Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread misinformation.

"Hairbrush ni Korina Natagpuan, Tita Mel Nakipagharbatan"

bluexy84bluexy84 PEx Influencer ⭐⭐⭐
Ito ang sequel sa pinakaunang PEXeryeng pinamagatang "Hairbrush ni Korina Nawawala, Tita Mel Tuwang-tuwa" kung saan natunghayan kung paano ba nagsimula ang away nila Tita Mel at Korina.

[buod]
Noong kasagsagan ng TV Patrol kung saan lead anchors pa sila Noli De Castro, Mel Tiangco, Angelique Laso, at Ka Kiko Evanglista, si Korina ay isa pa lamang hamak na estudyante ni Tita Mel. Paminsan-minsan ay inuutusan niya itong gumawa ng kape para mainitan ang kanyang sikmura.

Lumipas ang mga araw at napansin ni Mel na parang gumaganda na ang takbo ng career ni Korina at napansin din niya na gumagaling na ito sa larangan ng newscasting.

Minsan ay sinilip nito si Korina sa kanyang dressing room at nakita nito si Korina na kausap si Loren Legarda at ipinagmamalaki ang hairbrush.

Korina: Look, Loren. Ito ang hairbrush na nagpapaganda sa aking buhok gamit ang aking spraynet. Hay, at ito ang sikreto ng aking gumagandang career!

Loren: How nice, iha, sige ituloy mo iyan at for sure ilalagay ka rin sa TV Patrol.

Agad napalunok si Mel at inisip nito na kailangan niyang makuha ang hairbrush. Nagwagi si Mel na makuha ang hairbrush at dahil dito ay nanlumo si Korina. May nakapag-tip naman kay Korina sa kung sino ang may hawak ng hairbrush niya sa katauhan ni Jay Sonza na napagsabihan ni Mel ng kanyang sikreto.

Naikwento ni Korina ang mga nangyari kay Loren.

Isang araw, nais ni Loren na gumanti kay Mel para sa kaibigang si Korina. Muntik na ma-late sa TV Patrol si Mel mula sa shooting ng kanyang Tide commercial kaya nagmamadali nitong tinawag si Korina upang magpatimpla ng kape.

Nang malingat si Korina ay nag-spray ng spraynet ni Korina si Loren sa kape na itinimpla kay Mel. Nang inumin na ito ni Mel ay agad sumakit ang tiyan nito.

Ilang minuto na lang at eere na ang TV Patrol at kinakatok na ng ilang staff si Mel sa banyo ngunit hindi ito makalabas dahil sa sumama ang kanyang tiyan.

Loren: Excuse me, si Korina ay prepared at pwede munang siya ang ihalili kay Mel habang nasa CR pa ito. Besides, isusuplong ko pa sa execs na gumawa ng Tide commercial itong si Mel at bawal iyon.

Kaya si Korina ang isinalang noong gabing iyon sa TV Patrol at nagustuhan ng taong bayan ang feedback.

Naospital si Mel at nagngingitngit ito dahil na-suspend siya at hindi nya alam kung sino ang nagsumbong tungkol sa Tide commercial. Lumipat siya sa kalabang istasyon.

At doon nagsimula ang harbatan ng hairbrush na tinutukan ng buong PExers.
***

At ngayon, na napasakamay na ni Korina ang kanyang hairbrush, alamin ang mga bagong kabanata sa kanyang buhay at kung paano muling haharbatin ni Mel ang hairbrush na pinagsimulan ng lahat, pati na rin ng mainit na TV NETWORK WAR.
«13456797

Comments

  • bluexy84bluexy84 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^^ ahihihii... calling prettyangelpatty, at yung iba ko pang co-writers dati, help me with this sequel ha?! heheheh. buhayin natin ang kauna-unahang PEXerye sa Pilipinas!
  • bluexy84bluexy84 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Chapter 1 - Simula Ulit ng Harbatan

    Kasalukuyang nagpapahinga si Korina matapos niyang gawin ang kanyang mga segments sa Rated K. Nag-ring ang kanyang cellphone at sinagot niya agad dahil ang tumatawag ay ang kanyang bestfriend Kris Aquino.

    Korina: Oh, hi Kris!

    Kris: Naku ha may nabasa na naman akong negative write up sa iyo! Na-blind item ka mare!

    Korina: Ows, talaga? Well for sure halata na namang ako noh? O talagang number 1 chikadora ka lang at alam mo agad na ako nga iyon?

    Kris: Well, mataray daw!

    Korina: Oy ha grabe di lang ako ang mataray!

    Kris: Korek! Alam mo naman andyan pa ang bitter mong lola di ba?

    Korina: Ano ka ba magbigay-galang sa matanda ha!?

    Kris: Uhm, anyway, kamusta naman ang hairbrush mo with diamond sprinkles all over? Ok naman ba?

    Korina: Well, heto at guess what!? Hawak hawak ko siya ngayon! Hay, parang ayaw ko nang bitawan pa ang hairbrush kong ito dahil baka maagaw na naman!

    Kris: Well ganyang talaga!

    Hindi nila alam ay naka-tap pala ang tawag na iyon. Sa office ni Tita Mel ay enjoy na enjoy ito sa pakikinig sa phone conversation nila Kris at Korina.

    Mel: Hum! Akala mo lang! Di magtatagal ay mapapasaakin na muli ang hairbrush na iyan! Akala mo! Grrr! Nakakainis talaga!

    Bumukas ang pinto ni Mel at pumasok ang partner niyang si Mike. Agad pinatay ni Mel ang speakerphone para hindi malaman ni Mike ang kanyang ginagawa.

    Mike: Ano ang ginagawa mo diyan? Mukhang may ginagawa ka na namang hindi maganda? Tandaan mo, hindi kita tatantanan!!!

    Mel: Ano ka ba naman partner, ako ang iyong Kapusong totoo.

    Mike: Ok, at sana naman wag mo nang asamin na maharbat ang hairbrush na iyon. Una sa lahat, wala na si Korina sa TV Patrol kaya hindi na kayo magkatapat.

    Mel: Ano ka!? Hindi pwede! Naiinggit ako sa hairdo ni Korina at ako lang ang may karapatang mabigyan ng magandang hairdo! At ang hairbrush lang na iyon ang makapagbibigay ng kasiyahan sa akin!

    Mike: Ok bahala ka. Aalis na muna ako at may iimbistigahan lang sandali.

    Sa bahay ni Korina, nagulat siya nang may mag-doorbell sa kanyang gate. Hawak, ang kanyang hairbrush, lumabas siya ng bahay at nalaman niya na ang bisita niya ay si Jessica Soho.

    Korina: At ano ang ginagawa mo dito?

    Jessica: Ano pa ba!? Uhm!

    Agad kinuha ni Jessica ang hairbrush at tumakbo ito papalayo.

    Korina: HINDEEEEE....

    Nang nasa may kanto na si Jessica ay dumating ang isang taxi na minamaneho ng isa ring medyo katabaang tao - si Arnold.

    Korina: Humanda kayo!!! Palibhasa hindi nyo ako kinabog sa pagtulong ninyo sa dati kong katulong!!! Huhuhuhu

    Walang nagawa si Korina kundi ang manlumpasay sa kanyang gate. Samantala, dumating si Ted Failon upang sana ay bisitahin si Korina.

    Ted: Korina? Ok ka lang ba? May kasama nga pala ako na gustong makipag-usap sa iyo. At susunod din pala dito si Julius at isa pang panauhin.

    Korina: Wala ako sa mood ngayon. Ted, nawala muli ang aking hairbrush!!! Alam mo na ang hairbrush na iyon ang aking buhay!

    Ted: Korina, ano ka ba? Enjoy your blessings!

    Korina: Marami na akong pinagdaanan sa hairbrush na iyon. Naging sirena ako, naging superhero, nakilala ko ang future na anak namin ni Mar na si Marina (Mar + Korina), at kung anu ano pa. Di ako pwedeng mag-give up.

    Ted: Ok sige pero bago iyan kasama ko dito si Karen Davila. Nais niyang magkausap kayo. Pinilit niyang isama ko siya dito.

    Tinawag ni Ted si Karen.

    Karen: Hi, Korina. Alam mo I felt bad talaga sa nangyari ngayon. And I would also like to say sorry for all the pain I have caused in the past.

    Korina: K-ka-karen...

    Niyakap ni Korina si Karen at napaiyak ito. Gayun din si Karen. Di niya inaasahan na yayakapin siya ni Korina. Maya-maya ay bumusina na si Julius at nagulat si Korina dahil kasama nito Charo Santos-Concio sa sasakyan.

    Charo: Hi Korina! It's a pleasure na ako ang magsasabi sa iyo ng sorpresang ito. Good thing andito na si Ted at kasama pa si Karen.

    ***
    Ano ang sorpresang iyon ni Charo kay Korina at kasama na sila Ted, Julius, at Karen?
  • bump ko lang...exciting ito... :lol:
  • bluexy84bluexy84 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    aheheh. feel free to make new chapters ha! basta wala lang sexual violence... ok
  • bluexy84bluexy84 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Chapter 2- Son of a Gun, Smells like the Sun!

    Pumasok sa bahay ni Korina sina Julius, Ted at Karen kasama si Ms. Charo. Bagamat lungkot na lungkot si Korina ay naramdaman niyang isang magandang balita ang dala ni Charo.

    Charo: Well, Korina, let me get straight to the point. I want you to come back to TV Patrol.

    Korina: Wait, sure na ba kayo?

    Ted: We would always love to have you back.

    Karen: And I will humbly step aside kung mamarapatin mong bumalik sa iyong program.

    Korina: No, Karen, alam mo namang love na kita ngayon. Ilalagay kita sa Star Patrol o kaya sa Ronda Probinsiya ok lang ba?

    Karen: Hay naku kahit sa Kwento ni Marc Logan pa!

    Julius: Ok ah. Oo nga pala, Ma'm Charo, kailan babalik si Korina?

    Charo: Well, effective tonight. Ok? O sige may meeting pa kami sa office. I just wanted to tell Korina personally ang balak ng management. O be ready ha. Bye.

    Umalis na si Charo, at sumabay na dito si Karen at Julius. Naiwan ang close friend ni Korina na si Ted.

    Ted: Buti naman at ok na kayo ni Karen.

    Korina: Wala yun.

    Alas-5 ng hapon at naghahanda na ang lahat para sa kanilang newscast. Sa set ng 24 Oras ay nagulat si Mel dahil nakita niya si Jessica at Arnold sa likod ng cameraman.

    Jessica: Hi bestfriend Carmel Tiangco! May surprise kami ni Arnold sa iyo!

    Arnold: Tama, kung hindi man namin natalo si Korina thru her katulong, heto at ibinibigay namin sa iyo ang kanyang hairbrush!

    Mel: Ahhh yan nga ang hairbrush na iyon! Tandang-tanda ko ang diamond sprinkles all over na iyan na kahit nasa dilim ay makikita mo ang hairbrush!!! Thank you talaga!!!

    Arnold: Ooops, di yan ganun kadaling makuha. Syempre we need you to do us a favor.

    Mel: Ano yun?

    Arnold: Gusto naming mag-leave kayo ni Joey sa program ninyong Mel and Joey. Gusto naming mag-take over sa program at palitan ang title na Partners Jessica and Arnold. Ok?

    Mel: Hah!?

    Arnold: Ok so amin muna itong hairbrush.

    "SANDALI!"

    Isang sigaw ang narinig mula sa sulok ng set. Si Pia Guanio ito.

    Pia: Well nasa inyo na naman pala ang hairbrush na iyan. Arnold, ibigay mo sa akin yan.

    Arnold: Pero...

    Pia: Kapag hindi ninyo ibinigay sa akin yan, negative exposure ang ibibigay ko sa inyo sa Chika Minute! At blind item ang aabutin ninyo sa Chona Chikadora this Sunday! O ano?!

    Walang nagawa si Arnold kundi ibigay ang hairbrush kay Pia.

    Pia: Hahahaha! Ako na ngayon ang may magandang career! Well, tita Mel, ibibigay ko sa iyo ito KUNG ako ang magiging lead anchor with Mike tonight at ikaw ang sa Chika Minute. Ngayong gabi lang naman e. Game?

    Mel: Oo, sige, para sa hairbrush na ito gagawin ko! Sige akin na ang script mo para mapag-aralan ko na ang mga chika natin tonight.

    Pia: Oops, tita Mel may live spiel ka ngayon around 5:40pm ha para teaser mamaya ok? Prepare ka na. I will read muna the headlines sa aking dressing room ok?

    Mel: Akin na ang hairbrush!

    Pia: Well, hindi pwede. Mamaya na.

    Samantala, sa ABSCBN compound naman ay abala si Korina dahil hindi pa pala natuyo ang kanyang gagamiting dress Kinakausap ni Korina ang kanyang katulong.

    Korina: Ano ka ba naman? Bakit dito mo kasi pinapatuyo ang damit ko sa loob e di mabaho yan pag hindi naarawan!

    Isang matanda ang pumasok sa dressing room ni Korina.

    Lola: Ano ka ba, kahit di maarawan, amoy pinatuyo yan sa araw!

    Korina: Talaga? Sige nga.

    Inamoy ng matanda ang damit at sabay sabing,

    Lola: Son of a gun, smells like the sun! Ganyang ang labang Surf!

    Korina: Ah ok lola tama na po ang advertisement. The last time nagkaroon ng soap endorsement ang isang kilalang TV personality na sikat noon eh natanggal siya sa network na ito.

    At sumalang na sila Korina, Ted, at Julius sa TV Patrol World kasama si Karen sa Star Patrol. At sa kabila naman ay sila Mike at Pia sa 24 Oras kasama si Mel sa Chika Minute.

    ***
    Sino ang aariba sa ratings? Sino ang mas magaling sa showbiz segment? Si Karen Davila sa Star Patrol? O si Mel Tiangco sa Chika Minute? Abangan!
  • wow! what a nice story!
  • bluetheherobluethehero PEx Veteran ⭐⭐
    di ko kinaya ito!! hahaha, syempre panalo si karen kay lola mel sa showbiz.

    dapat parte ng kwento ay ipapadala si lola mel sa iraq to cover

    mga korina supporters:

    Have you guys seen Startalk's first edition of Da Who yesterday [April 30, 1005]. Grabe ha, halatang si Korina Sanchez ang tinutukoy. Kesyo ayaw daw sa kanya ng mga taga Naia. Tawagin ba raw "Miss Naia!" Sya na nga tong nasiraan at nahiwaan [as in major hiwa-hiwa] sa maleta nya tapos gagawan pa ng ganung material?? Hay... Startalk talaga! Tapos sinabi raw ni Korina na "hindi nyo ba ako nakikilala??" Tapos duwag naman magbigay ng clue, ang layo naman ng "Miss Naia!" sa name nya, pero obvious naman nang gumawa sila ng ridicule sa tagline ni Korina na "handa na ba kayo?"

    Ok sana na ipresent yun as material for Da Who Segment, kaso di man lang nila naisip na ang mga officials ng airport at ung president ng PAL e nagbigay ng public apology kay Korina Sanchez for all the inconveniences that Korina experienced. And granting na mataray nga si Korina, halatang one-sided ung presentation ng segment, ni di man lang na-feature dun ung kapalpakan ng NAIA at PAL. NABIKTIMA LANG SI KORINA NG KAPALPAKAN NG NAIA AT PAL!!

    And talking about fairness, sobrang tagal na ng pangyayaring ito, before pa ito ng laban ni Manny Pacquiao! Bakit ngayon lng na-air??? E tagal nang settled na itong isyung ito! Dahil ba they run out of material to feature? Ang lakas ng loob ng isang walang kredibilidad na talkshow na banggain si Korina Sanchez!
  • bluexy84bluexy84 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    bluethehero: sige ilalagay natin iyang Iraw na yan. ahahah! pero feel free pa rin to write a chapter if you want to. aheheh di ko naman sinusolo ang pagiging author ng PEXeryeng ito. help me to make this PEXerye a successful one!
  • bluexy84bluexy84 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Karen Davila: STAR PATROL
    TV Patrol World

    -vs-

    Mel Tiangco: CHIKA MINUTE
    24 Oras

    ABANGAN ANG BAKBAKAN OF THE NEW MILLENNIUM!
  • funny to ah!!!! kaya lang, its so long kaya next time ko na lang babasahin ulit.
  • bluexy84bluexy84 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Chapter 3 - Ang Pagbabalik ng Orig na Twin Sisters

    Patapos na ang dalawang news program kaya isinalang na sina Mel at Karen sa kani-kanilang entertainment segments. Inaabangan ng mga staff ng bawat programa kung sino ang aariba sa ratings.

    Agad tumawag si Ted sa AGB upang padalhan ito ng official ratings. Gayun din ang ginawa ni Mike.

    Maya-maya pa ay dumating na ang resulta:

    24 Oras - 28.7%
    TV Patrol - 28.3%

    Nag-uusap si Korina at si Ted tungkol sa pagkakatalo pa rin nila sa ratings.

    Korina: Sabi ko na nga ba e, hindi pa rin ako swerte dahil wala sa akin ang aking hairbrush! At iyon ay nasa bakuran ng GMA!!!

    Ted: Koring, ano ka ba? Wala sa hairbrush ang iyong kapalaran.

    Korina: Hindi, paano ko gagawin ang aking waging hairdo? Paano ang aking esponghadang buhok? Nakakainis.

    Lumabas na si Ted sa dressing room ni Korina. Maya-maya ay biglang may pumasok sa loob ng dressing room.

    Korina: D-do-doris Bigorn...

    "Sssh! Gagah! Si Susan Enriquez to noh!"

    Korina: Uhm, sorry kasi magkamukha kayo e. Teka, paano kang nakapasok dito?

    Susan: Well, ano pa nga ba? Eh di naman halata dahil akala nila eh ako si Doris. Nandito ako dahil gusto kitang tulungan na makuha ang hairbrush na iyon. Nakakainis kasi. Yun ang usap-usapan sa amin, at tatanggalin nila ako sa aking programa dahil ipapalit ang Kay Pia Tayo! Nakakainis talaga noh. Di pwede!

    Korina: You mean ang hairbrush ko ay na kau Pia?

    Ilang sandali pa ay pumasok na si Doris. Nag-usap silang tatlo kung paano tutulungan ng dalawa si Korina.

    Korina: Heto ang aking cell number, Susan. I-text mo ako agad ha?

    Doris: Ano ka ba Korina, ako ito! Alam ko number mo no.

    Korina: Ay, sorry. Well, Doris ito ang susi ng gate namin sa likod ng bahay. Feel free to go there anytime. I trust you naman e.

    Susan: Ano ba!? Ako si Susan noh!

    Nairita si Korina kaya tumayo ito at nagpunta sa drawer at tila may isinulat. Lumapit ito sa dalawa at may idinikit sa mga dibdib nito.

    Korina: Ayan ang mga name tags at gusto ko ay isuot nyo lagi yan tuwing haharap sa akin at nalilito talaga ako.

    Susan: Ok. Sige now here's the plan. Sumama ka sa amin ngayon at dadalhin ka namin sa tuktok ng GMA Network Center at ikaw na mismo ang humarap kay Pia. Back up mo kami. Ok?

    Korina: Pero paano?

    Tumayo sila Susan at Doris at pumuwesto na para bang mga Sailor Soldiers.

    Susan: Parurusahan natin sila...

    Doris: Sa ngalan ng Twin Sisters!

    Susan: Ako si Nasus!

    Doris: At ako si Sirod!

    Korina: Wow! Ok. Sige tara na.

    At inilipad na nga ng Twin Sisters si Korina patungo sa roof top ng GMA Network Center. Nagbalik na sa taong anyo si Susan. At si Sirod ay maghihintay na lang kay Korina muli sa rooftop.

    Susan: Sumunod ka sa akin Korina. Isuot mo itong maskara na ito. Kunwari ay ikaw ang aking special guest para special make over challenge ng Kay Susan Tayo. Ok?

    Korina: Ok. Naku ha. Humanda ka sa akin, Pia.

    ***
    Ano ang gagawin ni Korina sa unang paghaharap nila ni Pia, na siyang may hawak ng pinagkakaguluhang hairbrush with diamond sprinkles all over? ABANGAN!
  • bluexy84bluexy84 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    funny to ah!!!! kaya lang, its so long kaya next time ko na lang babasahin ulit.

    lalo kang mapag-iiwanan ng story sige ka hahehehehe...

    ma-mi-miss mo ang pinakaBAGONG PEXerye na sequel ng pinakaUNANG PEXerye sa balat ng daigdig! hehehe
  • bluexy84bluexy84 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^^ taas ko lang
  • nabuhay na naman ang thread na ito!

    asan na kaya sina prettypatty, dyowanirainier and company?!

    ang inaabangan na PEXserye!

    from the makers of ...

    "Hairbrush ni Korina ... Nawawala! Tita Mel ... Tuwang-tuwa!

    nagbabalik na ang inaabangan ng lahat!

    "Hairbrush ni Korina Natagpuan, Tita Mel Nakipagharbatan"
  • panalo to! di ko kaya tong thread na to! kwela talaga to....waaaahh can't wait for another epsiode...
  • bluetheherobluethehero PEx Veteran ⭐⭐
    ok, here's my version of the continuation

    Chapter 4 - Ang Muling Paghaharap ni Korina at Mel

    Umalis na patungong GMA Network Center sina Korina, Susan at Doris lulan ng GMA OB-Van. Sa loob ng OB Van ng GMA...

    Korina: Hay, bakit ang OB Van nyo Susan, walang kwenta? Ang pangit ng facilities nyo, tapos gumagamit pa kayo ng generator. Ano ba yan?

    Susan: Aba! Ikaw na nga itong tinutulungan e nagmamaasim ka pa?

    Doris: Ano ka ba Susan! Sabi nyo wala kayong kasinungalingan? Pero bakit ayaw nyong tanggapin na walang kwenta ang OB Van nyo?

    Korina: At ang poor nyo pa kasi wala kayong chopper! May helipad pero walang chopper!

    Susan: Gusto nyo bang manalo sa ratings o ano?

    Doris: O sige, panalo ka ngayon!

    Susan: Narito na tayo.

    Pagdating ng GMA Network Center ay di na nagawang magdisguise ni Korina kaya pumasok agad ito ng GMA Newsroom. Sa bungad nito ay nakita nya si Marissa Flores, isang opisyal ng GMA News.

    Marissa: Well well well, look who's here.

    Korina: Paraanin mo ako kung ayaw mong malaman ng buong mundo na umaasa kayo sa hairbrush ko! Asan si Pia?

    Marissa: Aba malay ko.

    Korina: Isa...

    Marissa: Nasa opisina ni Mel.

    Susan: Naku, baka ibibigay na ni Pia ang hairbrush kay Mel!

    Doris: Tara na!

    Marissa: Aba Susan, gusto mo rin bang matulad sa kapalaran ni Bernadette Sembrano? Kung ayaw mo, huwag kang makialam!

    Korina: Hindi bale na Susan, kami na ang bahala.

    Sumugod na si Korina sa GMA Kapuso Foundation Office, kung saan kasalukuyang naguusap si Mel at Pia.

    Samantala...

    Pia: Panalo tayo sa ratings Mel! Mukhang ako pala ang makakatalo kay Korina Sanchez.

    Mel: In your dreams Pia! Alam ko magaling ka, pero umasa ka lang sa hairbrush. At hindi pa pinapanganak ang successor ko kaya wag ka muna managinip ng gising!

    Sabay...

    Korina: Talagang wag kayong mangarap ng gising, dahil narito na ako, ang inyong bangungot!

    Mel: Aba! Talagang wala kang modo! Akala mo kung sino ka na? Samantalang taga-timpla ka lang ng kape ko noong araw?

    Korina: Eh ano ngayon? E sino kaya satin ang mayabang? Hello? Figures will show that YOU ARE NOT MY COMPETITION, but Mike Enriquez is when he joined 24 Oras, and Joey De Leon when he joined you at your lame sunday show. Samantalang hinihigop mo lang ang powers mo mula sa hairbrush ko! Kaya ibalik nyo na sakin ang hairbrush.

    Pia: [ginamit ang celfone!] Nelson Canlas, Lar Santiago, punta kyo rito sa kapuso foundation office, magsasabong si Mel at Ko... [sabay agaw ni Korina ng celfone at ibinagsak].

    Korina: Talagang sinusubukan nyo ko ha? Asan na ang hairbrush ko!

    Mel: At bakit ko sasabihin? Akin na ito MAGPAKAILANMAN!

    Korina: Sige, gusto mo kong subukan ha?

    Pia: Sandali lang Korina, alam ko kung nasaan ang hairbrush. Subalit sa isang kondisyon...

    Korina: Ano yun?

    Pia: Ibalik nyo ako sa ABS-CBN at gawin nyo akong anchor ng Star Patrol.

    Samantala, nakatanggap ng tawag si Korina mula kay Luchi Cruz-Valdez.

    Luchi: Korina? Asan ka ba? Inuutusan kitang pumunta sa Las Vegas upang makapanayam si Manny Pacquiao at icover ang laban nila ni Morales.

    Korina: Sandali lang! May inaasikaso pa ako!

    Luchi: Aba, pinagtataasan mo ko ng boses? I demand that you see me in 15 minutes, kung hindi, ibibigay ko ang exclusive coverage and interview sa iba? Kay Karen o kaya kay Bernadette?

    Korina: Alam mo Luchi, bastos ka! At talagang sa mga GMA recruits mo pa balak ibigay? Pupunta na ako dyan! [sabay baba ng celfone]

    Mel: Hahahaha. Kawawa naman, mga dating kapuso pala ang nagrereyna-reynahan sa ABS-CBN News.

    Pia: Sandali, tutal nasa akin na ang hairbrush, ako ang magbibigay ng kondisyon. Mel, Korina, kung sino ang unang magbibigay ng sagot sa iaalok ko, sa kanya mapupunta ang hairbrush.

    Korina and Mel: Ano???

    Pia: Kung sino sa inyo ang handang i give-up ang kanilang mga shows at papayagang ako ang maghost ng isang episode, sa kanya ko ibibigay ang hairbrush. Korina, kung gusto mo ng hairbrush mo, ako dapat ang magiging host ng Rated K. Mel, kung gusto mo naman na sayo mapunta, ako dapat ang magiging host ng Magpakailanman. Di bale, isang linggo lang naman e.

    Korina: Ano namang kalokohan yan Pia?

    Pia: Aba Korina, wag ka magtaray, baka nakakalimutan mo kailangan mo agad sumagot, dahil kailangan mong bumalik sa ABS-CBn in 15 minutes, kundi ibibigay ni Luchi ang exclusive coverage mo kay Pacquiao sa iba! Kaya ano?

    ---
    Ano kaya ang isasagot ni Korina? Papayag kaya si Mel na mapunta kay Korina ang hairbrush? Sino ang magpaparaya sa gusto ni Pia? Abangan sa Chapter 5!
  • hahahahhaha! kakatuwa to!
  • sali ako... :naughty:
  • aba may version pa ....

    kakatuwa ang thread na ito

    :)
  • bluetheherobluethehero PEx Veteran ⭐⭐
    bluexy84: oy parang may sablay ung Chapter 1, panong nakatakbo si Jessica Soho e ang taba nya as in? Hehehehehe. dugtungan tayo ng Pexeryeng ito. Actually, dahil sa thread na ito. Nakakaisip tuloy ako na gumawa ng Fantapexerye. Hehehe. Antayin nyo lang ha. Baka may laban si Darna at Krystala if ever. Hehe. Or pede ring gumawa ako ng Chikapexerye, ang cast naman ay lahat ng mga showbiz talkshow hosts. Help tyo sa isa't isa.
Sign In or Register to comment.