FEATURE ADJUSTMENT: The Flag button is temporarily unavailable for members. We are doing certain system adjustments as of the moment to prevent some users from abusing this feature. For reports, please message the moderators or email us at [email protected]
PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

nawawala sa sarile

shonenshonen knife PExer
gusto ko lang magtanong sa kapwa ko kung nangyari na sa inyo yung ganito...

pag nasa labas ako eg mall, parking lot, palengke, at iba pang matao na lugar, nawawala ako sa sarili ko. parang bigla ako lumabas sa katawan ko tulad ng astral projection pag nanaginip tayo. pero ito gising biglang nawawala ako sa sarili ko. or di kaya phobia sa tao o labas dahil matagal kasi ako di lumalabas ng lungga paglabas ko nawawala ako sa sarili.

napansin na rin ng pamilya ko yun, halimbawa binaba nila ako sa grocery para bumili tas nasa parking lot sila, natatandaan ko san sila pumark pero di ako makabalik o naliligaw ako kasi lumalabas nga ako sa sarili (astral projection feeling), nahihirapan ako makabalik.

(pakilipat po sa ibang froum kung di pang buhay noypi) nawawala din sa forum ang topic :lol:

Comments

  • kabitNIshaiderkabitNIshaider Member PExer
    nawawala ka nga hija:bop:
  • sweetshey79sweetshey79 ******* PExer
    dala ka lang na map para di ka mawala. . .
  • baklitabaklita taas kilay PExer


    sa susunod ng iyong astral projection... magpatali ka pra di ka makakalas
    sayong katawan. bka sayong kaluluwa lasing ka noh! takutin mo angyong
    bungangerang kapitbahay ha! hitsura mo ba momoh?

    aihihihi!!! :)

    baklita


  • speekaspeeka Full-time Lurker PExer
    uy nangyayari saken yan. yung tipong pag mag-isa ako tapos naglalakad.. parang feeling ko panaginip lang ang lahat. ganun. basta parang dream lang. i know what you feel. pero alam ko naman kung saan ako pupunta , kung nasan ako at hindi naman ako naliligaw.heheh.
  • shonenshonen knife PExer
    kala ko nag iisa ako. salamat sa reply speeka. thanks din baklita aihihihi and kabitNishaider & sweetshey79.

    speeka, madalas pag mag isa tayo maglakad no? pero kung may kasama di naman. lalo na sa mall, ang colourful, madami tao, ibat ibang sounds, kulay ng lightings, at kung ano ano pa designs, nakakawala sa sarili. parang panaginip na humiwalay ka sa katawan mo, yung view mo sa paligid tulad ng astral projection.
  • babygurl_archerbabygurl_archer walking contradiction PExer
    ^ yeah sometimes i feel that. but not to the point na di ko alam kung san ako pupunta. hehe. when you tend to think about something else and mag isa ka and pag medyo antok ka (ako ganun), it happens to me. most likely when im at work. i feel like im sleeping but im working.
  • 24242424 Guest PExer
    baka naman pangitain na yan na malapit ka na mamatay?? **knock on wood**
  • 24242424 Guest PExer
    or baka naman humuhiwalay talaga yung soul mo sa body mo? yung body mo naiiwan kaya feeling mo wala ka sa realidad?? sa susunod na hihiwalay ka ulit siguraduhin mo na makakabalik ka kasi mahirap na hindi makabalik sa sariling katawan.
  • kympaxkympax yeah yeah yeah... ✭✭
    baka ang nararamdaman mo is ecstasy or euphoria kaya parang lumulutang ang pakiramdam mo lalo na kapag nakakakita ka ng pleasant sa paningin mo... i have the same feeling kapag umiinom ako ng 5 tasa ng matapang na kape, para kang high or lasing na hindi mo maintindihan... tapos lahat ng sinasabi ko eh sinasabi ko na lang na hindi ko na pinag-iisipan...

    usually pag ganyan nawawala ang sense of balance mo kaya minsan parang hindi mo nararamdaman ang katawan mo... di kaya may sakit ka sa tenga (madalas bang may umuugong sa tenga mo) dun kasi ang sense of balance natin eh... nanay ko kasi may sakit sa tenga (medyo may edad na sya), parang bigla na lang daw siyang umaalis sa katawan niya saka tumutumba...

    iba yung nararamdaman sa antok ha... ang antok kasi may tendency na makatulog... ang sinasabi siguro ni shonen yung feeling na parang wala kang katawan tapos guma-glide ka na lang sa hangin lahat ng sinasabi mo at ginagawa, eh ginagawa mo unconsciously pero nase-sense mo na ginagawa mo nga iyon... dalawang beses ko nang naramdaman ang ganun... nyway, ituloy mo lang ang pag-gala sa mall, baka kasi nanibago ka lang kaya naoverwhelm ang pakiramdam mo, pero pag ganun pa din pa-check ka na sa doktor...
  • narutrixnarutrix Pagla2kbaySmundoNgKawalan PExer
    baka nga astral projection yan... it happens sometimes pag relaaxed talaga ang utak mo. you might want to contact professionals in this field, or if you prefer to seek the opinion of psychiatrists/psychologists, you might want to post this question in the What's Up Doc? forum *okay*
  • kympaxkympax yeah yeah yeah... ✭✭
    or baka naman may ginagawa ka sa lungga mo ha... "are you in drugs?" hehehe joke lang po...
  • baklitabaklita taas kilay PExer


    ang alam ko sa astral projection ay humihiwalay angyong "kaluluwa" sa
    katawan at gumagala kahit saan. nakikita mo angyong sariling katawa.
    pro ang astral projection ay nagaganap kung tulog ka.

    tungkol sayong karanasan... prang mas conscious ka sayong sarili kahit
    nawawala ka sa orientation. ikumusta moko kay dr jose rizal ha?

    aihihihi!!! :)

    baklita




  • r2d2_v2r2d2_v2 Member PExer
    baka naman you got yourself too busy with daydreaming up to the point where having a good grasp of reality, if ever the need arises like being in a parking lot or in a mall, has suddenly become a tedious task for you to carry hindi kaya?

    It's always nice to go back to reality once in a while, even if you have finally secured a visa in the fantasy world.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file