Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Big Brother Manloloko!!!!!?????

GRANDMASTERSONGRANDMASTERSON Tsinoy.com F0RUM EMPEROR PExer
Brenda's case:)
.
what do you think guys, about the article?:):bop:

Comments

  • GRANDMASTERSONGRANDMASTERSON Tsinoy.com F0RUM EMPEROR PExer
    Big Brother, MANLOLOKO! :bop:




    Jojo Gabinete

    MALINAW na panloloko ang ipinagawa ng Pinoy Big Brother Teen Edition staff kay Brenda Fox, ang 16 year-old PBB teen housemate na tinawag nila na Amazing Amerasian.

    http://www.abante.com.ph/issue/may1...-Brenda_Fox.jpgNang pumasok si Brenda sa PBB house at nag-umpisang hulaan ang mga housemate, nagduda kaagad kami na hindi siya tunay na psychic. Kitang-kita sa itsura at mga kilos niya na parang may gumugulo sa kanya.

    Isa-isang hinulaan ni Brenda ang kanyang mga kasama. May mga drama pa si Brenda na nakakarinig siya ng maraming boses bago niya nahulaan ang mga birthday at pangarap ng mga bilib na bilib na housemates.

    Noong Biyernes ng gabi, mismong si Mariel Rodriguez ang nagkuwento na nakatanggap sila ng maraming text message mula sa viewers tungkol sa pagiging psychic ni Brenda.

    Kung nahuhulaan daw ni Brenda ang mga edad at ambisyon ng mga housemates, bakit hindi niya nahuhulaan ang mga task na ibinibigay ni Big Brother?

    Napilitan ang show na i-reveal ang katotohanan, isang pekeng psychic si Brenda.

    Na utos ni Big Brother ang pagpapanggap ni Brenda bilang psychic para makuha niya ang trust ng mga housemate na unang pumasok sa PBB house.

    Pumalpak si Big Brother at ang mga think-tank ng programa!

    Maraming paraan upang makuha ang trust ng kapwa. Paano magkakaroon ng trust kung may sangkot na panloloko sa simula pa lang?

    Menor-de-edad (16 years old) si Brenda. Naisip ba ng think tank ng show ang mental at emotional stress ni Brenda na napaiyak dahil alam nito na mali ang ipinagagawa sa kanya pero wala siyang choice dahil utos ni Big Brother?

    Ano ang mararamdaman ng mga housemates na naniwala, bumilib at nagbigay ng complete trust nila kay Brenda?

    Higit sa lahat, niloko ng programa ang televiewers na pilit nilang pinaniwala na may psychic ability si Brenda.

    Palaging ginagamit ni Big Brother ang salitang trust o pagtitiwala sa mga task na ipinapagawa niya sa mga housemates, pero siya mismo ang sumisira ng trust na sinasabi niya.

    Tinanggalan ng kredibilidad si Brenda sa murang edad. Sino pa ang maniniwala sa kanyang mga sasabihin? Palagi na lamang siyang pagdududahan dahil mahusay niyang nagampanan ang pagiging pekeng psychic.

    Hindi kami magtataka kung umani pa ng pagbatikos ang PBB Teen Edition dahil kahit saang anggulo tingnan, panloloko sa mga teen housemate, kay Brenda at higit sa lahat, sa publiko ang ginawa ng program staff.

    Si Jillmer Dy ang Chief Story Editor ng PBB Teen Edition. Bakit nakalampas o hinayaan ni Jillmer ang isang panloloko na siguradong makakaapekto sa kanilang show?

    Inilalantad ng XXX (show nina Julius Babao, Karen Davila at Henry Omaga-Diaz) ang iba’t-ibang klase ng scam at fraud. Ilantad din kaya nila ang scam na naganap sa PBB house?


  • AliasmarqAliasmarq Taga Capiz Ako PExer
    bobo lang ang di nakakaalam na Brenda was oriented by Big brother and iy was one of his tasks fro Brenda. In short Jojo gabinete is bobo
  • XpialidociousXpialidocious Member PExer
    sa tingin ko may mali pa rin sa ginawa ni BB kahit san anggulo mo tingnan... dahil nasaaalang alang ung credibility ni brenda kahit na sabihin nang task lang un... ako nung pinakita ung commercial na may psychic powers si brenda, i really doubted that it's true. dahil kung susuriin marami ring flaws sa ginawa niya...
    halimbawa ung birthdate di ba nahihirapan siyang makuha.. pero ung mga dreams parang ang dali dali niyang mabasa (kunwari) sa isip ng mga co hm...
  • asher_kyleasher_kyle We are built for change. PExer
    medyo nainis nga ako kay big brother...
    kasi marami namn talagang ibang ways para ma-gain ung trust and pagkilala ni brenda sa co-housemates nia...
  • emericemeric No te quiero hablar PExer
    I knew from the very beginning that it was just a task.

    Pero sa huli, mas naawa ako kay Brenda. She was asked to choose between two things: obey BB and continue with the task or ignore BB's task and be sent out of the house (o sa case niya, maaaring hindi na siya pinapasok pa sa house from the very beginning).

    Maybe she needs the money too.
  • *tschaiako07**tschaiako07* GaGa Live in Manila 08-11! PExer
    i lav brenda..she looks like marla body of scq2
  • abscbn_now!abscbn_now! Member PExer
    :angry: nakakainis si big brother :angry:
  • GRANDMASTERSONGRANDMASTERSON Tsinoy.com F0RUM EMPEROR PExer
    sa tingin ko may mali pa rin sa ginawa ni BB kahit san anggulo mo tingnan... dahil nasaaalang alang ung credibility ni brenda kahit na sabihin nang task lang un... ako nung pinakita ung commercial na may psychic powers si brenda, i really doubted that it's true. dahil kung susuriin marami ring flaws sa ginawa niya...
    halimbawa ung birthdate di ba nahihirapan siyang makuha.. pero ung mga dreams parang ang dali dali niyang mabasa (kunwari) sa isip ng mga co hm...



    choice ni brenda rin yun, puwede niyang tanggapin o hindi.......pero sa tingin ko, may mali rin sa task na yun!:)
  • mrCuteVoicemrCuteVoice Member PExer
    just another column feed, what can uoy expect sini ba sumulat nito? eh jahit kelan yata walang nabuting sinabi tong baklang to sa abs-cbn!
  • brown-foxbrown-fox Maroon. PExer
    kahit na column feed pa yan mali pa rin ang ginawa ng PBB. pwede namang ibang task, bakit pagsisinungalingin pa si BRENDZ?
  • ExtraCTExtraCT Banned by Admin PExer
    all for the sake of ratings game, gusto na naman kasi nila mapag usapan ang show, kaya yun, gumawa na naman ng kapalpakan si BB.. :lol:
  • -=+cZaRiNa+=--=+cZaRiNa+=- Member PExer
    oh yeah... dapat magpagawa ng bagong task si Big Brother para mapag-usapan ulit..:glee:*peace*:lol:
  • jackjack Cebu Blogger PExer
    sus..napakserious naman ninyo...kahit they are in big brothers house..those teens are acting..;) in short pbb is just an act..enjoy it kung ayaw nyo then lipat channel..:)
  • LEE23LEE23 Member PExer
    nakanood ako kahapon.

    Napa-:yuck: na lang ako. Big brother is so hypocrite. Pati mga batang may sakit, ginagamit sa show para lang mag-invite ng viewers. Sheesh!

    :vomit:
  • xxintxxxxintxx Member PExer
    Bobo lang nagbibigay ng ibang kulay sa pinag gagawa ni big bro!!! wakokokoko
  • renzrenz Banned by Admin PExer
    LEE23 wrote:
    nakanood ako kahapon.

    Napa-:yuck: na lang ako. Big brother is so hypocrite. Pati mga batang may sakit, ginagamit sa show para lang mag-invite ng viewers. Sheesh!

    :vomit:

    ratings na naman ang rason mo inday lee-bag? bwahahaha! lahat ng gawin.. para mag invite ng viewers at para mataas ang ratings. di ba inday? lol!

    kunsabagay, sayang ang bayad pag hindi ka makatira. lol! :naughty:

    ano na naman kaya ang susunod na thread na bubuksan mo para makapanira lang sa abs? hehe.
  • harvy1234567harvy1234567 Banned by Admin PExer
    meron pa pala n2:lol:



    ...................nyahahahahahahahahahahaha
  • Correct!Correct! I must not tell lies PExer
    LEE23 wrote:
    nakanood ako kahapon.

    Napa-:yuck: na lang ako. Big brother is so hypocrite. Pati mga batang may sakit, ginagamit sa show para lang mag-invite ng viewers. Sheesh!

    :vomit:
    Ano naman ang hypocritical dun?

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file