Home PEx Local Entertainment Showbiz - TV

Batibot : The REAL Story

Tawa ng matsing at pagong, alaala nina Kiko at Pong
> [B]Nina Roselie Mendoza at Ian Francis Velasco[/B]
>
> PAGMULAT NG mata, Pong at Kiko nakatawa sa batibot, sa batibot. Pero teka,
> paano kung pagmulat ng mata, matuklasang sa batibot... wala na sila?
>
> Ngayon nasa New York na sila -wala nang tuwa, wala nang saya. Gayunpaman,
> maaari pa rin natin silang makapiling kung tayo'y magbabalik-tanaw. Kaya
> tayo na at balikan ang ating kabataan. Doon sa batibot, tayo na, tayo na!
>
>
> Kami ay kaibigan, kaibigan n'yo Laging handang magpakwela sa inyo
>
> Unang nagpasaya ng mga tao, bata man o matanda, sina Pong Pagong at Kiko
> Matsing sa Batibot noong 1984. Ito'y dahil sa pakikipagtulungan ng dating
> executive director ng Batibot na si Lydia Benitez-Brown sa Children's
> Television Workshop, producer ng Sesame Street.
>
> Gaya ng iba pang muppets sa Batibot, pag-aari ng CTW sina Pong at Kiko na
> ginawa noong 1983 para sa pambatang palabas na Sesame! Hindi nga lang
> nagtagal ang palabas dahil sa problema sa pera. Dahil dito, nakiusap si
> Brown sa CTW na ipahiram sina Pong at Kiko at gumawa ng lokal na pambatang
> palabas para makabawi sa mga nalugi niya sa Sesame!. Ayon pa nga kay
> Benitez-Brown sa kanyang interview sa Sunday Inquirer Magazine (1990),
> "Since they liked me then, they agreed that I could use the muppets for a
> local show." Matapos ang kasunduan ni Brown sa CTW, isinilang ang Batibot.
>
>
>
Mga bata sa Batibot, maliksi, masigla
>
> Maliit at masigasig - ito ang ibig sabihin ng Batibot, ang programang
> pinagbidahan nina Pong at Kiko na ipinalit sa nawalang Sesame! Naging
> produkto man ng banyagang teknolohiya ang dalawa, may pusong Pinoy naman
> sila. Mga Amerikano nga ang lumikha subalit mga Pilipino naman ang
> nagbigay-buhay.
>
> Halos sampung taon din tayong kumanta ng Tinapang Bangus, nakipagsayawan,
> kumandirit at nakipagkwentuhan sa mga karakter ng palabas. Nagbunga naman
> ang kanilang ilang taong pagpapasaya sa atin dahil sa iba't ibang parangal
> at imbitasyong magpalabas sa iba't ibang sulok ng mundo na kanilang
> tinanggap. Maliban sa saging at kangkong, nakatikim din ng matamis na
> tagumpay sina Kiko at Pong at ang buong Batibot sa Prix Jeunesse
> International noong 1990 bilang Outstanding Children's Program. Nagpatuloy
> sila sa pagkamit ng mas marami pang karangalan at isa na rito ang
> imbitasyon ng Indonesia na gumawa sila ng lokal na bersyon ng Batibot sa
> kanilang bansa, bagay na ipinagngitngit naman ng nainggit na CTW dahil mas
> pinili ng Indonesia ang Batibot kaysa sa Sesame!
>
>
Alin, alin, alin ang naiba? Sabihin kung alin ang nag-iba!
>
> Ginulat ng CTW ang Batibot sa pamamagitan ng isang sulat na nagsasabing
> binabawi na nila sina Pong Pagong at Kiko Matsing. Ayon nga kay Feny delos
> Angeles-Bautista, kasalukuyang executive director ng Batibot, "we received
> a letter from CTW referring to a deal that they lost for a proposed
> co-production in Indonesia because the Indonesians preferred to import
> Batibot and they want to have Pong and Kiko back."
>
> Ayon pa kay Bautista, hindi pagkakaintindihan at maling representasyon ng
> CTW sa Indonesia ang lumabas na dahilan sa naging desisyon ng CTW sa
> pagbawi kina Pong at Kiko. Ayon naman sa artikulong Pong and Kiko cry SOS
> na inilathala ng Philippine Daily Inquirer noong Disyembre 1990, ginawa
> ang desisyong ito ng CTW para maiwasang masabing konektado sila sa Batibot
> dahil sa paggamit ng Batibot sa muppets ng CTW. Itinanggi naman ni Benitez-Brown ang bagay na ito.

1 milyong mga daliri, handang pumirma

Hindi agad nagpatalo ang mga Pilipino sa kahilingan ng CTW na bawiin sina Pong at Kiko. Nangalap ang management ng Batibot ng mga lagda mula sa isang milyong batang Pilipino at ginamit ang mga ito para pigilan ang pagkawala ng dalawang karakter. Humingi rin sila ng tulong mula kay George Bush, pangulo ng Estados Unidos noong panahong iyon, para pigilan ang CTW sa kanilang plano.

Kasabay ng lahat ng ito, inaasikaso rin ng Batibot ang mga kontrata nila sa CTW. Matapos ang mga pag-uusap, nagkasundo rin ang dalawang panig. Nadugtungan ang buhay ng ating mga kaibigan sa pamamagitan ng kasunduang pagbabayad sa CTW. Ito ang nagsilbing lisensya sa pagpapatuloy ng paggamit sa kanila ng Batibot.

Bagamat nagkaroon na nga ng kasunduan, marami pa ring nakitang problema ang Batibot sa patuloy na paggamit sa muppets na pag-aari ng CTW. Ayon kay delos Angeles-Bautista, "there were too many complications with the use of muppets that were not the property of PCTVF (Philippine Children's Television Foundation)." Dahil dito, nagpasya silang unti-unti nang alisin sina Pong at Kiko sa palabas at magpakilala ng bagong karakter bago pa man mag-expire ang pang-apat na taong lisensya nito. Sabi nga ni delos Angeles-Bautista, "You cannot limit the life of the program with two characters."


Pagmulat ng mata, iba na ang nakatawa sa Batibot, sa Batibot

Isang ibon ang ipinakilala ng Batibot bilang bagong karakter sa palabas. Inamin ni Bautista na hinahanap-hanap din ng mga manonood sina Pong at Kiko. Sa kabila nito, naging mainit pa rin ang pagtanggap ng mga ito kay Koko Kwik Kwak, ang bagong karakter ng palabas.

Nakuha rin ni Koko Kwik Kwak ang mainit na pagtangkilik na nakamit nina Pong at Kiko sa mga pagtatanghal, patunay na kinagigiliwan din ng mga bata ang bagong karakter at kilala nila ito nang mabuti.

Walang narinig na ingay ng paglisan ang mga batang nagmamahal kina Pong at Kiko. Sa ilalim ng puno ng Batibot, nakakatuwang gunitain ang ating mga nakagisnang kantahan at natutunang kabutihang asal. Kasabay ng mga alaala ng mga bangkang papel, bugtungan at saranggola ang patuloy na pagsariwa sa mga "Weeeh!" ni Pong at mga paos na hirit sa kanya ni Kiko. Doon lang ang lahat ng ito sa Batibot.

Comments

  • ive heard of this story before kaya nakakalungot talaga. kasi aside from sesame st. laking batibot din ako.
  • Ang nangingibabaw na katotohanan dito sa pangyayaring ito ay ang kawalang kunsiderasyon ng CTW. Di mo man gustong lahatin, corporate greed ang nasunod. Gaya ng lahat ng batang lumaki sa dekada '80, bahagi na ng kabataan ko sina Pong at Kiko. Sayang lang at hindi sila napapanood ng mga pamangkin at pinsan ko ngayon. Siguro mas mapagmalaki sila sa pagka-Pilipino nila.
  • ako batang late 80's na kaya nakakamiss ang batibot. hayyyy. i remember batang batibot pa ako nun. nag pa-audition pa ata kami nun for the show.
  • i grew up on sesame street and batibot. laking utang na loob ko sa mga shows na ito. they molded me to what i am today. sana may batibot rin ang henerasyon ngayon. :D
  • nakakatuwa naman... article sa Ang Pahayagang Plaridel ang pinost dito. :) so proud!
  • ay na-senti naman ako sa article ... bigla ko na-miss sina pong pagong at kiko matsing ... aminado rin ako, i grew up watching them ... mas gusto ko batibot kesa sesame street e hehe ...

    dapat nung bata pa yung mga politiko natin ngayon, buhay na sina kiko at pong pagong hehe ... para naisapuso rin nila yung mga songs dito ... ie. ako ay kapitbahay mo, laging handang tumulong sa inyo hehe ...
  • ambertookmeambertookme 🦅 Eagle Squad🏅
    at namiss ko bigla ang "Weeeeeeeeee" ni Pong
  • ^^ wowoweeeeee na kasi ngayon hehe ...

    hayyy ... sana palabas nila ang batibot rewind hehe :D
  • ako rin bigla kong na-miss sina pong pagong at kiko matsing..kaya nga aliw ako dun sa commercial ngayon na may pagong at matsing. ah kaya pala biglang naging KOKO KWIK-KWAK ang main character ng BATIBOT.....nga pala, para siyang pinaghalong pong at kiko no? ;p

    pero lately naiisip ko rin yang batibot at sesame street kasi aliw din ako sa bubble gang jr. at naisip ko lang ano kaya kung meron din silang educational show.

    yan tuloy, napaka-nostalgic ng mood ko ngayon...hay....
  • bluetheherobluethehero PEx Veteran ⭐⭐
    oh my God, though i was born 1985, i was very exposed to television back then, that is why i am so familiar with the trend of programming and news of both tv stations since i already had full control of my senses as a child. however, i swear i didn't know that this actually occured. i feel nostalgic too, and yes, i grew up watching batibot, even the new character that was introduced in lieu of Pong and Kiko. i just lost track of Batibot when ATBP was shown on air.

    pero laking batibot, tv patrol at probe team ako.
  • natatandaan nyo pa ba...

    ...sina Ate Siena, Kuya Bodjie at Ate Isay?

    ...sina Manang Bola at Kapitan Basa?

    ...sina Ning-ning at Ging-Ging?

    ...sina Sitsiritsit at Alibangbang?

    ...kung alin ang naiba o paano pagsama-samahin ang pare-pareho?

    di-maikakailang marami sa atin ang lumaki sa Batibot, kaya napakasaklap na ang kasalukuyang henerasyon ay wala nang Pong Pagong at Kiko Matsing na kagigiliwan at kasisiyahan tuwing umaga...

    ...marinig ko man lang sana muli ang mga katagang:

    "Wag kayong aalis, babalik agad ang Batibot!"

    :(
  • theme song ng batibot:

    paggising sa umaga,diretso sa kubeta,mag BATIBOT mag BATIBOT.

    TAAS,BABA, TAAS,BABA!

    DOON SA BATIBOT,TYO NA TAYO NA!

    MGA BATA SA BATIBOT,MAHILIG MAG BATIBOT...
Sign In or Register to comment.