-recognize at manalo bilang isang respetadong nilikha,” said Direk Carlo.

    Bakekang symbolizes the struggle of every abused Filipina, who wants to fight for her rights.

    Tonight gathered that Donna and Direk Carlo, creator of comics classics such as Bakekang and Panday, plan to produce Bakekang the movie very soon.

    Direk Carlo remarked: “Sunshine fits the role to a ‘T’.”
  • Teleseryes that are made to be movies never make a big hit. Like Esperanza, Mula Sa Puso, or even Mulawin. Let's just see...
  • micamyxmicamyx PEx Influencer ⭐⭐⭐
    I'm excited! :)

    I'm sure acting award for Sunshine ito pag nagkataon *okay*
  • 1170753673_sunshine-dizon_9.jpg

    Sunshine Dizon, nambastos!

    Binastos ang mga mata ko!
  • Correct! wrote: »
    1170753673_sunshine-dizon_9.jpg

    Sunshine Dizon, nambastos!

    Binastos ang mga mata ko!
    sira ulo ka rin pala Correct noh!!!
  • keyellekeyelle PEx Influencer ⭐⭐⭐
    sana lang wag na si lovi ang krystal,hindi talaga bagay.
  • Correct! wrote: »
    1170753673_sunshine-dizon_9.jpg

    Sunshine Dizon, nambastos!

    Binastos ang mga mata ko!

    Ang taba na niya! Remember her Pirena days? :bop:
  • ambertookmeambertookme 🦅 Eagle Squad🏅
    si jonalyn viray ba ang bida sa movie?
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Sinjhael wrote: »
    Ang taba na niya! Remember her Pirena days? :bop:


    klangan kc sa role nya.. dhil nanay si bakekang dba? klangan tlga ataba sya? para mas mging kapani-paniwala ang kanyang pagpoportray sa charcater
  • Teleseryes that are made to be movies never make a big hit. Like Esperanza, Mula Sa Puso, or even Mulawin. Let's just see...

    I agree. Kaya marami nanoonod sa TV, kasi libre ang palabas, nasa bahay lang. Sa sine gagastos ka pa ng mahigit isandaang piso, para lang mapanood mo ang pelikulang alam mo na ang ending.

    Malabong maghit sa sinehan ang Bakekang.
  • talagang hindi ito mag-hit kung si carlo caparas ang mag-direk at sina lovi ang bida.
  • kung maganda ang script, pagandahin ang story at si joey reyes ang director, pwede sigurong kumita. kabado ko kay direk carlo caparas.
  • same here,baka magmukhang massacre movie ito pag si carlo ang director.
  • A big NO! :ayaw:
  • Feeling ko hindi na kikita pag ginawa itong movie.
    Wag na lang.
  • hataw to sa rating, di ba? bring it on...patunayan na marami talagang fans si Bakekang! hahahahaha mabastos kaya sya tulad sa Iloilo?
  • # !1 Din Ang Bakekang Sa Tate At Saka Ang Galing Umarte Ni Yas Bilang Charming

    Sa Mga Fans Ni Yasmien U Can Txt Me Sa 09062383501
    Ok Kapag May News Kayo Kay Yasmien
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Carlo Caparas still wants Sunshine Dizon to star in the film version of "Bakekang"
    Sunshine doesn't want Bakekang to become beautiful.

    Nora Calderon | Thursday, February 22, 2007 CF
    Carlo Caparas is planning to do a prequel of Bakekang for the big screen and he still wants Sunshine Dizon to play the lead role.
    Photo: Noel Orsal


    Marami pa rin palang kumukuwestiyon kay Sunshine Dizon kung bakit tinanggap niya ang title role sa primetime drama series ng GMA-7 na Bakekang. Bukod kasi sa pinapangit ang hitsura niya rito ay mayroon pa siyang dalawang anak na parehong 18 years old—ginagampanan nina Yasmien Kurdi at Lovi Poe—samantalang Sunshine is only 23 years old.



    "Age is just a number. As an actress, you need to play the role given to you. Kung iisipin ko ang age ko, sayang ang opportunity, mawawalan ako ng trabaho," paliwanag ni Sunshine sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during a mini-press con sa kanila ni Sheryl Cruz noong Tuesday evening, February 20, sa executive lounge ng GMA Network Center.



    "I must admit na kung tinanggihan ko ito, manghihinayang ako dahil maraming magandang nangyari sa akin habang ginagawa ko ang soap na ito. Masasabi kong nahasa lalo ang kakayahan ko sa mga dramatic roles dahil ito na ang biggest role na nagampanan ko so far.



    "Hindi ko pa po alam kung ano ang magiging ending ng Bakekang. May mga nagtatanong din sa akin kung gaganda raw ba si Bakekang sa ending. Kung ako po ang tatanungin, mas gusto kong hindi siya gumanda. Marami pang twists sa story, involving sa amin ng mga anak ko at kay Valeria [Sheryl], pero hindi ko pa nababasa ang buong script," sabi pa ni Sunshine.



    Para sa kanyang role bilang Bakekang ay kinailangan ding magdagdag ng timbang ni Sunshine. Pero ngayon daw ay nagsisimula na siyang mag-diet to lose weight.



    "Dati po ay 140 lbs. ako, ngayon 120 lbs. na lang," pagbabalita ni Sunshine. "Ang number one goal ko ngayon is to lose weight. Yung 20 lbs. na nawala sa akin since January, utang ko kay Dingdong Dantes.



    Ayon pa sa kanya, "Tinupad niya yung promise niya na after New Year, igagawa niya ako ng diet na hindi abrupt ang pag-lose ko ng weight. Siguro po, ito rin ang sinunod niya noong ginawa niya ang Atlantika na kailangan niyang mag-lose siya ng weight.



    "Yung first two weeks ko, ang kinakain ko lang, oatmeal sa breakfast, then chicken and vegetables. Then, saging saba and kamote saka fish.



    "Mahilig pa naman akong magluto ngayon, pero hindi po ako kumakain ng mga niluluto ko, ipinapakain ko sa staff at mga kasama ko sa taping. Kung may time lang ako, gusto ko talagang mag-aral magluto dahil dream kong magkaroon ng isang malaking kitchen.



    "Pero saka na po 'yon, halos wala po akong pahinga ngayon, kahit pagbabasa ng books, hindi ko na magawa. Nakita ko nga na ang dami ko palang books na hindi ko pa nababasa at nakabantay lang sa akin sa bedroom ko," nagbibirong pahayag ni Sunshine.



    Wala pa raw siyang bagong movie na gagawin, although sinabi na sa kanyang gagawan daw ng movie version ang Bakekang at siya pa rin ang gaganap na bida.



    "Thank you po kung totoo 'yon," sabi ni Sunshine. "Pero after po ng Bakekang, may bago na akong sisimulang show sa GMA-7. Wala pa lang po akong go signal na sabihin kung ano ang bago kong project na gagawin." (Balitang ang next project ni Sunshine for her mother network ay ang Impostora.)



    Habang ini-interview ng TV crew sina Sunshine at Sheryl, dumating at sinorpresa ng mag-asawang Direk Carlo Capara at Donna Villa ang dalawang Bakekang stars. Nagpasalamat si Direk Carlo sa suporta ng media at mga televiewers. Si Carlo ang lumikha sa karakter ni Bakekang.



    "Natutuwa ako dahil kahitmedyo late nang napapanood ang teledrama, nananatiling nasa number one ang rating nito. Alam ko, kasi araw-araw akong nakakatanggap ng rating mula sa staff," masayang pahayag ni Direk Carlo.



    "Dahil sa soap, lalong nakilala ang pagiging isang mahusay na aktres ni Sunshine. Kaya tuloy ang pagsasalin namin sa pelikula ng Bakekang, pero ang gusto ni Donna ay yung prequel ang gawin. Yung Book 2 na ipakikita kung sino ba ang mga magulang ni Bakekang. Gusto namin ay ang buong cast pa rin ng Bakekang sa TV version ang lalabas sa pelikula, hindi na ako mahihirapang idirek sila.



    "Hindi ako kundi si Donna ang makikipag-usap sa GMA Network at aalamin niya kung makikipag-co-produce sila o solo lang namin gagawin ito sa Golden Lions Films. Tamang-tama dahil magsi-celebrate na ng 21st anniversary sa March 12 ang Golden Lions Films," sabi pa ng writer-director.
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Bakekang ayaw paawat!

    Dondon Sermino

    DAHIL sa pamamayagpag sa ratings ng Bakekang mula sa simula, inspirado sina Direk Carlo J. Caparas at Donna Villa na isapelikula na ito ngayon.

    Kung si Direk Carlo ang masusunod, mas type niya na ngayong Marso na gawin ang pelikula, pero ayon kay Donna, mas maganda kung sa December Film Festival na lang ito isali.

    Sabi ng GMA 7, sa pangunguna ni Ms. Redgie Magno, sa timeslot ng Bakekang, wala pang teleserye na nakakuha ng mataas na ratings na nakukuha ng Bakekang hanggang ngayon. Kaya nga, hindi kataka-taka na ma-extend ito hanggang Abril, dahil tila mas lalong umiinit ang interes ng mga manonood sa TV. Oh, ‘di ba, ayaw paawat ng Bakekang sa pagrereyna-reynahan sa TV.

    Sa kuwento ni Direk Carlo, kung matutuloy na ang paggawa ng Bakekang sa pelikula, si Sunshine Dizon pa rin ang kukunin niya bilang Bakekang. Wala nga raw tatapat sa kahusayan ni Sunshine bilang Bakekang.

    Pero siyempre, ang book 2 ng Bakekang ang ilalagay nila sa pelikula. Magsisimula raw ito sa pinagmulan ni Bakekang, kung sino ang mga magulang niya, at kung bakit ganu’n siya kapangit.

    Siyempre, masaya si Sunshine sa desisyon na ito ng mag-asawang Donna at Carlo. Sulit na sulit daw ang pinaghirapan niya.

    Ang Bakekang nga ang maituturing ni Sunshine na pinakamalaking break na nakuha niya sa TV, dahil bagama’t hindi ito malaking proyekto na tulad ng ibang fantaserye ng GMA, humataw ito nang husto sa ratings.

    Bukod nga pala sa Bakekang, nakaplano ring gawin sa GMA 7 ang iba pang mga obra ni Direk Carlo tulad ng Angela Markado, Kamandag (pagbibidahan ni Richard Gutierrez) at Tasya Pantasya (na pinagbidahan noon ni Kris Aquino). May mga suhestiyon na si Michael V. ang kuning Tasya Pantasya kapag pangit na ito, at kumuha na lang ng ibang babae kapag maganda na.

    Siyanga pala, nakatakdang bigyan ng parangal si Direk Carlo sa Malacañang dahil sa kontribusyon niya sa paglikha ng magagandang kuwento sa komiks noon. (DONDON SERMINO)
  • kyupaybkyupayb PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Direk Carlo at Donna, vindicated sa ‘Bakekang’
    By: Ian F. Farinas

    Direk Carlo & Sunshine
    KUNG ang malalapit na kaibigan ng mag-asawang Carlo J. Caparas at Donna Villa ang tatanungin, vindicated ang mega couple dahil may nagsasabi mang ’di na-meet ng Panday ng Dos ang expectations sa ratings game, pumatok naman ang Bakekang ng Siyete.

    Katunayan, kinikilala ito ng bidang si Sunshine Dizon bilang “biggest break” ng career.

    Wala ngang pagsidlan ng kaligayahan sina Direk Carlo at Donna dahil hindi lang consistent top rater sa sariling time slot ang Sunshine-starrer, nakaka-tatlong extension na rin.

    Kaya naman this early, halos plantsado na ang plano na muling isalin ito sa pelikula, still with Sunshine and Sheryl Cruz (bilang kontrabidang si Valeria) in the cast.

    Kung walang magiging problema sa negosasyon ni Donna at ng GMA Films execs, malamang na simulan agad ni Direk Carlo ang shooting ng Bakekang movie bilang handog ng Golden Lions Films sa kanilang 21st anniversary ngayong Marso.

    Hindi pa sure, pero kung magkakasundo, maaari rin daw namang makisosyo ang GMA sa proyekto’t ihain na lamang ito sa Metro Manila Film Festival sa darating na Disyembre.

    Ayon kay Direk Carlo, creator ng Bakekang sa komiks, mas gusto niyang prequel ang gawin kesa sequel. Tatawagin daw niya itong Book 2 at mag-uumpisa ang kuwento sa roots ng mga magulang ni Bakekang.

    As is na rin daw ang magiging features ni Sunshine at hindi na babaguhin pa kung ano ang napapanood na kapangitan sa TV.

    Iri-retain din daw ang anggulo ng lovelife nito sa istorya para mas maging interesting at hangga’t pupuwede, kukunin din nila ang mga artista sa cast ng teledrama.

    Maliban sa bagong movie version ng Bakekang, sinabi rin ni Direk Carlo na nabili na ng GMA-7 ang rights sa iba pa niyang nobela, gaya ng Kamandag, na magtatampok kay Richard Gutierrez, Anghel na Markado, na pinagbidahan ni Hilda Koronel noon, at ang Tasya Fantasya ni Kris Aquino.

    Si Piolo Pascual naman daw ang dating napipisil ng Dos para sa TV run ng Tuklaw, pero hanggang ngayo’y wala pang konkretong usapan tungkol dito.

    Sa Marso, gagawaran muli si Direk Carlo ng Malacañang ng Presidential Merit para sa kanyang kontribusyon sa larangan ng komiks.

    Kahit marami ang nangungumbinsi, malabo raw pasukin nina Donna at Direk Carlo ang mundo ng pulitika.

    “Maraming nag-o-offer, may congressman, senador, but Carlo would rather stick to his craft,” pagdiriin ni Donna. “Meron talagang dapat maiwan, eh.”

    Wala raw silang tutol sa mga artistang kumakandidato as long as maganda at sinsero ang intensyong makatulong sa bayan.

    this might give sunshine dizon a grandslam best actress award
Sign In or Register to comment.