Home PEx Family and Society Family, Friends and Society

Tanong Lang...

Hmm.. hihingi lang po ng advice...

kasi ganito yun... yung bestfriend (A) ko (since grade 1), medyo nagbago na simula nung pumasok kami ng HS... para bang andami na nyang pinoproblema masyado. Since nung mga August, hindi na sya kumakain... hunger strike daw kasi medyo tinamaan sya sa isa pa naming bestfriend (B) na bakla (actually hindi lang medyo)... nung nalaman ni "B" yun, hindi na nya pinansin si "A" kaya yun, hindi daw sya kakain ng maayos hanggang hindi sila nagbabati. Tapos ngayon naman, yung tungkol isa pa nyang close friend (C). May nasabi syang sikreto na hindi nya naman daw sinasadya... pero nagalit sa kanya si "C". Kaya ang ginawa nya, naglaslas sya... wala naman daw syang balak magpakamatay, gusto nya lang ipakita kung gaano sya ka-sorry kay "C" kaya gumagamit sya ng scissors para i-carve yung word na "sorry" sa braso nya. Pinatawad na daw sya ni "C" pero hindi na tulad ng dati yung friendship nila kaya tuloy parin daw ang pag carve nya ng sorry hanggang maibalik yun. At isa pa... this year lang, andami na nyang naka-fling... which I think is her way para kalimutan si "B"... ilang beses na syang nasaktan dahil sa pag-ibig (daw). So shempre, being her longtime bestfriend, alam ko kung ano ang mga gusto at ayaw nya at alam ko kung pano sya i-handle. Pero ngayon, if ever subukan ko syang pigilan gawin yung mga kalokohan nya, maiinis sya at sasabihin nyang "asan na yung supportive friend na nakilala ko dati?!"... so yun, balik ako sa pagiging faithful and supportive sidekick na nanonood lang habang ginagawa nya ang mga bagay na hindi nya naman dapat ginagawa. Pero dahil nga may sarili syang circle of friends at ako naman meron din, hindi na kami masyado nakakapag-usap... tinatakbuhan nya lang ako pag may nagawa syang ayaw nyang makarating sa parents nya (pag nalaman kasi ng ibang friends nya, baka daw sabihin sa magulang nya)...

So yun nga po... ano gagawin ko? Kung pinaalam ko sa parents or other friends nya yung ginagawa nya, baka ma-feel nya na wala na syang matatakbuhan na magtatago ng mga sikreto nya... Pag sinubukan ko syang pigilan, baka ma-feel nya naman na wala na syang "supportive friend" na tatangapin sya at ang mga ginagawa nya... worried lang ako kasi kung sa age nya ngayon nagagawa na nya yung mga bagay na ginagawa nya (13 lang po kami)... pano kaya kung matanda na sya diba?

Comments

  • If you support your friend eventhough he's already doing the wrong things, then you're not a friend at all. If you truly believe that what he is doing is wrong, you should talk to him and make him understand.

    Your friend has a problem. Carving the word sorry in his arms means he's disturbed. He needs help!

    Wag kang maging gasolina na dumidikit sa lumiliyab na apoy.

    At this point, I would suggest that an adult talk to him. Preferably his parents but not necessarily. The important thing is mailabas ng friend mo ang nararamdaman niya. That's how healing starts.
  • putingulap is right...

    being a friend doesn't mean you always support what she does... you'll only know that she is your true friend if you're able to tell her what she NEEDS to hear and your friendship is not compromised.
Sign In or Register to comment.