Home PEx Hobbies Books and Literature

Ross' Story Time Part 2

135

Comments

  • ..di ako marunong magsulat...
  • "but i'll sign...sa dalawang kondisyon...."
    "ano?," sabi nmg talent manager
    "palitan niyo ang brand to bow wow dog food, para maging kabrand ko si hotdog na aso ni jughead....at pangalawa....hanapan niyo ako ng papa!!!!"
    napatingin ang dalawa at sabay sigaw "bruha, ikaw rin???" at naggroup hug at beso-beso ang tatlo...
    biglang bumalik si jen
    "akin siya, magiging milyonarya ako... kung di siya sa akin, di siya mapupunta sa inyo...makapatayan na tayo..." sabay sprinkle ng msg sa dogfood..."bantay....bantay o, you want some....?" with a weird looney expression in her eyes....
    ano ang gagawin ni bantay... (considering na di pa siya nakakain despite the long run to mega ang the non-stop dancing...)
  • ...naamoy ni Bantay ang msg sa pagkain na binigay ni Jen at naghinala sya... kahit na gutom sya, nde na rin nya kinain...kumaripas na lang sya ng takbo at naghanap ng ibang amo...and he lived happily ever after.

    Samantalang si Jen ay nagiba rin ang takbo ng kanyang buhay magmula ng lumayas si Bantay. Sya ngayon ay...
  • clawed_outclawed_out PEx Influencer ⭐⭐⭐
    nag apply bilang tindera ng lobo sa may.......
  • KuyaDannyKuyaDanny Moderator PEx Moderator
    ...Luneta.

    Matinong hanapbuhay. Hindi malaki ang kita pero disente naman. And perfectly legal. Nguni't paminsan-minsan naiisip niya..."ang lungkot ko naman, ganito na lang ba ako habang buhay?"

    "Ano kaya kung subukan kung mag-artista? Bagay kaya sa akin ang role ng isang..."
  • ...luka-luka....hmmm.....hindi lang nila alam....galing galing kong umarte....kasi naman...bat nawal ang asong iyon....crispin, basilio, crispin, basilio....mwhahahah...booohoooohooo......

    natyuluyan nang maloka si jen nang maynaaninagan siyang lalake...parang kilala niya....
  • ...nakita niya ang kanyang long lost dance instructor na si Chris!

    "My God, Jen! Anong nangyari sa iyo? Bakit nagtitinda ka na lang dito sa Luneta? (Bakit nga ba? Hindi naman sinabi sa kwento na na-bankrupt sila, ah.)" sabi ni Chris.

    "Ah...eh...kasi mula nung nawala si Bantay, nagpasya akong mamuhay nang mag-isa. It's about time I needed to learn how to be independent," Jen said.

    "Buti na lang nakita kita. May maganda akong offer sa iyo. I've been thinking about this for a long time," Chris said.

    *long pause with background music

    "Jen," Chris said. "Could you be my..."
  • "... new maid. Kasi kalalayas lang ng katulong namin eh. kung sa bagay, tindera ka na lang pala eh... at gusto mo independent diba? eh di magtrabaho ka sa amin.. masmalaki pa kikitain mo dahil masmalaking sahod ang ibibigay ko sayo! mag-eenjoy ka pa kasi wala misis ko every weekend... pwede tayong......."
  • clawed_outclawed_out PEx Influencer ⭐⭐⭐
    .....mag bunot ng damo habang wala ang misis ko. oo at baka makakita ka pa ng mga...
  • KuyaDannyKuyaDanny Moderator PEx Moderator
    <;commercial...breast milk is still best for babies>;

    <;pasok ang theme song ni Ross. Ano nga ba yon?>;

    <;fade in to reveal...>;


    ...uod! Oo! Uod! Mga earthworms!!! Napakagandang source ng protina. Masustansiya at malinamnam. Puwedeng gawing hamburger!!!

    Imagine di possibilities, veveh...puwede ka maging bulate queen! Baka yan lang ang kakilanganin mo para mag happily ever after na tayo!

    <;and their fantasies are rudely interrupted by a loud knocking on d dor...KNOCK KNOCK!!!

    "Tao po!!!"

    ...
  • AdaAda Administrator PEx Moderator
    (teka, paano nagka-pintuan? diba nasa Luneta sila?)

    "Tao po!" *knock knock knock* "Buksan niyo ang pinto! NBI ito!" *sabay tadjak sa pinto*

    Nagkatinginan sina Jen at Chris sa takot nang...
  • clawed_outclawed_out PEx Influencer ⭐⭐⭐
    tao po...(tok tok tok)

    at nakita ni Jen ang isang babaeng naka violet na medyas at halatang halata ang kanyang dala dalang malaking.....
  • KuyaDannyKuyaDanny Moderator PEx Moderator
    ...upo!

    Ay!, buti na lang naabutan ko kayo. Galing ako sa province. May dala akong upo para sa inyo. Bagong pitas. Sarap i-gisa lagyan ninyo ng konting daing...ayos!

    Hindi ko maiwasan ang makinig sa malungkot ninyong kuwentong-buhay habang naghinintay akong wasakin ng NBI ang pinto...

    Kung nalulumbay ka rito sa Luneta, kung saan bigla na lang nagkakaroon ng pinto, bakit hindi mo subukan ang buhay sa lalawigan? Masarap ang...
  • ...simoy ng hangin. Para bang naka 24-hour protection ng new Rexona Stick ang lahat ng tao dun...
  • ...at marunong rin silang gumamit ng tawas pag may emergency.

    Biglang bumagsak ang pinto. *BLAG!*

    "Mga NBI kami. Taas ang kamay!" sabi ng hepe sabay tutok ng kanyang armas (armas as in armed weapon ha; ang isip...) sa kanilang dalawa.

    "Ano po ba ang kasalanan namin?" tanong ni Jen.

    "Illegal possession of a door!" sabi ng hepe.
    (Bwiset na pintuan naman yan, di pa rin naalis sa kwento)

    Sabay hinatak ng mga kagawad ng NBI ang lupasay na si Jen at si Chris papunta sa...
  • ...Starbucks. He whispered in Jen's ear, "I can drop all the charges against you (but not my armas) if you will...
  • ...."buy me a cup of delicious, piping hot native coffee."

    "Ano po ang 'native coffee'?," asked Jen. "Wala yata noon dito."

    "Native coffee? Hindi mo alam yon? It is decafenative coffee," replied the NBI agent. "Yung walang caffeine."

    "O sige na nga," responded Jen. "But promise me you will...."

    [This message has been edited by clone (edited 01-26-2000).]
  • search something for me......"
    "ano yun?"
    "Isang aso, asong marunong magsalita at magdance rev....pagnakita mo siya, sayo na lahat...tatanan tayo....punta tayo kahit saan."
    "pero...pero...ako'y isang alagad ng batas...pero...shame...bakit ako mahihiya..."
    "mwahahaha (ala selina)....akin na si bantay...mapappasaakin siya..." (close up kay Jen)
  • ...After thinking fast to herself, Jen smiled sweetly and said "Nagbibiro lang ako. Wala namang asong marunong magsalita or magdance, di ba?" She had to say this to stop the NBI agent from finding Bantay and keeping him for himself.

    "'langhiya ka, pinaniwala mo pa ako eh puro bola lang pala," shouted the agent. But he had another plan in mind...
  • "O sige, saan na yung decaffenative coffee namin?" sabi ng agent.

    Habang nag-oorder si Jen sa counter, binulungan ni Agent 1 si Agent 2. "Palagay ko pwede na itong babae kay Boss," sabi ni Agent 1.

    Miyembro pala ng white slavery ring itong mga damuhong pulis na ito!

    Matapos nilang inumin ang kanilang mga inumin, sumakay na sila sa sasakyan. Lingid sa kaalaman nina Jen at Chris, papunta pala sila sa hideout ng sindikato na matatagpuan sa...
Sign In or Register to comment.