Home PEx Family and Society Parenting 101
'Tis the season. Happy Holidays, PExers!

Who experienced miscarriage here?

i am 2 yrs married at twice na rin akong nagmiscarry (April 2004 and August 2005). kaya hanggang ngayn wala pa rin kaming baby. gusto na talaga namin kaso natatakot ako kasi baka mangyari na naman. i undergo test pero wala namang nakitang reason kung bakit nangyari iyon.. normal naman lahat.

meron ba ditong naexperience din ang ganito then later naging okey naman ang nxt pregnancy.

share naman kayo.... at refer niyo naman good OB. :)

thanksss ;)
«134567

Comments

  • hi there just take it easy kasi ikaw naranasan mong mabuntis ako nga e mag wa-1 year na kami ni mister di pa rin kami nagkakababy di namin alam kung sinong may deprensya natatakot nga akong mag pacheck - up pano kung isa samin eh not capable para maging buntis ako. twing alam kong magkakaron ako i feel down din naman pero hanggang doon lang yun sayang naman ang buhay sabi ng mister ko ang importante eh magkasama kaming dalawa konsulacion na lang sa isat isa ano but it helps. :bashful:
  • hi...

    medyo mahirap nga ang situation mo, pero baka naman hindi pa talaga time.. wag kang matakot magpacheck up para malaman mo kung ano talaga ang reason.. marami din kasi akong friend na uminom ng fertility med at naging okey naman ang pregnancy nila.

    hanap ka lang ng magaling na OB at magpaalaga ka.. :)

    i'm praying for you..
  • Ellheym my mom suffered a miscarriage back in the '80s and like you, walang abnormalities or anything wrong with the pregnancy, it just didn't happen. She had my sister about 2 years afterwards with no complications. Hang in there, you and your husband will have your own little angel soon :)
  • tina11 thanks. gusto nga namin try this coming year.. sana nga lang maging okey na. ayaw ko naman magmadali.. nakakatakot na rin kasi..
  • ittitt PEx Influencer ⭐⭐⭐
    err hi po i dunno if i can help or not. lalang kwento ko lang. matagal din di nag ka baby ung papa at mama ko. dunno kung nakunan si mama before ako ipanganak pero still, matagal pa din.... may saint sila na pinagdasalan. si st. aninie.. maybe you can try praying to her if youre catholic. au... okay naman tatlo kami ngaun magkakapatid
    sorry po kung OT
    :bluefish:
  • hello...to all the people in the world

    ako nakaranas na makunan...and take note..bakit ako nakunan???? kasi naka-apak ako ng patay na daga...super takot na takot talaga ako sa daga... lumabas ako sa gate namin..hinatid ko bisita palabas..di ko alam may patay na daga..tapos naapakan ko..pag tingin ko na may patay na daga..sigaw ako ng sigaw...talon ako ng talon...after 1 week...nakunan ako.

    after 1 year bago ako nabuntis ( with the help of clomid) ..pero itong pregnancy ko super hirap...kasi nag spotting ako...so from the time nalaman ko buntis ako hangang manganak ako...nakahiga lang ako...after kong manganak super hirap...yong tuhod ko di ko ma-bend...pero worth naman ..kasi healthy baby ko..kahit hirap ako..ok na yon...basta ok ang baby

    wag ka mawalan ng pag asa...God is so gracious and merciful...just always pray ...and believe
  • itt, cake1988 thank you for those inspiring words.. i'm hoping that this year makabuo ulit kami.. sabi nga nila wag daw muna.. pero alam mo kung pinaplano kasi parang hindi natutuloy.. para sa akin ngayon kung dumating ng mas maaga mabuti.. at kung hindi.. i'm not losing hope naman eh.. .. i know someday magkaroon din ako ng sarili kong baby.. kasi alam niyo ba meron akong inalagaan tapos binawi.. :mecry: sakit talga!!
  • hi ellheym. I haven't had a miscarriage pero masaklap rin yung nangyari sakin, I had fetal death at 7 months with our first baby. Zach (that's the name we gave our angel) didn't have any congenital defects. I just woke up one morning na sobrang sakit nung sipa nya and sunod sunod na akala mo nalulunod sya or something. Went to my former OB that very day only to find out na wala nang heartbeat ang baby boy ko and there was no chance of reviving him kasi ilang oras na yung dumaan since i felt his last movement. I had to go thru a normal delivery 2 days after pa and it was very, very hard. kasi from the lamaze room, I can hear the other moms crying in pain tapos yung sound ng first cries ng baby nila. Inisip ko, ako manganganak din but I won't hear any baby cries. After my deliver, my new OB said that the problem was my baby's umbilical cord had some constrictions (which is a very rare case). It was tough for me but it was tougher and more traumatic for my husband coz he had to go to the hospital morgue and identify the baby. My new OB advised me not to look at the baby na muna so I wont form a bond and cause more trauma for myself. So for the next few months sobrang takot ang husband ko na mabuntis ako even though my OB said that it was ok, in fact, better if we start planning for another baby so we can move on from what happened. It took us 2 years to go through another pregnancy. My OB (Dr. Santiago del Rosario of Makati Med) did everything he can to take care of me. He checked on my diet, required me to have tests done to be sure that this time everything will turn out right, etc. And I'm happy to say na kahit medyo mahirap pa rin ang pagbubuntis ko ngayon with our second son, eh masaya naman and he is very healthy according to my OB, dietician and Endocrinologist. hehehe. (my OB got me a slew of other doctors! :nuts: ) In fact, our baby is due anytime next month na. :bounce2: :bounce2: :bounce2:

    so just hang in there. darating rin ang bundle of joy nyo mag asawa. you'll know when you're ready to get pregnant again. If you want, you can visit my OB, he's really good. In fact, he was my mother-in-law's OB pa since she was 18. She had fertility problems and it took her 10 years to get pregnant with my husband & tinutukan talaga sya ni Doc del Rosario. hehehe.

    Just keep praying and I wish you all the best! :)
  • liza_zam alam mo while reading your post naiyak ako, grabe for 7 months mo siyang dinala at the end ganon pa ang nangyari. hahay!! pero sabi mo nga anytime next month lalabas na ang new baby boy niyo.. oi. galingan mo ha.. :) *okay*

    can i have Doc del Rosario's contact information? meron ba syang clinic sa medical city?

    what are the test done to you? kasi ako nong nakunan ako wala naman silang nakitang problema sa akin. about my blood type i'm A and my husband is O. sabi nga nila meron daw talaga bad luck sa pregnancy.

    actually we are trying again.. pero medyo may takot pero ayokong padala sa takot ko.. i'm just hoping na maibigay na sa amin... :)
  • may kaibigan ako... dalwang beses nakunan. sabi ng ob-gyn ay wla syang diperensya. prating umiral ang nerbyos at kaba bka maulit ang malas.

    ngayon tatlo na ang kanilang anak... malulusog lahat. darating din ang panahon pra mabuo angyong pamilya. kya mo yan... paghandaan mo yan. balitaan moko sis.

    kung ako ang magbuntis... gagawin kong ama si tom cruise... di si bentong noh!

    aihihihi!!!

    baklita
  • it is sad. kahit nga 2 years na ang nagdaan, I still cry sometimes when I remember what happened. But we have to be brave and not let that scare us into having another baby. :) I don't look at it as badluck sa pregnancy. My husband and I just think na it wasn't the right time for us to have a baby and that what happened had to happen because we needed to learn something from it. :) pangit man yung way for us to learn something pero ganon talaga minsan ang buhay. :)

    Sa makati med lang yung clinic nya eh. He's at Suite 210. Clinic hours are 9:30-1:30 Mondays to Saturdays, except Thursdays. Direct line nya is 893-1508 or you can call Makati Med at 815-9911 and have them connect your call to local 7210.

    He required me to have regular pap smear, tapos hormone testing, complete blood chemistry and he corrected my diet rin. Meron pang ibang tests but I can't recall everything offhand. There was nothing wrong with me naman but just to make sure that this pregnancy goes well, he had me take hormones and extra vitamins. tapos he texts me once in a while to check on my progress lalo na nung monthly pa yung schedule ng check up ko sa kanya and he gives out his cellphone number and home number so you can ask him anything anytime. In fact, there was this one time that my husband texted him around 2am and he replied right away. hehehe :)
  • liza_zam wow ang galing ng OB mo. kasi before sinabi ko sa OB na i had previous miscarriage pero ang binigay lang sa akin vitamins wala man lang syang binigay na pampakapit or hormonal supplements.

    about doc del rosario, i'm a maxicare member kasi.. tumatanggap ba sya ng health card? kasi kahit medyo malayo sa akin siguro punta akong makati med for check up.. :)

    ako twice nakunan pero lahat yon sobra ang pag iyak ko. first month na nangyari yon parang ayokong makipag usap sa ibang tao, gusto ko lang kausap asawa ko, at ayoko ng may bisita sa bahay. i don't meet friends kasi ayokong mapag usapan, so far ngayon medyo okey na ako.. naiinggit ako kapag meron akong nakikitang baby.. at sana someday in right time dadating sa amin.
  • baklitathanks for great advice.. :) yes.. i'll keep you updated!! :)
  • di ko alam kung accredited sya ng maxicare. to be honest, I never thought to ask kahit na me health card rin ako. hehehe

    for me normal lang yung reaction mong ganon after your miscarriage. In fact, ok nga yun kasi you were able to release your grief kahit pano. mas mahirap kung di mo nilalabas. pagkamatay ng baby namin, all i did for 2 days was cry. bawat kibot, naiiyak ako. then i just ran out of tears pero sobrang depressed ako. I kept staring at his first ultrasound report, the baby reminders i had all over the house, then I'd just block everyone out except my husband. Tapos pag me nagsasabi sakin dati na, "isipin mo na lang na mabuti pang ganon na lang yung nangyari kesa sa inalagaan mo ng ilang buwan or taon tapos tsaka kinuha sayo", or yung, "maybe it just wasn't for you. maybe its not yet time for you to have babies", eh gusto kong pagsasapakin at pagsusubsubin yung mga mukha nung mga nagsabi sa floor! hehehe. I know they meant well pero when you're grieving, sometimes comfort words are not so comforting. hehehe. but eventually, you get over it.

    One way I got over the grief of losing our baby and the fear of having another child was having a serious talk with my husband about a year after our loss. I mean, really talk about what happened; every thoughts, feelings and fears. kahit na yung majority na sinabi nya eh nasabi na nya sakin before. Iba kasi yung pag usapan nyo uli after things and emotions have settled. then we decided to just enjoy married life. yung kame lang muna. spend for things we want, eat where we want to, go to places we wanna go, etc. tapos ayun! sumakto lang na sa day that we celebrated our anniversary eh fertile ako. hehehe. two weeks after, i tested positive na sa preg test. :D

    so if i may suggest, don't think about it too much for now. just have fun, enjoy each other, pamper your self, take care of your body and health and don't pressure yourself to get pregnant. remember, stress is counter-productive to getting pregnant (my OB told me that). malay mo, in a month or two eh babalitaan mo na lang kame bigla dito sa forums na you're expecting na pala! :)
  • hi Ellheym, who's your OB? if you want a doctor from medical city, you might wanna try Dr. Gilda Martinez. She has a clinic at the MATI Bldg, di ko lang alam ang room number nya.
  • ittitt PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ellheym. hi maybe you can ask st aninie for h elp. ill try to take a picture of her statue (asa room ko.hehe du n nilagay nila mama at papa ko eh)

    :bluefish:
  • when i got married i was pregnant agad after 6 mos. I didnt technically miscarry but when i went for my 12 week check up, to make a long story short, the baby was only 9 weeks old. so the fetus has been dead in my uterus for 3 weeks.

    fast forward 4 years after trying hormonal therapy, chlomid and a yucky chinese doctor - wala. so after my laparoscopy, there was nothing wrong with me, nor my husband. so we prayed to God and left it up to HIM. fast forward again - sept we were due for IVF in singapore. August - I GOT PREGNANT!!! Yes! God is truly very good.

    after years of trying, we had spent a lot of money. But we also had time to save for it. Now my TWO sons are 6 & 7. We are very financially stable too.

    Kaya my advice is to see a doctor also. we had a friend and they waited 5 years b4 seeing a doc. wala na, yung girl may 2nd stage endometriosis na so too late na.

    just PRAY. I will also pray for you.
    and it case you do have a kid, please dont spoil them rotten.

    God Bless
  • PearlM wrote:
    hi Ellheym, who's your OB? if you want a doctor from medical city, you might wanna try Dr. Gilda Martinez. She has a clinic at the MATI Bldg, di ko lang alam ang room number nya.

    si dra. francisco ob ko.. sa sta lucia medical city siya. sige check ko si dr. martinez.. thankss


    :)
  • itt hi.. sino si st. annie? anong patron saint sya? sensya na ..

    baileylab oo nga eh.. ngayon medyo easy easy na lang muna ako.. ayoko ng magdagdag pa ng pressure.. kasi halos lahat sa paligid ko yon ang laging tinatanong sa amin. lalo na ngayon na may baby na sister in law ko.. kaya ganon na lang sila..

    sna in God's time dumating din yon.
  • ittitt PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^^ st ANINIE po :) hehe

    dunno the english name st anne daw po sabi ni mama.

    st daw po sa di nagkaka anak

    :bluefish:
Sign In or Register to comment.