Home PEx Campus The Academe

hoi kayo ....oo kayo nga.....kayo na hinde taga-La Sallle, Ateneo, UST, UP....

Hoi kayo.....oo kayo nga....kayo na hinde taga-la salle, ateneo, ust, up....ano ba feeling nyo tungkol sa mga private skul na nabanggit....bat sila nag-papataasan ng pride?, bat ba sila nag-papatalbugan?, bat ba sila nag-aaway?

di ba dapat dito sa PeX dapat nagkakaintindihan, di porke't taga la salle ka, ateneo ka, ust ka, o up,eh mag hahariharian ka na. cguro naman di ginawa itong PeX para maging bunga ng argumentasyon o pagtatalo o pagaaway, cguro ginawa ito para makapagpalitan tayo ng mga kuro-kuro hingil sa mga bagay-bagay na may kabuluhan.


paano naman tayong taga-ibang eskwelahan wala na ba tayong karapatang matuto ng mga bagay-bagay hinggil sa makabagong mundo, kung tutuusin parepareho naman tayong kumakain ng kanin, umuinom ng tubig, at nagsusuot ng damit, yun ngalang marahil sila mamahalin pero kung tutuusin ala naman talagang pinagkaiba iyun, halimbawa nalang sa damit, oo ngat naka RL sila pero yung tela nyan galing din sa tela ng damit nating mga salat sa yaman, sa tubig parepareho namang galing yan sa NAWASA at yung kinakain nila oongat mas mahal kesa sa kinakain natin pero parepareho lang nating TINATAE yan (di naman po cguro ako nakakabastos no) sa lang naman eh wag nilang balewalain ang karapatan nating mahihirap, bakit mas marami tayong mahihirap kesa sa mga ALTA DE CIUDAD na yan...........

Comments

  • Sapagkat patuloy na mamaliitin ng mga mayayaman ang mga mahihirap. Mababakas mo ito sa karamihang sinasabi ng ibang PExers dito - kung galing ka ng probinsiya, sa isang paaralang publiko ka nag-hayskul, at mahirap ka, ang edukasyong kaya mo lang ay iyong hindi mabubutas ang iyong bulsa. Kung hindi ka makakapag-aral sa mga mamahaling pamantasan ay humanda ka sa pasaring nilang mapang-api at puspos ng kasinungalingan.

    Mas marami pa ring mahihirap sa Pilipinas, kaya mas marami ka pa ring kakampi.

    §inned™
  • gawa ka ng WEBPAGE account sa TK, its free. then invite the people from FEU, UE, CEU, PUP, Samson INstitue, AMA, TUP...etc...
    and oh, dont forget to send invites to some Thomasians and Taeneans. :)
  • Originally posted by reyna_elena
    gawa ka ng WEBPAGE account sa TK, its free. then invite the people from FEU, UE, CEU, PUP, Samson INstitue, AMA, TUP...etc...
    and oh, dont forget to send invites to some Thomasians and Taeneans. :)

    You Loser "bobo" la sallian
  • At heto nanaman si Reyna_Elena.....

    Ang tao ay may sariling pagpapasya. Hindi ito basta nagpapadala sa sinasabi ng ibang tao, ngunit pag ito ay nasaktan at ang kanyang pagkatao ay nayurakan, hindi ito magdadalawang isip na magpalit ng anyo at lumaban. Ang tao ay hindi perpekto, and Diyos lang ang perpekto kaya lahat tayo ay may kakayahan, sinasadya man o hindi, na maging mayabang at mapagmataas.

    Sa aking palagay ang pagpapataasan ng apat na pamantasan ay nagbuhat sa iba't-ibang larangan. Sa isports, akademiya at sa mga "kwestyonableng" rekognasyon na natatanggap nito.

    Sa totoo lang hindi ko alam kung pano ko ipagtatanggol ang apat, sa bagkat sa kabilang banda ay naiintindihan ko sila...

    Bilang pagtatapos, gusto ko lang ibahagi na ang UST at ang kanyang mga estudyante "SA TOTOONG BUHAY" ay hindi kailanman naging mapagmataas kahit sa anumang larangan. Kung susuyurin ninyo ang aming pamantasan at tatanungin ang bawat estudyante kung ano ang palagay nila sa mga taga UP, ATENEO at LA Salle... Siguradong madami ang magsasabing MAGALING ang mga pamantasang ito ng walang halong pagkukunwari.... Marunong kami rumespeto sa kapwa naming magagaling at matatalino ngunit marunong din kaming lumaban pag kami ay tinatapakan.

    Sabi nga nila masyadong walang pakialam ang UST sa mga nangyayari sa labas siguro dahil narin sa masyado lang kaming masaya na hindi na namin kailangang mang-usig o mang-kwestyon o makisawsaw pa sa magulo at madumi nating mundo.... After all You must make careful plans before going in a battle coz the more careful your plans are the more likely you are to win....(Sorry hindi ko matagalog eh!)
  • neni0hkneni0hk PEx Veteran ⭐⭐
    nakakatakot nga mag react minsan dito sa PEx kasi may biglang isang tao dyan na ikocorrect ung grammar mo, mamatahin ung content ng post mo, pipintasan ang skul mo na hindi ko naman alam kung bakit nila ginagawa. siguro kung meron silang sinasabi rito tungkol sa university nila, that is something we should be all proud of kasi lahat naman un eh triumph ng mga pilipino. at leat UST, UP, Ateneo, and La Salle are schools we can be proud of. meron pa diyan sa buong pilipinas, hindi lang masyadong naeexpose. ung mga nagtatop sa board tulad ng Bulacan State U yata and Batangas State U. galing nila noh...mabuti rin naman ang rivalry ng students ng four universities na to kasi di ba para mapatunayan nilang sila ung best, gagawin nila ang lahat- pipiliting ipanalo ang mga competitions, mag top sa board and all pero hindi natin ilaglag ang isa't isa just to prove na tayo ang nangunguna. ako, hidni ako nag post ng bashing sa kahit anong skul, (i am a thomasian), pinagtatanggol ko lang yung mga maling assumptions and judgments nila sa school ko.
  • Allan wrote:

    "Bilang pagtatapos, gusto ko lang ibahagi na ang UST at ang kanyang mga estudyante "SA TOTOONG BUHAY" ay hindi kailanman naging mapagmataas kahit sa anumang larangan. "

    Some pexers from UST are opposite of what was described above. I'm basing this on their posts, but they are probably the minority rather than the norm.

    But then again, I could be wrong. Peace.
  • Originally posted by nla
    Allan wrote:
    Some pexers from UST are opposite of what was described above. I'm basing this on their posts, but they are probably the minority rather than the norm.

    But then again, I could be wrong. Peace.

    may point ka dyan, all schools have their own bad apples

    pero yung iba nagpapanggap lang na tiga-ust, tiga-ateneo,
    tiga-la salle etc.
  • Sobrang nakaka-LUHA naman itong thread na ito, parang nagkaintindihan ang mga nag POST. Sana lang ganito ang lahat ng thread, I'm a thomasian, a newest member of PEX though I have heard a lot of school bashing here at PEX.

    I would just like to share this to everyone here at PEX and maybe something you could ponder on as you move on with your lives...

    If there's light in ones person
    there would be beauty in ones home
    If theres beauty in ones home
    there would be order in ones nation
    If theres order in ones nation
    then there would be peace in this world...

    I cant clearly remember the lines but these are some I can still recall...
  • the reyna_elena creature is the living proof that there is balance.
    :D
  • itigil na kasi ang pagpapanggap.. :)

    magpakatotoo kayo!!

    PEACE!!
Sign In or Register to comment.