Home PEx Family and Society Family, Friends and Society

falling for best friend?!!??!?!

kasi ganito un..
nakilala ko tong girl na to sa school... naging classmate ko sya pero ndi ko sya maxado naging ka-close...tapos bigla sya nag migrate dito sa US after 3 months of school.. (sa east coast...) tapos, after 4 months nung umalis sya, ako naman nag migrate dito sa US.. (west coast naman).... ndi ko sya sinusundan ok?.. bale family matters lang...:D

aun.. nung nandito na kami.. nagsimula kami mag usap online, sa fone.. halos everyday nga eh hanggang sa lumaki ng lumaki ung bill ko sa fone...
ngayon.. bestfriends kami.. pero parang nalalaglag ata ako...? :confused: pag shinishare nya ung tunkol sa lovelife nya..i feel so jealous!!!... para bang naiinis ako sa sarili ko.. na ndi ko sya naging ka-close nung nandun pa kami sa pinas, na ndi pa ako attracted sa kanya noon.. na ... argh! :confused: :depressed: :depressed: ndi ko talaga alam ang gagawin ko.. chaka... sabay anlayo pa ng agwat namin! (2900 miles) :eek:

waaa! ano gagawin ko..?? pano kung inlove na nga talaga ako sa bestfriend ko??...
tulong naman dyan o.. please?!:(

Comments

  • uptowngirluptowngirl PEx Veteran ⭐⭐
    Hi sohelpless!

    How old are you?

    Anyway, you have to find out truly if you're in love with your bestfriend. I don't see any problem in the distance. Love when it finds you worthy will find a way. ;)

    Sabi nga ng boss ko, kung tama ang nararamdaman, tama ang desisyon, ito ay may kaakibat na biyaya sa taas. He will help you make things happen.

    But before that, discern if you really are in love or just in love with the idea of falling in love with your bestfriend.

    :)
  • uptowngirl wrote:
    How old are you?

    bale... im 16, shes 15..
    uptowngirl wrote:
    But before that, discern if you really are in love or just in love with the idea of falling in love with your bestfriend.
    un lang.. how can you tell the difference?... parang pareho lang eh
  • be very careful, you might lose your best friend. but then again, she might feel the same way about you. try to get more hints...

    tell her that ohhh there's this girl that you like and blah blah.. see how she reacts.
  • flimmeryrose741flimmeryrose741 PEx Rookie ⭐
    silly, that is not love. You just need her thats all. Part of homesickness. You become disillusional.
  • orangepinkorangepink PEx Veteran ⭐⭐
    uptowngirl wrote:
    Love when it finds you worthy will find a way. ;)

    good quote! *okay*
  • akosilesterakosilester PEx Veteran ⭐⭐
    been there...ahm...still there...:lol:

    kaya lang ninong na ako ng anak nya eh :mecry:


    she's still the 3rd most important woman in my life...
    :lol: talagang may ganito pa (1st nanay ko, 2nd lola ko) :lol:


    if you are willing to risk your special friendship with her, then tell her...
    but you should be sure of your feelings & decision...
    who knows, she'd reciprocate it more than what you expect...

    if you are content of being outside, looking in...just be a great friend for now...;)
  • mahirap yan --- baka masira friendship.
  • alam mo dude it also happened to me once medyo naguluhan ako sobra sweet kasi sa kin ng bestfriend ko the reason why i fall in love. Siguro try mo mag open up and respect whatever her decision.

    Mga Sis and Bros sali na kayo sa bago pinoy version ng friendster, Libre to at madali lang sumali. sigurado marami kang magiging kaibigan.
    FRIENDSTER, PINOY VERSION TRY MO! Click me :)
  • sohelpless wrote:
    bale... im 16, shes 15..
    I don't mean to discriminate against your age but...
    You're still very young. And it's not just about the age too. I mean, if you're still asking about how to tell the difference, then I think you're not ready for a serious relationship.

    Kwento ko lang... I had a couple of friends who were actually a couple. They started being bf-gf in their freshman year in college, probably age 16-17 and their relationship lasted for maybe 7 years. Nag-break sila because of a third party on the girl's side, pero the girl said to the guy "Kung tayo talaga, magiging tayo pa rin." For a few more years their relationship was more of a more-than-friendship thing. But in the end, hindi rin naging sila even if they loved each other so much.

    Anyway, the reason I'm telling you that story is that I believe what my friend said: "Kung kayo talaga, magiging kayo pa rin." So siguro ang sasabihin ko na lang sa yo, wag kang magmadali. Your whole life is still right in front of you. Enjoy it. When the time comes for you to be serious, you'll know... and you'll be wiser and much more ready for whatever happens...

    In the same way, your friend is also still very young. Her whole life is still in front of her too. Don't you think it would be selfish to deprive her of the opportunity to experience so many other things in life by hooking up with her and getting into a serious relationship (should she feel the same way)?

    Wala lang... andami ko nang sinabi... I just hope you think about it. :)

    Tongue.gif
  • uptowngirluptowngirl PEx Veteran ⭐⭐
    orangepink, I think I read that somewhere... hehe.

    sohelpless, I think Ate Mariel is right. You're still very young. I don't mean to imply that because of your age, you are not capable of loving. In truth, love has its own quirks and age doesn't really have anything to do with it. I say, take it easy. Take your time. Enjoy each other's company and nurture your friendship. Love will come in it's own sweet time. What's the rush? You have a full life ahead of you.
  • selphie87selphie87 PEx Rookie ⭐
    hello! ^_^ makikijoin lang! tama sila, bata ka pa, baka yan yung tinatawag na "puppy love" o kaya naman "infatuation"... ako din magkukwento! ^_^ ganyna din kasi ang sitwasyon ko ngayon eh! may konting changes lang! ^_^

    ako naman po, i met him nung 1st year college, 2nd year na po kasi ako ngayon (19 years old na po ako.) eh first day ng classes, may nakilala akong girl, tapos nagkataong pareho kami ng dinadaanan pauwi, kaya sabay kaming nag-jeep, then sumakay si guy (dun namin siya nakilala) ayun kumain kami sa tokyo-tokyo, eh sa kasamaang palad, nagkaroon ng conflict sa friendship nung girl na kasama ko tsaka kay guy... kaya ako na ang parati niyang kasama although lumayo ng kaunti si girl sa amin... dun na nagsimula, naging best friend ko siya kasi pareho kami ng iniisip, pareho ng gustong gawin, sabay pang umuuwi. eh sa sobrang closeness namin natsitsismis kami dito sa school, na kami daw ay may "relasyon". eh ako before wala naman akong gusto sa kanya sinabi niya sa akin na pagtripan daw namin ang mga classmate namin so mag-aact kami na kunyari "kami" aba naniwala naman yung mga classmate namin... pero tinigil din namin... tapos habang nagtatagal eh unti-unti ko na siyang nagugustuhan in short na-inlove na ako (yata.. di ko alam kasi baka mamaya infatuation lang...pero iba kasi yung feeling na ganito eh... first time ko lang naramdaman) ... pero pinipigilan ko... ayaw kong sabihin kasi nga baka masira ang friendship namin sayang naman diba... tsaka naalala ko may sinabi siya before na ayaw niyang magkaroon ng relationship sa bestfriend niya.. kaya lalo kong tinago... so hanggang ngayon eh best friend ko pa din siya... nahihirapan na nga ako eh.. pero i'm trying to hold on... naiinis nga ako eh kasi may mga tawagan din kami... actually hindi lang ako almost buong klase may tawagan... kaso siya may tinatawag na "beb" dun sa klase... pero inopen up niya sa akin na di daw nya trip yung girl... pero kahit na alam kong ganun... grabe pa din ang selos ko pero tiis lang... then one day may sinabi yung tita ko about sa scholarship sa ibang bansa (japan), eh pangarap ko yun eh.. kaya mag-aapply ako... pero i have two reasons bakit ko gagawin yun... una, kasi pangarap ko talagang makapunta dun sa japan... then second dahil sa kanya... kasi the more na nakikita ko siya the more na nasasaktan at nahihirapan ako... everyday pa kaming magkasama, sabay umuwi... di ko kasi mabasa kung ano yung mga nasa isip niya ang hirap basahin ng kilos niya...

    pero dati naalala ko nung may kasiyahan dun sa bahy ng classmate ko, edi siyempre naginuman sila, accidentally natawag ako ni bestfriend ng "bhe" na actually ikinagulat din niya... kaya gulong gulo na ako... pero kaya pa naman... hihihi ^_^ tama naman yung ginagawa ko diba? hide ko na lang yung feelings ko hangga't makakaya ko pa? ^_^
  • What's wrong on falling for best friend? Love pa rin yan.


    You are the Way the Truth and the Life
    We live by faith and not by sight for You
    We're living all for You
  • selphie87selphie87 PEx Rookie ⭐
    ya...it's still love... pero diba malaki ang possibility na magbago nang dahiol lang dun... that's why some people, hindi na lang talaga sinasabi, just for the sake of their strong friendship... swerte na lang kung mahal ka din nung friend mo diba...
Sign In or Register to comment.