Home PEx Family and Society Family, Friends and Society

pls help po, lagi pong nahoholdap yung mom ko.

i don't know po kung san ko uumpisahan yung story ko. anyway po, kasi po ganito po, may store po kami sa may baclaran, dealer po kasi yung mom ko ng prepaid cards, yung mga transactions po, maramihan. anyway, nung mga last 2 years, pag may inuutusan po niya yung helper namin na magdeposit ng money sa bank, minsan po nahoholdap yung helper namin habang papunta sa bank, minsan, yung isang boy namin nasaksak sa thigh ng holdaper, kasi, para atang natitiktikan na yung store namin, minsan naman, inaabangan na dito malapit sa amin yung mga boy namin na inuutusan ng mom ko.

pero lately, last april 18 po, habang papunta po yung mom ko sa shop namin sa baclaran, bale nakasakay siya sa kotse namin, hinarang sila ng 7 na lalaki, lahat may baril, (ayon po ito sa kwento ng mom ko ha) so, nung kinukuha na yung bag niya, siguro pumalag ng konti yung mom ko, pinukpuk siya ng baril sa ulo nung isang holdaper. nagdugo yung ulo ng mom ko sa pagkapukpuk nung lalaki, kaya sa takot ay naibigay na niya yung bag niya, laman yung wallet niya, mga stocks ng prepaid, ilang cellphone ( pangautoload kasi). nung ask ko siya kung bakit hindi sila nagreport sa police, sabi ng mom ko, natatakot daw siya magreport sa police kasi baka raw itanong kung magkano nakuha sa kanya, tapos, perahan na siya. o di raw kaya, baka raw kasabwat yung mga police ng mga holdaper. in short po, wala po siyang tiwala sa mga police, siguro dahil na rin sa mga nababalitaan sa mga balita sa tv.

anyway, nito pong june 20 uli, nakasakay po sa kotse yung mom ko ppasok ng shop, hinarang na naman po yung sasakyan nila dito lang malapit sa bahay namin, this time 4 na lalaki, may mga baril, nakatutok daw lahat ng baril sa mom ko, ang sabi "pag hindi niyo binigay sakin lahat ng pera, kukunin ko ito" he was referring to my mom, na kukunin daw nila.

sa sobra takot namin, naghahanap na kami ng bahay na lilipatan pansamantala, kasi baka raw alam na yung bahay namin at pasukin na lang kami dito bigla at pagpapatayin. natatakot po talaga ako at naiinis kasi po wala kami magawa, ni wala po kaming mapagsumbungan. yung mga holdaper, para pong ginagatasan na lang kami. natatakot po ako na baka po isang araw kidnappin na lang ang isa samin o pasukin na lang kami dito sa bahay. gusto ko pong humingi ng tulong pero hindi ko po alam kung kanino lalapit. yung mom ko, takot sa lahat, at wala po siya tiwala sa mga pulis.

sana , maadvisan niyo po ako, natatakot po talaga ako. pero wala po akong magawa. kanino po ba dapat lumapit. ? at ano po kaya ang gagawin ko? sobra takot ko talaga. sana po matulungan niyo kami.

by the way, ask ko pala yung mom ko, kung natatandaan niya yung mga mukha nung mga holdaper, pero sabi niya hindi daw, hindi daw sila makatingin kasi nattakot daw sila kasi may mga baril daw. sana po matulungan niyo po kami.

Comments

  • ShinobiShinobi PEx Influencer ⭐⭐⭐
    I suggest na lumipat kayo ng bahay, somewhere na kayo lang ng family mo ang nakakaalam

    Make sure na hindi matitiktikan ng mga holdaper kung saan kayo lilipat.

    Kung maari din pati yung negosyo nyo ilipat nyo na ng location.

    Tsaka yung mga transactions nyo dapat talaga under the table, lalo na yung mga instances na mag wiwithdraw or magdedeposit kayo sa banko. madalas kasi talaga may tumitiktik na sa iyo ng hindi mo namamalayan.

    Minsan yung mga titiktik andun lang nakaabang sa labas ng bangko, hihintayin ka lumabas tapos susundan ka na.

    Yung courier nyo ng pera eh dapat talaga hidden yung identity at kayo lang ng family mo ang nakakaalam kung sino sya.

    Malay mo din kasi baka yung mga employee nyo sa store ang nagtitiktik pala sa mga holdaper kung kelan, saan, at kung paano magwiwithdraw or mag dedeposit ng pera.

    I suggest na magbalasa kayo ng mga employee nyo.

    Lastly, always have the presence of mind palagi, be aware of the people around you.

    Kaya mo yan! *okay*
  • Seek a security service provider. Respond to my message,baka maaring matulungan kita.
  • hi shinobi. tnx sa advice ha. i hope nga makayanan ko ito.

    hi vlegfanatic, pls tell me naman about dun sa security service provider...pls. tnx po
  • Nakakatakot naman ang istorya! Lumaki ako sa States since from high school kaya hindi ko alam kung papano mabuhay sa Pinas. Kung ganito ang buhay at business sa atin e di hindi na yata worth it to go back. Mali ba 'ko? Sana makakita kayo ng solution. Hindi ko alam ang mag-advice dahil I have no notion of reality there. I just want to say that you may seek wisdom through prayers and intimately and honestly ask kung ano ang importante and kung ano ang gusto ng Diyos para sa inyong pamilya. Expect an answer from God, it may not be what you think is needed or it may take some sacrifices but let God make that decision for you. We are innately religious and we all basically know right from wrong.
  • Suggestion ko lang, palitan mo lahat ng katulong at boy ninyo, pagtapos lipat kayo. Madaming matitinong katulong ngayon, pero madami din loko. Bakit sa tingin mo alam ng holdaper kung kailan kang may dalang maraming valuables?
  • baklitabaklita PEx Veteran ⭐⭐
    maaari ngang inside job ang nangyari sa mommy mo.
    dapat kung lalabas sya, kailangan prating may kasama.
    kyo-kyo laang ang makaalam kung kelan sya lalabas...
    hwag ipaalam sa iba...
    iwasan ang lugar na peligro...

    magdala ng payong... pangprotekta sa aso...

    aihihihi!!!

    baklita
  • baka naman mamahalin ang mga suot ng nanay mo kaya takaw-pansin..........o yung boy ninyo, baka inside job...
  • suggestions lang, palitan lahat ang katulong, bakit di niyo subukang kumuha ng katulong na mga malalapit na mga paryente, mahirap kukuha kung ang mga paryente nyo ay puro rin mga mayayaman kasi talagang aayaw yon. or para sigurado i eliminate nalang lahat ang katulong. kayo kayo nalang kasi kung maraming tao marami nang sabit sabit yan. at lilipat kayo nang ibang lugar na walang ibang nakaka alam na isang masikretong lugar. at base sa nabasa ko sa sulat mo,talagang marami kayong pera, how about maghire nang maraming bodyguard nalang ang mom mo,yon talagang expert sa laban na mga bodyguard. para may makakahanap na iyang mga walang kaluluwang mga holddaper na katumbas nila.suggestion lang sana naman i encourage mong mom mo na magtiwala naman sa ibang pulis. kahit naman papano makakatulong din sila. or kung hindi talaga magwork yan...mas mabuti pang mag stop nalang kayo nang inyong negosyo, para hindi na kayo mapo problema every labas niyo sa bahay niyo. kasi ano pang makukuha ng holdaper, huwag na ri kayong mag car. at huwag nang magdamit nang nakakagara talaga pwera lang sa party. tingnan lang natin kung hindi ba ma shock yang mga holdaper. sa tingin ko kaya nasanay yang mga kawata dahil walang aksyon yang mama mo. kaya yan ang mga paboritong biktima ng mga holdaper na yang mga taong hindi na matuto. dapat din ipakita ng mommy mo na marunong din siyang lumaban sa mga masasamang tao na yan.para di na sila masanay at dumami pa.kasi hanggat may mga tao na katulad nang mommy mo na napakabango para sa mga holdaper,siguradong dadami ang mga holdaper at marami pang mapwepwerhisyo. sana hindi ka ma offend. suggestion lang to....pero alam mo kahit naman marami ang nag aadvise sayo. at the end kayo naman talaga ang magdedecide kung anong mga nakakabuti sa inyo para sa seguridad niyo.
  • uptowngirluptowngirl PEx Veteran ⭐⭐
    Hi! My godfather has a security service. Maybe your mom would consider getting security.

    If you are interested, just PM me.
  • You could also have an aggreement sa BANK ninyo na i pick up ang deposit. Some banks have that service lalo na kung medyo malaki ang dine deposit ninyo.....
  • Also , never tell your plans sa kasambahay at katulong ninyo.. Yng iba iba ang oras ng pagpasok at pagsara ninyo... Dnt go directly home.. Dumaan muna kayo sa ibang lugar.. It will be easier looking for a new house than transferng to a new location of business kasi!
  • If the problem is indeed internal security (mga katulong) then that's the one that needs to get fixed before anything else. Kung hindi nila makuha ang pera sa labas, papasukan nalang nila kayo. Replacing all your maids is cheaper than any of the above suggestions.

    Palakas ng palakas ang loob nila, the final outcome won't be pretty.
  • I think memorize na rin nung mga holdaper yung plate number at hitsura ng kotse nyo.
  • Bro, mukhang cycle na yan ng mom mo ha. Marami siyang overts and withholds. I suggest call up Mr. Al Montano at 7210521 para she can be helped at di na sha mahoholdap. NO ONE CAN HARM A CLEAN HEART! No need to replace maids, boys, houses, and cars. GUARANTEED YAN! Take my word for it.
  • kit7kat wrote:
    Bro, mukhang cycle na yan ng mom mo ha. Marami siyang overts and withholds. I suggest call up Mr. Al Montano at 7210521 para she can be helped at di na sha mahoholdap. NO ONE CAN HARM A CLEAN HEART! No need to replace maids, boys, houses, and cars. GUARANTEED YAN! Take my word for it.

    Taga Church of Scientology rin ba yang Mr. Al Montano na yan? :bop:
Sign In or Register to comment.