Home PEx News and Tech Local and Foreign Issues
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

anti-GMA = pro-ERAP.... NOT!

kakaasar amp! yung mga anti-gma ngayon, mga pro-erap pala! dyosko, wala nang mapuntahan ang sambayanang pilipino. ayaw sa cheater, gusto sa plunderer.

ayoko kay gma, ayoko rin kay erap... ayoko sa bwakananginang opposition-administration war na yan! (uyy parang network war ah :glee: )

Comments

  • GMA - Cheater and plunderer!
  • knnknn PExer
    Ako, anti GMA, anti ERAP.

    Pro LACSON!!!
  • Anti-cheater ...

    Pro-change ... *okay*
  • i am not pro-erap
    i am not pro-gloria
  • soltera81soltera81 PEx Veteran ⭐⭐
    I am anti-plunder, lies, cheating, anti-incompetence. I like real reforms for the country. I'm anti-Gloria, anti-Erap, anti-Lacson.
  • Politics in this country is very personal and well, also very political. When partisans attack each side, they get very personal and attach persons to their causes.

    Marcos was ousted because of a demand for return to civil political liberties. Erap was primarily ousted due to moral issues such as jueteng, womanizing, gangsterism and suppression of press freedoms. Gloria is now being pushed out because of cheating.

    Each time there are political changes by elections or people power, people are so fixated on names, faces, persons and also moralistic soap opera themes.

    Kaya eto, porke't anti-GMA, pro-Erap or pro-FPJ na daw.

    Hindi napagtutuunan ng pansin na systemic na ang krisis na gawa ng foreign intervention at ang mga presidente ay tagapagpatupad lang ng krisis... kapag sawa na sa kanya si Uncle Sam, they are allowed to fall as in the case of Erap and Marcos, or told not to run again, such as Cory and Ramos.

    In Latin American countries, some people-powered ousters are no longer fueled by moralistic dramas between soap opera bidas and kontrabidas.

    Ang usapin na sa kanila ay SAHOD at TRABAHO.

    Bumabagsak ang mga rehimen dahil sa talamak na economic crisis at gutom ang nagtutulak sa tao para magrally nang walang humpay at ang mga presidente ay napapalitan ng several times isang taon.

    TRADE UNIONS na ang motor ng mga ouster movements at hindi lang mga mababaw na political parties at alliances.

    Ang mga dramang Erap-GMA ay nagsisilbing maskara para ang makita lang ng tao ay bangayan lang ito ng mga ruling families na simpleng nag-aagawan lang ng poder, which is actually true, but the family feuds do not fully explain the crisis.

    Malapit na ang panahon na wala nang magagawa pa ang mga political parties at pulitiko na itago pa ang crisis sa likod ng mga presidential dramas.

    Ang magpapagana na ng political dynamics sa Pilipinas sa malapit nang panahon ay hindi na political causes, kung hindi SOCIAL CAUSES na!

    Magiging irrelevant or hindi na masyadong relevant kung mga loyalist pa yan ni Erap, ni GMA, Aquinos, de Venecias, Cojuancos and other "comebacking" families kapag ang mga labor unions na at mga farmers organizations na ang magtutungo sa kalye para paikut-ikutin ang mga sunod-sunod na rehimen na parang revolving door regimes ng Italya at France during their own social crises.

    Anyway, sige, ngayon, bangayan ng mga ruling families.

    Sa mga darating na panahon, ang mga IMF at World Bank policies na ang magiging obvious na dahilan ng krisis ng mga rehimen. Sa ngayon, nakatago pa lang at hindi pa masyadong pinapatulan ng mga political parties, kasi nakikinabang din sila sa katiting na surplus ng economic policies para maging fuel ng kanilang political machineries.

    Anyway, sa inyong mga naka-gets ng drift ng post na ito, I am sure, maiintindihan nyo.

    Pero kung hanggang ngayon ay personalistic politics pa din ang nakasanayan ninyo at fixated pa kayo na anti- or pro-this or that politician... oh well, huwag kayong mag-alala, malapit nang mabura ang lahat nang iyan sa radar screen ng utak ng masa, kapag talagang bumulusok na ang hindi maampat na economic crisis at hindi na sumusunod ang SAHOD sa PRESYO ng basic commodities

    actually, mas na-gets ng mga squatter na na-iinterview sa TV news when they say NAKU E KAHIT SINO NAMAN ANG IUPO MO DYAN, HINDI NAMAN KAMI NAHAHANGO SA KAHIRAPAN...

    o kita niyo, mas may political sense (perhaps political sophistication?) pa ang mga great unwashed grassroots jologs masa na down and out.

    world peace sa mga anti- at pro-

    :)
  • Gide0nGide0n PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^^^ ang haba naman! :D

    basta ako... anti-GMA, anti-erap, anti-lacson, anti-susan r.... kahit sino basta di sinungaling, mangugurakot, may takot sa Diyos at may kakayahang mamuno ng isang bansa.
  • I think this thread was started due to Susan Roces' stupid line (with matching twist and flick of the wrist) regarding GMA stealing the presidency twice. Yes, it divides to already unifying opposition in this regard.
  • AbulugAdventureAbulugAdventure PEx Veteran ⭐⭐
    I'm anti-Erap, Anti-Marcos, Anti-Gloria and partially anti-FPJ
  • Anti- Political Elites :-)
    Ibagsak ang rehimeng Arroyo at Ayusin ang nabubulok na sistema ng ating Bansa.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file