Home PEx Lifestyle Travel and Leisure
'Tis the season. Happy Holidays, PExers!

To All Travellers, Be Careful...

aze24aze24 PEx Influencer ⭐⭐⭐
Nagbiro na may dalang bomba, mag-asawang Pinoy inaresto sa HK

Ang Pilipino STAR Ngayon 01/11/2007

Inaresto at inilagay sa talaan ng blacklisted ng Hongkong Airport Police ang isang mag-asawang Pinoy matapos magbiro na may bomba ang kanilang dalang bagahe matapos silang sumakay sa eroplano sa HK patungong Maynila.

Nabatid kay retired General Angel Atutubo, AGM for Security sa Manila International Airport Authorty (MIAA) na pinadalhan siya ng mensahe ng HK Airport Police na beripikahin ang background information ng mag-asawang sina Joselito at Jo Daza.

Sinabi ni Atutubo, pasakay ng Cebu Pacific flight 5J-111 sa HK ang mag-asawa ng marinig umano ng flight attendant na si Joe David na may bomba raw ang bagahe ni Joselito.

Bago pa lumipad ang eroplano ay inaresto ng HK authorities ang mag-asawa at agad kinasuhan.

"Hindi ka puwedeng magbiro ng ganoon, kahit dito sa NAIA ay napakahigpit at marami na rin mga nagbibirong pasahero ang hindi pinasakay ng eroplano at kinasuhan. Ang kaligtasan ng mga pasahero ang importante," sabi ni Atutubo.

Hindi nagbigay ng iba pang detalye si Atutubo kung kailan babalik ang mag-asawa sa Pilipinas. (Butch Quejada)

Comments

Sign In or Register to comment.