FEATURE ADJUSTMENT: The Flag button is temporarily unavailable for members. We are doing certain system adjustments as of the moment to prevent some users from abusing this feature. For reports, please message the moderators or email us at [email protected]
PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

ethel booba certified kapamilya star na! kapuso nagpabaya nga ba?

Totoo pala ang balitang nasa bakuran na ng ABS-CBN 2 ang comedienne na si Ethel Booba.

Pagkatapos mawalan ng mga shows sa GMA-7 si Ethel, bumalik muna siya sa paghu-host sa mga comedy bars. Ngayon, as her first regular show sa Kapamilya Network, kasali si Ethel sa drama series nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na Ysabella.

Hindi pa matukoy ng aming source kung ano ang role ni Ethel sa Ysabella, pero nakapag-taping na raw siya ng ilang araw. Happy raw ang comedienne dahil matagal din daw siyang hindi nakapag-taping ng isang show. Halos sabay kasing nagsara ang mga shows niya na Extra Challenge sa GMA-7 at Show Ko 'To...Pasiklaban ng Bayan sa QTV 11.

Matatandaan na isa sa mga inaalagaan na talents ng Kapuso Network si Ethel Booba. Naging instant favorite siya ng maraming televiewers nang maging contestant siya sa Extra Challenge. Isa siya sa pinagpilian para pumalit sa puwestong iniwanan ni Miriam Quiambao noon sa show.

Hindi si Ethel ang nagwagi kundi si Phoemela Baranda, pero ang comedienne ang naging Texter's Choice. Dahil malakas ang dating niya sa mga televiewers ng Extra Challenge, isinali pa rin siya sa show, kasama sina Paolo Bediones at Phoemela.

Wala ring takot si Ethel noon na ipagmalaki na marami siyang ipinaretoke sa mukha at katawan. Bago pa man magsulputan sina Angelica Jones at Alyssa Alano ay nakilala na si Ethel sa pag-murder sa English language.

Dalawang taon ding namayagpag sa TV si Ethel, pero unti-unting nabahiran ang kanyang pangalan dahil sa mga sunud-sunod na kontrobersiya na kinasangkutan niya. Una ay ang kumalat na sex video diumano nila ng basketball player-boyfriend niyang si Alex Crisano. Nandiyan din ang hindi magandang relasyon niya sa kanyang pamilya; ang pagkaka-link niya kay Andrew Wolfe; at ang walang katapusang away-bati nila ni Alex.

Hindi man aminin ni Ethel, nagkaroon ng malaking epekto ang mga kontrobersiyang ito sa career ng comedienne.

Ngayon na nasa bakuran na ng Dos si Ethel, marami ang umaasa na sana ay baguhin na niya kung anuman ang mga naging pagkakamali niya noon. Pagbutihan na lang niya ang kanyang trabaho dahil marami pa siyang ibigay gawin bilang isang host at komedyana.

Huling napanood si Ethel sa pelikulang Mano Po 5: Gua Ai Di ng Regal Entertainment bilang maid ni Angel Locsin.

Comments

This discussion has been closed.