COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

noong bata pa ako..

ryanoneryanone unwanted PExer
:bop:



noong bata pa ako.. pumunta kami noon sa isang lugar na malapit sa amin para kumuha ng bunga ng aratilis.. mga 6 na bahay bago sa amin.. inaabot ko lang nun yung mga bunga kasi di ako marunong umakyat.. may nakita ako na pulang pula na bunga.. ini stretch ko yung kamay ko para makuha yung aratilis.. "konti na lang..ayan malapit..

splaaaaaaaaaaash!!
na out of balance ako nahulog ako sa kanal.. dahil sa ako lang may kasalanan nandamay ako para di lang ako mapagalitan.. sinabi ko na tinulak ako ng ate ko..

noong bata pa ako.. maaga akong pumapasok para makakapaglaro muna ako sa mga kaklase ko.. sipa yung paborito namin non..nakita ko sila na naglalaro, siyempre sumali ako.. pero bago ka makasali dapat ikaw muna ang taya.. game naman ako dun.. so ako yung taya.. 1,2,3,4,5 sabay sipa nila na malakas.. dapat masalo ko yun para sila naman ang taya..

eto na.. hinabol ko yung sipa para masalo ko.. takbo ako.. swoooooosh.. di ko namalayan na sa putikan na pala papunta yung sipa.. ang ending.. nag dive ang lolo niyo sa putikan... :rotflmao:

noong bata pa ako.. kasama ko noon ang 2 kong ate may bibilhin kami sa grocery.. sa may harapan ng grocery may kanal na maliit,sakto lang ang paa mo.. napasilip kami sa kanal may nakita kaming 1000.. syempre excited kaming makuha iyon.. pero umuwi muna kami at gumawa ng plano para makuha yung 1000 na walang makakakita..

so eto na iyon.. bumalik kami sa grocery.. sinadya kong ihulog ang aking tsinelas sa kanal para isasabay kong kunin yung 1000.. success.. pumunta kami sa isang tabi.. para tingnan yung 1000.. parang nawalang saysay yung pinag gagawa namin ng makita namin na may nakasulat na "play money" sa 1000... sayang ang effort ko..

noong bata pa ako.. grade 1 ako nun.. oras na para umuwi, siyempre bata pa di ako marunong umuwi mag isa.. eh na wee wee wee na ako.. pumunta ako sa cr may mga naglilinis.. nahiya naman ako.. pinuntahan ko na lang yung ate ko para yayain na siyang umuwi.. aba, busy daw siya sa paglalaro ng telebers telebers.. gusto ko na talagang umuwi.. ang ginawa ko nag wee wee na lang ako sa shorts ko.. sabi ng kalaro niya.. woi yung kapatid mo umihi sa shorts niya.. nyahahaha.. o e di nagmadali siya na iuwi ako.. :rotflmao:


noong bata pa ako.. inutusan ako ng tita ko na bumili ng sibuyas.. pagbalik ko bawang ang dala-dala ko.. :rotflmao:

noong bata pa ako.. grade 5 ako ng makakuha ako ng kauna unahang award sa buong buhay ko.. ang "most behave" siyempre excited ako pers tym eh.. tapos may tsismis pa na mayaman daw yung magiging donor ko..

awards night.. nakaupo ako kasama lola ko.. ng biglang tinawag na ang makakakuha ng most behave students.. tayo naman agad ako.. yun pala isa-isa muna tatawagan ang mga nakakuha ng award na iyon.. at huli pala ako..dahil sa kahihiyan umupo ulit ako.. hanggang sa pangalan ko na ang tinawag.. akyat ako sa stage sabay abot ng sobre sa akin.. pagbaba ko sa stage na excite ako na buksan ang sobre kung magkano ang laman.. hula ko mga 500 or kung mas galante siya mga 1000.. pag bukas ko ng sobre mukha ng isang sergio osmenia ang nakita ko.. hmp! mayaman nga kuripot naman.. :angry:


noong medyo bata pa ako.. nagwowork ako sa jolibee.. nasa crew room kami noon nag kukuwentuhan.. nakatayo ako malapit sa cr.. hala sige kwento kwento.. ng biglang may cashier crew na pumasok sa cr.. pagkasara ng pinto, parang may naramdaman akong kakaibang sensasyon.. yun pala nakaipit na yung tatlong daliri ko sa pintuan ng cr.. nyahaha.. sakit nun... :bop:



parang ang sarap muling balikan noong bata ka pa.. sabagay bata pa naman ako.. "batang isip nga lang" ahehehe!!


kayo ano yung kwento niyo noong bata pa kayo??
:D

Comments

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file