COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Stylists na hindi naman talaga marunong mag-style

from HI MAGAZINE FEBRUARY 2007

STYLIST vs. SURVIVORS

:( Kawawa naman yung ibang kasali sa StarStruck The Next Level. In the name of styling or make-over kuno, pinaglaruan ang mga bagets, na dahil sa tindi ng ambisyong maging artista ay pumapayag sa kung anu-anong ka-ek-ekan, para "ma-transform" kuno sila into instant celebrities kuning-kuning.

Andyan yung "pinaglaruan" ang buhok ng mga bagets na akala mo ka-join sa hairstyling competition ang mga stylists. The worst ay yung i-cut ang buhok na ilang taon din pinahaba, na puwedeng pagkakitaan ng daang libo halimbawang sinuwerte nga at kuning maging shampoo endorser.

Last year, disimulado ang pagiging pasaway ni Jackie Rice nung umpisa ng StarStruck 3 dahil bagay sa kanya at pagkaganda-ganda niya with long hair. Pero nang sa ngalang ng "styling" at "make-over" ay putulin ang buhok niya, ayun, na-emphasize ang mala-Pinocchio niyang ilong at nagmukha siyang ordinaryong tisay.

Top winner nga si Jackie among the girls, pero dahil sabay ata sa buhok niyang pinutol ay naputol din ata ang "pagpapakabait" niya, kaya hayun, lumutang ang pagiging pasaway at boyfriendstruck niya.

(to be continued)...

Comments

  • SinjhaelSinjhael Member PExer
    PINGASING KILAY

    Sa batch 4, nang ipa-presscon ang Top 20 bago mag-new year, inakala naming pagkalikut-likot ni Kiko Junio, 16 years old, kaya may dalawang pingas ang kanyang kilay niya. Nang pansinin namin yun, saka niya sinabi na "in-style" daw yun ng stylist ng StarStruck 4 para sa image niyang bad boy. Birong reaction namin, baka gusto lang siyang matanggal agad, nung stylist dahil ang mga texters, generally, turn off sa mga bagets na barumbado, lalo't pingas ang kilay.

    "Sabi ng stylist, bagay daw sa akin, parang si Mark Herras", pangungumbinsi yata ni Kiko sa sarila, na iprinoject sa amin, dahil wala na siyang magawa nang mga sandaling yun.

    Dumating ang tanggalan night nung New Year's Even, ligwak nga si Kiko.

    Yun namang si Chariz Solomon, 17, na jologs na nga ang arrive ng kaseksihan, mas pinagmukhang tripleng jologs pa nang gupitang ala Carol Varga with matching full bangs at naging kamukha tuloy ni Giselle Sanchez.

    Na-out din si Chariz kasabay ni Kiko.

    Pinutol naman nang maigsi ang mahabang buhok ni Kris Bernal kaya na-emphasize ang kakulangan niya ng chin!

    (to be continued)...
  • SinjhaelSinjhael Member PExer
    ONE LINE

    Ang isa pang "sakit" ng mga stylists at makeup artists ng StarStruck ay ang hilig-to-da-max nilang pagmukhaing may edad ang mga girls sa pamamagitan ng one-line na kilay, kaya nagmumukha silang kontrabidang pang-horror. Akala ba namin ay mga bida at hindi kontrabida ang hainahanap ng search? Hay, naku!

    O sige "smiley" naman tayo!

    Nung presscon, okey ang pagkatrabaho ng hair stylist sa buhok ni Paulo Avelino, 18. Hindi na siya mukhang tomboy sa bago niyang haircut.

    Bagay rin kay Chad Burden, 20, ang bago niyang gupit, kaya lang, OA siyang mag-fundation at mag-eyebrow pencil. Sorry, out na rin siya.

    Sina Aljur Abrenica, 16, Prince Stefan, 17 at Dex Quindoza, 17, hindi gaanong pinakialamanng mga stylists. Maybe dahil swak na ang sariling style ng mga bagets na ito.

    Natural na simpatiko si Aljur at natural din kung ngumiti kaya natural ang pagiging batang hunk.

    Sina Prince at Dex ay both angst-ridden kaya nagmumukha silang mas mature sa edad nila. Kailangan nilang mas maging generous sa pagngiti para mas good vibes, mas positive, at mas lumapit sa kanila ang swerte.

    Okey rin ang personality ni Mart Escudero, 16, although kailangang i-trim nang konti ang palikpik ng kanyang nostrils.

    Among the girls, kailangan talagang magbawas ng timbas - at least 10 pounds! - ni Stef Prescott. Disturbing at distracting ang "lapad" niya nung presscon, na oo nga't 16 lang siya kaya raw may "baby fats" pero 16 years old din si Jewel Mische at wala naman yung mga "sobra" kay Stef.

    Si Jewel naman - na nabasa namin sa isang kolum ay pasaway daw kaya ayaw sa kanya ni Direk Louie Ignacio, member ng StarStruck Council - ay kailangang maayos ang posture, lalo na pag nakaupo, para magkarun ng ilusyon na mas matangkad siya sa height niyang 5'2''

    (to be continued)...
  • SinjhaelSinjhael Member PExer
    PORCELAIN BEAUTY

    Bukod sa magaling kumanta si Hazel Uy, 19, mala-porcelana ang kutis niya't pang-Asianovela ang beauty niya, na di dapat balewalain ng mga hurado at texters ng StarStruck 4! Kailangan lang niyang matutong mag-big-smile alang-alang sa kanyang career!

    Sexy at magaling din kumanta si Renee Lascu?a, 17, at siguradong marami siyang raket pagkatapos ng StarStruck 4. Pang-pageant ang dating, at puwedeng maging national beauty queen!

    Opinion naman ng isang broadsheet writer, si Lizzy Pecson, 19, ang may pinakamagandang mukha among the StarStruck 4 girls. Pretty face nga si Lizzy, pero biktima rin ng gunting ang pang-shampoo commercial din sana niyang buhok kaya bumilog ang face, lalo't naka-chin-down ang pa-posing ng photog sa kanya. Ayun, natsugi rin at 'di nakasali sa Final 14!

    Pang-beauty pageant din si Rich Asuncion, 17, pero mas lalabas ang beauty niya kung magbabawas siya ng mga 3 pounds.

    Sayang si Jean de Castro, 17, na natanggal din kasabay nina Kiko, Chariz, at Lui Perez, 19. Sa amin, mas may katanggal-tanggal (di namin papangalanan), na di lang yata agad tinatanggal for "news value" at hindi dahil sa anupaman.

    Pang-Asianovela rin ang dating ni Jan Manual, 20, na sweet version ni Marky Cielo. Yun nga lang, biktima rin siya ng masamang bangungot ng (hair)stylist na nag-streak ng gold sa kanyang buhok

    (to be continued)...
  • SinjhaelSinjhael Member PExer
    PANAGINIP AT REYALIDAD

    DREAM, pero hindi sana sila bangungutin ng katotohanang iba ang panaginip sa reyalidad!

    Believe, dahil kung kaya nina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Mike Tan, Ryza Cenon at Marky Cielo ay kaya rin ng mga bagets na ito, at posibleng mahigitan pa (ilusyon ba?) ang mga nabanggit!

    Survive para patunayang may mararating sila kahit maraming reporters sa presscon ang nagkomentong karamihan sa mga bagets ng StarStruck 4 ay hahanapin mo pa ang star potential!

    Tsuk!

    OVERALL COMMENTS ng HI! MAG

    Aljur - Simpatiko
    Jewel - Pasaway?
    Rich - Pang-beauty pageant
    Paulo - Di na mukhang tomboy
    Mart - The nostrils
    Jan - Biktima
    Jesi - Pards!
    Prince - Ngiti na ba 'yan?
    Stef - Malapad
    Kris - Mas pretty noon kesa ngayon


    Hazel - Pang-Asianovela
    Dex - Ngiti pa iho
    Dave - Look-alike
    Renee - Sexy na, singer pa

    Chad - Over sa "funda"
    Lizzy - Pretty. Lalo na pag naka-chin-up
    Chariz - Jologs
    Lui - Da haircut
    Jean - Sayang!
    Kiko - Casuality of "styling"

    ---THE END----
  • lilsweetcottonlilsweetcotton Queen Member PExer
    sino ba mga mention mo?
    baka naman its the other way around...magaling na stylist, swangit lang ang inii-style-an... :lol:
  • starczamorastarczamora Sissie DaToic PEx Moderator
    May kopya ako ng Hi! na 'yan. Hindi talaga maganda ang styling. Para silang sumasali sa isang hair competition (yung pinagtitripan yung buhok at make-up?), hindi artista.
  • SinjhaelSinjhael Member PExer
    ^ Yeah, agree talaga ako sa statement na ito: Kawawa naman yung ibang kasali sa StarStruck The Next Level. In the name of styling or make-over kuno, pinaglaruan ang mga bagets, na dahil sa tindi ng ambisyong maging artista ay pumapayag sa kung anu-anong ka-ek-ekan, para "ma-transform" kuno sila into instant celebrities kuning-kuning.
  • starczamorastarczamora Sissie DaToic PEx Moderator
    Kung sino man ang naggupit ng buhok ni Kris Bernal...

    kris-bernal-01-2006-12-30.jpg

    Dapat barilin :glee: Joke

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file