Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.
Field Trip sa School: Noon at Ngayon
kwento naman yung mga nafieldtripan nyo dati at yung mga finifieldtripan ngayon ng kabataan.
naaalala ko nung elementary at high school yung mga pinuntahan namin sa mga field trips:
Coca Cola Plant (Laguna)
Magnolia Ice Cream Plant
National Museum
Planetarium
Ninoy Aquino Parks and Wildlife
Bahay ni Rizal
Fort Santiago
Ngayon: di na ako updated, una kasi wala na akong kapatid na maliit. Pero there was a time na may nakita akong bus sa expressway...ang byahe may banner ng GARDENIA (magsawa kayo sa tasty!)
Tapos last year, ginagawang field trip na yung MANOOD NG SINE NG HARRY POTTER and the GOBLET OF FIRE (true ito sa GATEWAY, may kasamang teachers pa with matching identical PE uniforms ang mga students).
Pero ito saksi ako...ang bagong fieldtripan ng bayan:
SM MALL OF ASIA (damn how time flies)
naaalala ko nung elementary at high school yung mga pinuntahan namin sa mga field trips:
Coca Cola Plant (Laguna)
Magnolia Ice Cream Plant
National Museum
Planetarium
Ninoy Aquino Parks and Wildlife
Bahay ni Rizal
Fort Santiago
Ngayon: di na ako updated, una kasi wala na akong kapatid na maliit. Pero there was a time na may nakita akong bus sa expressway...ang byahe may banner ng GARDENIA (magsawa kayo sa tasty!)
Tapos last year, ginagawang field trip na yung MANOOD NG SINE NG HARRY POTTER and the GOBLET OF FIRE (true ito sa GATEWAY, may kasamang teachers pa with matching identical PE uniforms ang mga students).
Pero ito saksi ako...ang bagong fieldtripan ng bayan:
SM MALL OF ASIA (damn how time flies)
Comments
Syempre nakarating na rin ako sa bahay ni Rizal, sa Intramuros, sa Luneta.
Ang pinagtataka ko lang, sa tinagal kong mag-aral sa private school, kahit kelan di ko narating ang Nayong Pilipino. :shrug:
...manila zoo
...luneta
...bsp
...coca-cola
...planta ng sinulid
...nayong pilipino
tapos diretso kami sa pansol laguna swimming sa hot spring.
sa public school kasi ako nag-elementary...
pag field trip, suki kami ng Nayong Pilipino, National Museum, Fort Santiago, Luneta, Quirino Grandstand, DOST sa Bicutan, Science Centrum sa UP Manila, Planetarium, Manila Zoo, Mongol, Amalgamated something (yung pagawaan yata ng Crayola)...
nung highschool, saka lang ako nakatikim ng field trip na out of town
Picnic Grove sa Tagaytay, Palace in the Sky, Rizal Shrine, Aguinaldo Shrine, Southwoods Ecocentrum, Malolos Church, Biak-na-Bato, Expo Filipino, Clark Air Base & Duty Free
ang madalas yata puntahan ngayon ng mga schools ay yung Avilon Zoo sa Montalban...
dito sa korea, may nakikita ako minsan buses ng mga japanese students na nagpi-field trip... naka-uniporme pa sila...
dagdag mo pa yung UP Los Banos..
sa mga bundok bundok dun
yung gatasan ng kalabaw
tsaka yung pagaawan ba ng lapis o kahoy? ba yun sa UP Los Banos
then yung sa Shagrila Noon... World's First Museum na sponsor ng colgate (HS na ako nun) me kasabay na exhibit nun sa SM Megamall... grabe.. naiisip ko tagal na pala ng Shangrila,Megamall at Galeria feeling ko kasi bago pa lang sila
Ngayon: Wowowee :rotflmao:
corregidor,bataan
enchanted kingdom(to understand the laws of physics)
never ending intramuros tour(since our school is located inside the walls of intramuros)so san agustin museum kami lagi
uhmm yun lang narerecall ko nung high school years *okay*
wax museum
"bayong" shopping sa shangri-la (to promote biodegradable bags(bayong) while shopping)
tapos nood classical plays sa PICC..
Subic and Baguio
Then sa Paris,France (pero di sumama whole class)
un lang...never kami nakapunta luneta or planetarium or national museum...sayang
magnolia ice cream plant
bsp
nayong pilipino
intramuros
casa manila
san agustin church
malabon zoo
ccp
quezon circle
national museum
malacanang
pero nung high school, para maging 'educational' daw talaga, pinagagawa kami ng paper tungkol sa mga pinuntahan namin. minsan pa, binibigyan kami ng assignment ng mga teachers. like sa science subjects namin, ang assignment eh gumawa ng paper tungkol sa procedure sa pag-manufacture ng something sa isang pinuntahan namin. back then, siyempre asar kami kasi ang korni, tsaka pampasira ng kasiyahan. but then again, may educational purpose naman talaga ang isang school field trip eh.
ang kakaiba eh nung last year namin ng high school. dun kami sa nayon ng kabataan, para makihalubilo sa mga less fortunate youth. we all left learning something new that day.
Elsie Gaches Village
nope, pero taga south din me...somewhere in para?aque... hehe
add ko rin...i just got back from tagaytay...may nagfifield trip parin dun...sa picnic grove, kahit maputik at umuulan...kaso wala akong napansin na teachers...pero naka pe uniform sila
Tagaytay lagi ang aming pinag fi field trip-an... hindi nga naalis yun sa listahan
Tagaytay Picnic Grove... Tagaytay Zoo... Tagaytay palace in the sky.. at kung ano ano pa...
pati yung sa may cubao yung ELEPHANTS WORLD... grade 6 kami nun ha.. pero para kaming BATA nun.. na pinag laruan n mga ELEPHANTS...:D
Pati na rin yung MUSEONG PAMBATA... hinding hindi na rin yan naalis....
well... howdy... mag field trip sa pinakamalapit na Lugar....
NAYONG PILIPINO rin... on my list!
noong highschool... wtf! zoo pa rin. tapos deretso kami sa batasan at natulog sa kongreso. hehe. nagkaroon muna ng activities bago magsimula yung session. pero noong nagstart na... ngyak, mas marami pa yung isang section kaysa sa mga present na tongressmen. kung pinayagan sana kaming mag-rally, di mas masaya! may kabuluhan pa ang field trip namen.
During my time, sa beach, monastery, lots of long long bus rides that take forever to get there. Then when you get there, we had to walk forever again. Ay nako, kaka pagod.