Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences

Babae sana sa Buhay ko. Kwento na!

jaypogijaypogi PEx Influencer ⭐⭐⭐
Hahaha. :lol: I just want to share mine..

Ang dami-dami pero kahit isa, hindi ko naging girlfriend. Hahaha..

ANG UNA:
- siguro ang unang babaeng sinabihin ko na may gusto ako sa kanya na seryoso ako eh grade 6 ako. Sa totoo lang, bakasyon na yun, hindi ko na siya nakita, pero syempre.. dadalaw-dalaw at dumadaan sa panaderya nila. Pero nung nagsimula ang High schOol. Ewan ko ba, nasa ibang school na siya, at iba naman ako, kakaasar hindi ko na siya magiging klasmayt para maligawan ko. Pero nagulat ako, kasi habang ako'y naghihintay sa hintayan ng bus, lumapit ang dati ko rin klasmayt na babae, pinapasabi raw...na magkita kami sa harap ng munisipyo.. hahaha.. un ang unang takbo ko!. hindi ako sumipot, ewan ko ba? natakot? hahaha...tapos wala na, kahit kelan di ko na nakita.

ANG PANGALAWA:
- eto, sayang talaga, miss ko na nga siya ngayon eh...Ganito naman ang storya. High school un, freshmen year. May bago at lumang mga klasmayt, syempre may mga nagkakagustuhan, naku mga batang pag-ibig. Pero ako ang pinakamayabang sa klase namin, tapos Sgt. & Arms pa ako, kaya syempre galit na galit ang mga babae sa akin. Pero may naging kaklose akong babae, okay siya, hindi ko muna napansin, pero nung nag-intrams kami, naku... bigla ako napatingin.. inaasar niya ako, tapos nagalit ako sa kanya.. nagulat lahat, hahaha.. kasi nag-iba raw ihip ng hangin ko, bakit parang hindi ako mayabang at nagpapatawa, bigla raw tumahimik ako. Hahaha.. tapos un, napapansin na nila un. Tapos patapos ng ang intrams, gumawa ako ng sulat sa kanya, sinabi ko sa kanya na naguguluhan ako, kasi nagkakagusto na ako sa kanya. Tapos lumapit siya sa akin, tapos sinabi, "sama ka sa amin, manonood kami ng baseball" un lang, lagi na magkasama, wala siyang sinabi, na gusto niya ako o ewan.. makulit pa rin kami... ang nangyari lang... END OF SCHOOL YEAR ko lang siya nakita. Ang huling-huling kita ko sa kanya ay APRIL 02, 2000. Paalis na kasi kami, papuntang Amerika. ayun, nawala na ako. Sulat-sulat, pero naglaho rin, kasi nagbusy na ako r2...



ayan..marami pa akong babae.. 12 years old lang ako nun, ngayon 18 na ako, 6 years, hindi ko akalain, ang dami ko ring babaeng niligawan, tapos ngayon SINGLE pa rin.. hahaha..... next post ko na un. kaya kung gusto niyo makibasa... daan lang kayo..post rin kayo ng mga storya niyo..para lahat masaya!

Comments

  • jaypogijaypogi PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ANG PANGATLO:
    - nasa America na, mas maraming babae, syempre umiral ang pagkachickboy, kaso nga lang, ngayon ENGLISH na! Okay..Maraming magaganda, mahirap kausapin kasi torpe, dahil mahirap mag-ingles.. hahaha.. Pero freshmen in High school, Puti, nakilala, ganda ng beauty, as in sobra. Una hindi niyo ako kilala, pero nung nag-*hi* ako, kilala rin pala ako, pati pangalan ko. So yeah, klasmayte sa P.E., mahirap dumiskarte dahil laging kasama ang mga kaibigan. Pero isang araw, sa 6th period ko. Sumabay maglakad sa akin, usap dyan, usap doon... Naku! Homecoming pa naman un, nagtanong sa akin, kung pupunta raw ako, sabi ko, wala ako date. Tapos bigla nalang ako hinug kasi pupunta na siya sa klase niya.. Hahaha.. nakalipas ang ilang araw.. hindi ko na nakikita, naku! ang loka, nagdrop out na pala. tsk.tsk.tsk.
  • ehem e ngayon wala ka pa ring gf?
Sign In or Register to comment.