Speak Up Kapamilya 19th Thread:ABS-CBN "Kapamilya ng Bawat Pinoy at Pusong Pinoy"

summoned_deadsummoned_dead ressurect_me PExer
Dahil Bawat Pinoy Kapamilya!!

ABS-CBN:Ang Tunay na Nasa PUSO ng Bawat Pamilyang
PINOY Sa bansa at sa buong mundo

"YOUR HOME" :naughty:

post here
«134567252

Comments

  • TV-crime_killerTV-crime_killer PEXnatic Tamer PExer
    title-crimecritic3.GIF

    hey here
  • maka_mandagmaka_mandag Banned by Admin PExer
    Present :)
  • [F][A][Q][F][A][Q] watda [F][A][Q] PExer
    present! :wave:
  • v(",)nv(",)n you've been on my mind. PExer
    :wave: here!
  • JohnstonJohnston Thank You For The Love PEx Influencer ⭐⭐⭐
    :wave: :wave: :wave:
  • im.an.emo.kidim.an.emo.kid Coin-Operated Ninja PEx Influencer ⭐⭐⭐
    bawatpinoyimage1.jpg

    Present! *raises left hand*
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    Pikachuanimd5.gif








    HELLO MGA
    :flower: :cheers:

    KAPAMILYA
    :drive: :wave:
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    :flower:






    ABSCBN4.gif










    JOIN NAMAN KAYO http://tv.groups.yahoo.com/group/ABS-CBNKapamilyaPEXers2

    http://tv.groups.yahoo.com/group/ABS-CBNKapamilyaPEXers2

    SIGE NA MGA KAPAMILYA JOIN NA

    ABS-CBN Kapamilya PEXers
    KAPAMILYA PEXers roll call!
    Para naman magkaalaman na kung sino talaga yung mga magkaka-pamilya dito sa PEXers.

    Speak up Global ABS-CBN Kapamilya PEXers Unite

    Kapamilya na PEXers pa

    Join na

    Present!

    http://tv.groups.yahoo.com/group/ABS-CBNKapamilyaPEXers2


    Join:(NOTE: SET YOUR ACCOUNT TO "NO EMAIL/SPECIAL NOTICE" UPON REGISTRATION IF YOU DONT WANT TO RECEIVE 15-100 MESSAGES EVERYDAY)

    LINK:

    http://tv.groups.yahoo.com/group/ABS-CBNKapamilyaPEXers2

    Ang Yahoo Group sa Philippines dedicated para sa 1 TV Network/Fans at PEXers

    why??

    1. Active members, 15-50 messages average, 50-100 maximum daily
    2. Active SMS Messaging, Yahoo Messenger,
    3. Cool members, chat session, Group Eye ball!
    4. News Articles and everything under the Sun!/Showbiz, politics etc./
    5. Episode Summaries of your Some ABS-CBN TV Shows
    5. Friendster and My Space account /almost all members/
    6. Members from ABS-CBN /Mayroon na at dadami pa/
    7. Almost all active members are active PEXers
    8. An Egroup Name after Kapamilya PEXers
    9. Pinoyexchange nasa Yahoo Group na
    10. and many more for you to find out

    join now!!

    http://tv.groups.yahoo.com/group/ABS-CBNKapamilyaPEXers2

    Saan kayo Nakakita na Kasama kayo sa Egroup?
    Hindi Sila, Kayo, Tayo, Tayong Lahat na Kapamilya na PEXers pa


    paki pass naman sa mga kapamilya pexers if your not busy


    :flower:
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    :spinstar:


    STAR PATROL

    by Ashley


    :spinstar:
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    :spinstar:


    PRESIDENT GLORIA ARROYO - SORRY KRIS AQUINO

    From TVPW

    Lunes, Hulyo 18, 2005

    Arroyo nagpaumanhin kay Kris

    Inihayag ni tv host at aktres Kris Aquino na nagpaumanhin sa kanya ang

    Pangulong Arroyo dahil sa batikos ni Kalihim Raul Gonzales ng Kagawaran ng

    Hustisya (DOJ) laban sa kanyang ina na si dating Pangulong Corazon Aquino.

    Aniya, tinawagan siya ng Pangulong Arroyo Linggo ng gabi at humingi ng tawad

    sa kanya ng may anim na beses. Tinanong pa umano ng Pangulo si Kris kung ano

    ang mungkahi niyang dapat gawin kay Gonzales dahil sa mga binitiwan nitong

    salita laban sa dating pangulo.

    Idinagdag ng aktres na dahil sa pangyayari, naawa ang kanyang ina kay Gng.

    Arroyo dahil kinailangan pang siya ang humingi ng tawad para sa kasalanan ni

    Gonzales.

    Unang sinabi ni Gonzales na dapat alagaan na lamang ni Gng. Aquino si Kris

    imbes na manawagan sa Pangulo na bumitiw sa pwesto.

    Nitong Linggo, nagsalita na rin ang aktres kaugnay sa mga pahayag ni Gonzales

    laban sa kanya at sa kanyang ina.

    Sinabi ni Kris na hindi na dapat isali ni Gonzales ang kanyang pangalan sa

    magulong pulitika.

    Binatikos din ng aktres ang kawalan ni Gonzales ng respeto sa kanya at sa

    dating Pangulong Aquino.


    :spinstar:
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    :spinstar:


    ABS CBN - COMPREHENSIVE NEWS COVERAGE

    from ABS CBN Web Site

    ABS-CBN’s comprehensive news coverage!

    ABS CBN does it again! As the country reels from political, social and

    economic unrest, the country’s largest broadcast network takes our countrymen

    where the action is with a comprehensive and blow-by-blow account of these

    latest happenings. True to its commitment to bring the news to Filipinos

    wherever they may be, ABS-CBN presents the biggest and most exclusive stories

    that continue to hog the headlines.

    Before the controversial “Hello Garci” tape made it to the Congress, it was

    first heard over ABS CBN’s flagship radio station, DZMM. Meanwhile, ANC has

    been airing the full running coverage of the Senate probe on jueteng and the

    Congress hearings on wiretapping. And as new updates transpire in relation to

    these controversies, ABS-CBN is always there ready to bring you the story and

    even pre-empts its regular programming to deliver breaking news—telling the

    stories as they happen and where they happen.

    ABS-CBN’s multi-awarded team of news anchors and reporters give you

    exclusives like Karen Davila’s one-on-one interview with Sandra Cam

    exclusively on “TV Patrol World” before she testified in the Senate; Ricky

    Carandang’s live reports during the Senate and Congress hearings; and, Doris

    Bigornia’s interview with Mike Arroyo on his flight to Hong Kong— Doris,

    being the only reporter who was allowed to join that plane ride.

    And as the nation goes through another interesting phase in our history,

    trust only one Network to give you the most comprehensive news update -- ABS

    CBN, In the Service of the Filipino people.


    :spinstar:
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    :spinstar:


    TERENCE BAYLON - MAY AWA SA MGA BADING

    Allan Diones

    Matutuwa ang mga bading sa dating child actor na ngayon ay nagbabalik-showbiz

    na si Terrence Baylon. Bukod sa ‘delicious’ na ang dating ni Terrence sa edad

    na 21 y/o at height na 5’9" ay bukas ang isip niya sa mga bading na humahanga

    at nagnanasa sa kanya.

    Ayon sa binata ay wala pa siyang nakakarelasyong bading at wala pa siyang gay

    experience pero hindi raw sarado ang utak niya pagdating sa bagay na ‘yon.

    "We’re living in a liberated world, di ba? Pero ang sa akin lang, don’t buy

    me. Hintayin mong umoo ako sa ‘yo. Ako kasi ‘yung tipo ng person who knows

    how to understand the feelings of others, eh," pahayag ni Terrence nang

    makausap namin last weekend sa Placemat resto sa Tomas Morato.

    "Nakaaawa kasi na alam mo na ngang ganu’n ‘yung tao (bading), ipapamukha mo

    pang ganu’n siya, di ba?"

    So, ibig sabihin, ‘awa’ lang pala ang nararamdaman niya para sa mga bading?

    "Hindi, hindi. Ang ibig kong sabihin, marunong akong umintindi ng feelings ng

    iba. Pero ang gusto ko lang, hintayin mo ako na gusto ko rin. Hindi ‘yung

    sapilitan, di ba?

    "Kaya sinasabi ko sa kanila na I may not be that liberated, but I know how to

    understand your feelings. Eh, karamihan kasi sa kanila, gusto nila madalian,

    eh! Di ba, ang pangit ng gano’n?

    "Kahit sa ibang relationship, hindi maganda ‘yung gano’n. Kaya pag

    nakikipag-relationship ako, hindi ko kinu-consider na relasyon kapag hindi

    umabot nang isang taon, eh. Gusto ko kasi, ‘yung pangmatagalan," pakli pa ni

    Terrence na nanalo noon ng Best Child Actor awards (mula sa Star, FAMAS at

    *****) para sa kanyang memorable performance as Jun-jun, ang autistic na anak

    nina Vilma Santos at Boyet de Leon sa Ipagpatawad Mo (1991).


    :spinstar:
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    :flower:

    YEHEY 22 000 th POST NA AKO
    :cheers: :drive:

    :wave:
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    :spinstar:


    KALAYAAN ANG PANGARAP PART 1

    Aurora Veronika

    Kalayaan ng pangarap

    Pepot Artista (1)

    Cut above the rest, CLODUALDO DEL MUNDO, is a filmmaker par excellance…

    having formally educated in the film art… Del Mundo surprises everyone again

    by joining CINE MALAYA festival with his delightful film Pepot Artista.

    Ang totoong artist, may roon humility o kababaang-loob na isugal ang sarili

    para sa sining. Kung ego ang paandarin, si Del Mundo ay hindi na kailangan pa

    ng dagdag na rekognisyon, dahil ang trak rekord niya ay hitik sa mga award.

    Pwede na siyang humiga at kumuya-kuyakoy, sandalan ang akademya, magturo na

    lamang, at panoorin, pakritik-kritik sa obra ng mga kabataan, at ligtas siya

    sa paghuhusga ng iba.

    Dahil bukas ang loob at secure sa sariling lakas at galing, si Del Mundo ay

    palagi nang bukas sa oportunidad magsulat, magdirehe at gumawa ng may

    kabuluhang pelikula.

    Napakarami na rin niyang natulungan mga kabataan sa pagprodyus ng vidyo-dokyu

    at pagbubukas ng midyum para sa pag-aaral, ng isang obra.

    Sa CineMalaya festival ng Film Development Council (headed by Laurice

    Guillen) at ng Cultural Center of the Philippines, ang entry digital film ni

    Del Mundo ay ang Pepot Artista.

    Pepot is a delightful comedy… refreshing… dahil walang kabastusan… walang

    indignities sa mga karakter at artista… malinis ang daloy ng kwento… at higit

    sa lahat Pinoy na Pinoy.

    Panahon ng kuwento ang dekada ‘70, panahon ng Guy at Pip, pero nariyan pa rin

    ang lakas nina Dolphy at Fernando Poe Jr. at iyon ang panahon na ang maging

    artista ay pangarap ng di iilan na kabataan.

    Noong dekada ‘70, dahil sa pagpasok ng isang Nora Aunor, kahit sinong hindi

    maganda o hindi gwapo, pero marubdob ang pagnanasang umarte sa harap ng

    salamin, gayahin ang mga nabasa sa komiks, ay maaaring maging sikat at

    superstar.

    Nangarap si Pepot. Walang masama roon. Ang siste, mahirap lamang sila,

    nagtitinda siya ng kendi at komiks habang nag-aaral, at walang panahon kahit

    sa sariling training para sa pag-arte, pero naroon ang obsesyon, kaya ang

    panonood ng sine ang isang kalayaan ni Pepot bilang bata hanggang pagtanda.

    Ang mga karakter na nakapaligid kay Pepot ay mga personalidad na mamahalin ng

    awdyens dahil sa kanilang busilak na pagkatao. Magandang kaluluwa sila base

    sa pagkakasulat ng may-akda.

    Pansinin sa maraming iskrip na naglipana sa movies, ang mga karakter ay

    karikatyur, hindi nakatutuwa kahit pilit na nagpapatawa, hindi nag-iisip at

    kulang sa totoong motibasyon, dahil hinihila ng writer ang kanyang mga

    karakter sa kanyang sariling pananaw at obsesyon.

    Malakas ang obsesyon ni Pepot na maging artista. Buong enerhiya niya, at

    pagpupursigi ay nakatuon para maging sikat. Kung paano inayos ng batang si

    Pepot ang buhay niya, ang sorpresa ng kwento.

    Sa mumunting kaparaanan ng batang kaedad ni Pepot, katulong ang kaibigan at

    pamilya, naabot niya ang pangarap maging artista sa lakas ng imahinasyon.

    Imahinasyon ang kayamanan ni Pepot. Isa siyang batang hindi nauubusan ng

    pangarap, ng imahinasyon, at kung paano siya sisikat, paano siya mananalo at

    magiging artista, ay 2 repleksyon ng mukha ng drama.

    Ipon na walang puknat, praktis na walang tigil, ensayo sa school play kahit

    isang leon lamang ang kanyang papel… habang lumalapit si Pepot sa kanyang

    pangarap, mamahalin mo siya.


    :spinstar:
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    :spinstar:


    KALAYAAN ANG PANGARAP PART 2

    Aurora Veronika

    Kalayaan ng pangarap

    Pepot Artista (1)

    Ang ibinigay na suporta ng mga artistang tulad nina Rio Locsin (bilang nanay

    ni Pepot), Cris Villanueva (ama ni Pepot), Lou Veloso at Tado Jimenez (mga

    titser ni Pepot), Nina Medina (prinsipal), si Nonon Buencamino (bilang adult

    Pepot), sina Jeffrey Quizon at Bituin Escalante, Joy Soler-Decastro (perya

    manghuhula), at mga batang kalaro, kaklase ni Pepot, ay mga karakter na

    totoong-totoo ang dating, hindi akting na akting na gaya ng mga teleserye

    aktor, magaan ang kanilang hagod sa kanilang role… kahit pa may balangkas na

    eksaherado ang akting sa komedi, hindi nagpatalo ang materyal sa ganitong

    trap.

    Tama ang timpla ng cast. Nagiging maayos ito kapag tama rin ang pagkakasulat

    ng mga karakter. Ito ang lakas ng direktor bilang isa ring batikang writer.

    Natatanggap ang mga dagdag tekstura tulad ng pagiging marubdob ang mga

    tunggaliang nakalatag sa buhay-Pinoy, ang tahasang paggamit ng Biyaya ng Lupa

    bilang referent ng kwento, ipinatong sa business at bloking, hulma ng

    karakter, at isiningit ito bilang salamin ng buhay Pinoy, ay napakahenyong

    istratehiya para ibigay ang metapora ng sining ng pelikula ay sumasapaw sa

    realidad ng buhay ng batang si Pepot… at ng sa awdyens na rin.

    Ang motif ng perya ay nakatulong para bigyang-diin ang masalimuot na

    buhay-artista na ibig pasukin ni Pepot.

    Kinunsinti si Pepot ng mga taong nagmamahal sa kanya. Sa maagang yugto ng

    kanyang buhay, naranasan ni Pepot ang kataksilan mula sa kaibigan, mula kay

    Denggoy. Ang tiwala ay natatastas kapag pera ang pinag-usapan. Inspirasyon ni

    Pepot si Gandusay (Ganda na, mahusay pa).

    Kailangang magising si Pepot sa katotohanan, pero ang paggising sa kanya ay

    napakaingat, gamit ang instrumento ng komedi, ang EPIPHANY NI PEPOT ay

    mala-pelikula rin.


    :spinstar:
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    :spinstar:


    KALAYAAN ANG PANGARAP PART 3

    Aurora Veronika

    Kalayaan ng pangarap

    Pepot Artista (1)

    Dahil limitado ang budget ng proyekto, ginamit ng produksyon ang paligid ng

    Leveriza Barangay malapit sa area ng De La Salle, Taft Avenue.

    Maingat ang pagkadisenyo ng kasalukuyang panahon at espasyo para ibigay ang

    hitsura at justification ng dekada ‘70.

    Oo, matipid, pero hindi kinompromiso ang disenyo.

    Ang satirikong attack sa kaligiran ng kwento ay nagpatingkad ng isang hiwa ng

    buhay-Pinoy -- ang pagkahilig ng Filipino sa entertainment.

    Ang ating lipunan ay espasyo ng palabas, walang katapusang spectacle ang mga

    pangyayari sa kasaysayan, noon at ngayon.

    Ibig iparating na mensahe ng filmmaker ang pagkabaliw natin sa showbiz, ay

    isang kakatwang bisyo na maaari nating lakas o kahinaan.

    Bilang bansa, matindi ang ating pagkahumaling sa telenovela, drama, sine,

    hindi nalalayo ang pamilya ni Pepot sa laman ng araw-araw na palabas sa tv at

    pelikula.

    Palaging magkabuhol ang sining at buhay, at pinababayaan nating maging

    magkatulad ang araw-araw na pamumuhay at ang mga palabas sa ating paligid.

    Ngayon, nasasaksihan natin na magkamukha ang palabas sa sine/tv, at ang mga

    senaryo sa paligid.

    Samantala, noong dekada ‘70, simple at malinaw kung ano ang palabas at ang

    katotohanan ng buhay. Hindi totoo ang pelikula, palabas lamang nang 2 oras,

    pampalipas-oras, aliwan at may totoong buhay na babalikan, sa paglabas ng

    sine.

    Ang nakalipas na mga dekada ay may sariling aliw at rikit, iyon ang ibig

    ibigay ng obrang Pepot Artista.

    Balikan ang nakaraan -- simple, mas malinis na hangin, tubig, sariwang

    pagkain, walang mantsa ng mataas na uri ng teknolohiya.

    Radyo, tv, komiks ang kaulayaw ni Pepot para i-drowing ang kanyang pangarap.

    Mayaman sa imahinasyon ang batang utak ni Pepot.

    Hindi siya bumibitaw sa lakas ng pangarap. (ITUTULOY)


    :spinstar:
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    :spinstar:


    SHAKE RATTLE AND ROLL - BABALIK SA MMFF 2005

    Billy Balbastro

    Muling babalik ang Shake, Rattle & Roll movie sa Metro Manila Film Festival.

    1984 prinodyus ng Athena Productions ang SRR, isang trilogy na idinirek ng

    tatlong direktor (Emmanuel Borlaza para sa ‘Spirit of the Glass,’ Ishmael

    Bernal para sa ‘Pridyider’ at Peque Gallaga para sa ‘Manananggal’), isang

    festival earner ang SRR movies.

    Nanalo si Herbert Bautista ng best actor sa ‘Manananggal’ episode ng SRR.

    Ngayon we lose count kung Shake, Rattle & Roll 7 o 8 na ito.

    Si Maryo J. de los Reyes -- who came up with a trilogy, Happily Ever After --

    ang director ng latest SRR na entry sa MMFF 2005. The concept of SRR is

    simply a trilogy of suspense, horror and comedy.

    Sina Rainier Castillo at Yasmien Kurdi ang headliners dito.


    :spinstar:
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    :spinstar:


    LOLA SERIES NG REGAL FILMS - WALA SA MMFF 2005

    Billy Balbastro

    This MMFF 2005, ipapahinga muna ng Regal ang kanilang ‘Lola’ series dahil

    hindi napili ang entry nilang Apo ni Lola.

    Isang hit festival movie noon ang Bahay ni Lola nina Allan K at Aiza

    Seguerra. Nagkaroon ng Singsing ni Lola (2003). Last February, nagkaroon ng

    Bahay ni Lola 2 na tinatampukan nina Dingdong Dantes at Karylle.

    All this time, mula 2001 nang lumitaw ang Bahay ni Lola, si Gloria Romero ang

    gumaganap ng title role.

    Kahit hindi raw napili sa MMFF 2005 ang project, ipagpapatuloy pa rin daw ito

    ng Regal later (baka next year?).

    Ang tunay na apo ni Ms. Gloria -- si Christopher Gutierrez na member ng Star

    Circle Batch 13 -- ang gaganap bilang apo.


    :spinstar:
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    :spinstar:


    HERO ANGELES - MAY KABAYO AT BIIK SA BUHAY NYA?

    Sina 'Kabayo' at 'Biik' sa buhay ni Hero, bow!

    NITZ MIRALLES
    People's Tonight

    Itinuro kami ng friend naming fan ni Hero Angeles sa website nito. Bisitahin

    daw namin dahil doon na lang sila nakikibalita sa nangyayari sa kanilang

    favorite actor.

    Ginagawa raw nilang newspaper ang website dahil wala nang nagsusulat tungkol

    kay Hero mula nang magkaproblema ito sa ABS-CBN.

    Marami nga kaming nabasang sentimyento ng fans ni Hero sa Channel 2 at sa

    ilang reporter na paniwala nila'y naging unfair sa actor. Nanawagan din sila

    sa Dos na bigyan ng second chance si Hero at nalungkot kami sa paulit-ulit na

    message na miss na miss na nila ito.

    May isa namang fan na ang wish ay lumipat na lang sa GMA-7 si Hero kung

    talagang ayaw na sa kanya ng ABS. Malabong mangyari ito sa ngayon dahil may

    existing contract pa ito and in fact, may advisory pa sila sa Siyete na 'wag

    kunin si Hero dahil kontratado pa nga ito sa kanila.

    Ang sagot ng Siyete, wala silang balak kunin ito.

    Natawa kam sa nabasa naming tawag nila sa paniwala nila'y umaapi kay Hero.

    "Kabayo" ang tawag nila sa isang co-actor ni Hero at "Biik" naman sa isang

    actress. Ayaw naming magbigay ng clue at baka pagmulan pa ito ng away.


    :spinstar:
  • ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
    :spinstar:


    MOTHER LILY - MAY 3 ENTRIES SA MMFF 2005

    Mother Lily deserves a bonus

    TATTLE
    Nel Alejandrino
    People's Tonight

    IT looks like wala namang umaangal na producer na nag-submit ng entries sa

    darating na Metro Manila filmfest, even if three, or sabihin na nating four,

    dahil co-producer din umano si Mother Lily ng entry ng GMA Films, ang

    Mulawin, ay mga entries niya.

    Deserving naman si Mother Lily of a bonus, dahil siya na lamang yata, bukod

    sa Star Cinema, ang consistently ay nagpu-produce ng movies, although 'di

    lahat ng kanyang pelikula ay kumikita sa takilya.

    In any case, ito ang mga entry ni Mother Lily for this year's filmfest: Ako

    Legal Wife, starring Zsa Zsa Padilla, Rufa Mae Quinto, John Prats, at Jay

    Manalo. A comedy, si Joel Lamangan ang magdi-direk nito;

    Shake, Rattle and Roll is a horror movie na malamang idirek ni Maryo delos

    Reyes. Si direk Joel
    Mother Lily Monteverde

    Lamangan ang muling magdidirek ng drama movie, Nasaan Ka Nang Kailangan Kita,

    na pangungunahan nina Christopher de Leon at Angelika dela Cruz.

    Of course, Mulawin will have Richard Gutierrez at Angel Locsin as lead stars.


    :spinstar:
This discussion has been closed.