Home PEx Local Entertainment Showbiz - Female Celebrities
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

May Asim Pa: ♥ Madame Auring ♥ [part 1]

quarkdarkmarkquarkdarkmark Posher Than You'll Ever Be PExer
21bol6s.jpg
«1

Comments

  • quarkdarkmarkquarkdarkmark Posher Than You'll Ever Be PExer
    Madam Auring, ibinulgar na si Victor Wood!
    "Ginamit niya ako!"

    Jojo Gabinete

    GINISING kami ng tawag ni Madam Auring sa aming cellphone noong Easter Sunday.

    Parang Pasko na nabuhay ang manghuhula para magpasalamat sa artikulo na isinulat namin tungkol sa kanya, two weeks ago.

    Magpasulat uli tungkol sa mga bagong agam-agam niya sa buhay ang dahilan nang pagtawag sa amin ni Madam Auring.

    After five years, aaminin na raw niya ang katotohanan. Gimik lang daw ang rumored love affair nila ni Victor Wood.

    Ginamit daw siya sa publicity ni Victor para makabalik ito sa showbiz. Ayon kay Madam Auring, sawa na siya sa pagkukunwari. Napilitan daw siya na sabihin ang katotohanan dahil nakakainsulto ang mga sinabi ni Victor nang magkasabay silang mag-guest sa isang game show.

    Nainsulto si Madam Auring nang sabihin ni Victor na hindi ito papatol sa kanya dahil matanda na siya. Para sa manghuhula, mas hindi kapatul-patol si Victor dahil amoy kahoy na ito.

    Si Tita Swarding ang itinuro ni Madam Auring na isa sa mga makapagpapatunay na gimik ang love affair nila ni Victor. Kaharap daw si Swarding nang mabuo ang plano nila ni Victor.

    ***

    Bilang respeto sa edad ni Madam Auring, pagbibigyan namin ang kanyang pakiusap na isulat ng bukod ang pagbabakasyon nila ni Archie Mendoza sa Boracay Island noong Holy Week.

    Sa mga personality na nagpunta sa Boracay, milagrong sina Madam Auring at Archie lamang ang hindi nakunan ng roving TV crew. Sa tono na parang naba-bother, ikinuwento ni Madam Auring na iniintriga ang pagsusuot niya ng two-piece swimsuit sa beach.

    Ala-sais na raw ng gabi nang magpunta sila ni Archie sa beach pero nakilala siya ng mga tao at nakunan ng litrato. Matagal bago nakasagot si Madam Auring nang itanong namin ang araw na nagpunta sila sa Boracay at ang araw na bumalik sila ng Maynila.

    Para hindi na siya mahirapan na manghula, binago niya ang topic. Ganito ang takbo ng aming conversation:

    MA: Ay Jojo, alam mo ba ang cellphone number ni Joey de Leon? Gusto ko siyang tawagan eh.

    Ako: Ay hindi po. Manghuhula kayo di ba? Bakit hindi n’yo na lang hulaan ang number ni Joey?

    MA: Ay nako, ewan ko ba? Hindi ko mahulaan ang number kapag ako na ang may kailangan!

    Anyway, gustong iparating ni Madam Auring sa management ng GMA 7 ang pagnanais niya na makasama sa cast ng Darna. Marami raw ang nagsasabi sa kanya na bagay na bagay siya sa Darna at puwedeng-puwede siya na gumanap na bruha.
  • quarkdarkmarkquarkdarkmark Posher Than You'll Ever Be PExer
    Sex video nina Madam Auring at Archie, paningit sa mga sinehan?
    "Masusuklam sila sa akin dahil talo ko pa si Ethel Booba!"

    Jojo Gabinete

    NAKUMPLETO ang araw namin kahapon dahil sa pakikipag-usap kay Madam Auring na nagbabalak na magkaroon ng theater tour dahil nabalitaan niya na isinisingit daw sa mga sinehan ang rumored sex video nila ng kanyang boyfriend na si Archie Mendoza.

    "Naku Jojo, talagang iikutin ko ang mga sinehan dahil may nakapagsabi sa akin na isinisingit daw sa mga pelikula ang sex video namin ni Archie. Nagtataka ako kung paano kami nagkaroon ni Archie ng sex video eh maingat ako kapag nag-check in kami sa mga hotel.

    "May nagpakita sa akin ng sex video ng isang matandang babae pero hindi naman ako ‘yon! Magdedemanda talaga ako kapag nalaman ko kung sino ang nagkakalat ng sex video namin ni Archie," ani ng kontrobersyal na manghuhula.

    Halakhak kami nang halakhak habang nakikipag-usap kay Madam Auring, lalo na nang itanong namin ang mararamdaman ng mga tao kapag napanood nila ang sex video nila ni Archie. May pagnanasa ba na mararamdaman ang sinumang makakapanood ng imaginary sex video?

    "Naku, masusuklam sila sa akin dahil talo ko pa ang video ni Ethel Booba. Baka hindi na ako makalabas sa TV dahil siguradong iba-ban nila ako!"

    May duda si Madam Auring na bahagi ng rumored sex video ang kissing scene nila ni Archie sa Startalk. Isang fan daw ang nagpakita sa kanya ng Hi magazine na naglabas ng litrato ng torrid kissing scene nila ni Archie.

    Nabigla si Madam Auring dahil masyadong mapangahas ang litrato pero naghahanap siya ng kopya ng Hi. Sinabi namin kay Madam Auring na marami ang natutuwa at natatawa sa mga isyu na kinasasangkutan niya.

    Parehong-pareho sila ni Mahal na hindi nauubusan ng sinasagot na kontrobersya. Ikinuwento namin kay Madam Auring na noong nakaraang linggo, kumalat ang isyu na namatay na si Mahal. May balak ba siya na magkaroon din ng ganoong publicity para masapawan si Mahal?

    Sandaling natigilan ang manghuhula at nang makabawi, nag-dialogue siya ng "Ay, ayoko naman ng isyung ‘yon...Hindi maganda ha?"
  • quarkdarkmarkquarkdarkmark Posher Than You'll Ever Be PExer
    21d5387.jpg
    :wave: gandang umaga :wave:
  • quarkdarkmarkquarkdarkmark Posher Than You'll Ever Be PExer
    :flower:

    21d53l2.jpg

    :flower:
  • quarkdarkmarkquarkdarkmark Posher Than You'll Ever Be PExer
    :flower:

    21d5447.jpg

    :flower:
  • quarkdarkmarkquarkdarkmark Posher Than You'll Ever Be PExer
    :flower:

    21d54eg.jpg

    :flower:
  • quarkdarkmarkquarkdarkmark Posher Than You'll Ever Be PExer
    January 6, 2005: The MADAM AURING STORY
    Maalaala Mo Kaya, 16.5% vs. Magpakailanman, 20.5% *okay*
  • quarkdarkmarkquarkdarkmark Posher Than You'll Ever Be PExer
    "Minulto ni FPJ si GMA kaya umamin!" -- Madam Auring
    Jojo Gabinete

    NAG-IISIP kami kahapon ng mga showbiz personality na hihingan ng pahayag tungkol sa pag-amin at apology statement ni President Gloria Macapagal-Arroyo nang bigla kaming makatanggap ng cellphone call mula kay Madam Auring.

    Maraming sinabi ang kontrobersyal na manghuhula tungkol sa pagkakasangkot ni President Arroyo sa wiretapping scandal. Medyo sensitibo ang ilan sa mga pahayag ni Madam Auring kaya kami na ang nagkusa na i-sanitize ang kanyang mga binitiwang salita.

    "Jojo, hindi matatapos ni President GMA ang kanyang "terms". Nakita ko ito sa aking crystal ball. Magkakaroon din ng kaguluhan sa buwan na ito at sa July.

    "Kung ako ang adviser ni GMA, papayuhan ko siya na huwag munang umamin. May mga tao sa kanyang paligid na pinaamin siya dahil naiinggit sila. Gusto nila na lalong mapahamak ang presidente.

    "Hinulaan ko noon na mananalo sa eleksyon si GMA pero hindi ko na lang sinabi na may dayaan na magaganap. Basta ako, maka-Susan Roces na," ani Madam Auring.

    Sinabi pa ni Madam Auring na tinawagan niya kami agad para maisulat namin ang kanyang hula. Nag-aalala siya na baka may ibang manghuhula na mag-claim na sila ang naunang nag-predict na hindi matatapos ni GMA ang six year term nito.

    ***

    Seryoso ang boses ni Madam Auring habang magkausap kami. Mahigpit ang kanyang bilin na isulat namin ang lahat ng kanyang sinasabi para mapatunayan na totoo ang mga hula niya.

    Madam Auring: Minulto ni FPJ si GMA kaya umamin ito dahil nakonsyensya siya.

    JG: Paano po ninyo nalaman?

    MA: Napanaginipan ko!

    ***

    Nabanggit din ni Madam Auring na driving school ang bagong business nila ng kanyang pinsan. Pilit niya kaming kinukumbinsi na mag-enroll.

    MA: Sige na, mag-enroll ka na. Bibigyan kita ng discount!

    JG: Akala ko po libre?

    MA: Mas masarap ang hindi libre, ‘noh!

    JG: Ibig sabihin, bayad si Archie? (Mendoza, ang bagets lover ni Madam Auring).

    Hindi na sumagot si Madam Auring pero malakas na halakhak ang narinig namin mula sa kabilang linya.

    ***

    Sinubukan namin ang galing sa hula ni Madam Auring. Itinanong namin sa kanya ang aming birthday.

    MA: Hoyyy, ang nanay mo lang ang tunay na nakakaalam ng birthday mo, ‘noh!

    Para sa iba, hindi dapat sineseryoso si Madam Auring pero para sa amin, pampabawas siya ng stress.

    Sa dami ng problema sa paligid, malaking tulong ang karakter ni Madam Auring dahil nakakapag-provide siya ng katatawanan.

    Tama bang tiyakin niya na minumulto ni FPJ si GMA dahil ito ang kanyang napanaginipan?
  • vingovingo Banned by Admin PExer
    laughtrip to.. bwaahahahaha:lol::lol:
  • quarkdarkmarkquarkdarkmark Posher Than You'll Ever Be PExer
  • quarkdarkmarkquarkdarkmark Posher Than You'll Ever Be PExer
    Celebrities next as 'PBB' housemates
    http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=26240

    After the successful 111-day run of "Pinoy Big Brother" (PBB) that featured 13 ordinary people, it’s now the turn of celebrities to fill the house in Eugenio Lopez Drive in Quezon City, TV Patrol World reported Monday.

    The report said that PBB is set to kick off its "Celebrity Edition" in the first week of February.

    The special edition will last for six weeks. Personalities from showbiz, sports, modeling industry, as well as from the media will face and be with each other for the entire duration of the challenge.

    PBB executives are now in the process of selecting the 12 celebrity housemates. Another round of interviews among shortlisted celebrities will be conducted on Friday.

    Earlier reports said semi-retired sexy actress Rosanna Roces and TV host Amy Perez were among those who have auditioned for the hit reality show.

    Other stars, however, admitted that while they have enjoyed the program they do not find it easy being inside a house full of cameras.

    "I have to think about it, I am not sure if I'm ready to be watched by the whole nation that way," said Marvin Agustin.

    Sexy actress-turned-interior designer Carmi Martin, for her part said she finds PBB challenging though she might be the first one up for eviction.

    Actor-rapper Carlos Agassi, meanwhile, could only give hint on his interest in joining the show.

    "I would like to tell everyone that I am soon going into something different [but] I can't tell you yet what it is," Agassi said.

    Fortuneteller Madam Auring, on the other hand, said she regrets that the 40-year old age limit kept her from joining her favorite show. "Much as I want to, I could not join because I'm already 46," she said.
  • quarkdarkmarkquarkdarkmark Posher Than You'll Ever Be PExer
    ‘When I’m 61 . . .’
    http://www.asianjournal.com/?c=54&a=11699&sid=06f78b3104e7f5413f4bfd2c0b51b86c

    After incessant declarations that she’s only 46 years old, fortuneteller-slash-scandal magnet Madame Auring finally admitted on the Sunday night gab fest “Sharon,” that she’s 61 years old, but in a roundabout way.

    “I’m 16,” she fearlessly told the flabbergasted host, Sharon Cuneta. “But in reverse,” Madame added.

    “By the way, her eldest is 40 years old,” fellow guest Mystica interjected.

    “I had her when I was sixteen,” Madame Auring insisted on national TV.

    When Cuneta asked Mystica if she had ever undergone plastic surgery, Mystica unleashed another quotable quote. “These are real,” she said, describing her ample bosom. “Really expensive.”
  • quarkdarkmarkquarkdarkmark Posher Than You'll Ever Be PExer
    :flower: :flower: :flower:
    21bol6s.jpg
    :flower: :flower: :flower:
  • quarkdarkmarkquarkdarkmark Posher Than You'll Ever Be PExer
    Dra. Holmes ‘in’, Madam Auring dinedma sa sex education
    DOLLY CABREZA


    IPINAHAYAG kahapon ni Senator Pia Cayetano, chair ng Senate Committee on Health and Demography na maaaring irekomenda si Dra. Margie Holmes bilang ‘sex psychologist’ na mag-seminar sa mga guro na itatalaga para magturo ng ‘sex education’ sa mga kabataan sa pampublikong paaralan.

    Sa press conference, inirekomenda ni Cayetano si Dra. Holmes at pabiro namang tinanggihan nito si Madam Auring, dahil kung ito umano ang magtuturo sa mga guro ng ‘sex education’ ay maaaring maiba ang interpretasyon nito sa mga kabataan, na maaaring maging dahilan ng ‘population explosion’.

    Ipinaliwanag ni Caye-tano, na napakaselan ng ‘topic’ sa sex education kaya kinakailangan na may sapat na kaalaman ang mga gurong magtuturo ukol sa usaping sekswal, upang maging komportable at di-malagyan ng malisya ang isipan ng mga mag-aaral.

    Aniya, kailangan na alamin muna ng kanyang komite ang ‘status’ kung paano ito ide-deliber o ituturo ng health services na ‘reproductive’ at hindi mawawala ang ‘moral’ at ‘religious value’ ng mga kabataan.

    Ang ‘reproductive health’, ayon sa senadora ay may 10 components, kabilang na ang pagreretiro sa ‘maternal and child health’, men’s reproductive health, kaya nararapat lamang itong siliping mabuti ng kanyang komite.


    People's Taliba
    6/30/2006 18:31 PM
  • quarkdarkmarkquarkdarkmark Posher Than You'll Ever Be PExer
    :handsdown: Kagandahang Walang Kupas MADAME AURING! :handsdown:
  • quarkdarkmarkquarkdarkmark Posher Than You'll Ever Be PExer
    :flower:

    21d5447.jpg

    :flower:

    KAGANDAHANG KINAHUHUMALINGAN
  • clearskysunsetclearskysunset Sugo ni Kamatayan PExer
    x5ywro.jpg

    .....wahahahahahhaa
  • clearskysunsetclearskysunset Sugo ni Kamatayan PExer
    ano ba tong thread na ito?? wahhahahahahhaa :rotflmao:
  • quarkdarkmarkquarkdarkmark Posher Than You'll Ever Be PExer
  • iwoniwon wonbin fanatic PExer
    parang gusto kong maduwal hahahahah :rotflmao:

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file